Ilang oras na rin ang nakalipas at tuluyan na kaming nakalayo sa bayan ng Patris and was able to escape from the hands of the Fletcher's. Nalaman ko lang din kay Evelune na ang ama pala ni Celestria na si Lord Gareth ang siyang may hawak ng lahat ng mga kalakalan sa sentrong siyudad kaya siguro ganon na lamang kalaki ang awtoridad na meron siya at nagawa niyang magsama ng malaking bilang ng mga kawal. Kamusta na kaya sila Delphina? Sana wala silang ginawang masama sa bayan ng Hage.
It was a silent trip while taking the route of Moniyan plains. Isa lamang itong simpleng katapagan pero mapapansin ang mga abandunadong mga parte tulad ng mga tuyong lupa na dating taniman at ang maliit na bayang natatanaw di kalayuan.
I turned my attention to the rectangular case beside me. Halatang antigo ang case na parang ilang siglo na ang itinagal nito. Evelune gave it to me as a gratitude sa pagmamabuting loob namin sa Patris bagama't halatang nagmamadali ito kanina dahil sa pagdating ng mga maharlika.
"Isa itong sandata na siyang pinakamahusay na ginawa ng lahat ng mga nagdaang eskremador rito sa Patris. Sana'y masiyahan ka sa aming munting regalo."
Nalilito pa rin ako hanggang ngayon sa ikinilos nila Evelune nang ibigay nila sa akin ito. Isang sandata? Hindi ko pa nagagawang masilip ang laman ng antigontmg kahon magmula kanina.
Naisipan ko itong buksan kaya ipinatong ko ito sa aking hita ang at napangiwi na lamang ako sa bigat. Hindi ko inaasahan na sobra pala itong bigat. Gosh!
Mabilis na umalalay si Andrea sa mutikang na pagkahulog nito. "Dahan-dahan ka namang bruha ka." sabay tabi sa akin at binigyan ako ng nakakalokong ngiti. "Pera o kahon?" pang-aasar niya habang taas baba ang dalawang kilay.
I just rolled my eyes. "Kahon! Of course!" Ano to? Kaloka. Wawawin?
"Pero na-ccurious talaga ako kung anong laman ng misteryosong kahon na 'yan." biglang sabi niya habang nakatingin na sa kahon. "Ano sa tingin mo Daisy?"
The filolial just rolled her eyes. "It's obvious that it contains a certain weapon and its up to us to find out what it is." she answered plainly habang si Oddysey naman ay nasa tabi ko lang at natutulog.
"Its up to us 'daw kaya buksan na!"
I sighed at ipinasok ko ang maliit na susi sa butas ng kahon. I heard a click sound kaya agad ko na itong binuksan and napaawang ang bibig ko nang makita ang nilalaman nito.
"..A bow?" Hinawakan ko ito at pinagmasdan. It was lightweight, itong kahon lang siguro talaga ang mabigat. A crystal bow na parang gawa sa diamond ang kinang. Napansin ko rin ang simbolo ng rose sa magkabilang dulo nito. Its string is like a golden thread at hindi ko ma-determine kung ano talaga ang materials na ginamit sa bagay na ito. But, to my wonder ay wala itong--
"A bow without an arrow?!" sigaw ni Andrea at ako rin ay nagtataka. Paano ko ito gagamitin kung wala namang bow. Natahimik kaming dalawa at tanging pagtakbo ng kabayo ang nagsisilbing ingay.
"You can triggered it using 'will power'." My brows met sabay tingin kay Daisy na nakapalumbaba. Ang daming alam talaga ng filolial na ito. Pa share naman ng knowledge.
"Will power?"
"Its pretty simple. You can create bows using your mind or 'Will power' in other term." sagot niya at ako naman ay hindi na nakasagot at lubos na napaisip. Its pretty amazing na ang isip mo mismo ang gagawa ng sarili mong bow sa pakikipaglaban. Our mind is very much powerful.
Biglang marahas na huminto ang karwahe kaya naihagis ang lahat ng mga gamit at kami naman ay napasubsob at naiuntog sa matigas na kahoy nito. Mabuti na lamang at hindi ko nabitawan ang Crystal Bow ko dahik napaka-fragile pa namang tignan.
"Ouch! Frederick ano na?!" iritadong tanong ko sabay hawi ng makapal na tela na namamagitan sa kanya at sa loob ng karwahe.
"My butt is hurt." rinig kong reklamo ni Andrea.
