Chapter 20: Lightborn Capital
RUTHENIA
Tuluyan kaming nakalapit sa bungad ng Crocus at halos mabali na ang leeg ko sa kakatingala sa sobrang taas nito. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong katayog na pader and I think it can be compared to the great wall of China. Numerous soldiers are here at nagbabantay sa bukana papasok sa lungsod. Napansin ko rin ang mga karwahe at mga kalesa na sa itaas ng pader na mabilis na dumadaan. They also use the wall for transportation. Amazing. Natigil ang pagmamasid ko ng pinara kami ng isa sa kanila at pumagilid.
"Where did you come from?" tanong ng isang kawal while the others ay pinalibutan ang aming karwahe tila kinikilatis. They are all wearing armor pero ang nakakuha sa aking atensyon ay ang kanilang nasa bandang dibdib. A symbol of a Phoenix embedded in their breastplate.
Kalmado namang sumagot si Frederick. "We are here to witness the grand prelude of the second prince of Moniyan and we are from Patris." Bahagyang nagkatinginan ang limang mga kawal. Pati kami rin nila Andrea ay nagtaka sa loob ng karwahe. Second prince?
"So it was not just a rumor!" pabulong na sigaw ni Daisy sa amin. Isa siguro ito sa paraan niya para makapasok kami sa Crocus. Pero nakapagtataka na may kapatid pala si Sapphire? I can assume na gaya niya rin ito na kasuklasuklam ang ginagawang pang-aapi.
"That's the village who affected by a plague." sabi ng isang kawal sabay kilatis sa kabuuan ni Frederick. "Hindi kayo maaring pumasok." Nakita ko bigla ang pagpipigil ni Frederick dahil sa pagkuyom ng kanyang kamao.
"The Patris was free now and we just came here to---"
"You are not allowed to enter!" sigaw ng kawal na nagpa-alisto sa amin. "Arrest them!" Hinalughog kaming lahat pababa sa karwahe at bahagya pa silang napaatras ng makita ang umaangil na si Odyssey.
"Oregon!" may pangambang sigaw ng isa sa kanila pero kinausap ko na lamang si Oddysey sa aking isip at kumalma naman siya.
"Aray! Ang sakit naman kuyang pogi!" reklamo ni Andrea habang kasunod ko siya sa pagbaba. Daisy suddenly disappeared on the scene and hoping na gagawa siya ng paraaan para makatakas kami. This people are really getting on my nerves. I did not bother myself to fighte dahil parang nawala lahat ng lakas ko sa haba ng nilakbay namin.
"You will regret for doing this to me." bigla lumukob ang kakaibang takot sa akin dahil sa aura ni Frederick. His giving them death glare and his aura is shouting in great authority and power.
Sandaling natigilan ang mga kawal but still continue to tied our hands with handcuffs. Biglang nawala ang pakiramdam ko sa aking kapangyarihan sa tingin ko'y hindi lamang ordinaryong mga posas ang mga ito. It dispels our magic. Gosh! I hate this kind of situation.
Nakakaagaw na rin kami ng atensyon sa mga dumaan at labas pasok sa Crocus staring at us with confusion.
Biglang lumitaw ang isang armadong kawal sa kalagitnaan ng lahat. I almost gasped when I witnessed how he appeared out of nowhere. Teleportation?
"Whats with this commotion?" kunot noong pagsalubong niya sa mga kawal and I was able to recognized na mas mataas ang posisyon niya sa mga kawal sa aming palibot dahil kakaiba ang kanyang suot na kalasag.
Nagbigay pugay silang lahat at bahagyang yumuko. "Heneral Jethro." So, siya pala ang Heneral ng mga kawal na ito.
Napalunok ako ng maglakbay ang seryoso niyang mga mata sa aming dalawa ni Andrea. Sa emosyon palang ng mukha niya alam kong mababa ang tingin sa amin. Well, ang suot namin ni Andrea ngayon ay old fashioned dress actually na sa mga commoners lamang makikita. What do I expect? Ganito naman talaga ang pananamit ng mga kababaihan rito at no choice kami dahil ito lamang ang kayang I-provide ni Delphina. Tinaasan ko lamang siya ng kilay. Ano naman kung Heneral siya?
Bahagyang kumunot lamang ang kanyang noo bago lumipat ang tingin kay Frederick and to my wonder ay bigla siyang napaatras sa gulat na parang nakakita ng isang multo.
