Chereads / Seraphim's Heart / Chapter 13 - Chapter 12: Unveiling the Seal

Chapter 13 - Chapter 12: Unveiling the Seal

A/N: This chapter is so exciting🧡😍

Its already been a few days after the terror brought by the Full Moon. Marami ang nasira, nawala at nasawi ang buhay mula sa kamay ng mga demons. Ngayon ko naintindihan ang hirap ng mga nilalang na nakatira sa bayan tulad ng Hage. This town is considered as part of Forsaken Realm kung saan nabibilang sila sa mga bayan at mamamayan na napabayaan ng kaharian. Kakulangan sa kabuhayan, proteksyon at higit sa lahat ay karapatan na mas nagpahirap sa kanila. Nasaksihan ko mismo kong paanong namatay na walang saysay ang karamihan sa kanila dahil sa kakulangan ng proteksyon laban sa mga demons.

Those corrupt high officials. I can't wait to meet and greet them personally. Ngayon pa lang ay nag-ngingitngit na ako sa galit dahil hindi lang pala sa Earth nangyayari ang corruption kundi pati rin rito sa mundo ng Zariya.

Marami parin ang nagluluksa hanggang sa mga sandaling ito at hindi matanggap ang pagkasawi ng kanilang mga mahal sa buhay. Those damn demons. They're all merciless and always ready to slaughter.

"Are you sure about this?" Andrea asked habang tinatahak namin ang daan paitaas ng burol.

Huminga ako ng malalim at tinignan si Delphina at Esther sa unahan. "Do I have a choice?" I gave her a force smile. "I need to find out the truth." Hinawakan niya ang aking kamay at ipinagpatuloy ang paglalakad.

Patuloy paring gumugulo sa aking isipan ang sinambit nila Delphina sa akin.

"A magic seal was embedded in your body preventing you from using Magic." Andrea and I gasped in shock.

"Its up to you if you want to do the ritual or remained clueless about your past." sambit ni Delphina bago kami iniwang dalawa ni Andrea.

A seal. Who put such things in my body? Is it my parents? But why? So that means we are not normal people?

"It's gonna be painful." Daisy said above us enjoying the great view of the stars and the light of the blue moon.

"I don't know how your body will react but we need to get this done. Are you ready?" Delphina asked the both of us. Hawak niya ngayon ang kwintas ko. Pinagpapawisan ang kamay ni Andrea maging ang kanyang noo. We both nodded with stiffness.

Delphina just nodded blankly while Esther is watching at her back. She moved her hands in the air. Tila may isinusulat siya sa hangin. Sa isang iglap lang ay may magic circle nang nabuo sa kinatatayuan naminh dalawa, sa ilalim ng aming mga paa.

"The transition will be painful especially for someone who has no idea on how to be one with magic. Maninibago ka pero masasanay rin kayo nga iha." mahinang wika niya.

"The both of you still have to train. You don't know how to use magic so I will try to train you." she added flatly.

When the clock struck midnight, the wind blew hard around us. Maging sina Oddysey at Daisy ay naapektuhan at napaurong sa tabi ni Esther.

Lumilipad ang mga tuyong dahon sa paligid na tila ipo-ipo. Bahagyang napapikit kami ni Andrea dahil sa mga alikabok na humahalo sa hangin. Ngayon ko lang rin napansin ang bilog na bilog at napakaliwanag na buwan. It was shining brightly above us.

Biglang lumitaw ang nagliliwanag na magic circle na nakapalibot sa amin. I could see the symbols of the stars, the moon and the sun. Lumapit si Delphina sa aming dalawa. Isa-isa niyang pinagpapalit ang posisyon ng mga simbolong ito. She aligned all of those symbols in a straight line, as if forming an eclipse.

Mas lalo akong pinagpawisan. An unexplainable heat was starting to flow throughout my body. Ilang segundo lang ay muling nagliwanag ang gold seal sa aking katawan at sa kamay naman kay Andrea. Until now hindi parin ako makapaniwala na ang bagay tulad nito ay meron sa aking katawan. The pain I felt before was now present.

Napangiwi rin si Andrea dahil alam kong nararamdaman din niya ang nararamdaman ko. We were bounded by the seal linking our thoughts and emotions as Delphina said.

Nang matapos na ang kanyang ginagawa sa mga simbolo ay tumayo na siya. Samantala, napasabunot na lang ako sa aking sarili. Sumisikip ang aking dibdib at parehas kami ni Andrea na hinahabol ang paghinga.