"Dapat i-inform mo naman kami kung--" bigla akong natigilan ng makarinig ng isang malakas na alulong. I am absolutely sure that it's not a demon howl. Sa maiksing panahon ko rito sa mundong ay mabikis kong na-familiarize ang alulong ng mga demons. Wait--it can't be.
Biglang dumaan sa langit ang isang malaking nilalang dahilan ng panandaliang pagkulimlim sa buong paligid kasabay ng pag-ihip ng hangin. Nakita ko ang pinagpapawisang si Frederick habang nakatingla kaya tumingala rin ako sa itaas and I shiver in fear. A dragon. A real life dragon!
"Waahhhh!" sabay kaming napasigaw ni Andrea at yinakap ang isa't isa. Super laki nito at malulula ka talaga at mangingig ka sa takot.
"Shhhh! Silence you two!" pigil sa amin ni Frederick at mabilis na pinatakbo ang kabayo at ikinubli ang karwahe sa grupo ng matatayog na puno.
Agad naman kaming bumaba habang pinagmamasdan ang isang malaking dragon na mabilis na dumapo sa kalapit na bayan. It was the town of Braidwood. My eyes widened realizing na may tatlong imahe ng nilalang na nakasakay sa ibabaw ng dragon at mabilis na tumalon at lumapag sa tuyong lupa. Their stance and the garments their wear are shouting in extreme authority and power of a noble. Kulay puti ang suot nilang mahabang coat na may gold linings sa bawat gilid.
"Moniyan Chivalries." saad ni Frederick habang mapait ang tingin sa tatlong nilalang na abala na ngayon sa pakikipaglaban sa mga nilalang na namamalagi sa Braidwood. Sa pagkakaalama ko ay pugadng kriminal ang bayang ito.
I can feel a massive magic power covering the place. Fire, Water and Earth. Mga elemental users like us?
I enhances my sight at pilit na inaaninang ang dalawa sa kanila dahil parang familiar sila sa akin at napakapit ako ng wala sa oras kay Andrea nang makilala kung sino sila.
"P-prince Sapphire." bakas ang kaba sa sinabi ko. Malinaw kong nakikita kung paano siya magpalabas ng apoy para tupukin ang maliit na bayan. Hindi ako makapaniwala na naririto sila at kasama niya pa ang bruhang si Celestria at isang 'di ko kilalang lalaki. They are related? No wonder dahil pareho silang mga masasama at mapang-uyam na mga nilalang.
"Paano mo siya nakilala?" bakas ang pagkairita sa tono ng boses ni Frederick bagama't hindi man lang ito lumingon sa akin. Bakit parang galit na galit siya? Bumaba ang tingin ko sa nakasaradong mga kamao niya.
"Long story. We just know each other accidentally in Hage." Hindi naman na ako nakakuha ng sagot mula sa kanya.
"Let's go!" sigaw ni Frederick nang makitang pumasok ang taatlong nilalang sa loob ng Braidwood.
Umangkas na siya sa kabayo. "We have no choice but to take another route. The shortest but also the most dangerous." Naguluhan ako sa sinabi niya pero isinantabi ko na lamang ito at mabilis kaming pumanhik at pumasok sa karwahe. Habang ako naman ay hindi magkamayaw sa kakatingin sa nagkakagulong bayan.
➖➖➖
Kusa akong nagising dahil sa malakas na pagyugyog ng karwahe na parang lubak-lubak ang dinaraanan. Napahawak pa ako sa aking upuan para hindi mauntog. Pero sa kasamang-palad nauntog parin ako.
Inikot ko ang paningin sa labas at nanlaki ang mata ko sa nakita. Sobrang kapal ng mist sa paligid at higit ring nakapagbigay-pansin sa akin ang lahat ng aming nadaraang mga puno. Lahat ng mga puno ay patay at tanging kahoy lamang ang natira sa kanilang katawan. Nasaan ba kami?
Nakadama naman ako ng kakaibang kilabot sa aking sarili. Ano bang lugar ito. Nasa ganoon akong hallucinations ng biglang yumakap sa akin si Odyssey na ewan ko ba kung natatakot or nanlalamig. But I'm pretty sure that she's afraidd of something.
Nagkatinginan naman kami ni Andrea at parang alam na namin ang susunod na mangyayari. Batid kong 'di ako nag-iisa sa kilabot na nararamdaman ko sa mga oras na ito
Hindi ko naman napigilang magtanong. "Where are we, Daisy? Bakit ganito ang itsura ng lugar na dinaraanan natin?" habang tumatanaw ako sa labas.
