"Hep! Hep!" walang pasabing pinaghiwalay ni Andrea ang dalawa at tinabi sa akin si Delphina. The both of them shock at nakatitig lang sa naka-kibit balikat na si Andrea.
"Who are you?" Fierce na tanong ni Andrea sa lalaki while eyeing him head to toe. "It's much better to be cautious. I already learned something from before." Wala sa sarili ko ring pinagmamasdan at kinikilatis ang lalaki mula ulo hanggang paa.
I can't feel any negative energy around him or even a trace of a magic spell that connects to Delphina. Isa lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Its him. He was the guy who save me from the demons that night because I of his eyes. Maybe, coincidence lang na pareho sila ng mata. Pero malakas talaga ang pakiramdam ko na siya nga.
He just laugh weakly na ikinatigil ko ng husto. Gosh! His laugh is like a song to my ear. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Erase. Erase.
"I am Frederick. Ikinagagalak ko kayong makilala, Binibini." He eyed me intently pagkabigkas niya ng salitang 'Binibini' na ikinalunok ko. What is this strange feeling?
"Really?" Andrea said still not convinced. Ano bang drama nga babaeng ito?"Can you sense something suspicious, Daisy?" she asked sabay baling sa filolial.
Umiling lang si Daisy. "None."
Lumapit naman at pumagitna si Delphina na halatang natutuwa sa nangyayari. "Wala kayong dapat ipagalala, mga iha. Galing siya sa Capital at madalas siyang dumadalaw rito sa bayan ng Hage para dalawin ako at mahabang salaysayin pa kung paano kami nagkakilala." paliwanag ni Delphina habang palipat-lipat ang tingin sa amin. Hindi ko mapigilang matawa sa itsura ni Andrea habang tinitigan at kinikilatis ang mukha ni Delphina. Looking for something suspicious.
Andrea sighed. "Okay po." sabay tingin kay Frederick. "Once na nag-cast ka ng Churvaness mong spell kay Delphina at sa amin, mananagot ka! You better behave." she said sabay flip ng kanyang hair at tumabi sa akin.
Natawa lamang ito. "Maasahan niyo ako, Binibini. At anong sabi mo? Churva--" napahawak siya sa kanyang baba habang nag-iisip. He's so cute in that position. "Anong lengguwahe ang iyong ginamit?" wala siyang nakuhang sagot kay Andrea.
"Tama na iyan. Siya si Andrea." pakilala ni Delphina sabay turo kay Andrea sa aking tabi.
"Hmp!"
"---at si Ruthenia." tipid naman akong ngumiti at biglang nangatog ang tuhod ko ng dumako ang kanyang mata sa akin. Hindi ko alam kong anong magiging reaction ko. Gosh! Uso na ba ang alamoranas sa ganitong edad? I can't look directly in his emerald eyes. Sobrang ganda nito at hindi ko matagalan itong tignan.
"Siya si Daisy at isang filolial." turo ni Delphina sa kanya na nasa aming paanan. "At si Oddysey na isang Oregon." nakita ko namang tumango-tango siya.
My eyes widened nang mabilis na tumakbo papunta sa kanya si Oddysey na ikinagulat ko ng husto. "Oddysey!" hindi ako nito pinakinggan instead tumalon ito at namalayan ko na lamang na karga-karga na siya ni Frederick. Kitang-kita ko pa kong paano siya nito dilaan sa mukha. God! Akala ko kung lalapain na siya ni Oddysey dahil mahirap itong mapaamo lalo na sa isang stranger.
Hindi ko namalayan na matagal ko na pala silang pinagmamasdan. "Nakakatuwa ang iyong alaga." I was able to fix myself ng marinig ang boses niya at nasa harapan ko na pala siya at karga-karga si Oddysey. "Binibini." he said at wala sa sarili kong inabot si Oddysey mula sa kanya. The way he pronounced 'Binibini' was so masculine.
"It was you." kusa itong lumabas sa aking bibig and his eyebrows met by what I said.
"Pardon?"
"The one who save us back in the hill last Full Moon. It's you right?" I said at sandali siyang napaisip.
Nakakahiya God! Just say YES! Tatampalin ko 'to kapag hindi umuoo. I bit my lower lip preventing myself to stay calm. Jusmeyo karimar.
"Ako nga, Binibini." I sighed when I heard what he said. So its him.
"Pasensiya na kung---"
"Thank you." He stopped at halatang hindi niya inasahan ang sasabihin ko. "I owe you my life, Frederick." saad ko at mabilis na pumasok sa loob ng bahay karga-karga si Odyssey.
"You're stuttering, Mommy." she said in my head habang binabaybay namin ang hagdan. Bigla kong naramdaman ang pag-init ng mukha ko at binigyan ng masamang tingin si Oddysey bago pumanhik sa aming kwarto. Nagagawa pa niyang mang-asar. This wolf is capable of such thing? Gosh!
