Chereads / Seraphim's Heart / Chapter 19 - Chapter 18: Corpse

Chapter 19 - Chapter 18: Corpse

A/N: (Sorry sa mga typos☹️ Katamad po mag-edit hehe)

RUTHENIA

Adelard? Tama ba ang narinig ko? Ibig sabihin siya ang tinutukoy ni Evelune na pumatay sa tagapagbantay ng bundok ng Argonia. Until now, nalulula parin ako nang husto sa mga na-ddiscover ko na mga bagay sa mundo ito. I wonder kung papaano nagawang mapaslang ni Adelard ang isang makapangyarihang nilalang sa ganitong estado ng kapangyarihan niya? I think it's impossible.

"HAHAHA!" His evil laugh echoed all over the place. Bahagya na ring tahimik sa mga sandaling ito dahil naubos na ang lahat ng mga demons sa lugar. "Talagang nagmamanigas ka pa hanggang ngayon, Everlune? Kamusta ang iyong ama sa kanyang hukay?" pang-iinsulto nito na ikinangiti ko naman ng lihim. So, he's not informed na magaling na ang mga taong bayan na nasa loob ng chapel.

Almost all of them are unconscious at this moment and still nasa state of recovery parin ang inner body nila dahil sa matagal na pagdanas sa sakit dulot ng dragon. Ako naman ay nanlalabo na ang paningin ko and I think I'm gonna pass out any minute dahil sa laki ng nabawas na lakas sa akin. I can barely keep up. Nararamdaman ko ang panginginig ng aking kalamnan dahil sa lubos na panghihina.

"Huh?" Everlune responded in confused at bahagyang tumingin sa akin. Nginitian ko lamang siya.

Inayos niya ang kanyang tindig. "Huwag ka nang umasa pa na mapapasakamay mo ang iyong ninanais." she said provoking him in that way.

Biglang nawala ang ngiti ni Adelard shouting in extreme anger. He raised his hand and a black sword appeared in the mid air. How did he do that? Summoning?

A black liquid covered the entire blade of his sword. Poison. "EVELUNE!" sigaw niya and rush himself toward us.

He tried to attack us but Frederick immediately countered it with his sword at mabilis na sinalag ito ng buong lakas. The impact of their weapons creates a strong force na naging dahilan nang pagtilapon namin ni Evelune.

"Wow." compliment ni Andrea na may pagkislap pa sa mata habang pinagmamasdan ang dalawa at hindi man lang nag-alala sa biglang pagtilapon namin. Seriously? Nagagawa niya pang magbigay ng compliment? Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga galos and immediately heal her.

Kalansing at pagtama ng bakal ang nagsisilbing ingay sa buong lugar dahil sa dalawang magkatunggali.

They are both strong at halatang bihasang-bihasa sa paggamit ng espada. Para silang hangin sa bilis. Mabuti na lamang at nagagawa ko pa silang masundan gamit ang aking mga mata. Even when fighting, Frederick is so cool at kakaiba ang tindig niya kaya ang gandang titigan at pagmasdan. They already have bruises sa kanilang braso pero mas marami ang sugat ni Adelard.

Biglang naglaho si Frederick na ikinataka ng katunggali. Did he turn invisible? Nagngingitngit sa galit si Adelard habang iniikot ang tingin sa paligid at hinahanap siya.

Biglang siyang lumitaw sa kanyang likuran at hindi napaghandaan ng kalaban ang kanyang ginawa. Bumulwak ang masaganang dugo mula sa kanyang likod dahil sa marahas na pagdaan mg espada. What the hell? He can disappear?

"An ability that only few bloodlines possesses." biglang sambit ni Daisy na nananatiling nakatingin kay Frederick.

Umubo ng dugo si Adelard and kneel to the ground due to the extreme pain.