"We are in the middle of the Dark Forest of Linous."
Matapos sambitin ni Daisy ang mga katagang iyon ay umalingawngaw ang ungol ng isang demon.
I alerted myself dahil malakas kung nararamdaman ang hindi mabilang na presensiya ng mga demons sa paligid.
Bakit kasi dito pa kami dumaan? Mas gugustuhin ko pang ilang araw ang biyahe kesa dumaan sa maiksi ngunit nakakakilabot na lugar na ito. It was all their fault! Kung hindi lang sana umeksena sila Sapphire sa paglalakabay namin ay sana sa ibang lugar kami ngayon. Napayakap na lamang ako sa aking sarili dahil sa kakaibang lamig na bumabalot sa aking buong katawan.
Naalala ko na. This is the forest that can be found in the northern part of Moniyan plains. Hindi ko ito binigyang pansin sa pag-aakalang hindi namin ito madaraanan.
If I'm not mistaken, ito ang huling lugar na daraanan namin bago marating ang capital city. Hindi ko naman expected na may ganitong klaseng lugar. Gosh!!
Nasa ganoong pagtakbo ang karwahe nang biglang tumigil ito.
"Is there a problem?" tanong ko sabay hawi sa kurtina.
Narinig ko pa ang paghalinghing ng kabayo na parang takot na takot.
Sumenyas lamang si Frederick at hindi nagsasalita, seryoso lamang ito at may itinuturo siya sa aming harapan. Sa lubos kong pagtataka'y sumilip ako sa bintana ng karwahe at muntik na akong mapasigaw mabuti na lamang at napigilan ko pa rin ang aking sarili.
I got goosebumps all over my body. Ang bilis ng tibok ng puso ko sa sobrang kaba.Oh my Ghad!!!
Countless pair of red eyes everywhere at nakatingin silang lahat sa aming direksyon.
"Mukhang mapapalaban tayo bruha." sabi ni Andrea kasabay ng pagliwanag ng kanyang mga kamay. Wow. May ganoong power na siya?
Nauna ng lumabas si Daisy. The heck? Determinado talaga silang makipaglaban?
Pinagdiinan naman ako ng mata ni Andrea kaya napilitan na akong bumaba habang hawak kamay kaming dalawa. Halata rin kinakabahan siya dahil sobrang lamig ng kamay niya.
Nasa ganoon akong pagbaba ng napahawak ako sa likod ni Andrea dahil natalisod ang aking paa ng isang matigas na bagay dahilan para muntik na akong madapa.
Kaya tinignan ko ang bato na aksidente kong natalisod.
Ngunit umakyat ang kilabot sa aking buong katawan ng akmang hahawakan ko na ang bagay na sa pag-aakala ko ay isang bato. Pero nagkamali ako dahil isa pala itong bungo.
Napatalon pa ako sa sobrang pagkabigla sa aking nakita dahilan para mapatingin sa akin si Andrea. Hindi pa ako nakakamove-on sa aking nakita ng muli akong makakita ng isa pang bungo. At hindi lang isa--dalawa--kundi napakarami!
Nagkalat ang mga kalansay ng nilalang sa buong paligid.
Kaya pala parang rough road ang daanan kanina. Sa pag-aakala kong mabato rito pero hindi. Dahil puno ng hindi mabilang na buto ng nilalang ang nagkalat sa paligid.
Pinilit ko namang ikinalma ang aking sarili. Inhale... Exhale.. Nasa ganoon akong ginagawa ng bigla kong marinig ang boses ni Daisy sa aking isip.
"Ready yourselves"
Nanginginig man pero agad kong inasinta ang sarili at inihanda sa labanan. Huminga ako ng malalim..
Tahimik lang ang buong paligid.. At naghihintay kami kung sino ang unang aatake. Nagmamasid lamang ang hindi mabilang na pulang pares ng mata sa aming direksyon. Demons. Hindi ako gaanong mabigat ang takot na aking nararamdaman dahil kasama ko ang mga taong alam kong pprotekta sa akin.
Si Frederick ang nasa harapan ng karwahe, si Daisy sa kanan, si Andrea sa kaliwa at ako at si Odyssey naman sa bandang likuran nito.
Tahimik at wala kaming kibuan sa isa't isa. Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang sabay-sabay na umalingawngaw ang mga alulong ng mga ito. Ito na ang hinihintay naming hudyat para simulan ang labanan. Sabay sabay na nagsisugod ang mga mababangis na nilalang patungo sa amin.
