Saan ba kami pupunta?
Napatingin nalang ako sa mga dinadaanan namin.
Ang awkward nung silence.Geeez!
Nang lumingon ako sa kaniya sakto din namang napatingin din siya sakin.
Spell capital A-W-K-W-A-R-D!
Sabay naman kaming napaiwas.Nakita kong may radio pala itong kotse niya kaya naman tinurn-on ko yun.
🎶🎶Two less lonely people in the world
And it's gonna be fine
Out of all the people in the world
I just can't believe -🎶
Agad kong pinalitan kasi nagdadagdag lang yun ng awkwardness.God!
Another FM station na naman ang pinindot ko.
🎶🎶Even the nights are better
Now that we're here together
Even the nights are better
Since I found you🎶🎶
What's wrong sa mga estasyon na ito.God! Nakakaqiqil.God!
🎶🎶I'd climb every mountain
And swim every ocean
Just to be with you
And fix what I'm broken
Oh Cause I need you to see
That you are the reason🎶🎶
"Nu bayan!"naiinis kong sabi.
"What's wrong with the music? It's pretty good."napalingon ako sa kaniya nang sinabi niya yun.
May kasama pala ako?
I thought mannequin lang siya. Napaismid ako at madaling nag-iwas ng tingin.
Tumigil kami sa harap ng isang fancy restaurant.
Anong naiisip niya at pumunta pa kami rito?
Eh pwede namang magluto nalang sa resort?
"You go on first.Just ask for our reservation."sabi niya kaya tumango nalang ako.
Our reservation? Abi,ofcourse our!
Tayo yun.God! Ano ba itong naiisip ko.Wag bigyan ng ibang meaning.Shooo!
Pero seriously? Nagpareserve pa talaga siya?
May nakalagay na "Push or Pull" sa pinto. I choose to push it through.Fighter ako eh.Kaya dapat walang aatras-atras.
Honestly,ang ganda nung restaurant.Transparent wall kasi yung ginamit nila.Kaya kitang-kita ang mga taong kumakain sa loob.Naeexcite tuloy akong pumasok.Sinalubong naman agad ako nung isang staff.
"Good Evening Ma'am... Welcome to La Mercedes Restaurant"tugon nito na nakangiti.
"How may I help you ma'am?"dagdag niya pang sabi.
Anong sasabihin ko.
Our reservation? Eh yun ang sabi niya eh.
Gosh,pahamak talaga ang gagong yun.
"Ma'am?"napatingin ako kay ateng staff at hilaw na ngumiti.
"Can you check for Mr.Zacharias McHarry Clinton and Ms.Abigail Suzanne Rivera's reservation?"parang tangang sabi ko.
I may sound confident but God! Yun ang naisip ko talaga.
Kasi naman eh.Sabi niya our reservation? Our daw eh? Kaya Kami? Ay Ewan.
Sumunod naman ako sa staff nang siya'y maglakad papuntang counter desk.
May tiningnan siyang parang logbook then after sa computer naman.
"Sorry ma'am...Pero walang nakareserve na ganyang pangalan dito."
Pinamulahan naman ako ng mukha sa hiya.
It's all his fault.Maybe he planned all of this.
Gosh,pinapahiya niya ako from outer space down to the ground.
"Ah ganun ba.Sorry sa abala."nahihiyang sabi ko at akmang tatalikod na papaalis doon para mapatay ang gagong Clinton na yun.
Humanda talaga siya sakin.
But...
"Wait ma'am..."
Kaya humarap ako ulit dito.
"May nakareserve dito na Mr.&Mrs.Clinton.Baka ito yun?"
Napanganga naman ako sa sinabi niya.
Ano daw?
Kailan pa ako naging Mrs?
Pero God!
Dug...dug...dug!
Ba't nagkakagulo ang mga paru-paru sa bandang tiyan ko?
Abi,wag kang assuming...Hindi ikaw yan.
Kinalma ko ang sarili ko bago nagcompose ng salita to give her a response.
"Ah ate.Baka iba po yan.Single pa po ako"natatawang sabi ko.
"Sige alis na po ako."dagdag ko pa.
Nagbow ako bago tumalikod.But then napatigil ako kasi nakita ko ang kakapasok lang na si Clinton,the gago.
"Oh ba't nakatayo ka pa?"nagtatakang tanong niya.
Ang sarap mong batukan pre!
Nagtatanong ka pa.Wala ka namang pinareserve.
"Saan ako uupo ha? Eh pinagloloko mo lang ako sa OUR RESERVATION mo kuno."naiinis kong sabi na may diin.
