We finally entered the town of Patris. Broken roads and rotten houses greeted us as if there were a great dissaster that deluged the whole place. I can say that this is once a very prosperous town dahil maraming nakatayong establishments na ngayon ay sira na.
Si Oddysey naman ay nasa tabi ko and stop walking sometimes at panandaliang sisinghot when she found something that caught her attention.
Isang dalaga ang nakaagaw pansin sa aming atensyon. She was busy picking some of the fallen fruits of a tree nearby. Her dress was torn at halatang mahirap ang kalagayan.
I immediately rushed to her place at bahagyang napaatras pa ito ng makita kami. "Ahh--uh." halatang nabigla siya dahil hindi siya agad nakapagsalita.
Naglakas loob naman akong lumapit sa kanya. "Isa kaming manlalakbay galing pa sa Hage at magtatanong lang sana ako kung mayroong maupahan kaming bahay na matutuluyan sa buong gabi." I sincerely asked pero kung pagmamasdan ang itsura ng bayan ay parang imposible nang may matutuluyan pa kaming maayos na lugar.
"Bakit?" she turned her eyes to all of us. "Bakit dito pa?" I can't stop to think something wrong and suspicious. I can feel her fear. She's afraid of something.
"May problema po ba? Tsaka ano pong nangyari rito?" Andrea asked her sabay lakbay ng tingin sa buong lugar. May nangyaring masama rito.
This messy place. Ganito rin ang itsura ng Hage noong katatapos ng Kabilugan ng Buwan thought mas malala lang compared back then. Could it be--
Her tears began to fall from her eyes. "Maunlad at kilala ang bayan ng Patris dati dahil sa malawak nitong bukirin at mataas na kalidad sa paggawa ng armas." It make sense dahil napansin ko ang mga iba't ibang weapon signage sa ilang sulok ng bayan. "Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang lalaki na sumira sa maunlad at payapa naming pamumuhay." Pinahid niya ang kanyang mga luha gamit ang kamay. "Ang lalaking iyon ay mainit naming tinanggap at pinatuloy ngunit nagbago ang lahat ng pumunta siya sa karatig na bundok ng Argonia at pinatay ang tagapagbantay ng lupaing ito na isang dragon." We all gasped of what she said thought Frederick did not react or move an inch. A dragon? So they really exist on this world.
"A guardian?" Daisy speak at this moment. "At anong kinalaman naman nito sa nangyaring delubyo sa inyong bayan?"
She clenched her fist na halatang nagpipigil ng galit. "Dalawang buwan ang nakalilipas nang nangyari ang pagkamatay ni Argon. Kasabay rin nito ang paglitaw ng isang sakit na walang kahit na anong lunas dulot ng nabubulok na katawan ng tagapagbantay na naroroon parin hanggang ngayon sa bundok ng Argonia." There's a possibility that the carrion of the Dragon caused a virus somehow na humalo sa hangin at nalanghap ng lahat na naging dahilan ng isang sakit.
"Ibig sabihin, nasa bundok parin ang bangkay ng inyong tagapagbantay?" tanong ko at tumango lamang siya. Oh my gosh!
"Can you tell us the name of that man who's behind all of this?" Tanong ni Daisy hindi naman kaya ma-nose bleed itong babae sa english niya?
"Adelard" She answered. So, nakakaintindi rin pala siya ng English. Maybe, kaartehan lang talaga ang sinasabi ng karamihan na only noble families ang maaring gumamit ng english.
"A criminal that has long banned in the whole kingdom." biglang sabi ni Frederick sa aming likuran. A criminal? So, hindi nakapagtataka na nagawa niya ang ganitong bagay.
"Alam kong marami pa kayong katanungan. Mas makabubuti kong makausap niyo ang aking ama patungkol sa bagay na ito at sa lugar na maari niyonh matutuluyan." she smiled to us at this moment pero halata parin ang bakas ng lungkot sa kanyang mukha.
Tumango naman ako at ngumiti rin. "Ako nga pala si Ruthenia and this is Oddysey." sabi ko at napatingin siya sa buhat-buhat kong Oregon.
"Evelune." saad niya bago tumingin sa paligid. "Kailangan na nating bumalik dahil malapit nang sumapit ang dilim at darating na muli sila." Kinuha niya ang munti niyang basket at pinanguhan ang paglalakad. Sumunod naman kaming lahat bagama't nakuha ng aking atensyon ang sinabi niyang 'sila'
Narating namin ang isang maliit na simbahan at napansin ang ilang bahay sa tabi nito na nasa maayos na kalagayan. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil meron pa palang maayos na gusali sa rito. Akala ko wala na talaga kaming matutuluyan.
I noticed scattered letters of an enchantment surrounding the whole place. A barrier was built here pero nararamdaman ko na mahina na ito at hindi na magtatagal pa. Well, mula nang ma-dispel na ang seal na nasa aking katawan ay maraming katangian ang natuklasan ko at nabuksan sa akin that cannot be compared to a mortal's body. Isa na rito ang makakita ng mga enchantments na isinulat sa hangin.
