Chereads / Seraphim's Heart / Chapter 6 - Chapter 05: Intent

Chapter 6 - Chapter 05: Intent

➖➖➖

Someone's POV

"Ano ang plano mo para sa mga dayuhan na napadpad sa ating bayan?" Seryosong tanong ko habang pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan.

"Ano ang ibig mong sabihin?" kunot noo nitong pagbalik ng tanong.

"Hindi natin namamalayan na ang buhay ng dalawa ay nasa peligro. Kahit na magbigay ka ng mensahe sa buong bayan, may posibilidad na may sumuway sa iyo at ihatid ang kanilang nalalaman sa mga kawal ng Moniyan." saad ko habang nanatiling pa rin ang aking atensyon sa kalangitan.

Narinig ko ang kanyang pagbuntong-hininga. "Ipinagkakatiwala ko na sila sa iyong mga kamay kapag nangyari ang mga bagay na ito. Isa pa ay malabo silang magbigay pansin sa isang maliit na bayan tulad ng Hage." kampante nitong sagot.

Nanatili akong tahimik nang marinig ko ang sinabi niya. Tama siya sapagkat masasabing ang lugar namin ay isa sa mga napabayaang bayan sa kaharian. Nasa dulo ito ng lupain ng Moniyan at gumugugol lamang sila ng maraming oras, lalo na sa sentrong siyudad kung nasaan namamalagi ang mga mayayamang pamilya.

"Ang dapat nating pagtuunan ng pansin ngayon ay ang paggising nila sa papalapit na kabilugan ng buwan. Lalo na't ang ating lugar ay hindi sakop ng sagradong harang na nagmumula sa Templo." dagdag pa niya.

"Kung gayon kailangan nating simulan ang pagbuo ng harang. Sasabihan ko na rin ang aking apo." pag sang-ayon ko at bigla akong napakapit sa dingding ng maramdaman ang pagkirot ng aking ulo.

Apo?

"Ayos ka lang ba? Tila ikaw ay nanghihina."

Agad naman akong umayos ako sa pagkakatayo. "May naalala lamang ako."

Tumango lamang siya habang nakatitig sa akin. "Sisimulan na natin sa susunod na araw ang paggawa ng harang. Inaasahan ko ang inyong kooperasyon."

"Makakaasa ka. Pinuno."

➖➖➖

Ruthenia's POV

Nadatnan namin ang isang matanda sa hapag na sa tingin ko'y nasa mid 50s ang edad base from her physical appearance.

"She's Delphina. The healer who treated you." mahinang bulong ni Andrea kaya napadako ang aking tingin sa nakangiting matanda sa aming harapan.

Tumayo siya at lumapit sa akin. "Ikinagagalak kong makita ka sa magandang kalagayan, iha. Ako nga pala si Delphina."

Tinanggap ko naman ang kanyang kamay. "Maraming salamat po sa iyong tulong. Ako po Ruthenia."

Napansin ko ang kulay ng kanyang mga mata which is very unusual para sa isang tao. Her eyeballs are color yellow.

Napatingin siya sa karga-karga kong tuta at dumaan ang pagkagulat sa kanyang mga mata.

"Isang Oregon."

Hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya kaya hindi ko na lamang ito pinansin.

Nagsimula na kaming kumain at sinamahan naman kami ni Delphina. Bigla kong na-miss si Manang Yoli dahil malaki ang pagkakahawig ng kilos nilang dalawa.

Hindi ko mapigilang ilibot ang aking paningin sa buong bahay. This house is pretty odd and old dahil gawa ito sa katawan ng kahoy at may mga strange markings sa kisame na hindi ko alam kung para saan. I also noticed many antique objects like vase and the likes.

Maraming nakahaing pagkain sa mesa tulad ng nilagang saging, mga gulay at isda.

"Narito ang Panea. Kaninang umaga ko lamang ito minasa kaya napakainam pa ng kalidad nito." alok niya sa malaking tinapay na nakahain.

Ngumiti na lamang ako't kumuha ng kapiraso nito at tinikman.

Not bad.

Binigyan ko rin ng kapiraso si 'Baby Wolf' na agad naman niyang kinain.

Natutuwa nga ako dahil tahimik lang ito habang nakakalong sa akin at pinapanood lang kaming kumain na parang binabantayan ang lahat ng aming kilos.

"Ang iyong mga mata ay asul." Natigilan ako sa sinabi ni Delphina habang seryoso siyang nakatingin sa akin. "--at kulay abo naman ang iyo." nakatitig na siya ngayon kay Andrea.

"Actually po, ganito na po talaga ang kulay ng mata namin mula pagkabata." natatawang sabi ni Andrea sabay subo ng pagkain.

She's right. Ever since our childhood days ganito na ang kulay ng mata namin. Andrea's eyes are ash gray and mine is blue. We found it odd at first dahil bihira nga 'DAW' ang kulay ng mata naming dalawa pero nasanay na rin kami sa katagalan. Sinasabi nalang namin na naka-contact lens kami if somebody ask some questions.

"Bihira sa mga nilalang sa mundong ito ang magkaroon ng ganyang mga mata. Maliban na lamang kung kayo ay kabilang sa mga---dugong bughaw." wika niya.

