Alyana's PoV
Nakauwi kami sa may Mandaue City mga 11 na nang tanghali. Hindi na nga ako nakatulog pang ulit e, baka next week pa ako makatulog sa tagal kong natulog nung kanina. Tsk!
Si Mom ito nakapatong ang ulo sa may braso ko at humihilik na. Lakas di na nahiya sa mga kasama namin sa Uvexpress nato a!
Sabagay nakakapagod naman talaga yung byahe namin lalo na sa kanyang di nakatulog nung ako yung tulog, 24hours pa man din yun.
Eksaktong 11:30am na kami nakaratin sa patutunguan namin, sinalubong kami ni Dad at niyakap niya pa ako nang mahigpit, nandoon din si tito Hario at ang anak niyang si Harold, nakiyakap na din samin si Mom na akala mo happy family kami.
"O Josephine nandito karin pala? hindi ata yun nabanggit ni Chief saamin, ang sabi lang niya ay dadalaw rito si Alyana" Ang awkward nang tanong na yun para mong sinabing o bakit nandito ka sa bahay nang ex mo, whahahahah! Super awkward tito Hario. Maging ang anak niya ay nasamid sa tanong ni tito.
Napalunok muna nang laway si Mom bago sumagot. "Ano kabanaman Hario, syempre nagaalala lang ako sa anak ko kaya naman inihatid ko nalang siya rito, baka kasi kung mapano payan kung pinabayaan kong mag isang bumiyahe!" Sagot ni Mom, minimaintain yung hindi pagkakautal nang boses niya at saka ngumiti saakin. "Right anak?" Tanong niya naman ngayon saakin. Ay senegwayan! At sakin pa talaga Huh!
Tumango nalang rin ako at ngumiti sa kanila.
"Ahhh, by the way Josephine, saan ka nga pala tutuloy dito pagkahatid mo kay Alyana?" Tanong ni Dad, pormal lang yun, para lang siyang nagtanong sa kahit sinong di niya kilala. Nagitla man si Mom pero agad din naman siyang nakabawi.
"Hahahaha! Ano ka ba naman Andrue, siyempre sa hotel, I booked a hotel somewhere in Mactan, doon ako mamamalagi this days, one week rin naman ako rito, isasama ko nga pala ang anak natin sa mga lakad ha? Baka kasi lumibot muna kami dito bago ako umalis" Sabi ni Mom at saka siya tumingin tingin sa paligid. Ngumiti siya at bumaling ulit kay Dad.
"Ang ganda na nang bahay mo ahhh! Ang ganda narin nang pwesto mo sa police station, chief ka na ngayon right?" Sabi ko sayo magsikap kalang at dadating ang panahon na uunlad karin. Dagdag ni Mom habang nakabaling sa malaking bahay sa may gilid namin.
Tumawa nang malakas si Dad. "Yeah... Right, ikaw ang nagsabi niyan, then a month after iniwan mo nalang ako at sinama mo pa ang anak ko. Anong sabi mo nun sakin... Wala ka nang mapupuntahan sa buhay mo, but yeah... Ikaw nga ang nagsabi nun" Sagot naman ni Dad na mas ikinasama nang mukha ni Mom.
"Ohhh please Andrue, wag mo nang ipaalala ang mga nangyari satin noon, wala nang makakapagpabago pa nang mga nangyari na, masaya ka na, you have money, pinapayagan ko namang pumunta sayo ang anak natin, and dont judge me, because you know in the first place na hindi ako ang dahilan sa paghihiwalay natin" Lumiit ang boses ni Mom sa mga huling sentence nang kanyang mga sinabi. Parang nagmamakaawa na wag nang balikan ang mga masasakit na nangyari sa nakaraan.
"Enough with the drama Josephine, if you want to go inside then go I wont restrict you, stay as you want, feel at home" Maya maya lang lang ay umalis narin si Dad nawalan ata nang mood dahil sa sagutan nila ni Mom.
Si Mom naman parang masama ang loob na tumabi sakin.
"Did I do something wrong r-right now?"
Umiling lang ako sa tanong na yun ni Mom, alam ko na masakit yun para sa kanya dahil minsan niya din namang minahal si Dad.
"Okay lang yan Mom, I think dad just surprised to see you back here at our home, ilang taon ka narin kasi dibang hindi nagpapakita sa kanya, at hindi ka narin nakabalik dito, baka yun lang yung naging reaction niya kasi naman ang tagal mo naman talagang nakabalik Mom, daig mo pa ang natrapik sa EDSA sa tagal! Hahahah"!
Sinapok ako ni Mom na ikinatawa ko nang malakas, kaming dalawa nalang kasi yung naiwan sa labas nauna na si Dad at sumunod naman sa kanya ang magamang Hario at Harold, kaya naman ganun ko nalang kung inisin si Mom.
"Jojoke ka pa nasabihan na nga ako nang Dad mo nang kung ano ano huhuhu! Nagmana ka talaga sa Dad mo! Parehas kayong sakit nang ulo!"
Natawa nalang ako sa sinabi niya at saka sapilitan siyang pinapasok sa bahay, tinawag narin kasi nang maid at sinabing nakahanda na daw ang hapunan at hinihintay na kami ni Dad sa hapagkainan, ayaw pa ngang sumama ni Mom e, kakain nalang daw siyang magisa sa resto, ang awkward daw kasi kapag magkasama sila ni Dad e.
"Ano ka ba naman Aya! Dont do this to me!" Sigaw niya sakin nang itulak ko siya papasok nang dining.
Nang makapasok na kami sa dining ay agad na kaming umayos ni Mom.
Naging pormal na kami at magkatabing umupo sa pinakadulo nang lamesa malayo sa kabilang dulo kung nasan sila Dad.
Nagkatinginan Panga kaming mga nasa hapag bago kumuha at sumubo nang pagkain.
Nakita ko pa ang pag iling iling ni Dad. Parang sumusuko na sa kakulitan naming dalawa ni Mom. Paano banaman kasi naisipan namin ni Mom na magsalita na may laman sa bibig, tapos nagpabilisan din kami nang pagsubo nang pagkain, kaya yun ang kalabasan naging dugyot kami sa harap nang pagkain, ayaw na ayaw pa naman yun nang mga pormal na taong tulad ni Dad. Tsk! Bad influence kasi tong si Mom e.
Nakakatawa nga rin yung itsura ni tito Hario at nang anak niya e, parang hindi makapaniwala sa mga ginagawa namin ni Mom sa harap nang pagkain. Nawalan na nga rin ata sila nang gana e, hindi na kasi sila ulit sumubo nang pagkain nila nang mabaling sila samin ni Mom.
Ang OA talaga nila pagdating sa asal nang tao.
Tiningnan ako ni Dad na parang sinasabing tumigil na kami sa ginagawa namin. Na naging sanhi lang nang malakas na tawananan namin ni Mom.
Nakakatawa ngang pagtripan si Dad e, galit na galit na kasi siya pero dahil mahal niya ako di niya ako pinapagalitan. Si Mom nalang ang sinabihan niya at pinaringgan, ayun nagkainitan nanaman sila.
Bahala na nga sila sa buhay nila.