Frederick draw his sword to Adelard's head. "Criminals like you need to be punished under the Divine Index given by the Goddess of the Moon, Selene." Frederick said and I can feel a massive and great authority in his voice. Nakakapanindig balahibo rin ang kanyang awra sa mga sandaling ito. "Your crime is under Divine Index, Book one, Chapter Three, Verse Eleven." Idiniin niya ang espada sa leeg ni Adelard. "Betraying your own Master and killed it without hesitation." I cover my mouth in shock. Anong sinasabi ni Frederick? Hindi ko ma-catch up ang sinasambit niya. Commandments?

Nanatiling nakayuko si Adelard at tumawa ng mahina hanggang naging isang halakhak na ito. "HAHAHA. Divine Index of our Goddess? Or just mere laws created by nobles?" Napansin kong natigilan si Frederick sa sinambit niya. Nalilito ako at hindi ma-catch up ang pinaguusapan nilang dalawa. Divine Index. What's that?

His jaw clenched sa panunumbat ni Adelard. "Kinain ka na talaga ng kasamaan. You really have the guts to trample even the divine law that Selene ordered us to do." Sabay amba ng espada sa kanyang leeg. One wrong move at ikakamatay ito ni Adelard. So there is a certain law na kailangan sundin ng nga Zarinians? Bakit ngayon ko lang nalaman ang bagay na ito?

Napansin ko ang biglaang pagtamlay ng emosyon ni Adelard bago yumuko at nagwika. "I really have no other choice that day but to betrayed the family of Elysandre. It's already been twelve years pero hindi pa rin ako pinapatahimik ng aking konsensiya tila isa itong masamang panaginip na patuloy na humahabol sa akin saan man ako magpunta. Mahaba ang nagdaang panahon until despair finally eat me whole, ending me up to become a demon." he finally raised his face at nagulat ako nang makita ang pagdaloy ng kanyang luha sa pula niyang mata. Even his a demon, he still have feelings too dahil dati rin siyang isang tao.

"Wala paring kabayaran ang lahat ng ginawa mo, Adelard. Kailangan mong pagbayaran ang pakikisabwat mo sa mga Magus upang ipabagsak ang pamilya ng Elysandre at hindi mapantayang kasalanan na iyong ginawa sa bayang ito." Frederick said plainly habang nakatutok parin ang espada nito sa leeg ni Adelard.

Muli siyang yumuko at biglang gumalaw ang kanyang balikat at humalakhak na tila nawawala na sa katinuan. He's insane. "HAHAHA! Naliliwanagan na ako sa mga sandaling ito." may pag-uuyam niyang sambit sabay angat ng tingin kay Frederick. "Ang estilo mo sa paggamit ng espada at ang mga pribadong impormasyon na iyong nalalaman---" binigyan niya ng mapanglokong ngiti and to my wonder ay nakita ko ang paglunok niya sa sinabi ni Adelard. "You're the sec---hmp!"

A lightning whip suddenly bind his mouth preventing him to speak. "Better to shut your loud mouth, Criminal." Frederick said angrily and suddenly his two eyes lit up. Kulay berde at nakakasilaw na liwanag ang lumabas mula rito pati rin ang kanyang espada kaya wala kaming nagawa kundi dumistansya sa kanya. Kakaiba ang presensya niya ngayon kumpara dati. I can only say one thing. He's angry.

His about to swing his sword to end Adelard's life nang matigilan kami sa mga sunod-sunod na sigaw.

"Kami na ang bahala sa isang iyan!" I look behind me at mapangiti nang makita silang lahat. It was Evelune's father Gregor kasama ang lahat ng mga taong bayan at maayos na silang lahat. Sinundan pa ng malalakas na sigawawan mula ibang taong-bayan ng Patris at bakas ang hindi mapantayang galit laban kay Adelard.

"Very well." isinukbit na ni Frederick ang espada. "Kayo na ang bahala sa kanya." kalmadong sambit niya bago tumalikod kay Adelard pero napamura ako sa sarili nang makita ang malaking ngisi ni Adelard. God! He let his guard down that easily!

"Frederick watch out!"

