➖➖➖
"So, what you want to do with that---" sandali siyang lumingon sa tuta na natutulog sa kama. Bahagya pa itong nagpalit ng pwesto. "A baby wolf?" kibit-balikat niyang sabi.
Sandali naman akong umayos sa pagkakaupo. "We did not find her parents back in the mountain dahil umeksena ang mga halimaw na 'yon na hindi ko alam kung saan galing."
"Tinatawag nila iyong Yebes. Its saliva is more venomous than of snake. Kaya pasalamat tayo at may tumulong sa iyo." she said. Siguro isa 'yan sa mga nalaman niya noong wala akong malay.
Hindi pa rin tuluyang nag-sink in sa utak ko kung nasaang lugar ba kami. Basta ang alam ko'y hindi ito isang ordinaryong lupain na maihahalintulad sa Earth. Kailangan ko talaga ng isang taong taga-rito na ipaliwanag ang lahat sa amin ngunit wala akong taong mapagkakatiwalan lalo na't hindi lingid sa akin na may tinatago sa amin si Delphina. Ang mahalaga sa ngayon at nasa maayos kaming kalagayan.
"What would be the named of that pup?" I was stop hallucinating nang magsalita si Andrea. "She seems attached to you magmula nang ginamot mo siya."
Sandali rin akong napatingin sa natutulog na tuta. "Do you think its a good idea to adopt her? Well, isa siyang wolf and it's very dangerous but challenging as well." nag-aalangan kong sagot.
"What do you expect. Itapon na lang natin siya sa kakahuyan, ganern? Nakakaloka ka talagang bruha ka." she rolled her eyes in extreme annoyance na agad ko ring binawian.
Ilang saglit akong napaisip habang nakatingin sa tuta. "Since she's a girl. Her name will be---"
Nakaawang ang bibig ni Andrea at hinihintay ang sasabihin ko.
"Oddysey."
Biglang nangunot ang noo niya and rested a hand on her hip. "Ngeh! Pangalan nang hotel niyo 'yan girl!" sabay hampas sa akin.
"Ako ang owner ni Oddysey kaya akong mag-dedecide. Bakit may recommended name ka ba para sa kanya?" sabay kuha kay Oddysey na halatang nagising sa bunganga ni Andrea.
"Hmm..." She raised her chin at nag-isip. "Pwedeng chikchak, chukchuk, chukita, chukit---"
My brows suddenly snap together. "Stop!"
Tumingin siya sa akin na nagpipigil ng tawa. "Bakit? Maganda naman ang mga binigay---"
Bahagya akong natawa sa kanya. "Maganda? This is not the right time to joke, Andrea. Oddysey ang pangalan niya and thats final. Right? Baby Oddysey?" Yumuko ako at binalingan siya ng tingin.
She wagged her tail. "Aw! Aw! Aw!" she's so innocent and cute.
"Aish! Tignan lang natin kung anong gagawin mo kapag lumaki 'yan." naka-crossed arms na sabi niya. As if siya naman ang mag-aalaga.
"Sus. Ikaw ang una kung ipapakain ko kapag lumaki na siya." biro ko. Nakita ko pang namula ang mukha niya sa sinabi ko.
Napatingin siya sa bintana kaya napatingin rin ako doon.
Its in the middle of the afternoon at nakatirik ang araw ngunit hindi ganoon kainit ang klima dahil mas nananaig ang lamig ng simoy ng hangin.
I didn't noticed na pinagmamasdan ko na pala ang natatanaw na kabuuan ng bayan mula sa aming kwarto.
House made of bricks, horses hauling a chariot at mga taong may kanya-kanyang ginagawa. Ngunit mas nakakuha ng aking atensyon ang uri ng kanilang kasuotan.
Lahat ng kababaihan ay nakasuot ng mahabang bestida at sa mga kalalakihan naman ay nakasuot ng mga kapa. Parang nasa Medieval period kami dahil sa pagkakahalintulad ng kanilang uri ng pamumuhay but how?
Biglang hinila ni Andrea ang kamay ko. "Well, mag-hallucinate nalang ba ang gagawin natin?" her eyes sparkle with excitement na agad ko namang na catch up.
I smiled. "Of course not! Get dress up and we will explore this town in the next couple of minutes." natatawang sabi ko.
"Oh my! Hindi ko alam but I suddenly feel excited!" She jump in extreme joy and waggled her hips na sobra kong ikinatawa.
➖➖➖
Horseshoes on cobblestones, rattling carriages at mga boses ng mga tindera't tindero ang sumalubong sa amin. Ito lamang ang nagsisilbing pinanggagalingan ng ingay and trust me. Kararating lang namin pero gusto ko na agad umalis. Sobrang crowded at wala sa ayos ang pamilihan ng bayan.
"Bili na kayo! Mga binibini at ginoo!"
"Panea kayo diyan!"
"Magkano po?"
"Limang baryang pilak kada isa."
Nagulat ako ng may kamay na humila sa akin kasabay ng pagdaan ng isang kalesa na puno ng mga kagamitan at hila-hila ng isang hayop na hindi ko alam kung anong tawag dahil narin ngayon lang ako nakakita ng ganoon.