Pumasok kami sa loob ng chapel and was struck by what I see nang tuluyang bumukas ang malaking pinto.
I traveled my eyes to the whole room.
A lot of people are being layed in bed at ilan sa kanila ay sa sahig na lamang nakaratay. May pulang pantal sa kanilang nalat at ilan sa kanila ay inaagnas na ang ilang partte ng kanilang katawan. Halata ang sakit na nararamdaman nila. So this is the plague brought by a corpse of a dragon.
"OMG! Kawawa naman sila." wala sa oras na napakapit si Andrea sa akin.
"Dalawang buwan na silang nakaratay at dinaranas ang sakit na ito. Naisipan naming ilagay silang lahat rito sa iisang lugar." saad ni Everlune at nagsimula muling tumulo ang kanyang mga luha. "Marami ng babaylan ang sumubok at ginawa ang lahat ng makakakaya para pagalingin sila ngunit wala ni isa ang nagtagumpay bagkus mas lalo lamang lumala ang sakit." may halong hikbi niyang sabi.
"Sinubukan niyo bang tumawag at humingi ng tulong sa karatig bayan o sa Capital?" tanong ko at hindi ko maiwasang mahabag ng marinig ang hingalo ng karamihan ng mga taong naririto.
"Masyadong mahaba ang lakbayin patungong Crocus kaya sa mga karatig na bayan na lamang kami humingi ng tulong. Ngunit hindi rin nila magawang makahanap ng lunas bagkus iisa lamang at pareho ang kanilang sinasabi." wika niya sabay lapag ng kanyang basket.
"At ano ang bagay na kanilang sinabi?" I asked.
Malalim siyang bumuntong hininga. "Na tanging manggagamot na may dugo ng isang Elf ang may kakayahan upang maalis ang lason na humalo sa kanilang katawan. Ngunit ang mga nilalang na tulad nila ay matagal nang nabura sa kasaysayan ng Zariya." Andrea and I eyed each other. I already knew na isa akong Elf though hindi ko pa talaga alam ang tutuong pinanggalingan at mga ancestors ko at kailangan ko itong ilihim gaya ng habilin ni Delphina dahil maaring buhay ko ang magiging kapalit.
Sinabi rin niya sa akin na matagal nang nabura ang lahi ng mga Elves dahil sa tuloy-tuloy na digmaan at pagpatay sa kanila. She also tell me na ang tangi at natitirang lahi na lamang na may dugo ng isang Elf ay ang pamilyang Khisfire. Ang kasalukuyang namumuno sa lupain ng Moniyan. Isa na doon si Prince Sapphire na minsan ko nang nakita at nasaksihan ang kanyang kakayahan.
We are in the middle of a deep conversation nang biglang umalingawngaw ang malalakas na alulonh mula sa labas. This sound is so familiar.
"I can sense countless demons surrounding the area." saad ni Frederick and immediately pulled his sword. Wait---kailan pa siya nagkaroon ng armas?
Dumating ang isang nagkakandarapang lalaki. "Everlune! Naririto na muli sila!" hingal na sigaw niya at halata ang maraming sugat sa kanyang mga katawan.
I eyed everybody at hindi na nagsayang pa nang oras. "Daisy and Andrea!" halatang na-alarma silang dalawa sa biglaan kong pagsigaw. "Strengthen the magic barrier around the place or create a new one if needed." I command theme with no hesitation at tumango naman sila at pumayag sa aking nais.
"Count us in." Andrea responded. "Let's go, Daisy!" agad na silang lumabas at sinunod ang aking habilin.
Those two have their own agenda back in Hage dahil gaya ko ay nag-training rin si Andrea mula nang maalis ang seal sa katawan namin pero si Daisy ang nagsilbing guro niya. They focus on magic spells gaya ng ginagawa madalas ni Daisy.
I turned around my gaze to him. "Frederick." He just look at me and his expression did not even change. "Can you accompany the two while guarding the barrier. Hindi tayo makakasiguro na mananatiling matibay ang harang. I will stay here and find a way to get rid of their diseases." I said habang nasa ibang direksyon ang aking tingin. I can't hold myself while staring in his emerald eyes. Parang ma-hhipnotize ka kapag tinitigan mo ito ng matagal. >~<
He stretched his hand. "Masusunod, Binibini." Bago tumalikod at lumabas ng Chapel. Nakahinga naman ako ng maluwag ng umalis na siya. Parang lagi akong mauubusan ng hangin kapag kahatap ko siya. Madalas pa siyang calm at serious na parang walang problemang dala-dala. Siguro pinaglihi siya sa isang angel? Ang aliwalas kasi ng mukha niya hindi gaya nong aroganteng Prince Sapphire na 'yon na parang sinalo ang lahat ng sama ng loob ng buong mundo dahil sa batong ugali. Gosh! Bakit ko pa nagagawang mag-isip ng ganito.
I finally fixed myself at inilakbay ang tingin sa kabuuan ng silid and smiled. "Its time for me to shine."
➖➖➖