Nagtaas naman siya ng kilay .
"Pinagloloko? Seriously?"sabi niya na tila'y natatawa na di makapaniwala.
"Ewan ko sayo."tugon ko at nag-akmang magmartsa paalis sa lugar.
But then a strong hand stopped me.
Hinila naman ako nito papalapit sa counter desk.Hindi ako nakapalag pa ang higpit kaya ng pagkakahawak niya.
"Uhmmm..Check for our reservation."he commanded.
Sounds so bossy lang?
Parang nakakapagmay-ari nung restaurant ah.
Wala pang "Can you check ....."
Walang manners o formalities lang ganun.Gusto kong umirap pero binawalewala ko nalang iyon at naghintay nalang sa isasagot nung staff.
"Sure Sir...Name po?"naeexcite na pag entertain nung staff na may pakislap-kislap pa nung mata.
Seriously?
Is she attracted to the man holding my arm?
Geeezzz...Ganyan na ba ka low ang standards ni Ate? How poor!
"Mr.&Mrs.Clinton."cool na sabi ni Clinton na siyang nagpanganga sakin, nagpatibok ng puso kong parang nakisali sa marathon at nagpatunaw ng buong pagkatao ko.
What?
Nanlalaking mga mata ko siyang binalingan ng tingin.
So sa amin talaga yun?
Nakangiti namang tumingin sakin iyong staff pero umiwas lang ako ng tingin sa kaniya.Para niya kasing sinasabing I-told-you-sainyu-yun-eh-look.
Gosh!
"That table over there sir!"sabi nito sabay turo nung reservation table namin kuno.
Nauna na akong naglakad patungo roon.
God! I need air to breathe.
Akmang nanghihila ako ng upuan but then naunahan niya na ako.
How sweet & romantic Clinton!
Pero like duh.Too cliché move.
Agad naman akong padabog na umupo.
"What's wrong?"he asked.
May pa what's wrong-what's wrong ka pang nalalaman.Kahit na nakakakilig, shit no no.nakakainis dahil dun sa reservation name ko na Mrs.Clinton .Kailan ko pa siya naging asawa?
I deserve his explanation.
"Kailan mo pa ako naging asawa aber?"diretsahan kong tanong sa kaniya.
His lips parted then formed into a luscious este disgusting smile.
"Noon pa."parang di sigurado niyang saad pero nakangiting parang aso ang loko.
"I was never been your wife."saad ko habang nakataas ang kilay.
I saw how his adams apple moved.Then he said.
"Bakit,di mo ba gustong maging asawa ko?"
Nag-aalaburto naman sa kakatibok itong puso ko.
Ano ba namang tanong yan Clinton?
Sino ba naman ang babaeng aayaw sa malademi-god mong beauty.At isa pa,mayaman pa.
Hindi,hindi... Abi,wag kang ano.
"Ofcourse...not!"
Gosh,Abi.Mabuti nalang at nakasagot ako agad.
Napakagat-labi naman ako nang mas lalong lumawak ang ngisi niya.
May mali ba sa sinagot ko?
Tama naman.
Ayokong maging asawa niya.Never! So anong ikinangingisi ng isang ito?
Teka nga,ano nga ulit yung tanong niya?
"So you want to be my wife then?"he sincerely asked with a smile.
Huh?
Para akong nawala sa katinuan.Wala na akong ibang marinig kundi ang pagreplay nung linyang galing sa kaniya.
So you want to be my wife?
So you want to be my wife?
So you want to be my wife?
"He-hell-no"nauutal kong sambit at kinuha ang isang baso ng juice.
I don't know kung sino samin ang nagka-misinterpret, siya ba o ako?
"Kumain na nga lang tayo.Gutom na gutom na ako."pag-iiba ko ng topic.
Gusto kong lamunin nalang ng lupa.Kasi naman eh.Wala pa palang orde. Katangahan!
Change Topic..My precious brain please cooperate..
"Pero ba't ba kasi Mrs.Clinton ang pinalagay mo roon sa reservation?"out of the blue na nasabi ko.
Sa daming pwedeng gawing topic yun pa talaga?
"Eh sa 'yon ang naisip ko."sagot niya.
Napairap naman ako.
"Eh ba't di nalang pangalan mo alone ang ipinasulat mo roon for reservation?"giit ko pa.
Napatigil naman siya and look at me seriously.
"Why do you take it as if a big deal? It's just for fun.Just smile because it happened." he said with conviction.
Napashut-up nalang ako.
Why I am taking this seriously eh?
Stop thinking nonsense Abi...
Wag ng mag-aassume...