"Your---release him NOW!" may bakas ng kaba sa kanyang utos pati ako rin ay hindi maiwasang magtaka sa inasta niya. Agad namang tumalima ang mga kawal at tinanggal ang posas sa kamay ni Frederick bagama't katakot-takot na tingin ang ibinibigay nito sa kanila.
Nagtitigan ang dalawa na tila may paligsahan sa mata na parang nag-uusap sa kanilang isipan.
Tumango ang Heneral. "Maari na kayong pumasok." sabi nito na nagpasinghap sa mga kawal ngunit hindi nila maaring suwayin ang salita ng Heneral.
"N-ngunit maaring makapinsala ang dala nilang Oregon, Heneral." may halong kabang sabi ng isang kawal.
Umiling lamang ito. "Nauunawaan ko ang iyong saloobin ngunit hindi naman mangyayari iyon tama ba?" saad ng Heneral sabay titig sa akin. Napalunok ako bago tuloy-tuloy na tumango.
Napilitan silang pakawalan kami at aksidenteng napatingin ako sa mata ng isang kawal nagulat ako nang magawa kong mabasa ang kanyang isipan.
"Sa Monarchy of Light lang din ang bagsak nila."
Naguguluhan man ako sa nakita ay agad na kaming pumasok bago lumisan ang karwahe sa lugar na iyon. Anong meron sa Monarchy of Light? Nakunot ang noo kong nakamasid sa bintana ng karwahe. Is that a part of me? Isa pa 'to sa kakayahan ko?
Sandaling dumilim ang paligid dahil sa pagdaan ng karwahe sa pagitan ng matayog na pader.
Pero napaawang ang bibig ko sa sobrang pagkamangha. Kung literal na nalaglag ang bibig ko sa pagkanganga ay baka pinulot ko na ito.
Wow! As in WOW.
A great civilization greeted as. Para kaming dinala sa ancient era, kakaiba ang structure ng mga buildings hindi mo makikita ang ganitong uri ng lugar sa aming mundo. Nawala lahat ng iniisip ko ng lakbayin ng aking mata ang lugar.
Towering buildings are everywhere at hindi ko alam kung para saan ang mga ito but the most noticeable are the three sky-high buildings. A great palace in the middle and a school-like structure in the left side at hindi ko masabi kung ano ang nasa bandang kanan.
"Dito ba tayo? Seryoso?!" halos mangisay na sabi ni Andrea na hindi magkamayaw kakatingin sa labas.
"Absolutely." We both look confused sa filolial na biglang lumitaw sa loob. She just look at us innocently na parang hindi nangiwan kanina. "What? They'll be more fierce to us when they see me and you know the exact reason." irap niyang sabi bago kumalong kay Oddysey. Hindi namin mapigilan ni Andrea ang matawa dahil sa inasta ni Daisy. Guilty ang filolial. Pero nangangamba parin ako na baka maulit ang nangyari sa matagal niyang pagkakakulong sa Hage.
Kasalukuyang mabagal ang takbo ng karwahe at hindi ko na masyadong tanaw ang matatayog na gusali dahil lumihis kami ng daang tinahak palayo roon. Pero nagtataka ako sa lawak ng lugar, it was like a whole province greeted us. Sa kabila ng civilized na dating nito ay marami paring mga kakaibang puno at mga halaman sa bawat gilid. Napansin ko rin ang malawak na parke kung saan masayang naglalaro't nagtatakbuhan ang mga bata. They are all so care free at walang bakas ng kahit na katiting na pang-aapi.
Biglang nahawi ang kurtina sa likuran ni Frederick and turned his gaze. Seriously? Sobrang delikado ng ginagawa niya. "Give me the address."
"Address of what?" I blurted out at bahagyang kumunot ang aking noo sa sinabi niya.
Bakas ang pagkairita sa mukha niya. "Hindi niyo alam ang eksaktong lugar na pupuntahan natin?" Hindi ko batid kong bakit nagsusungit ang mokong. May dalaw ba siya? O sadyang lumalabas na ang tunay na ugali.
"Malay ko ba? Ang alam ko lang ay dito sa Lightborn capital ang kapatid ni Delphina." Bahagyang tumaas na ang aking boses at na-alarma na sila Andrea. I am a short tempered person at kadalasang mataray lalo na kay Andrea. Hindi ko nga alam kung paano niya natatagalan ang ugali ko.
