➖➖➖
"Hahaha. Oh my ghad! Ang galing mo Ruthenia! Best friend talaga kita." nakalayo na kami sa pamilihan at lahat lahat pero hindi pa rin maka-move on itong si Andrea.
Well, pati rin naman ako ay walang mapagsidlan rin ang tuwa.
As expected, kinagat ng merchant ang offer namin at pinalaya ang filolial kasabay ng pagbigay ng ilang kagamitan na ginusto namin at karagdagang 50,000 pieces of gold coins na ikinalula namin ng husto.
I repeat.
50,000 pieces as in PIRASO.
Ipinagpalit na yata ni Raknor ang kayamanan niya dahil lang sa aking cellphone.
Well, syempre nilakasan ko talaga ang girl power ko. I explain to him na isa itong uri ng kagamitan na kayang patigilin ang oras na gawa-gawa ko lang talaga. Basta inopen ko ang camera sabay picture sa kanya then Boom! Naniwala naman ang kulukoy.
Pwedeng i-charge ang cellphone namin through solar energy kaya worth it ang bayad ng Merchant.
"We need to hurry and get some flowers." sabi ko sabay tingin sa nanghihinang filolial.
Nasabi kasi sa amin ni Raknor na manunumbalik lamang ang dating lakas ng nga Filolial once na lumanghap sila ng mga bulaklak which is really amazing.
Bagama't nanghihina na ito dahil ilang buwan ba namang nakulong?
"Maaari po ba kaming manatili panandalian sa mga inyong pananim na mga bulaklak?" pakiusap ko sa isang Ginang na abala sa pagdidilig ng halaman sa kanyang bakuran. Napapasabak talaga akong magsalita ng malalim sa lugar na ito.
May rose at sunflower pero karamihan sa mga ito ay bago sa aking mga mata.
"Makakaasa kayo, Binibini. Ako nga pala si Acelina." Linapag nito ang kanyang gamit at nakipagkamay sa amin. Bumakas pa ang pagkamangha sa kanyang mukha nang makita ang hawak kong maliit na nilalang.
"Isang Filolial."
Mabilis ko itong nilapag sa isang sunflower na nasa gitnang bahagi ng hardin. Ilang minuto naming pinagmasdan ang Filolial bago ito muling gumalaw.
Sumisinghot-singhot pa siya at halatang nagustuhan ang nakakahalinang amoy na galing sa mga bulaklak.
Ilang saglit lamang nang bigla nitong iminulat ang kanyang mata.
"Finally! Gising na siya. Waah!!" parang kiti-kiting sigaw ni Andrea.
"Kyahhh!" matinis na sigaw rin ng Filolial at mabilis na nagtago sa likod ng bulaklak. Linabas nito ang kanyang ulo and glanced to us na parang inuusisa ang bawat parte ng aming mukha.
She's so adorable and cute.
"Don't worry. Mabuti kaming tao at malaya ka na sa kamay ng mangangalakal na si Raknor." I said in a calm voice.
Bumakas ang tuwa sa kanyang maliit na mukha at lumipad sa amin paikot. Naglabas siya ng mga light dust na pumaikot sa amin bago umupo sa ulo ni Andrea. Andrea's face is so epic at parang isang bata sa reaksyon niya.
"Maraming salamat sa iyong kabutihang loob, Acelina." pagpapaalam ko at narito kami sa labas ng kanyang bakuran para muling bumalik kanila Delphina. "Tanggapin mo ito." sabay abot ng tatlong pirasong gintong barya.
Acelina's face turned red. "Napakalaking halaga ang iyong binibigay mukhang hindi ko ito---"
Sapilitan kong kinuha ang kanyang kamay at nilagay ang barya sa kanyang palad. "Tanggapin mo na lamang ito upang magamit mo sa pagbili pa ng iyong mga kagamitan sa iyong hardin at mga pampataba." pagpupumilit ko at wala naman siyang nagawa kundi tanggapin ito.
Muli naming tinahak ang daan pabalik sa bahay na tinutuluyan namin ni Andrea.
"Egil, aking asawa!" rinig na rinig ang hikbi ng isang babae sa buong pamilihan.
Isang katawan ng lalaki ang pasan ng iba pa na sa tingin ko'y siyang asawa ng Ginang. Napansin ko rin na sugatan silang lahat na parang galing sa pakikidigma.
"Di'ba sila ang grupo na umalis noong nakalipas na araw upang manghuli ng Peryton?"
"Iyan ang nagiging katapusan ng lahat ng nangangahas pasukin ang pugad ng mga diyablo."
Naririnig ko ang malalakas na bulungan ng taong bayan at hindi ko maintindihan ang ibig nilang sabihin.
"Anong ginawa niyo sa kanya?"
Nanatiling nakayuko ang tatlong lalaking kinakausap ng babae.