Mabilis niyang naiwasan ang espada ni Adelard ngunit nagtamo siya ng malaking galos sa kaliwang balikat at nagsimulang dumaloy ang dugo mula rito. Nagsimulang sumugod ang lahat na pinangunahan ni Gregor ang ama ni Evelune pero sa isang pitik ng kanyang mga daliri ay nagawa niyang mapatalsik kaming lahat.

He float in the mid air and hovered above us. "HAHAHA! This is not over yet." he grinned and made a unique gesture in his hands kasabay ng paglitaw ng isang malaking bilog ng liwanag sa kanyang likuran. Napasinghap ako realizing that it was a portal. PORTAL. Tila tumigil ang oras sa akin habang nakatingin sa malaking bilog ng liwanag. So, it's possible to create a direct way that connect to a certain place or even a portal that connects to Earth.

Adelard gaze unto me na ikinatigil ko. Inilapat niya ang kanang kamay sa kaliwang dibdib at bahagyang yumuko. "Hanggang sa muli,Young---" natigilan siya at hindi naituloy ang sasabihin ng sabay na umatake ang lahat sa kanya.

Adelard swing his hands rushly and muttered strange words. "Eviktus!" Tuluyan na siyang sinakop ng liwanag sa kanyang likuran ang disintegrated immediately. It's possible that he knows something about a portal that's connected to the mortal world. Maybe he can lend me some information pabalik sa aming mundo.

Kumaripas ako ng takbo papalapit sa kanya. "WAIT!" pagpigil ko pero wala na akong nagawa dahil tuluyan na siyang naglaho sa ere.

Napaluhod na lamang ako sa lupa sa sobrang pagkabigo. Nasa harapan ko na nga ang susi para makabalik na kami sa aming mundo pero nabigo pa ako.

"May problema ba?" Nakapamewang na lumapit si Andrea sa akin. "Tapos na ang laban Bruha! Lakas mag-drama! Artista ghorl? Artista?" maarteng sabi nito sabay kampay sa kanyang buhok. Hindi ko na lamang siya pinansin at inayos ang aking sarili at tumayo.

Sumalubong sa akin ang maaliwalas na ngiti ng lahat ngunit ang higit na nakakuha ng atensyon ko ay si Frederick na abala sa pagpulupot ng kapirasong tela sa sugat sa kanyang braso.

Tumalikod siya at akmang aalis ng mabilis ko siyang kinalabit kaya humarap siya sa akin suot ang dating expresyon. Bigla namang nanginig ang buong sistema ko nang magtama ang mata naming dalawa.

I diverted my gaze. "Ahhh---I will p-perforn some healing magic. So, stay still." nauutal kong sabi pero malulutong at tuloy tuloy na mura na ang pinakawalan ko sa aking isip. Bakit ba kasi ganito ang nangyayari sa akin kapag kaharap siya?! Shemay

Bagama't abala na ako sa panggagamot sa kanyang sugat ay ramdam ko naman ang mariin niyang pagtitig sa akin.

I sighed. "Tapos na." sabi ko bago inayos ang aking pagkakatayo at lumayo sa kanya. Pero bigla nalamang nanlamig ang buo kong katawan dahilan para sa biglaan niyang pag-alalay sa akin. God! Ang lapit namin sa isa't isa. His green eyes. It was so fascinating that I almost lost myself. Kahit gusto kong lumayo ay hindi ko magawa. Parang ngayon ko lang naramdaman ang sobrang panghihina na halos hindi ko na kayang tumayo mag-isa.

"Your abusing yourself. Always remember that there is a limit to everything including your power. So be careful, Ruthenia." biglang nag-init ang aking magkabilang pisngi sa sinabi niya. Is he concerned? Ano naman pakialam ko kung concern ba siya or not? As if I care? Ang ganda sa pandinig ang pagbigkas niya sa pangalan ko. Ano ba 'tong mga naiisip ko. Gosh!