I heard him cursed bago niya binalik ang tingin sa daan.
"Ano bang pinag-aawayin niyo? Love quarrel ba?" sinamaan ko lang siya ng tingin at humagikgik lang sila ng tawa. May pagkapilyo rin pala si Daisy kaya sila siguro nagkasundo.
"His blaming me for not knowing the exact address of Delphina's brother." Wala sa sarili kong sabi habang pinagmamasdan ang nadaraanan naming mga bahay. Every structural design are new to me. The road, houses, and many establishments that resembling an ancient magical city.
"Ah yon ba?" Bahagya akong napalingon sa kanya at nanlaki ang mata ko nang may kinuha siyang papel mula sa kanyang bulsa. "Charan!" Tuwang-tuwa niyang itinaas ang papel at ako naman ay hindi maiwasang kutusan siya sa kapilyuhang ginawa niya.
"Ouch! Lakas mambatok!" I ignored her and immediately grab the piece of paper bago binasa ito.
Iga street, Grandrock city
Kalakip nito ang exact detail ng address kaya agad ko itong sinabi kay Frederick and to my great wonder ay hindi man lang ako inimik bagkus inilihis ang karwahe sa ibang daanan. He's rude.
"We're here." He said plainly and I traveled my eyes outside. It was a two storey house in European style with a silver gate in front.
Sinundan ko sila sa pagbaba and I was in awe while overlooking the whole place. Halos parepareho ang mga kabayahan ngunit malayo ang distansya sa isa't isa. Nawala kami sa center part ng capital at malayo na sa nagtatayugang mga gusali.
Bigla akong nataranta ng walang pasabing sunod na sunod na pindot ang ginawa ni Andrea sa gate causing the bell to sound constantly.
"Andrea!" Mahina ngunit may diin kong sabi. She's insane! Hindi pa kami sure kung dito nga ba ang tamang lugar. Bumelat lamang siya bago ako inirapan.
"Who and why are you here in front of my house?" Halos mapatalon ako sa gulat nang nasa kabilang panig ng gate ang isang lalaki na sa tingin ko'y masa mid-40s at bumaba ang tingin niya kay Odyssey.
Huminga ako ng malalim at nagwika. "Please excuse our ignorance but we are here to confirm if you are Edward Haughan?"
Bahagyang sumilay ang ngiti sa kanyang labi na nagpagaan sa mabigat na pakitamdam ko."I am and please don't be so formal. So I can assume that you are from Hage village sent by my sister?" Nakahinga naman ako ng maluwag bago tumango sa kanyang tanong.
Binuksan niya ang gate at mainit kaming tinanggap. "Come in. Maari kayong magpahinga mula sa malayong paglalakbay." saad niya. Mabuti na lamang at nag-tagalog na rin siya dahil akala ko mapapasabak talaga kami sa English.
Nauna na nang sumunod sa kanya sila Andrea at natigilan ako upang lingunin siya sa aking likuran. Naiwan si Oddysey sa aking tabi. "What's up? Hindi ka papasok?" Ngumiti lamang siya ng pilit bago hinila ang kabayo papasok sa bakuran ng bahay.
Sinundan ko siya nang tingin na naglakad palabas ng gate bago siya humarap sa akin. "My mission is already accomplished and I'm going to leave and supervise something." napatango naman ako. May kung anong bagay na kumirot sa akin knowing na aalis at hihiwalay na siya.
"Salamat sa lahat." I'm stuttering for no reason kaya nakagat ko ang ibabang labi ko. "Makikita pa ba tayo?" Nakaramdam ako ng hiya sa tanong ko? Ano ba 'tong sinasabi ko.
He just smiled. "I don't know." he said bago naging seryoso ang mukha. "I want you to forget all our encountares back in Hage. Everything...about me." Iniwas niya ang tingin sa akin at nakikita kong naiilang siya. Naguguluhan ako sa sinabi niya.
"What was that for?"
Tinignan niya ako sa mata and for the first time I was able to look at his emerald eyes. It was so beautiful that I will long for it for a long time.
"Because I'm a total different person when we run to each other again and I might hurt you." his last statement before he disappeared like a flash of light.
I was left dumbfounded and stunned by what he said though his statement leave a great wonder inside me. Anong ibig sabihin niyang sabihin?
➖➖➖