Chapter 12 - Chapter 11

Nasa sala kaming lahat ngayon.Ang weird lang ng mga 'to. Ikaw ba naman ang titigan na parang sinusuri?

"Hoy? Anong klaseng tingin yan?"nagtatakang tanong ko.

Problema ng mga 'to.

"May mga itatanong lang kami."sabi ni Miranda.

Oh yes, we all heard it right.Si Miranda yun.

Sa wakas at friends na rin kami ng babaeng ito. Kinausap niya ako noong isang araw at nag sorry sa bitchy treatment niya sakin.Nagpasalamat pa siya dahil iniligtas ko raw ang bestfriend niyang si Marga. Kaya ayon,we're finally cool with each other.

Napaayos naman ako ng upo sa aking narinig.

"Hmmm...Sige...Pero kung masagot ko yung mga questions niyo.May reward ba akong makukuha?"nakangiting saad ko.

Napanganga naman silang lahat except kay Clinton.

"Yes!...You can claim your reward afterwards."saad ni Clinton.

Na talagang nagpatwinkle ng mga mata ko like there are stars scintillating brightly.

Breathe in, breathe out.Abi,focus!

Usapang reward na ito.

"Game..."excited kong sabi.

Nagtinginan naman sila.Unang nagtanong ay si Marga.Mag-iisang linggo na rin after nung naencounter naming laban. Mabuti nalang at naging mabilis ang recovery niya.

Though kailangan siyang alalayan kong tatayo siya kasi nga diba nabaril yung binti niya.Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ko.Kaya ko palang makipagbakbakan sa mga ungas na yun.

"Paano ka natutong makipaglaban?"seryosong tanong ni Miranda.

"Humawak ng baril at makipagsuntu—."hindi niya natapos ang pagtatanong dahil nagtaas ako ng kamay.

"Stoppppp....Wait a minute..."

Napahawak ako ng baba at inisip kung paano nga ba?

Napataas naman ng kilay si Marga.Habang nakakunot ang mga noo ng tatlo except kay Clinton na wala manlang reaction.

Napahawak ako sa batok ko..

"Ano kasi eh..Ano nga ulit yung tanong? Isa-isa lang kasi dapat."

Napabuntong hininga naman si Miranda at inulit yung first question.

"Paano ka natutong makipaglaban?"

"Ganito kasi yun."panimulang sabi ko at napansin ko talaga na napaayos sila ng upo.

Aba! Interesado ah.

"Nung naghigh school ako.Nakahiligan namin ng bestfriend ko ang panunuod ng Secret Agent Movies.At simula nun pinagsikapan namin talagang mapag-aralan ang mga ginagawa ng isang agent.Nagsearch kami sa internet kung paano at ano ang gagawin.Like paggamit ng baril,paghawak ng kutsilyo,throwing of daggers at yung martial arts." mahabang pagsasalaysay ko.

Mas lalo namang napapakunot ang mga noo nila.

"Pero nung nagsimula na kaming magcollege. Ayon, natauhan at tumigil sa kinababaliwan at nagfocus nalang sa studies namin."dagdag ko pa.

Nagtinginan naman sila pero walang nangahas na magfollow-up question.

"Pero yun nga... Nakita niyo naman diba? Nakakagulat na nagagawa ko na talaga for real ang galawan ng isang secret agent, it is like a dream come true for me.Though risky siyang gawin pero ang cool ko nun diba? Napapatumba ko yung mga ungas na naghahabol sa amin at—."

"Enough!"inis akong napabaling kay Clinton.

Ba't ba siya nag-iinterrupt?

Eh hindi pa ako tapos.

Sinisikap ko ngang pahabain yung sagot ko para makuha yung reward.Naalala ko kasi yung nakaraan,  kapag nagpapaessay si Teacher mahabang-mahaba yung mga sagot ko.Just in case kasi na di ako sure sa nauna at least sa susunod na mga paragraph may tama o may point na tumugma sa tanong.

Pero lintek talaga ang gagong ito.Pakialamero ang p*ta.

Sinamaan ko ng tingin ang dalawang freaks na sina Josh at Matt nang nagpipigil sa pagtawa ang mga ito while Marga & Miranda ay may expression na tila blanko lang.

Samantalang si Gagong Clinton ay may pahawak-hawak pa sa baba niyang nalalaman.

"Next Question."walang ganang sabi ni Clinton.

Nagtanong naman si Matt.

"Taga dito ka ba talaga sa Maynila?"

Napailing naman ako at sumagot..

"No...but simula noong magcollege ako, dito na ako nagstay.Silbi 4 years na akong nakaapartment at namalagi rito."honest na honest ko pang sagot.

"Kung ganun...Taga saan ka?"tanong naman ni Josh.