"Pinabayaan niyo siyang mamatay kaya pagbabayaran niyo ang lahat ng ito!" Lumitaw ang isang nagliliwanag na libro sa kanyang paanan at bumuklat ang mga pahinga nito mag-isa.
Napako ako sa aking kinatatayuan sa mga sandaling ito.
Totoo nga ang lahat.
I didn't expect na mararanasan kong masaksihan ang ganitong mga bagay sa buhay ko.
"Pigilan niyo siya! Kunin ang kanyang Grimoire." utos ng isang matanda na sa tindig pa lang nito'y halatang ginagalang siya ng nakararami.
Agad naman siyang sinunod ng ilan at pinigilan ang babae sa pagtangkang saktan ang mga kalalakihan. Nagsisigaw pa ito ngunit wala nang magagawa ang lahat dahil patay na ang kanyang asawa.
"That was Esther. Ang pinuno ng bayan ng Hage." seryosong sabi ni Andrea habang naglalakad na kami pabalik.
"They deserve it." Sabay kaming napatingin ni Andrea kay Daisy.
Yes! Daisy ang pangalan ng filolial na tinulungan namin kanina. Nakapatong siya ngayon sa balikat ni Andrea at manggigil ka nalang sa sobrang cute niya.
"So you can talk at nagagawang magsalita ng wika ng mga Maharlika kuno." Andrea flip her hair and rolled her eyes sa sobrang pagkairita sa mga maharlika na sinasabi nila.
Kahit naman ako. Naririnig ko pa lang ang mga maharlika ay umiinit na ang dugo ko sa 'di malamang dahilan.
"Of course! Isa akong filolial kaya nagagawa kong magsalita ng English language. Also, we all known as nature's guardian and respected by many. But its all history now." biglang lumungkot ang tono ng boses niya.
"What do yo mean by 'history'?" tanong ko. She's very little actually at kasinlaki lang ng middle finger namin ni Andrea at sobrang talkative niya.
Lumingon siya sa akin at lumipad sa aming harapan. "12 years ago pantay-pantay ang pagtrato ng lahat ng nilalang at dahil ito kay Mediatrix Rosaelia na siyang nagbibigay balanse sa mundong ito. Pero isang araw, nabalitaan na lamang ng lahat na namatay na siya kasabay ng pagkawala ng kanyang anak."
Rosaelia? I like that name.
"At hindi nalaman ang dahilan ng kanyang pagkawala sa loob ng 12 years?" tanong ni Andrea na malaim ang iniisip.
Tumango si Daisy. "Tama! At sa 12 na taon ay mabilis nagbago ang lahat. Maraming mga nilalang ang inabuso ang kakayahan naming mga Filolial na maglabas ng gold dust kaya hinuhuli kami gaya ng nangyari sa akin para pagkakitaan." Napatango kami ni Andrea sa sinabi ni Daisy. Kawawa naman sila at inaabuso ang kanilang kakayahan.
Bumalik na siya sa pagkakaupo at sa balikat ko naman siya ngayon pumatong. "I get it. Pero ano 'yong sinabi mo kanina? Mediatrix? Para saan 'yon?" tanong muli ni Andrea.
"Mediatrix!" pag-uulit ni Daisy at umirap. "Pati 'yan hindi niyo alam?" tanong niya.
Hindi nalang kami sumagot ni Andrea. I can say that Daisy is a big help to us sa pagkalap namin ng impormasyon dahil kung gaano ang kinaliit niya ay kabaliktaran naman sa ikinalaki ng nalalaman niua sa mundong ito.
"Mediatrix or Tagapamagitan sa tagalog. Holds a title and a covenant with the goddess of the moon, Selene. Sa pangangalaga at pagbibigay balanse sa lahat ng nilalang sa mundong ito ng Zariya. Pero as you can see, wala pang kahit sino ang umuupo mula nang nawalang parang bula si Mediatrix Rosaelia." Daisy explained pero sandali kaming natigil ni Andrea sa paglalakad.
"Oh? Bakit kayo tumigil?"
"Selene? Goddess of the MOON?!" sabay naming sigaw ni Andrea na parang nakarinig ng isang gintong aral.
"Y-yes?" nauutal na sagot niya. "And what's with those faces---"
"Waahhh!" Andrea and I hugged each other in extreme joy and excitement.
Like, What the heck? Totoo pala ang mga god and goddesses sa greek mythology? Akala ko dati greed and dogmas lang 'yon ng mga matatalinong tao.
"Ayaw ko nang umuwi friend dito na ako!" Andrea shouted sabay hampas sa akin. "Baka ako na ang susunod kay Rosaelia. Mediatrix Andrea." at kinumpas niya ang kamay na parang reyna. "Waahhh!"
Hinampas ko rin siya. "Woy! Assuming mo! Edi dito ka basta ako uuwi at maghahanap ng paraan para bumalik sa atin---" I covered my mouth in shock.
