Chereads / Seraphim's Heart / Chapter 5 - Chapter 04: Strange

Chapter 5 - Chapter 04: Strange

➖➖➖

"Yehey! We're already here! Andrea." Niyakap ko siya sa sobrang galak habang tinatanaw ang ganda ng Siargao beach.

"Behave yourselves, Ruthenia. Okay?" Mom said sabay akay sa akin sa pagbaba. While Dad and Tito Albert are busy lowering our belongings.

"Hmp!"  me and Andrea nodded excitedly.

"Can we already swim with the beach mommy?" pangungulit ko and I was dragging the hem of her dress at the same time. "We are so excited, right Andrea?"

"Yes tita!"

"Of course, my daughter. Pero si Manang muna ang magbabantay sa inyo because we will fix first our belongings in our cabin. So, behave." sabay pisil sa pisngi namin.

Lumapit sa amin si Manang Yoli dala ang dalawang swim ring. "Tara na mga, iha."

"Yeheyyy!"

"Talo ka na, Andrea!" I shouted happily and threw sand balls again na mabilis naman niyang naiwasan.

"Not yet!" at ibinato niya rin ang kanina niya pang hawak na buhangin.

Andrea suddenly stop throwing sand balls sabay tingin sa mga alon. "My slippers!"

Mabilis siyang lumusong sa tubig at hindi naisuot ang swim ring niya.

"Andrea wait!" agad akong sumunod sa kanya.

"Mga iha!" Manang is running towards us in extreme anxiety.

Mabilis ang pangyayari at nakita ko na lamang na nakalutang si Andrea sa tubig.

"Mommy! Daddy! Andrea's need help!" I cried in utter despair.

"What's happening---Oh my gosh! Albert our daughter!" sigaw ni Tita Emelda at mabilis na tumatakbo kasama sina Mommy.

"Ruthenia! Are you okay?" Lumapit si Mommy sa akin at lumuhod para mapantayan ako.

I nodded. "Y-yes Mom. But Andrea--"

Umahon na sina Dad at nanlaki ang mata ko nang makita ang lantay gulay na katawan ni Andrea na buhat buhat ni Tito Albert.

"ANDREA! NO!"

Suddenly all the water on the shore rise.

Nagising ako habang hinahabol muli ang aking paghinga.

A dream.

Inilibot ko ang aking tingin sa lugar. Ceiling made of wood, antique objects at papasikat na araw.

Nasaan ako?

Napansin ko si 'baby wolf' na nakapatong sa akin at mahimbing ang tulog.

"Oh God! Your awake." biglang lumapit ang naluluhang si Andrea sabay tingin sa aking kondisyon. "May masakit pa ba sayo?" tanong niya sabay tingin sa kaliwang balikat ko kaya napatingin rin ako rito.

What? Anong nangyari sa sugat ko? Napakalaki ng sugat na natamo ko sa halimaw and it is so deep that it is very impossible to get rid of it.

"Believe it or not it was a healer's doing." seryosong sabi ni Andrea na nakatingin na ngayon sa bintana.

"A h-healer?" hindi makapaniwala kong sagot. "But how? At nasaan tayo?"

Andrea took a deep breath at sinimulang isalaysay ang lahat.

"Mga dayuhan! Mukhang kailangan nila ng tulong!" a man in his late 40s shouted nang makita ako habang inaalalayan ang walang malay na si Ruthenia.

Nakuha namin ang atensyon ng ibang mga tao na naroroon at unti-unting pinalibutan kami. Mayroong isang hitsura ng pagkamangha sa kanilang mga mukha na para bang hindi nila nakikita ang mga tao.

"Help us! Please help my friend!" sumisigaw ako ng tulong sa ilang mga tao.

Instead of helping they just murmur at whispered to each other na naririnig ko naman.

"Tama ba ang narinig ko?"

"Nagagawa niyang magsalita ng lengguwahe ng mga dugong bughaw."

"Sino siya?"

"Kakaiba ang kanilang kasuotan."

Nagtagis bagang ako sa mga sinambit nila.

Are these people crazy?

Maya maya pa, ang ilan sa kanila ay tumabi upang magbigay daan sa isang matandang babae.

They all give respect. "Pinuno."

Lumapit siya sa amin at ibinaling ang tingin kay Ruthenia.

"Dalhin ang babaeng ito kay Delphina." may awtoridad na wika nito habang seryoso pa ring nakatingin sa kanya.

Binuhat ng ilang kalalakihan si Ruthenia upang dalhin sa loob ng bayan. Hindi ko na natanggihan ang kanilang tulong sapagkat nararamdaman ko rin na mabuting tao sila at isa pang bagay na hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung ako lang ang gumagamot kay Ruthenia.