Parang napantig ang buong pagkatao ko sa tanong na iyon.Nakita kong nagulat silang lahat nang tumayo ako bigla.

"Taga Cebu City....totzzz totzz tototzzz."sigaw ko sabay kanta at sayaw nung budotz dance.

Todo ngiti ako at hataw habang siya'y napanganga.Wala ng hiya-hiya Abi.

Nakita kong napalunok at napailing si Clinton.Napatigil lang ako nang tumayo bigla si Clinton sabay sabing;

"She's innocent,wild and stupid.We are wasting out time here.This is nonsense."sabi niya at umalis sa aming harapan.

Napanganga naman ako sa sinabi niya.

Ano?

Ako?

Stupid?

CLINTOOOOON BUMALIK KA RITONG HAYOP KA!

Ang bastos talaga ng gagong yun.

Palibhasa kasi gorangs na yun.Walang alam sa mga trends at pang-millenials.Diba siya nanunuod ng It's Showtime o kaya'y hindi ba siya nakakapanuod ng mga viral videos sa YouTube ng budotz dance challenge?

Nakakainis siya.Gago talaga!

Napairap nalang ako sa kawalan.

"Ba't ka ba kasi sumasayaw nalang bigla ng ganun Abi?"natatawang sabi ni Matt.Inis ko siyang tinignan.

"Hoy dong.Yung totoo? Wala ka ba sa Pinas? O umandar ang pagiging Senior Citizen kaya ka naging makakalimutin? Boduts dance ang tawag dun.Pag may nagtanong sayo kung taga saan ka? Expected o automatically sasayaw ka ng ganun sabay sigaw ng lugar na pinanggalingan mo."mahabang sabi ko.

Nagkatinginan sila ni Josh at mas lalong humagalpak ng tawa.

Manang-mana kay Clinton ang dalawa.Nagpapahalatang mga gorangs na eh.

"Tama na yan boys.Ganun talaga yun.Itigil niyo na kasi ang panunuod ng malalaswa at maging mapagmatyag kayo sa trending na mga kaganapan ng ating bansa."sabi ni Miranda na nagpatigil sa kanila.

Very well said Miranda.

"See!"nakasmirk kong sabi sa dalawang ungas.

"Pero Abi? Seryoso ka ba roon kanina? Na because of watching SA Movies kaya ang galing mong makipaglaban?"di makapaniwalang saad ni Marga.

Tumango naman ako habang sila'y hindi parin talaga makapaniwala eh.

Napatayo ako bigla nang may maalala.

Hala yung reward? Shuta! He better not scammed me.

Agad akong kumiripas ng takbo at inakyat ang mahabang hagdanan at diretsong tinungo ang kwarto.Di nga ako nagkamali dahil nandoon si Clinton sa loob at kaharap na naman ang kaniyang laptop.

Napalingon naman siya sa akin. Dahil na rin siguro sa malakas at maingay kong pagbukas ng pinto.

Ngumiti-ngiti naman akong lumapit sa kaniya habang siya'y tinaasan lang ako ng kilay.

Ang OA ng facial expression eh.Bakla siguro siya eh?

Wahhhhhhhh...No no Abi.

Sa kakisigan niya? Hindi siya bakla!

"Z-zach."nauutal kong sabi in a soft tone sa una first name niya.

Nakita ko pa ang pagkislap ng mga mata niya sa itinawag ko siguro.

Maybe he's used that I called him Clinton.Maski nga ako? Bakit Zach ang lumabas sa bibig ko?

Tiis-tiis lang Abi.Dapat kausapin mo siya ng malumanay.Baka di ka pa bibigyan nung reward.

"Yes?"sabi niya na tila masungit pero may kakaibang ngiti sa kaniyang mga labi.

Anong ningiti-ngiti niya?

Abno talaga ang isang toh.

Napalunok muna ako bago nagsalita ulit.

"Y-yung re-reward?"pabebe kong sabi na nauutal sabay ayos ng tikas ng aking buhok.

Nakita ko naman siyang mas lalong lumawak ang ngisi.

"Reward?"balik niyang tanong na tila'y naguguluhan.

Jusko, kung combohin ko kaya siya.

Napatango-tango naman ako.

"You can claim it now."he said with an alluring smile.

Gusto kong magtalon-talon sa tuwa at sumigaw ng "Yes" pero baka magbago ang isip niya.Kaya ngumiti-ngiti lang ako.

"Nasan?"naeexcite kong tanong.

"Come closer."sabi niya na agad kong sinunod naman.

Nakatayo siyang napasandal.Mga ilang inches lang yung pagitan namin kasi nga pinalapit niya pa ako.

Nagkatinginan pa kami.Geeeeze!