"Ayiieee! Sana all!" Nabaling ang tingin naming dalawa kay Andrea na may nanunuksong tingin. "Ibang level kayo huh! Kapit na kapit!" Napatingin ako sa aking sarili sa sinabi niya at wala sa oras akong kumalas sa pagkakaalalay ni Frederick sa akin. Shems

Lumapit ako kay Andrea at pasimple ko itong kinurot. "Ouch!" daing niya pero hindi parin maalis ang mapang-asar na ngiti.

"Your mouth, Andrea." bulong ko sabay diin ng tingin sa kanya.

Humagalapak lang siya sa pagtawa kaya napatingin ang lahat sa kanya. "Bruha ka! Just don't deny it! Nag-bblush ka ng sobra." sabi niya sabay tawa ulit. Napansin ko naman ang nakangiting mga mukha ng lahat ng naririto.

I flip my hair. "Hmp! Makakabawi rin ako sayong Basyang ka!" sigaw ko pero mahina lang. Tumawa lang silang dalawa ni Daisy. Makakabawi rin ako.

"Oddysey! Let's go!" Agad namang lumapit at sumunod siya sa akin at pumanhik sa isang bahay na nilaan para sa amin ni Evelune.

Hindi ko na magawang mag-explore sa loob ng bahay bagkus agad akong pumasok sa isa sa dalwang kwarto na naririto at inihilata ang aking katawan sa malambot na higaan at tinabihan naman ako ni Oddysey.

Gosh! This day was indeed super duper tiring. Pero mas gumugulo sa aking isipan ang ginawa ni Adelard. He can create a portal. A portal that connects two places na sigurado akong magagamit namin sa pag-uwi sa aming mundo. But how?

➖➖➖

"Naroroon parin sa itaas ng bundok ang nabubulok na katawan ng dragon." saad ni Gregor. Maaga kaming lahat gumising at nagtitipon sa loob ng kanilang simbahan. May bahid ng lungkot sa kanyang boses habang sinasambit ang mga bagay na ito.

"Tama ka." pag-sang ayon ko naman at bahagyang inikot ang aking tingin sa mga taong naririto. "Nararamdaman ko ang lason na humalo-halo sa hangin sa labas na nasisigurado kong galing ito sa nabubulok na katawan ng inyong tagapagbantay." dagdag ko at napatango naman silang lahat. Hindi kami magagawang madapuan ng lason iyon hangga't naririto kami sa loob ng harang na ginawa nila Andrea.

"Ipagpaumanhin niyo ang aming kapangahasan ngunit--" nag-aalangang tumingin si Gregor kay Evelune at iba pang naririto. "Nais sana naming humiling sa inyo kong maari niyong alisin ang katawan ng aming tagapagbantay sa itaas ng bundok--"

"Maaasahan mo ako sa bagay na iyan, Ginoo." pagputol ni Frederick sa kanya. Bahagyang umawang ang bibig ni Gregor sa 'di inaasahang sinabi nito. Ako rin mismo ay nagtaka. How can he bury a dragon's corpse? Iniisip ko pa nga lang ay nasisigurado kong dambuhala ang katawan nito at hindi basta-basta ililibing na lamang.

"S-sigurado ka ba, iho?"

Tumango lamang si Frederick sabay ayos sa naka-sukbit na espada sa kanyang bewang. Tumalikod na siya at akmang aalis na ng pinigilan ko siya.

"Sasama ako."

Napatingin siya sa kanyang likuran at bahagyang lumingon sa akin.

"Hindi na kailangan. Magiging pabigat ka lamang." walang emosyong sagot nito at muling tumalikod.

I was suddenly stunned of what he said. Anong problema niya? "Papaano ka nakasisiguro na hindi mo kailanganng aking tulong?" Nakatingin na ang lahat sa aming dalawa. Tumaas ang tono ng aking boses sa mga sandaling ito pero pinapakalma ko parin ang aking sarili. Nanatili siyang nakatalikod. "Unang tapak mo palang sa bundok ng Argonia ay maapektuhan ka na ng lason maliban na lamang kung kaya mo itong alisin ng wlanag kahirap-hirap." sabi ko and I heard him sigh.