Dito agad rumehistro sa akin kung anong klase sila ng nilalang nang magsilabasan sila sa kanilang mga pinagtataguan. Mga Yebes. This kind of demons ang nagawa naming ma-encounter sa bundok ng Sabino Canyon. Nakakalula ang kanilang dami bagamat hindi ko sila magawang makitang lahat dahil sa kapal ng hamog sa paligid.
I remained in a battle stance and started to move my hands at nagpakawala mga bola ng liwanag. Mapanganib ang mga tulad nila dahil nagtataglay ng mataas na uri ng lason ang kanilang mga laway. So it is much better to use long range attacks. Kasunod nito ang malalakas na kulog at kidlat sa kalangitan na nanggagaling kay Frederick. Nagliwanag ng kulay dilaw sa parte ni Daisy kasabay ang sunod-sunod na pagsabog ng mga shockwave sa paligid.
Binalot ng iba't-ibang liwanag ang madilim na kagubatan galing sa aming kanya-kanyang atake kasabay ng mga pagdaing ng mga Yebes. Pero tila hindi sila nauubos. May disadvantage sa parte namin at alam kong napansin rin iyon nila Daisy.
Masyadong mahamog sa paligid kaya hindi ko na gaanong mahagilap ang mga sumusugod na mga halimaw.
I was taken a back nang biglang binuka ni Odyssey ang bunganga niya at lumabas ang bluish energy mula rito. Nagtamo ito ng malakas na pagsabog at pagkasunog ng nga grupo ng Yebes. Natutuwa ako na may improvement na rin siya dahil parang kailan lang na isa pa lamang siya baby wolf at ngayon ay triple na ang ikinalaki niya.
"Use your bow, Mommy." Natigilan ako sa boses niya sa aking isipan. Yeah. Pero hindi ko pa alam gamitin 'yon at mas lalong hindi ko pa alam ang mag-create ng arrows.
Pero hindi naman masamang sumubok right? Kaya agad ko itong kinuha at pinagmasdan.
Huminga ako ng malalim and tightened my grip on my bow. Inasinta ko ito sa direksyon ng mga demons and visualize an arrow that is made of light.
Biglang nag-materialize ang isang light arrow kaya mabilis ko itong pinakawalan. Tumama ito sa isang halimaw pero napangiwi ako ng bumaon lamang ito kunti sa kanyang laman. Ganon na 'yon? Its red eyes turned directly to me at mabilis siyang tumakbo papunta sa akin.
"Bakit wala man lang effect or so on?" Bulalas ko at hindi ko maiwasang mataranta sa susunod na gagawin.
"It's because your energy is not enough. You have to release more power to your arrow enough to destroy and kill the demon." Sabi ni Daisy sabay pakawala ng isang shockwave na tumupok sa Yebes na planong umatek sa akin.
"Remember, not so little. It can only cause scratches to your opponent just how you did a moment ago." sandali akong napakapit sa pagyanig ng lupa at mga malalakas na pagsabog. I remained my attention to Daisy. "Not too much. Because you can lose all your magic power when you release all of your energy. If your body does not cope, you may die. she said na nagpakaba sa akin.
Oh my God. Ayoko pa mamatay!
Naglabas na ako ng sapat na dami ng energy para sa arrow ko. Yung as in, siksik na siksik ang mga atoms ng light ko bago ito inasinta sa mga Yebes. Pinakawalan ko na ito and cause a loud explosion.
I did it! Nagawa kong mapatay ang mga halimaw at hindi kang isa.
"I did it! Omg!" Nagtatalon ako sa saya.
"Very well, Ruthenia. Just assumed that you're in a middle of a training." saad ni Daisy bago lumayo at pumunta sa tabi ni Andrea na nag-hhold ng magic shield.
Patuloy kami sa pagtataboy sa mga Yebes and we are all doing well. Daisy with her shockwave at ang barrier na ginagawa ni Andrea na pumoprotekta sa amin. The demons can't get through the barrier pero nakakalabas ang mga atake namin. He is doing well too at wala akong masabi sa lakas ng pinsala ng kidlat niya and take note, hindi niya pa ginagamit ang Earth Manipulation niya. Si Oddysey naman ay walang tigil sa pagkalmot at pagkagat sa mga Yebes at minsan ay nag-eemits siya ng bluish energy gaya kanina.
I released light arrows constantly at mabilis kong nagagamay na gamitin ang weapon ko at I think favorite ko na 'to though nararandaman ko rin ang pagbawas sa magic power ko dahil sa patuloy na pag-atake.