"Nasaan na?"excited ko paring sabi kahit na nagtitimpi dahil kunti nalang talaga masasapak ko siya sa nakakaqiqil niyang pagngiti-ngiti.

"Nasa akin."he said while intimately looking at me.

Obvious naman...Eh siya ang magrereward, so nasa kaniya talaga.

Abi,Kalma..Wag kang sasabog.Tandaan mo nasa kaniya yung reward.Kaya chill ka lang.

"Ilabas mo na."sabi ko.

"Nakalabas na kanina pa." napakunot-noo ako.

Napatingin naman ako sa kamay niya.Eh wala naman siyang hawak ah?

Wala ding kahit anong paper bag sa kama o kaya'y sa bedside table.

Ginagago ba ako ng isang 'to?

Not now para magalit Abi.Kunin mo muna yung reward at saka ka sumabog.

Binibitin ka lang ng gagong ito.

Go Abi,Kaya mo yan.Pagpupush ko pa sa sarili.

"Sige na please.Ilabas mo na.I'm begging you."pagmamakaawa ko at hinawakan pa ang kamay niya.

Nakita ko ang gulat niyang reaction at ramdam ko ang elektrisidad nang dumampi ang aming mga balat.

Nafefeel niya ba iyon?

Ayan,sabi sayo Abi.Gusto niya ng madrama.

"Ilabas mo na please."

Napabuntong hininga naman siya.

"Okay."he said.

Nagningning na parang mga bituin ang aking mga mata.

"Kiss me."cool niyang sabi.

Huh?

Nanlaki naman ang mga mata ko sa narinig, napanganga at di makagalaw.

Gusto kong magreact pero parang napako yung dila ko sa loob.

Huh? Seryoso ba siya?

Nawala ba siya katinuan?

Seryoso naman ang kaniyang mukha, ibig sabihin walang halong joke yun.

Oheeemmgeeeeee!

So anong point niya kung bakit gusto niya na halikan ko siya?

Pag gagawin ko ba yun ? Ibibigay niya na ba yung reward?

Pero pag nagkataon, siya na naman ang makakuha ng 2nd kiss ko.He stoled the first one & now, ako pa yung kusang magbibigay sa kaniya nun? Hell no!

Pero Abi,usapang reward na ito.

Kaya mo yan.

Ayoko.

Kaya mo yan.

Ayoko sabi.

Sus kahit gusto naman talaga..

Wahhhhhh..Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng aking magkabilang isipan.

"Kiss lang pala eh."cool kong sabi at walang pagdadalawang-isip kong inilapit ang mukha ko sa kaniya.Agad namang naglapat ang aming mga labi.

Pero gosh...nag-iba bigla yung pakiramdam ko.The noment my lips pressed into him parang nakalimutan ko ang aking plano na once magkadampian na yung labi namin, aatras na ako agad.

Nakita ko ang gulat niyang reaction.Mukhang hindi niya inasahan ang ginawa ko.Ramdam ko pang nanigas siya sa kinauupuan niya.

Ba't bigla akong napafreez and I just can't let go.Napasinghap nalang ako nang hapitin niya ang beywang ko papalapit sa kaniya to the point na magkadikit na talaga yung katawan naming dalawa.Pero ang mas ikinagulat ko ay ang paggalaw ng mga labi niya at siya na naman ang humalik sa akin.Para akong nakukuryente at nagkakagulo bigla ang mga paru-paru saking kaloob-looban.

God!

Namalayan ko nalang na pilit niyang ipinapasok ang dila niya sa bibig ko which he did successfully and effortlessly.

Napatigil siya saglit nang sumabay ako bigla.Hindi ko alam kung bakit ko yun ginawa.

We kissed torridly and suck each other's mouth like a hungry birds that's been set free after a long years of being in a cage.

Right now, what I felt is the electrifying hot and unusual sensation.

Ramdam na ramdam ko yung init ng dila niya sa loob ng bibig ko. Ako'y napakapit sa kaniya dahil feeling ko babagsak ako dahil sa biglaang panghihina.

Alam ko sa sarili ko na hindi ito tama but what he did makes me feel uneasy & I just badly want for more.I sucked his mouth eagerly as he did the same with mine.

Di ko namalayan na nakatayo na pala kami. Naramdaman ko nalang na isinandal niya ako sa wall ng kwarto habang tuloy lang kami sa kapusukang ginagawa. Pero tila'y nagising ako sa katutuhanan nang maramdaman ang sandata niya sumusundot sakin. I think it's fully erected. Para akong binuhusan ng tubig. Agad ko siyang itinulak at ako'y kumiripas ng takbo patungong bathroom.Pagkabukas ko, agad ko itong nilock.Napasandal ako sa pinto at napatakip ng mukha.

Oh Mlmy God! Oh my God! Gosh,Abi...