Nakita ko siyang nagtaas ng kamay.Nagtaka pa ako pero naliwanagan naman nang makita ang isang waiter na papalapit sa table namin.
Gosh Abi,ang slow mo na mag-isip lately.What happened to you ba?
"What's your oder?"Clinton asked me as the waiter handed him the menu.
Di naman ako nakasagot.
Ano ba naman kasing alam kong pang sosyal na delicacy? Wala naman sigurong pakbet sa isang fancy restaurant? O baka naman meron pero kakaiba na pangalan o yung kasangkapan to the highest level na.
"Tu-tubig..Oo tubig nalang.Medyo nauuhaw na kasi ako."parang natatameme kong sabi at nagkunwaring nauuhaw.
Nakita ko naman siyang napasmirk.Hindi ako nakagalaw nang lumapit siya ng bahagya at bumulong sakin.
"Act normally.Don't be too obvious that you're affected when I'm around."he whispered na nagpanganga sakin.
What he just said just freaking sent shivers down to my spine.
Napaiwas naman ako ng tingin kay kuyang waiter na nakatingin lang sa amin.
"Gutom na gutom kana.Sabi mo kanina.Come on."natatawang sabi niya while I'm so much nahihiya na talaga.
Naiinis na nahihiya akong sumagot.
"Kahit ano nalang."I said.
May ibinulong naman siya dun sa waiter.
Gaano ba iyon ka importante? Eh may pabulong -bulong pa siyang nalalaman? Is it something confidential na hindi ko dapat marinig o baka usapang lalaki?
Nilibot ang aking mga mata sa buong restaurant habang naghihintay ng order.Siya naman busy sa cellphone niya.
Sinong katext niya o baka naman naglaro siya ng mobile legends,ros o baka summertime saga.Eh...
"Here's your oder ma'am..sir!"sabi nung waitress sabay lapag ng pagkain.
Natakam naman ako sa appetizing look nito.Akala ko kakain na kami pero nagulat ako nang may dumating pang ibang waiter na may dalang sari-saring servings.
What the?
Ba't ang dami naman?
"Sir,okay kang ba kung sa katabing table nalang ilalagay itong ibang pagkain? Hindi na ito magkakasya sa table niyo."mahinahong sabi nung babaeng staff.
Ay iba din.Para namang wala ako dito.Siya pa talaga ang tinanong.Hindi manlang ako tinanong to get my consent.Nakakahyper ah.
Tumango naman si Clinton while napanganga ako na naiinis at the same time.
Umusog ako ng upo at binulungan siya.
"Ano toh?"di makapaniwala kong tanong.
"Pagkain."walang emosyong sabi niya.
Napairap ako at sinamaan siya ng tingin.
"Malamang pagkain yan.Pero ba't ang dami naman yata?"
"Sabi mo kahit ano.Kaya inorder ko na lahat ng specialty nila rito."
What?
Lahat ng specialty? So ganun,marami silang specialty?
Pero Gosh! This is too much.
"Eh nagsasayang ka lang ng pera. Sinong uubos ng lahat ng ito?"namomroblema kong sabi.
"Eat as many as you can.Eat everything you like. Food isn't a waste if that makes you full.Don't worry sa babayarin.I have the wealth.At kung di natin mo kayang ubusin maraming dumpsite na naghihintay ng mga basura."he said in a cool way.
What the fuck!
What a conceited jerk!
Ganun nalang yun?
Sayang naman kung itatapon nalang.Ang yabang pa eh.
Pakiramdam ko tuloy pinagmumukha ng loko na ako ay patay-gutom.Eh kaming dalawa yung kakain nito.
"Grabe.."napakunot-noo at di makapaniwalang tugon ko.
"Kain ka na.Dami mong says."sabi niya at kumain.
Anudaw? Says? Parang nagtutunog teenager siya eh?
Seriously?
Haysst.Bahala na nga.
Kumain nalang din ako at pagkatapos ng ilang minuto, nabusog at natapos na din akong kumain.
Kanina pa siya tapos pero hindi ko nalang siya pinansin.
Bahala ka uy.Walang ng hiya-hiya toh.
Napasulyap ako sa kanilang table na punong-puno ng pagkain na hindi namin nagalaw.
Ano ng mangyayari sa mga yun? Mukhang masasarap pa naman.
"Gusto mo pang kumain?"di makapaniwalang tanong niya.
Inis ko naman siyang binalingan ng tingin.
"Anong akala mo sa akin? Patay gutom talaga? Walang kabubusugan?"naiinis kong sabi.