"Just behave, Oddysey. Its not funny." She eyed me bago tumalon sa papag. What's this feeling? I just stuttered dahil nahiya akong magpasalamat at siya ang nagligtas sa amin. Tama! 'Yon nga! At wala nang iba pang rason.
Bumukas ang pinto at bumungad si Andrea at Daisy na nagpipigil ng tawa. "Ikaw ha! Harapin mo nga ako!"
"What?!" I confusingly asked habang inihiga ang katawan ko sa kama. Nakakapagod ang training but also beneficial at nagbunga naman.
"Ayieee! May pa 'What' ka pa diyan. Nakita ko ang lahat kanina." saad niya sabay bato ng unan sa mukha ko.
"Ha? Ano bang sinasabi mo?"
Hinampas niya uli ako kaya napabangon na ako sa pagkakahiga. "Seriously?! Nagiging catch up mo na yang 'ha'." she exclaimed emphasizing the word 'ha'
"Eh paano kasi? My whole body is aching and I need to rest! Tapos manggugulo ka pa." I rolled my eyes. Nakakaasar talaga ang babaeng ito. Parang kiti-kiti sa kakulitan. Kaloka.
Napangiwi lang siya at halatang hindi convinced. "Rest ba talaga? Kitang-kita ko lahat kanina!" tumayo siya sa aking paanan. "I owe you my life, Frederick." she siad trying to copy me kung paano ko sinambit iyon kanina habang may pa hawak sa dibdib effect pa siya.
I pick up some pillow at tinampal ito sa mukha niya. "Gross!"
"Gross daw! Eh mas gross ka pa kanina. Hahaha!" bigla siyang napahawak sa tiyan niya at tawang-tawa ang bruha. "Nai-imagine ko palang ang pulang-pula mukha mo kanina. Mamamatay na ako sa tawa. Gosh!" pinapanood ko lang siya. Is it really that funny? Nakakahiya. Ano kayang sasabihin 'non? Aish. Bakit ko pa ba iisipin.
"Delphina! Delphina!" A man's voice beneath make us stop. Parang humihingi ito ng tulong base na rin sa emosyon ng boses nito.
Andrea and I eyed each other. "Let's go." hinila ko siyang bumaba kahit gusto ko talaga magpahinga. Sumunod naman sila Daisy at Odyssey sa amin.
Naririnig namin ang boses ng lalaki mula sa sala habang binabaybay namin ang hagdanan pagbaba.
"Isang dugong-bughaw ang nasa tarangkahan ng bayan kasama ang ilang mga kawal----"
Narinig pa naming nagsalita si Delphina at mabilis silang lumabas upang pumunta sa kaguluhang nagaganap.
"Mga sakit sa ulo." kusang nasabi ko. "Sundan natin sila." Tumango lamang si Andrea kaya mabilis kaming lumabas at tinahak ang maalikabok na daanan patungo sa tarangkahan ng bayan.
Those nobles really getting in my nerves. Nasa kalagitnaan pa lamang ng pagsasaayos sa buong bayan sa laki ng pinansala ng mga demons at paglamay sa mga namatay. Tapos walang ginawa ang nga matatas na tao kundi alispustahin at guluhin ang nananahimik na buhay ng mga nilalang na nasa bayan tulad ng Hage? Such disrespect.
Malayo palang pero rinig na rinig namin ang sigaw at boses ng mga tao na naipon lahat sa tarangkahan ng Hage. My eyes widened in shock sa nakita nang marating namin ang lugar.
There are five armored soldiers at dalawa sa kanila ay hawak ang duguang si Raknor and a two chariot in their back. Sa tabi nito ay isang babae na may eleganteng kasuotan. Her hair color is purple at mas nanlaki ang mata ko sa hawak niya.
It was my phone.
"Siya! Siya ang dating may-ari ng kasangkapang iyan!" sigaw ng duguang si Raknor at hindi ko na nagawang makapagsalita nang matoon ang tingin ng lahat sa akin.
Umaagos ang dugo mula sa kanyang ulo at basag ang bibig na halatang kanina pa binugbog. I clenched my fist. Mga walang-awa.
Nagtama ang tingin naming dalawa nong babae. "I wonder why a commoner possess such treasure." malamig na wika niya sabay senyas sa mga kawal at agad na binitawan si Raknor.
Tumakbo siya at lumapit sa akin. "Patawarin mo ako. Kasama ko ang ilang kalalakihan sa pagroronda sa palibot ng bayan kanina at bigla na lamang silang dumating. Hindi ako pumayag na ibigay ang kasangkapan kaya ganito ang inabot ko." he said na may kasamang pagtangis at puro sugat ang kanyang katawan.