Oh my God! Did I say it loudly?!
Natigil kaming tatlo nang biglang may lumitaw sa aming harapan na isang lalaki.
Si Dan.
Kapangyarihan niya ba 'yon? Kaya niyang mag-teleport kung saan niya gustusin? Ang cool!
"Hinahanap na kayo ni Delphina." seryosong sabi nito habang nakapamulsa.
What? Delphina lang tawag niya sa Lola niya? Bastos ang isang 'to.
"Ahhhh---ekey, Actually, pepente na rin kemi pebelik kay Delphina." sagot ni Andrea with pabebe accent na ikinataas ng aking kilay.
"Saan ba kayo nanggaling?" Tanong ulit ni Dan sa amin. His expression did not changed. He's like a stone that talks. "--at kasama niyo pa ang isang insekto." sabay baling kay Daisy.
My blood suddenly boiled in suffocation pero hindi ko parin pinahalata and remained calm.
"Namasyal lamang kami at mawalang-galang na lamang, Ginoo. Ngunit isang Filolial si Daisy at hindi isang insekto bagkus dapat siyang IGALANG bilang isa sa TAGAPANGALAGA ng mundong ito, tama ba?" sarcastic kong sabi at sabay diin sa dalawang salita para magising siya sa katotohanan.
His brows drew together. "Paggalang? Tsk. Wala 'yan sa bukabularyo ng isang tulad ko." he said in monotonous voice sabay naglaho.
"He's rude!" kusang lumabas na lamang iyon sa aking bibig habang nagpapatuloy kami sa paglalakad.
"Rude nga pero ang gwapo parin niya. Fafa Dan!" tatalon-talon na sabi ni Andrea habang yakap-yakap ang sarili. Baliw na talaga.
Natigil ako sa sinabi ni Daisy. "There's something odd in his aura, masyadong mabigat and he's look familiar." seryoso at malalim ang iniisip ni Daisy.
Nararamdaman ko rin ang bagay na sinabi niya dahil parang sobrang dangerous ng aura ni Dan or hallucinations ko na naman.
"Familiar? Do you know each other o ikaw lang?" masayang tanong ni Andrea na halatang pinapantasya parin si Dan.
"I don't know, sobrang pamilyar niya sa akin. Basta ang alam ko hindi dito sa Hage siya totoong nanggaling." muling sambit niya.
Hindi rito sa Hage? E'di saan?
Ang alam ko apo siya ni Delphina kaya malamang dito siya lumaki.
Well, speaking of Delphina. Nadatnan namin siyang nagluluto ng hapunan sa kusina kasama si Oddysey.
"Delphina! Oddysey!" pagbati ni Andrea saka nagbigay galang. Nagmano rin ako sa kanya bago kinarga si Oddysey.
"Aw, mukhang na-miss mo agad ako ah." malambing kong saad sabay yakap sa kanya.
Sinalubong naman kami ni Delphina na may ngiti sa labi habang nagpupunas ng kamay. "Oh! Mga iha! Kamusta ang pamamasyal niyo?" napadako ang kanyang tingin kay Daisy. "Isang Filolial?"
"Opo." nilipat ko kay Andrea si Odyssey. "Sa totoo po niyan, nagawa namin siyang tulungang makawala sa kamay ng mangangalakal na si Raknor sa pamilihan." pagpapaliwanag ko.
Samantalang si Daisy ay nakikipaglaro na kay Oddysey. Mukhang madali silang nagkasundong dalawa.
"Inutusan ko nga pala ang aking apong si Dan---"
Biglang napatigil si Delphina at napatunganga. Narinig sa apat na sulok ng silid ang pagkabasag ng hawak niyang baso dahil sa biglaan niyang pagkabitaw.
"Delphina!" inalalayan namin siya ni Andrea at pinaupo.
"May problema po ba?" tanong ko at hindi ko alam kung saang banda siya kakapain. High blood kaya siya? Or anemic? Gosh! Uso kaya ang sakit na ganyan rito sa kanila?
"Wala mga, iha. Biglang sumakit lamang ang aking ulo ngunit maayos na ako." sabi niya sabay tayo at nagpatuloy na sa ginagawa sa kusina.
Kahit alam kong may bagay na hindi sinasabi si Delphina ay nararamdaman ko parin ang mabuti niyang kalooban. Bukod sa pagtulong niya sa akin ay pinatuloy niya pa kami ni Andrea sa kanyang bahay na parang isang tunay na apo.
Lumapit sa amin sina Daisy kaya kinarga ko naman si Oddysey. Pareho silang seryosong nakatingin kay Delphina at inuusisa.
"Beware you two." Daisy said in a serious and warning tone. Mas lalo akong kinabahan at nabigla sa sumunod niyang sinabi.
"Someone put her under a spell. A strong one."
➖➖➖