Muling ikinumpas ni Delphina ang kamay sa hangin. She spread her hands widely. As if she's inviting someone to come.

"Sweet Holy Moon, be our guide tonight..." She already started the spell.

"Hear my voice on this silent night..." sambit niya. I gasped for breath as well as Andrea.

The screams inside my head thundered all over my system. All over my senses. Hindi ko na nakayananang puwersang bumalot sa akin kaya napaluhod na ako.

"I offer you this two young one. Dispelling an incredible spell that bounds them." patuloy na sambit ni Delphina. The heat rushed on my veins. Too hot that it's unbearable. Hindi ko na mapigilan ang mapasigaw.

"Let their eyes see what is real..." The magic circle glow. Pakiramdam ko pati ang mga mata ko ay nagliwanag. Napasinghap ako dahil sa kakaibang naramdaman sa aming mga mata.

"Let their ear hear everything you deemed right..." paos na bulong ni Delphina sa hangin. Nahihirapan na rin siya sa ginagawa niya. I can see that she was using too much of her energy.

Mas lalong lumakas ang sigaw ko. My ears started to elongate. Malakas na puwersa ang nagpupumilit lumabas. Masakit. Sobrang sakit. Ito lang ang tanging naiisip ko sa mga oras na ito.

"Let their limbs be strong with might..." she continued. Sapo rin ni Andrea ang kanyang dibdib dahil hindi na rin siya makahinga.

"Let the light shine through the night and shower her the blessings that are for her..." itinapat ni Delphina ang kamay sa akin.

Napansin ko ang kakaibang kapangyarihan na dumaloy sa katawan ko. Biglang humaba ang aking mga tainga na ikinanlaki ng mata ko kahit na ramdam parin ang lubos na panghihina. My hair turned to silver and lengthened. My canines started to show and the pain was killing me at this moment. I growled desperately. My body was covered with bluish light.

Habol na rin ni Andrea ang hininga. Mas lalong lumiwanag ang magic circle na tila nilalamon na ako. "Let the goddess of the Moon hear this prayer... Make them free and to be release for too long now..." Nahihirapang saad ni Delphina and I guessed that's the last part of the spell because she collapsed, panting.

The screams inside my head disappeared. The unbearable pain and heat were still there. It was burning inside me. Hindi ko na talaga kaya. I desperately looked everywhere. I wanted something cold.

Suddenly the song of the singing trees finally hit me. Even the wind, it was singing to soothe my agonies. Then, my eyesight, I could see from afar now? Nakikita ko ang Hage village na ilang kilometro ang layo mula sa 'min. Hindi ko malaman ang gagawin o kung nababaliw na ba ako. Maybe I was hallucinating but no.

"Finally, you're an elf now." Daisy said while eyeing me directly. Elf? "And a Zarinian." sabay baling kay Andrea sa aking tabi at nakasalampak sa lupa. Walang nagbago sa kanyang physical features but sa loob niya ay meron.

Bigla kong narinig ang ingay ng tubig na dumadagsa sa isang lugat. The heat was eating me. Nawala na ang liwanag mula sa magic circle at naglaho na ito. Naglaho na ang kakaibang seal sa katawan namin ni Andrea pero hindi pa rin nawawala ang init na dumadaloy sa katawan ko.

Without any second thought, I fled. I ran like there's no tomorrow. Gustong-gusto kong puntahan ang dumadagsang tubig na 'yon. Napasinghap ako nang mapagtanto kung gaano ako kabilis. Parang nadadala ako ng ihip ng hangin. Kakaiba ang pakiramdam ko sa mga sandaling ito.

Maging ang mga ingay ng ibon at dahon ay hindi na normal sa pandinig ko. It was like these things were cheering for me at malinaw sa akin ang gusto nilang sabihin naoarang lubos silang nasisiyahan. I suddenly felt the deep connection with nature.

Narating ko ang pinanggagalingan ng dumadagsang tubig pero natigilan ako at natulos sa kinatatayuan. I stared. No. It was no ordinary waterfalls on my eyes. Kitang-kita ang repleksiyon ng maliwanag na buwan sa tubig.

May maliliita na parang alitaptap ang naroroon sa tubig at masyang umaawit. They're spirits, tila maliliit na alitaptap na nagliliwanag. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa tubig. Nang nasa tubig na, tila unti-unting nawala ang mainit na enerhiyang bumabalot sa akin and I calmed down.