"Sige, sumama ka na." pagsang-ayon niya na ikinangiti ko naman ng lihim.

"Sasama rin kami!" biglang sabat ni Andrea katabi si Daisy. I gave her a confused look at ngumiti lang siya sa akin. "Syempre hindi pwedeng hayaan ang isang DALAGA at BINATA na silang dalawa lang baka--ouch!" daing niya dahil sa malakas na pagtapak ko sa kanyang paa. Tumawa naman ang lahat ng naririto. "Your horrible--"

"Sumama ka nalang! Gagawa pa ng mga walang kwentang rason eh." sabi ko at hinila siya palabas ng silid. Hindi naman na namin narinig si Frederick na tumanggi kaya baka payag na rin siya siguro sa pagsama ni Andrea.

Mabilis kaming sumunod kay Frederick at sinalubong kami ng isang  lalaki na may hawak na dalawang puting kabayo sa labas.

"Ito ang gagamitin niyo sa inyong pag-akyat sa bundok mga binibini't ginoo." magalang niyang sambit sabay yuko ng unti. Naiilang parin ako hanggang ngayon sa uri ng pakikipag-usap ng mga nilalang rito sa Moniyan. Masyadong malalim ang ginagamit na wika.

Ipinaubaya niya sa amin ang tali ng dalawang kabayo bago nagpaalam at umalis.

Sandali kong pinagmasdan ang mga ito. Papaano na? Hindi ko alam patakbuhin ang mga ito. I never experienced such thing dahil hindi naman na akma ang paggamit ng kabayo bilang transportation sa Earth.

Walang pasabing sumakay na si Frederick sa isa sa mga kabayo at bahagyang lumingon sa akin. He raised his eyebrows. "Ano pang hinihintay mo?"

"Nasaan ang kabayo ko?" wala sa sariling tanong ko sabay lakbay ng tingin sa dalawa kong kasama. Si Andrea ay kasalukuyang abala sa pagsakay sa kabayo na halatang nasa kalagitnaan ng pakikipag-usap kay Daisy.

Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga at mabilis siyang bumaba at hindi ko agad nagawang magsalita nang walang pasabi niya akong binuhat pasakay sa kanyang kabayo. I heard Andrea's loud laugh pero hindi ko na ito pinansin at iwinaglit ang kakaibang bagay na aking nararamdaman.

Agad na nakasakay ako sa kanyang kabayo at napahawak ako sa batok ng kabayo para hindi ako mahulog. Agad naman na sumakay si Frederick at nasa likuran ko siya.

"Hindi tayo maaring magtagal sa bayang ito. Celestria's father, Gareth will soon take this route at posibleng madadaanan nila ang bayang ito." Bigla kong naalala ang puno't dulo ng lahat ng ito. Muntik ko nang makalimutan na nasa kalagitnaan pala kami ng pagtakas patungong Crocus ang sentrong siyudad ng Moniyan.

Napakagat naman ako sa aking mga labi nang kinabig niya ako at napasandal ako sa kanyang katawan. Biglang napaubo naman si Andrea na ngayon ko lang napansin kasunod ng pagtalon ni Oddysey sa aking harapan. Bahagya pa akong nagulat dahil sa pagtalon nito dahil hindi na gaya dati ang laki niya para pumunta sa aking harapan. "You forgotten me, Mommy." may halong tampo niyang sabi sa aking isip. Hindi na lamang ako sumagot at malambing ko siyang hinaplos and mouthed 'Sorry'.

"Okay, face front everybody, baka maligaw tayo kung saan saan kayo tumitingin." Saad naman ni Daisy sabay bigkas ng chant kasunod ng pag-halinghing ng kanilang kabayo. I bet it was one of her spell para patakbuhin ang kabayo ng kusa.

Nahiya man ako, pero wala na akong magagawa dahil nangyayari na ang sitwasyon na ito.