Bigla namang nasamid sa pag-inom ng tubig si Andrea samantalang muntik na akong mabulunan sa pagkain. Mabuti na lamang at hindi niya naibugso ang iniinom.

"HAHAHA. That made me laugh! Gosh! Ang sakit ng tiyan ko!" halos mawala sa sarili si Andrea na agad ko namang pinigilan.

"Shhhh. Your manners Andrea. Wala tayo sa bahay." pagpigil ko at agad naman siyang tumalima.

"Totoo nga ang naririnig ko."

Nabaling ang atensyon namin kay Delphina na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa akin.

Seriously? Hilig na ba talaga niyang manlaki lagi ang mata? Kanina pa kasi siya ganyan.

"Nagagawa niyong magsalita ng lengguwahe ng mga maharlika."

What? Ano daw? Anong special sa pagsalita namin ng English?

Kunti na lang talaga mapagkakamalan ko na itong baliw.

Magsasalita pa sana ako ng bigla kaming makarinig ng ingay sanhi ng pagbukas ng pinto.

"Nandito ka na pala, apo." Sabi ni Delphina habang nakatingin sa likuran namin. "Halika at nakahain na ang pagkain sa mesa."

Lumingon din kami at nakita ang isang lalaki na halos kaedad namin ni Andrea. Tumingin pa siya sa aming dalawa bago nagbigay galang kay Delphina.

"Sila ang ating panauhin, sina Ruthenia at Andrea." Pagpapakilala ni Delphina sa amin habang tinuturo niya kami isa-isa.

Napatingin rin ako sa lalaki at gwapo siya in fairness. Hindi ko na ipapaliwanag pa gaya ng nga nababasa niyo sa ibang kwento na matangos ang ilong, mapupungay ang mata, mapulang labi! Kaloka! Denescribe ko din naman sa huli.

"Ikinagagalak ko kayong makilala, Binibini. Ako si Dan."

Mabilis pa sa hangin na inabot ni Andrea ang kamay niya.

"Andrea nga pala." abot langit na ngiti nito na parang dinadama pa ang kamay nito at pasekretong bumulong. "Ang pogi!"

I just shaked my head sa inasta niya.

Nagulat ako ng mapansing nakalaan na pala ang kamay ni Dan sa akin.

I noticed the color of his eyes na lubos kong ikinabigla. It was amber and his purplish-blue hair made me uncomfortable na hindi ko alam kung bakit.

"Grrrr."

Biglang umangil sa kanya si 'Baby Wolf kaya hindi ko na siya kinamayan. "Behave little girl." sabay haplos sa kanya.

"Ruthenia."

Tipid ngunit nakangiting pagpapakilala ko habang siya naman ay umupo na sa tabi ni Delphina.

"Malimit lamang mapaamo ang tulad nila." biglang nagsalubong ang aking kilay sa sinabi niya.

Nakatingin na siya ngayon kay 'Baby Wolf' na ngumunguya ng tinapay.

Nagtama ang paningin namin ni Andrea. "Bakit naman? Dahil isa siyang lubo?" sabi ko dahil mahirap naman talaga mapaamo ang mga tulad nilang mga lubo.

"Hindi siya isang lubo. Kundi isang---"

"--Ahm." napatingin kami kay Delphina dahil bigla siyang umubo. "Tamang-tama ang iyong pagdating aking apo. Dahil marami akong naihandang pagkain." masayang sabi nito habang sinasandukan ang plato ni Dan.

Hindi ako madadaan sa mga ganyan. I know that Delphina cut our conversation intentionally.

But why?

"Papaano nga pala kayo napadpad rito sa aming bayan? Saan kayo nanggaling?" tanong ni Delphina sa aming dalawa.

"Sa totoo po niyan. Nanggaling kami sa ibang--- Ouchu!" agad kong tinapakan ang paa ni Andrea kaya naputol ang kanyang sasabihin.

"N-nanggaling po kami sa malayong lupain. Sa totoo po niyan--naligaw lamang po kami sa kabundukan at natagpuan ang bayang ito." pagsisinungaling ko. Nakita ko pa ang bakas ng pagtataka sa mukha ni Andrea dahil sa sinabi ko.

I can't risk to say some information about us. Dahil hindi ko pa lubos kilala ang mga tao rito lalo na't hindi pa malinaw sa akin kung saang lupalop ba kami napadpad. I can also determine a person's perspective through their eyes kaya alam kong may tinatago si Delphina sa amin.

Napatango naman si Delphina at tila kumbinsido samantalang nanatiling seryoso si Dan at malalim ang iniiisip.

"Ahh ganon ba---Nga pala, aking apo. Kailangan tayo ng ating pinuno sa paggawa ng harang sa susunod na araw para sa paparating na Kabilugan ng Buwan. Maasahan ko pa ang iyong kooperasyon?" tanong ni Delphina sa kanyang apo.

Kabilugan ng Buwan?

"Opo...Lola."

I suddenly feel goosebumps nang magtama ang mata naming dalawa.

Seryosong nakatingin sa akin si Dan na lubos kong ikinakilabot.

And gave me an

Evil Smirk

➖➖➖