Hindi ko napigilan ang mapatingin sa sarili kong repleksiyon sa tubig. I almost gasped with the sight. Pointed ears? What happened to me? I'm an elf. Buy I'm so damn gorgeous! Almost out of this world!

The light from the moonlight illuminating my face was perfectly emphasizing my beauty. My long and pointed ears just suited me. The thin, red lips. The chiseled jaws. My pointed nose and expressive sapphire blue eyes were just perfect. I almost looked a god who willingly step down on earth for my salvation. I liked the touch of moonlight on my face. It's making me look more mysterious.

Hindi ako makapaniwala na isa na akong ganap na elf. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman. Takot? Galit? Saya? Ewan ko.

Mom and Dad who really I am? Bakit niyo tinago ito sa akin.

"I can't believed it." napalingon ako kay Delphina na nasa likuran ko na pala kasama ang iba pa. "A certain race that has long extinct. Isang elf ang nasa harapan ko ngayon." bakas ang pagkamangha sa kanilang mukha pati si Andrea.

"Ruthenia? Is that really you?" she asked while eyeing me from head to toe.

I just forcedly nodded dahil hindi rin talaga ako makapaniwala sa ikinalabasan ng ritual na ginawa.

"I didn't expect the outcome to be like this." saad ni Daisy na malalim ang iniisip. "Sa ganyang physical features mo ay hindi ka maaring magpakita sa kahit na anong nilalang rito sa Moniyan." dagdag niya pa sabay tingin kanila Delphina.

Naiintindihan ko ang sinabi niya dahil sobrang agaw-pansin ng itsura ko at wala akong nakitang kahit na anong nilalang na may pagkakahawig sa itsura ko ngayon? Mabuti nalang at gabi ginawa ang ritual at hindi umaga. Pero babalik pa ba kaya ako sa human form ko? I mean--my ears is pointed. Ito lang talaga ang problema ko. Hindi pwedeng permanente na akong ganito.

"I prepared some magic gear." saad ni Delphina sabay abot sa akin ng isang wig na kulay brown. "A spell was cast to it kaya kapag sinuot mo ito ay walang bakas ng dati mong buhok." Mabilis ko naman itong sinuot at napasinghap ng naglaho ang kulay pilak kong buhok at pinalitan ng color brown.

"Better now?" Tumango lang ako sa tanong ni Delphina. I was still in the state of shock sa nangyari. Gosh! "About your form I can't restore you in your human body dahil hindi ko rin napaghandaan ang mga bagay na ito."

I just smiled to Delphina. "Its okay Delphina. Itong tainga ko lang naman po ang dapat kong itago." saad ko sabay takip ng aking buhok sa matulis kong tainga. Nakakapanibago.

"But there's another way to be back in your human form while using magic." My eyebrows met at hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "But its up to you to discover the spell." dagdag niya.

Biglang pumatong si Oddysey sa balikat ko sabay yakap ni Andrea. "You're so damn gorgeous, Ruthenia!" saad niya na ikinatawa ko naman. "Ikaw rin naman eh." saad ko sabay turo sa ilang strips ng buhok na naging kulay ash-gray.

"So, can you feel it now?" biglang sulpot ni Daisy sa aming tabi.

"Feel what?" we asked out of curiosity. Nakangiti namang nakatingin sina Esther at Delphina sa akin.

She just rolled her eyes. May mali ba sa tanong namin? "Magic"

Yeah. I can feel and sense it. Magic is everywhere sa mundong ito na nakahalo na sa linalanghap naming hangin. So that means we can use magic freely now? Oh my God!

"We better go home now. Kailangan niyo na ng pahinga mga iha." saad ni Delphina bago pinangunahan ang paglalakad.

Andrea and I both smiled and we happily walk habang hawak ang kamay ng isa't isa.

I raise my head at tinanaw ang ganda ng mga bituin sa langit at bumuntong hininga.

Mom and Dad. You have a lot of things to tell me. May purpose ang lahat kaya napadpad kami ni Andrea rito sa Zariya and it is up to me to discover what possible things it could be. Aware kaya sila sa mga bagay na ito? At kung oo, bakit nila ito nagawang itago sa akin? Hindi na ako makapaghintay pa na makita at makapiling silang muli.

Our normal life as a mortal ends here and replace by a new born being with magic.

➖➖➖