Tumalikod ang matandang babae at aalis na sana nang magsalita ako. Ano? Ang kapal ng face niya na hindi ako pansinin para bang wala ako sa kanilang paligid. Si Ruthenia lang talaga ang binigyan nila ng pansin.

"So... saan niyo dadalhin ang kaibigan ko?" Tumingin siya sa akin bago nagsalita. Her eyes is brown na parang mababasa na niya ang lahat tungkol sa iyo sa tingin lang.

"Sa isang Mangagamot, upang alisin ang lason sa kanyang katawan bago ito tuluyang kumalat at maging sanhi ng kanyang kamatayan. Sumama ka sa akin sa paglalakad, Andrea." nakangising sagot nito.

I was surprised by what she said because she immediately found out my name. Manghuhula kaya siya?

Sandali akong natigilan sa isinilaysay ni Andrea.

"After that, dinala ka dito at ginamot tapos nakakagulat na in split of a second nawala na ang sugat mo. Kaya lang dalawang araw ka nang nawalan ng malay." muling sabi niya.

Huh? Tama ba ang narinig ko?

"Two days?! Are you joking?"

She just laughed and nodded. Do you think I can still joke? Sa sitwasyon natin ngayon?"

"Hindi mo naman---"

Bigla kaming natigil nang kumalam ang sikmura ko na nagsilbing ingay sa silid.

"Oh my Gosh! Two days ka nga palang walang kain." saad niya na may halong pag-aalala

"I don't care. Gusto ko lang malaman kung nasaan tayo ngayon at gumawa ng paraan pauwi. Our parents may die of anxiety because we have been gone for a few days."

Seryosong saad ko sabay bangon sa pagkakahiga mabilis namang pumatong sa aking hita si 'Baby wolf'.

"Nag-aalala rin talaga ako ng sobra sa mga magulang natin. But I did a little research sa lugar na kinalalagyan natin ngayon habang wala kang malay ng ilang araw at hindi ka maniniwala." she said in a serious tone habang muling nakatanaw sa labas.

"And what did you fine out?"

"Kakaiba ang lugar na ito Ruthenia. Mula sa structure ng nga buildings, their clothings and even the people itself! They're all strange!" may halong pagkairitang sabi ni Andrea.

My eyebrows met dahil sa mga sinabi niya.

"Stop saying stupid things Andrea." napairap ako ng wala sa oras sa kanya.

Kilalang kilala ko ang babaeng ito. Magaling 'to minsan gumawa ng kwento-kwento.

"I'm telling the truth! The people here our really strange. May ilan sa kanila na may animal parts sa iba't ibang bahagi ng kanilang katawan that made me feel horrible." may halong pandidiri niyang sigaw.

"What are you---"

Natigil kami sa pag-uusap ng makarinig kami ng sigaw kasabay ng mga yapak ng mga kabayo at pagkalansing ng mga metal.

Nandito kami sa ikalawang palapag ng isang makalumang bahay kaya tumanaw kami sa bintana at nanlaki ang mata ko sa aking nakita.

"Are those---"

"Yeah. Base from the strange armor they wear it can be said that they are... Soldiers?"

Nasaan ba talaga kami ngayon? Nagsisimula na akong mag-isip ng kakaiba. Napatunayan ko rin ang sinabi ni Andrea kanina. Some men and women have an animal parts embedded through some of their body.

"Kabibigay ko lamang ng buwis noong nakaraang linggo kaya bakit muli kayong naniningil?" reklamo ng isang matandang lalaki na sinuportahan rin ng ilang maglalako.

"Tama!"

"Wala na kaming kinikita."

"Ito na lamang ang aming natatanging ikinabubuhay."

Natahimik ang lahat ng nilabas ng kawal ang kanyang espada.

"Magbabayad kayo ng buwis o dadanak ang dugo sa bayang ito?" Pagbabanta ng kawal kasama ang kanyang ilang kasamahan.

"T-that was horrible." hindi makapaniwalang sabi ni Andrea sa aking tabi.

Walang nagawa ang lahat kundi ibigay ang lahat ng kanilang kinita and I don't kniw why pero parang may kung anong kirot sa kalooban ko habang pinapanood ko kanina ang mga nangyari.

"You're done cleaning yourself?" tanong ni Andrea na kagagaling lang sa baba.

"Ano ba sa tingin mo?" napairap ako ng wala sa oras habang nagpupunas sa mahaba kong buhok.

She also rolled her eyes. "Get yourself up and we need to eat. Naghihintay na si Delphina."

"Delphina?"

➖➖➖