"Hoy! Bruha, May plano ka bang magpabunggo?" Napatingin ako sa namumulang si Andrea her brows knitted sa sobrang pagkairita. Siya pala ang humila sa akin.
I just rolled my eyes sabay punas sa aking pawis. Gosh! My face is glistened with sweat dahil hindi ako komportable sa suot naming damit ngayon na binigay ni Delphina. Para kaming mga dalaga sa sinaunang sibilisasyon. Mabuti na lamang at pumayag si Odyssey na magpaiwan kay Delphina dahil mas mahihirapan kami kapag kasama siya.
Bigla kong naalala ang huling habilin ni Delphina kanina bago kami umalis patungo rito.
"Kahit anong mangyari. Huwag mong ipapakita ang iyong kwintas sa kahit na sinong nilalang sa labas, Ruthenia."
Aish! Ang daming gumugulo sa akin.
Sinimulan na namin ang paglalakad ni Andrea sa pamilihan ng bayang ito na tinatawag na Hage.
"So, saan ang una nating pupuntahan?" tanong niya sa akin at halatang aliw na aliw sa nakikitang mga stalls dahil doon lamang ito nakatingin.
Napadako ang aking tingin sa isang gusali ilang metro sa aming unahan. Agaw atensyon ito dahil natatangi ang itsura ng gusali na parang 'yon ang pinagtuunan ng lahat bukod sa kanilang pamilihan.
Mabilis naming narating ang harao nito at doon ko lang napagtanto na isa pala itong pamilihan iba't ibang uri ng kagamitan.
"Anong gagawin natin dito? Buy and trade some items? Eh wala naman tayong---"
I slid her a warning look. "We're here to get some information remember?" sabi ko at walang pasabing hinila siya paloob. Narinig ko pa ang reklamo niya pero hindi ko na siya pinansin pa.
Sumalubong sa amin ang malawak na silid na punong puno ng iba't ibang kagamitan. May ilan ring taong bayan ang naririto at namimili.
"Wow." Andrea said.
I noticed different kinds and sizes of swords na nakasabit sa dingding. Bow and arrow, spear, whip at iba pang klase ng mga armas pandigma't pangaso at higit na nakaagaw sa aking pansin ay ang mga staff at mg wands sa kabilang side.
Like what the heck? Para saan ang mga iyon?
Marami ring specimens ang naririto na nakalagay sa kanya kanyang mga glass container at naka-display sa naglalakihang cabinet kasama ang mga weird na mga gamit na hindi ko alam kung para saan.
I glanced up at the ceiling and was in awe nang mapansin ang strange moon carvings rito. It looks like the moon was a great part of their daily lives here.
"Anong maipaglilingkod ko sa dalawang dilag na naririto sa aking tindahan?" wika ng isang lalaki na muntik ko nang mapagkamalang boses ng isang kambing.
Sabay kaming napatingin ni Andrea sa lalaking papalapit sa amin and gaze at him head to toe.
Round face, chubby and short body. Not bad for being a merchant.
"Narito lamang po kami upang magtingin ng ilang kagamitan." pagsagot ko sabay bigay ng pekeng ngiti na sinundan rin ni Andrea.
Napatango lamang ito sa aking sinabi. "Ako nga pala si Raknar at---" inikot niya ang tingin sa silid. "Sa tingin ko'y kagamitan ukol sa inyong mahika ang hanap niyo hindi ba?" tanong niya na aking ikinabigla.
Bigla kaming nagkatinginan ni Andrea sa narinig.
Mahika?
"Ikinalulungkot ko po ngunit wala po kaming mahika." sabi ko.
Bumakas ang pagkagulat sa kanyang mukha. "Ha? Halos lahat ng nilalang rito ay may mahika. Maliban na lamang kung kayo ay kabilang sa mga nilalang na may dugong Gamma."
"G-gamma?" halos sabay naming bigkas ni Andrea.
Bahagyang natawa si Raknor sa aming tinuran. "Gamma. Hindi niyo alam?" bakas ang paghinala sa kanyang mukha. "Ang tawag sa mga nilalang na hindi biniyayaan ng mahika at malapit sa mga mortal. Katulad---"
Hindi ko na nagawang mapansin ang kanyang sinasabi dahil bigla akong nakarinig ng isang batang babae na humihikbi.
"Ina, tulungan niyo ako."
Napadako ang aking tingin sa nakahilerang mga specimens dahil doon ko naririnig ang boses.
Hindi ko namalayan na naglalakad na ako paroon.
"Pakawalan niyo po ako rito."
I was taken aback ng biglang may malamig na metal ang tumutok sa aking leeg.
"Ano ang iyong ginagawa, Gamma?" It was Raknor ang may hawak sa espada na nakatutok sa akin giving me a haunted look.
One wrong move and I will die.
"Sumagot ka." sabay diin sa espada na naging dahilan ng pagdaloy ng kaunting dugo mula sa aking leeg. "Ano ang gagawin mo sa pasilyong iyan?" sabay tingin sa mga nakahilerang kasangkapan sa aming harap.
"Ruthenia!"