"Wala kang dapat ikahingi ng tawad." I said at ipinatong ko ang dalawa kong palad sa kanyang ulo.
The light from my hands flow slowly mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang buong katawan kasabay ng paggaling ng madadaanang mga sugat nito. Raknor is speechless at halatang hindi niya inaasahan ang aking ginawa.
"S-salamat binibini." nauutal niyang sambit at bahagyang tumayo nang maramdaman ang paghilom ng kanyang mga sugat.
"Alam mo ba na masama ang mag-angkin ng hindi iyo?" kalmadong sabi ko sa babae pero nanggigigil na ako sa loob-loob ko at hindi na ako makapaghintay na ilampaso sa lupa ang pagmumukha niya.
"Huh? I can't understand a commoner's language." maarteng sagot niya that made me laugh a bit. Nag-inarte pa ang bruha.
"Really? Do you have no wealthy and do anything else but to own the property of others?" Sarcastic na sabi ko but she just raise her right eyebrow.
She suddenly held her mouth in shock pero halata namang sinadya niya lang. "Oww! So, you can speak English? Well, its a big offense to study our language for a trash like you." she said in disgust.
Hindi na ako nakapagpigil pa and in just a second ay nasa harapan ko na siya. Well, its my advantage as an elf to move faster. I grab my phone from her hands at malakas na sinipa ang tiyan niya. She shouted in agony. While her soldier toys ay walang kahirap-hirap kong pinatalsik gamit ang aking kapangyarihan.
Bahagya akong yumuko para mapantayan siya bago bumulong sa kanyang tenga. "I will give you my mercy at these moment. But the next time I see your face in this town. You'll be dead." I said while preventing my eagerness to mop her face in the floor. Kulan pa ang ginawa ko sa pasakit na ibinigay nila kay Raknor.
Lumayo ako sa kanya at akmang susugod ang mga kawal nang nagliwanag ang lahat ng kamay ng mga taong naririto at tumabi sina Andrea at Delphina sa akin dahilan para sila'y matigilan.
"Your gonna pay for this!" she said with her threatening words na wala namang epekto sa akin.
"Ow! Talaga? Wait, I forgot my gift for you." And without any thoughts ay tumama ang dalawang maliit na bola ng liwanag sa kanyang mga mata.
"Kyaahh! I can't see! LIONEL!" sigaw niya habang kakapa-kapa sa paligid. Lumapit ang isa sa kanyang mga kasamahan na sa tingin ko'y siya ang Lionel na tinatawag niya.
He gave me a threatening look. "You'll soon be punished for what you did to Lady Celestria. Your outraged act will soon be known by Lord Gareth!" he said na may halong pagbabanta na hindi naman ako nadala kahit kunti. So, Celestria pala ang pangalan ng bruha.
Hindi naman ako nagpatinag instead I raise my head and speak proudly.
"I just want to prove na hindi sa lahat ng panahon ay magagawa niyo ang gusto niyo sa mga Commoners. We've been created equally by th gods. This just the beginning of our revenge against evil nobles like you! Kaya shoo! Walang lugar para sa mga taong tulad niyo." pagtataboy ko at agad naman silang sumakay at pinatakbo ang kanilang karwahe.
Nagbunyi at nagsigawan ang lahat ng mga taong naririto.
"I salute you, Ruthenia." sabi ni Delphina sa aking tabi at ngumiti lamang ako sa kanya.
"Ang galing naman ng best friend ko! Hindi mo ako na-inform na may ganong ability ka na pala." biglang sulpot ni Andrea.
"I just did it accidentally." I said plainly dahil wala rin akong idea kung paano ko nagawa ang bagay na iyon. Basta nananig sa akin ang kagustuhan na itama ang kanilang pagkakamali.
"Wee? Pero dapat nilampaso mo nalang 'yong mukha nong bruhang 'yon!" dagdag pa niya na ikinatawa ko naman ng mahina.
"No need. Blinding her temporarily is enough dahil hindi naman sa lahat ng panahon ay paghihiganti ang sagot diba?" I said casually.
"Sus. May pa ganyang drama kana sa buhay. But still tama naman diba? Malay mo magbago 'yong tao. Hahaha. Tara na nga!" sabay hila sa akin pauwi.
I can't believe na nagawa kong itaboy ang isang noble. Well, buti nga ganoon lang ang nagawa ko dahil muntik na akong mawalan ng kontrol kanina. But there's something inside me giving me reason para ipaglaban ang karapatan ng mga commoners na naririto sa Forsaken Realm. Well, enough reason na rin naman ang bagay na nasaksihan ko noong Full Moon. I believe ito palang ang simula ng lahat. Simula nang buhay ko bilang isa sa mamamayan ng kaharian ng Moniyan.
➖➖➖