Few moment after ay bigla nang tumahimik ang paligid kasabay ng unti-unting paghawi ng mga alikabok dulot ng sunod-sunod naming atake. Wala na ni isang Yebes ang naririto bagkus naging abo na silang lahat. Once kasi na napaslang mo ang isang demons ay maglalaho na ito at magiging abo. Pero nakakapagtaka parin na parang gabi rito sa Linous at hindi mo matatanaw ang kalangitan dahil natatakpan ng makapal na mist. This place is very mysterious and creepy.
So I raised my bow and tried to make an attack above us, to the mist. It took me a minute para mag-ipon na malakas na energy sa aking arrow before releasing it.
Para itong isang fireworks na mabilis na bumulusok paitaas na nag-cause ng loud explosion. In a split of a second ay biglang naglaho ang mist at lumiwanag ang paligid dulot ng liwanag galing sa araw. I smiled when I was able to travel my eyes around the place. Nawala na ang mist.
Umulan ng light dust galing sa kalangitan at nagulat ako ng biglang nagkaroon ng buhay ang mga puno. Ang tuyo at bitak-bitak na lupa ay nagkabuhay rin at tinubuan ng mga halaman at damo.
"...wow." Kusang nasabi ko sa sobrang pagkamangha habang pinagmamasdan ang paligid.
"It's not a dark forest anymore. Thanks to you." sabi ni Frederick pero hindi na ako nakasagot sa sinabi niya. Sobrang ganda at umaliwalas na ang paligid.
"Ang galing! Paano mo nagawa 'yon Ruthenia?!" tanong nito sabay bangga sa akin. Napangiti na lamang ako dahil hindi ko rin inaasahan na ganito ang magiging outcome. I only want to get rid of the mysterious mist.
Napatingin ako kay Daisy at nahuli ko itong nakatitig sa akin habang malalim ang iniisip. Hindi ko na lamang siya pinansin.
Frederick then raise his hands at biglang humulma ang lupa na aming tinatapakan. Mabilis ang pangyayari at tumambad na lamang sa amin ang diretso at patag na daraanan.
"From now on, this place will be called the forest of Linous." sabi niya kasabay ng pagtubo ng isang higanteng puno sa bungad kung saan nakasulat ang pangalan ng gubat sa katawan nito 'Linous'. "And soon will be a peaceful way to travel the borders from the Lightborn Capital going to Forsaken realm." sabi niya at napanganga na lamang ako nang nagsisayaw ang mga dahon ng mga puno at umawit ang mga ibon na tila nasisiyahan sa kanyang sinambit.
I remain watching Frederick smiling face habang abala siya sa paglalakbay ng tingin sa paligid. He seems to be happy. Napahawak naman ako sa aking dibdib dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. No! This can't be happening. Kakaiba talaga ang ngiti niya na parang ma-hhipnotize ka. I always denying the fact that I like him. My mind says no but my heart keep betraying me and say Yes.
Namalayan ko na lamang na nakasakay na ako sa karwahe at pinagmamasdan ang daan palabas sa kagubatan ng Linous. But I almost lost myself to my extreme surprise dahil sa bumungad sa amin. A great and magnificent wall where many moon carvings engraved and countless horse howling a chariot ang labas pasok sa pader. There are dragons flying everywhere with some men riding at their back. So, this is it. The Lightborn Capital of Moniyan, Crocus.
DAISY
I stared at Ruthenia. No way. Symptoms are in line with being a Priestess of Light that only a family of the moon elves possesses or also known as the Seraphims. I once love to read about the history of them back in the enchanted forest and I noticed from her that she had a similarity with Mediatrix Rosaelia. The ability to heal wounds not just wounds but also nature.
I remember that. Her silvered hair that was hidden under her wig and her blue eyes. She's a resemblance of Mediatrix Rosaelia. Then, OMG really! But why is she just light element? She must control all elements.
Frederick is also included to my mind. He can't just control lightning but the Earth itself. Being a dual wielder is not normal unless he possess the blood of the Khisfires like King Inferno who possess dual abilities. Prince Sapphire is the only heir of the throne and nothing else. But I once heard about a second prince of Moniyan but its just a rumor. Aish! My head is hurt now! Nevermind.
➖➖➖
A/N: Kunti nalang talaga susuko na ako sa English eh😭😅 Bakit ko pa kasi naisip 'yong rights ng nga nobles haha napasabak tuloy sa English. Kaya I apologize kung may maling grammar, punctuations and many more. I do hope you understand❤️