"Eh kung makasulyap ka sa kabilang table parang nalulungkot ika'y sayang na sayang na hindi mo natikman?"nakangisi niyang sabi.
Geeeze!
"Malamang sayang yan.Sinong kakain niyan aber? Sinasayang mo lang ang ibabayad diyan."
"No worries.Hindi ako nauubusan."mahambog niyang sabi kaya di ko napigilang umirap to the moon & back.
"Pwede bang eTake out nalang natin lahat ng ito?"pabulong kong sabi.
"What? Seriously?"
"Eh kasi naman.Sayang yung pagkain."parang batang sabi ko pa.
"Ang dami niyan at for sure mababaho na yan pagkauwi natin sa bahay."
Mababaho? Is he for real?
At bahay? Sa resort kami tumutuloy kaya?
"Ang OA mo talaga eh.FYI,hindi ko sinasabing ebiBring home ko yan uy.Hindi ko naman sinasabing tayo ang kakain. May mga hindi nagagalaw na pagkain pa tayo sa table na ito at di nga NATIN maubos-ubos, yun pa kayang nasa kabila?"sabi ko at inemphasize talaga yung NATIN baka kasi sasabihin niya ulit na AKO lang.Ang unfair naman kung ganun.
"Kung ganun? Sinong kakain?"curious niyang tanong.
"Mga bata."I answered & smiled.
"Mga bata?"
"Mga batang kalye.Ibibigay natin sa kanila."sabi ko.
"Nah we're not their parents to feed them up.We're not responsible for them."he said.
Napanganga ako sa sinabi niya.
How could he be this heartless!
Patience Abi.Wag muna ngayon.You need to win his heart for a moment.
"Sige na please.EtaTake out na natin toh"pagmamakaawa ko at hinawakan pa talaga ang kanan niyang braso.
Napatingin naman siya rito kaya agad akong nagising sa kabaliwan.Binawi ko ang kamay at ningitian siya.
May tinawag siyang staff at inutos na epack yung mga pagkain.
After a few minutes, natapos din sila kaya naman excited akong tumayo at binitbit ang mga ito.
Pero ang dami eh.Di ko ito kakayanin.
Nakatayo siya sa likod ko & just watched me.
Lumingon ako at nagpuppy eyes sa kaniya.
Makahingi nga ulit ng favor.Kasi naman eh ang dami nito.
"Can you? Alam mo na?"malumanay kong pakiusap.
Wala naman siyang isinagot pero tinulungan niya ako.
Nauna na siyang naglakad palabas kaya agad akong sumunod.
Yung ngiti ko abot hanggang tenga nang makapasok kami sa loob ng sasakyan niya.
"So saan yang mga batang kalye na sinasabi mo?"tanong niya habang nagmamaneho na.
"Diyan...Liko mo diyan yung kotse."utos ko pa.
Nang huminto ang kotse agad akong lumabas at binuksan ang backseat.Kinuha ko ang mga package foods doon.
Lumabas din naman siya kaya pinadala ko ulit yung natitirang di ko kayang dalhin.
May nakita akong mga bata na natutulog sa gilid ng kalsada na karton lang ang ginagawang higaan.How pitiful!
Nagising naman yung isa at ginising niya yung iba.
Nakakaawa lang ang mga kalagayan nila.They're too young to suffer & have this state of living.
Naalala ko tuloy yung declamation piece na paboritong-paborito ko.
Alms.Alms.Alms.
Spare me a piece of bread
Spare me your mercy
I am a child so young,so thin & so ragged.
Haystt.
"Hey kids! We brought you something."genuine ko pang sabi.
Inabot ko naman yung dala ko na agad na kinuha nung isa.He opened it & a wide surprise smile form in his lips.
"Wow! Pagkain."excited niyang sabi na nagpapukaw ng atensyon sa ibang kasamahan.
Nag-agawan pa sila.
"Hey wag niyong pag-agawan yan.Marami pa rito."sabi ko at inabot lahat ng dala namin.
Nakita ko namang ganadong-ganado at tuwang-tuwa silang kumakain kaya super duper happy ako.
I don't know kung anong pumasok sa isipan ko at anong klaseng espiritu ang sumanib sakin but the next thing I know.I was hugging Clinton so damn tightly.
Nagulat siya at kitang-kita ko iyon.Nang mahimasmasan agad akong bumitaw at nag-iwas ng tingin.
Gosh,what is that Abi?
Nakakahiya...Ano nalang ang iisipin niya dun? Siguro, I was just so happy because he let me gave those food packs to the pitiful kids in the streets.
"Kids aalis na kami.Babye."sabi ko at kumaway.