Nangyari ba talaga yun?

Pero kahit anong kurot at tapik sa mukha hindi ako nagigising sa katotohanan.Paano ako magigising when it's really fucking the reality?

Kahit ngayon, ramdam na ramdam ko parin yung tamis ng pinagsahulahan namin.

Napailing-iling ako at napasabunot ng buhok. God!

Mababaliw na ako nito.Napahawak ako sa lips ko pero yung nangyari kanina ang pilit na sumasagi saking isipan.

I stayed there for half of an hour.Pero natatakot akong lumabas baka nandoon parin siya loob.

Jusko, nahihiya na akong makita siya.

Bago ko napagdesisyunang lumabas, naghilamos muna ako.

Tiningnan ko yung reflection ko sa salamin.Ang pula-pula ng mukha ko at ang gulo-gulo ng buhok ko.

Tinapik-tapik ko yung mukha ko at sinabing;

"Walang nangyari Abi...Wala..."

Dahan-dahan akong lumabas ng bathroom.Sumisilip-silip pa ako kung nandito pa ba siya sa loob pero napahinga ako ng malalim nang mapagtantong wala siya.

Thank God!

Napatingin ako sa orasan.Malapit na palang mag-alas 4 ng hapon. Hindi naman pwedeng dito nalang ako, kailangan kong lumabas dahil nagugutom ako. Napako ang tingin ko sa parte ng kwarto kung saan naganap yung kanina.

Napakagat-labi ako nang magflashback saking isipan lahat.Gosh!

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at bumaba na nga.Nakita ko si Winsley at Marga sa may sala na parang nag-uusap at may pinaplano ata habang seryosong pinag-aralan ang nakalatag na mapa.

Pero teka...bakit naman nila pagplanohan ang nasa mapa?

Balak ba nilang maging mananakop?

Geeeze!

Dumiretso lang ako sa dining room.Baka mahalata pa nila at magtanong kung bakit parang kamatis ang mukha ko.

Binuksan ko ang fridge at kumuha ng fresh milk.Ewan ko ba kung ba't napasigaw ako sa gulat nang pumasok bigla si Matt Winsley.Pati siya nagulat din tuloy.

Abi,wag kang paranoid.Akala ko kasi si Clinton yung pumasok.God! Lintek na pag-iisip naman oh.

"Ba't ka napapasigaw? Nakakita ka ba ng multo?"natatawang saad niya.

"Wala.."sabi ko naman.

"Nasaan si Zach?"di ko alam kung ba't yun ang bigla kong naitanong.

Nakangiting niya naman akong tiningnan.

Problema mo dong?

"Ayee..Hanap niya si Boss.Pero sayang kakaalis lang.Ewan ba namin dun nagmamadaling umalis."

"Bakit kaya siya umalis? May nangyayari ba sa inyo?"dagdag pa nito.

Naibuga ko yung iniinom ko sa tanong niyang 'yon.

What the hell!

"Anong pinagsasabi mo dyan? Parang timang 'to." napapailing pa ako at iniwan siya roon.

Gabing-gabi na pero hindi pa rin umuwi si Clinton.

Nasan na kaya yung gagong yun?

Abi,ba't mo ba siya hinahanap ah?

Mas mabuti na nga yung wala siya diba?

Though it's good that he's not here.Coz I can't afford to see him after what had happened but there's a part of me na gusto siyang makita & I felt like I'm kinda worried right now.

Nakatulog ako pero nagising na naman ng mga bandang midnight pero walang Clinton na umuwi.

May nangyari bang masama?

Nakadilat ang aking mga mata nang biglang bumukas ang pinto kaya dali-dali akong nagtulog-tulugan.

Nandiyan na ba siya?

Kanina lang atat na atat akong makita siya? Tapos ngayon?

My subconscious mind was like giving me a lecture.

Nandito na siya o bakit ka nagtulog-tulugan diyan ha, Abi ?

Napalunok ako nang maramdaman na kinuha yung isang unan sa gilid ko.

Gosh! Matutulog na ba siya?

Pero.....w-waiiitttt.?

Saan siya pupunta?

Hindi ba siya sa kama matutulog?

Para naman akong nadisappoint dahil sa couch niya naisipang matulog.

Ano ba Abi,gentleman siya.Kaya nirerespito niyang babae ka.Ayaw mo pa nun.Safe ang virginity mo.At lalaki pa talaga ang umiwas.

Bahala na nga, desisyon niya yun.So kasalan niya 'pag sumakit ang anumang bahagi ng katawan niya dahil sa pagtulog ng hindi maayos. Kakasya ba siya sa couch? Hays bahala na nga at mabuti pang matulog na ako.

Good night Clinton. May you have a sweet dream.