"Kumapit ka sa mga hita ko." Mahinang utos niya sa akin. I remained calm sa kabila ng mabilis na pagkabog ng aking dibdib. Wala akong oras sa ganitong bagay.

Sa laki niyang lalaki, siya ang gumagamit sa saddle ng kabayo kaya ang paa at hita ko ay nakukulong sa magkabilang hita niya. He's like a chair, I feel very secure.

"Let's go." Saad naman niya at nagsimula nang tumakbo ang mga kabayo.

Naiilang man ay pilit kong iwinawaglit iyon sa isipan ko. Itinuon ko ang pansin ko sa unahan. Mabilis naming narating ang bungad ng bundok at walang pagdadalawang-isip na sinuong ang masukal nitong kakahuyan. Nakikita ko ang daan na madilim na. Kakaiba rin ang mga itsura ng puno na hindi pangkaraniwang matatagpuan sa aming mundo dahil masyadong matayog at hindi masukat ang lapad ng katawan ng mga ito. May mga alitaptap na mga lumilipad na siyang naging ilaw sa madilim na dinadaanan.

Ibinukas ko ang aking mga palad at namuo ang pinaghalong asul at puting liwanag rito. Ginamit ko ang aking liwanag para hindi kami magawang maapektuhan ng sakit na dala ng lason na humalo na sa hangin.

Ang pagtakbo ng kabayo at ang pagtama ng paa nito sa tuyong lupa ang siyang nagsisilbing ingay sa paligid. Kakaiba ang katahimikan. Hindi narin ako nagtaka sa biglaang paglamig ng paligid dahil hindi na abot ng sikat ng araw ang parte ng kabundukang ito.

We suddenly stop when a loud lung piercing animalistic screech choose to sound off from the trees not too far from us, umalog ang tuktok na mga sanga kasabay ng paglipad ng mga maliit na itim na mga ibon.

A large creature made a dash from the woods, too fast for me to catch more than a glimpse at, before it landed facing us at nanlaki ang mata ko sa sandaling ibinukas ang bunganga nito upang palabasin ang isa pang malakas na alululong na nagpasakit sa aking tainga. A demon monkey. Oh you've got to be kidding me. The large monkey was the size of a cow, its long tail twisting around in the air. Large protruding fangs na sobrang laki at hindi na akma sa kanyang bibig.  Its body was covered in yellow fur with a large black face, hands and feet with six green beady eyes on top of its head.

"...Miasmic...demon..." Kusa kong nasabi sa sobrang kaba. I was able to read and acquire basic informations tungkol sa mga demonic and monstrous being na namamalagi dito sa Moniyan dahil sa isang libro sa bahay ni Delphina.

"I'll handle this." Frederick said bago bumaba at naiwan akong mag-isa sa kabayo.

"Nakakatakot naman ang itsura ng monster na yan! Unggoy na nag-evolved!" narinig kong sabi ni Andrea na ikinalingon ko sa kanya.

"Baka matakot pa nga siya sa lakas ng bunganga mo eh." I replied sabay irap sa kanya. Wala naman akong nakuhang sagot bukod sa maarteng pagggaya niya sa sinabi ko.

The demon screech at halatang sabik na sabik na gawin kaming umagahan. Bahagya pang yumanig ang paligid sa mabibigat na mga yapak nito.

Frederick swing his right hand kasabay ng paglitaw ng mga rock fist mula sa lupa. Tumama ito sa halimaw at nagpakawala ng malakas na alulong ang halimaw dahil sa sakit. What the hell? Did he just control the ground?

"Daisy?" binigyan ko ng naguguluhang tingin ang filolial dahil sa ginawa ni Frederick.

Halatang napapaisip rin ito at nakuha niya ang ibig kong sabihin. "Ako rin mismo ay naguguluhan. I didn't expect that he's a dual weilder." saad niya habang nakatingin kay Frederick. Napatingin rin ako sa nakatalikod na nilalang habang abala sa pakikipaglaban sa halimaw. His controlling the ground effortless. Sino ka ba talaga?