Tumango naman sila wearing their unusual smiles.
Sabay kaming naglakad pabalik sa kotse na walang imikan.
Bahala na si Batman.Matibay lang ang kayang bumasag nung katahimikan.
Nilibot ko ang mga mata sa buong kotse niya baka sakaling may makita akong orasan.
"What are you looking for"?
Napatingin ako sa kaniya.
"Gusto ko sanang malaman kung anong oras na?"natatamemeng sagot ko.
"Kunin mo sa bulsa ko yung cellphone ko."utos niya pa.
Napipilitan ko namang sinunod ang sinabi niya.
Dahan-dahan kong ipinasok sa bulsa ng pantalon niya ang kamay ko.
Gosh,ang awkward.
Anong pumapasok sa isipan niyang utusan akong kunin ito.May kamay naman siya at isa pa babae ako.
God! Paano nalang pag nahawakan ko yung alag-no no. Abi! Wag kang mag-isip ng ganyan.
Abi,nagdadrive siya.Baka mabangga pa kaya kung kukunin niya pa. Baka bumangga kayo. The other side of my brain goes against with it saying, "he can just stop the car and get it."
Nang mahawakan ko na ang ulo.Ay hindi,ang laswa nung term. My goodness.
Yung basta yung may butas,Oh God! Mas malaswa pa yata ito.
Yung basta papasukan. Oh nooo!
Yung papasukan ng charger uy! Agad ko na itong binunot. At inilabas, anong inilabas?
Oh shit...Abi,damn it, what happened to you?
Napailing-iling nalang ako sa kabaliwang naiisip.
Sinuri ko naman kung nasan ang Power On nito.Yung latest brand pa nung iPhone ang cellphone ng loko.Nakakainggit.
Nang makita ko na, agad kong binuksan.Nagulat naman ako kasi wala manlang pin,pattern o kaya'y password.
Wala manlang siyang phone security? Sa bagay nakakatakot naman siya, sino namang mangangahas na papakialam itong cellphone niya?
Ikaw Abi,ikaw. Natawa ako sinabi ng isip.
Ibinigay niya sakin.Nag-offer siya noh! Another thought interfere.
Saktong 10:00 pm na yung oras nang tingnan ko sa phone niya.
Akmang isasauli ko na pero baka masagabal ko lang siya.
At baka naman ipapabalik niya sa bulsa niya.Geeeze!
Tiningnan ko lang ito.Ay wala manlang siya gaming apps.Wala din siyang social apps like Facebook,Intagram o kaya'y Twitter.
Anong purpose nitong cellphone niya? Text & Call lang ganun? Sayang naman iPhone pa naman ito.
Ang yaman-yaman niya pero masyado siyang pang-oldies.Di manlang siya updated sa mga trends.Ang dami niyang unread messages pero alam ko naman yung salitang privacy kaya hindi ko pinapakialam yun.I don't have a right noh.
Nakita ko ang baduy-baduy nung wallpaper niya.Yung smiggle o smeagel ba ang spelling nun? Sa Lord of the Rings? Adik ang mukha nito,malalaki at mapupulang mga mata na nakahithit nung parang tobacco.
Diba siya marunong magselfie manlang? Wala naman kasing ibang pictures sa gallery niya bukod doon at sa isang mountain view.
Naeexcite akong pinindot ang camera.
Wow! Ang linaw ng camera bes.Klarong-klaro ang beauty ko.
Nakita ko naman siya sa camera na napasulyap sa akin.
"What are you doin'?"tanong niya.
"Wag kanang makialam diyan.Drive ka lang,focus baka mabangga pa tayo."
"Wag kang titingin.Kukuha lang ako ng picture natin.Wag kang lilingon ha,para naman stolen ang kuha mo."sabi ko sabay click nung camera.
Ang ganda nung kuha.Nakangiti ako while he is driving.He looks so manly,focus and serious. How could he be this Mr. Perfectly Fine? Agad ko namang isenet as wallpaper yung picture na 'yon.
"Ayan.. Perfect."
Napansin kong hindi pabalik sa resort yung daang tinatahak namin kaya napatingin ako sa kaniya.
"Saan tayo pupunta?"nagtataka kong tanong.
"We're heading home". sagot niya.
Home? As in sa mansion niya?
Pero ba't naman? Bigla akong kinabahan nang maalala ang mga nangyari sa mansion.
Nilagay ko sa dashboard ang kaniyang cellphone.I was thinking a lot of things as we are coming close to his mansion.
Tama bang ibigay ko na buong tiwala sa kaniya? Na wala siyang intensyong masama sakin but to keep me safe and protected?