"Tahimik!" walang nagawa si Andrea at nag-aalala itong nakatingin sa akin.
I bit my lips and trying to relax myself. "How can I explain if you keep drawing your sword to me?" I said in a serious tone.
Nabigla siya sa narinig at wala sa sariling naibaba ang espada. "Papaanong---" inilibot niya ang tingin sa buong paligid. "Ipinagbabawal ang pag-aaral ng wikang iyan dahil tanging mga may dugong bughaw ang maaring gumamit nito." may bahid ng takot niyang sabi.
I prevent myself na irapan siya dahil natatawa ako sa sinabi niya patungkol sa pagsasalita ng wikang Ingles.
Muli akong napatingin sa pasilyo nang muling marinig ang hikbi ng isang batang babae.
"May naririnig akong batang umiiyak sa dakong 'iyan." saad ko sabay turo sa mga nakahilerang mga kasangkapan.
He squinted. "Bata? Walang batang naririto. Maliban sa---" sandali siyang natigilan at napaisip. "Maliban sa isang bihag na Filolial. Sumunod kayo." wika niya at pinangunahan kami.
Sumunod naman ako at inakay si Andrea. "Are you okay?"
I smiled and nodded.
"Kaloka. I almost had an heart attack kanina." she said sabay tawa naming dalawa.
Tumigil si Raknor at tumapat sa isang glass container kaya napatingin rin kami roon.
My eyes glinted nang mapansin ang isang maliit na nilalang na naroroon sa loob and was in a middle of deep despair.
Akala ko sa Fairy Tales ko lang sila nakikita. My heart suddenly pounding in great joy ng makakita ng isa sa kanila.
"F-fairy?" Andrea covered her mouth with her hand in awe.
"Isa siyang Filolial at ilang buwan na rin siyang naririto at nanaliting walang bumibili sa kanya." saad ni Raknor sabay tingin sa akin.
Narinig ko ang tuloy tuloy na sigaw ng maliit na nilalang.
"Pakawalan mo ako rito!"
"Wala kang awa! Siguradong hinahanap na ako nila Ina!"
"Kaya dapat lamang na ubusin ng mga lahi ng Demons ang inyong lahi!"
"Pasensiya na kung napaghinalaan kitang isang magnanakaw. Patawarin mo ako Binibini." Raknor sincerely apologized and bowed his head.
I gave dismissive wave in my hands. "Ahh--ehh, wala 'yon pasensiya na rin." nahihiya kong sabi sabay tingin ulit sa Filolial.
"Bakit niyo nga pala hinuhuli ang mga tulad nila? Hindi ba kayo naawa?" I asked sabay tingin sa umiiyak na nilalang.
Nagulat ako ng tumingin ito sa akin at doon ko nasilayan ang kanyang buong itsura.
Her eye color is leaf green and she's wearing a leaf like tiny dress na parang si Tinker Bell. Nakatiklop rin ang kulay puti nitong pakpak.
"Tulungan niyo ako."
Narinig ko ang pagmamakaawa niya na lubos na nagpahabag sa akin.
"Isa kang mangangalakal hindi ba?" pagbaling ko kay Raknor.
Tumango lamang siya. "Siyang tunay Binibini."
"So, ibig mong sabihin hinihintay mong may bumili sa fairy---Aish! Sa Filolial na ito?" Si Andrea naman ang nagtanong sa mga sandaling ito.
Tumango muli si Raknor.
"At sa magkanong halaga naman---"
"Sampung libong baryang gawa sa pilak." pagputol niya sa aking tanong.
Nanlaki ang mata namin ni Andrea.
Ten thousand silver coins?
Base sa sinabi ni Delphina ang isang barya na gawa sa pilak ay makakabili na ng pagkain mo sa isang buong araw and this crazy merchant want us to pay 10,000 pieces of those damn coins in exchange for the freedom of this Filolial?
Just how crazy he is when it comes to money?!
Malungkot akong napatingin kay Andrea at sa Filolial.
Bigla naman akong hinila ni Andrea sa may sulok at may binulong sa akin na halos ikatalon ko sa tuwa.
"Pero okay lang ba sayo na i-trade natin ang phone mo? I mean--there are countless of pictures of us in your phone." I asked with mix astonishedment.
Tumango na lamang siya. "Wala na akong magagawa. Super duper akong naawa sa Fairy na kinidnap nila. Kawawa naman diba?" nakanguso niyang sabi sabay turo sa nanghihinang maliit na nilalang.
"Just keep you phone." sabi ko na ikinakunot ng noo niya.
An evil smile form in my lips. "Because I'm gonna trade mine, not yours. Just watch." Pagdugtong ko sabay labas sa aking cellphone at lumapit kay Raknor.
"May ibibigay kami sa iyo na isang bagay na mas mahalaga pa sa libo-libong ginto." Bahagyang nakataas ang kilay ni Raknor sa mga sandaling ito at nakapalumbabang nakikinig.
"At ibibigay lamang namin ito bilang kapalit ng kalayaan ng Filolial na iyan." sabay turo sa nilalang. "---at ilang mga kagamitan."
➖➖➖