I raised my sight above us nang tumalon si Frederick sa isa sa mga sanga ng isang puno. Nagtamo na ng malaking pinsala sa katawan ang halimaw at muling sumugod sa kanya. But he disappeared immediately like a flash of light and draw his sword brutally.

Sumirit sa buong paligid ang dugo ng halimaw kasabay ng pagkahati ng katawan nito. I'm speechless. Wala akong masabi sa kakayahan niya.

Namalayan ko na lamang na pumasan muli siya sa kabayo at ipinagpatuloy namin ang pag-akyat sa matarik na bahagi ng bundok. Hindi ko na inabala ang sarili para magtanong. Basta nasisiguro ko na hindi lamang ordinaryong nilalang ang kasama namin ngayon.

May nakakasalubong kaming mga demons ngunit mga ordinaryo na lamang ang mga ito kaya naitataboy namin sila ng walang kahirap-hirap gamit ang aming kapangyarihan.

Biglang akong napangiti nang makita ang liwanag na nagmumula sa aming harapan. We already reach the top of this mountain.

"Brace yourselves. Hindi natin alam ang naririto bukod sa katawan ng dragon." sabi ni Frederick at wala ni isa sa amin ang sumagot.

We finally reach the tip of the forest at bahagya pa akong nasilaw sa liwanag kaya napatakip ako sa aking mata. Pero napatakip naman ako sa aking ilong dahil sa nakakasulasok at masangsang na amoy sa buong paligid. I opened my eyes at halos masuka ako sa bagay na nasa aming harapan.

A huge carrion of the dragon ang nakaratay sa aming harapan. Sobrang laki nito na halos tingalain na namin sa taas. Nabubulok na ang buong katawan nito at may ilang demons akong nakikita at abala sa pagkain ng mga laman at hindi man lang napansin ang aming pagdating. Halos ikasuka ko na habang pinagmamasdan kung paano nila kainin ang inuuod na bangkay. Gross!

Isa lang ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito. Papaano namin ililibing ang dambuhalang katawna ng isang dragon? Its big size exceeded my expectation.

Andrea and Daisy created a barrier laban sa lason at bumaba na kaming lahat. "Ako na ang bahala." Frederick said plainly and disappeared immediately. So, manonood lang ang gagawin namin rito? No way! Agad ko namang pinatibay ang aking kapangyarihan sa katawan niya para hindi maapektuhan ng lason.

He then raise his hand and the ground suddenly shakes. A green magic circle appeared beneath him at napasinghap ako nang makita ko kung paano unti-unting kainin ng lupa ang nabubulok na katawan ng dragon. Patuloy na yumayanig ang paligid dahilan para magkagulo ang lahat ng mga demons na naririto. Bumukas ang lupa at nilamon ang bangkay kasama ang lahat ng mga halimaw. Tanging alulong nila ang nagsisilbing ingay hanggang sumara ang lupa bago naging maaliwalas ang lahat.

Nanlaki bigla ang mata ko at hindi dahil sa ginawa ni Frederick kundi sa natatanaw kong lugar mula rito.

"...Wow.." The poisonous air disappeared dahilan para umaliwalas ang paligid.

Kusang gumalaw ang aking mga paa pasulong at hindi maiwasang takpan ang aking bibig sa sobrang pagkagulat at pagkamangha. This scenery. Its far beyond human imagination.

Isang napakagandang kapatagan ang natatanaw mula rito. With my improved eyesight ay malaya at malinaw kong nakikita ang ganda ng lugar.

"That is Moniyan plains. The region which surrounds the Moniyan Empire." saad ni Frederick. Tinutukoy niya siguro ang malawak na kapatagan na binubuo ng hindi mabilang na daan na hindi ko alam kung saan patungo. "This path is usually used by travelers, who intend to cross to other regions. Beutiful isn't it?" dagdag pa niya. I remained speechless sobrang nakakalula ang ganda nito. So this is Moniyan Empire. May ilang parte na na natatakpan ng makapal na mist at kadiliman na ikinataka ko ng husto.

"That isolated town is Braidwood, which had been abandoned by the people there, due to a famine. Some Zarinians used it as a hideout for getaway burglars and criminals." muling sabi niya na parang nababasa ang aking isipan. Bakit may ganyang kalseng lugar rito sa Moniyan? "...And the Lightborn Capital, Crocus." turo naman naman niya sa pinakamalayong bahagi kung saan malinaw kong natatanaw ang napakatayog na pader. So that was Crocus. Biglang lumukob sa akin ang kakaibang excitement knowing na makakatapak rin ako sa lugar na iyon. 

Itinuon ko muli ang tingin sa madilim na bayan. "The town of Braidwood---" sa wakas at nagawa ko ring magkapagsalita akala ko mapipipi na ako sa sobrang pagkalula. Sandali siyang napatingin sa akin. "Dadaan tayo roon diba?" tanong ko dahil ito ang pinakamalapit sa lahat ng lugar na nakikita namin mula rito sa bundok ng Argonia.

He nodded bago ngumiti. Shems. Ang gwapo. Erase. Erase! "Huwag kang mag-alala Binibining Ruthenia hindi ka nila magagawang hawakan." Kalmadong sabi niya na ikinainit ng magkabila kong pisngi. Gosh! Itong lalaking 'to sobrang pa-fall. Mabuti kong sasaluhin niya ako!

"Hoy! Mga love birds! Magtatagal pa ba tayo rito?!" biglang sulpot ni Andrea kasama sina Daisy at Odyssey at pwersahan kaming pinaghiwalay ni Frederick. "Time is gold po Sir at Mam." nakataas kilay niyang sabi. Marami pa siyang satsat pero natuon ang atensyon ko sa isang puno sa aking kanan.

Nagulat ako nang marinig ang isang boses na nagmumula roon. "Ruthenia?" halos mapatalon ako sa pagkabigla. What? Nakakapagsalita pala ang isang puno?

"Guys! Please quite." pagpigil ko kanila Andrea bago hinarap at nilapitan ang puno.

"Sino ka?" tanong ko rito at hinawakan ang magaspang na katawan ng puno.

"Hala ka! Pati puno kinakausap na!" rinig kong sabi ni Andrea mula sa aking likuran.

"Ruthenia, kailangan niyo nang umalis." Natigil ang aking mga kasama dahil narinig rin nila ang boses ng babae. It took me while bago ko malaman kong kanino ito.

"Evelune?!" sabay naming sigaw ni Andrea at hindi makapaniwala. The heck? Parte ba 'to ng kapangyarihan niya. Amazing

"Mahaba pang salaysayin ngunit may masamang balita." bakas ang kabasa boses niya. Nagkatinginan kaming lahat dahil parang alam na namin ang gusto niyang iparating. Bigla akong nangamba sa sunod niyang sinambit.

"Lord Gareth of Fletcher's together with a massive amount of soldiers ay nandirito na sa Patris." Napahawak ako sa kamay ni Andrea at bakas rin ang pag-aalala sa kanyang mukha. No way! "Nagawa kong mailipat sa masukal na bahagi ng bayan ang inyong mga kagamitan at karwahe. Handa na ang lahat! Bilisan ninyo bago mahuli ang lahat!"

Mabilis kaming tumakbo papunta sa kabayo at akmang sasakay ako nang pinigilan ako ni Frederick. I gave him a what-are-you-doing-look.

He just sighed. "Hindi na natin kailangan ang mga ito. Humawak kayong lahat sa akin." sabi niya na agad naman naming sinunod mukhang alam ko na ang bagay na gusto niyang gawin. Pinatong rin namin ang aming kamay sa mga kabayo. I wonder hanggang kailan matatapos ang lahat ng ito.

In just a split of a second ay nagbago ang lugar na kinalalagyan namin.

➖➖