Chapter 13 - Chapter 12

It's been 3 days na hindi kami nagkaharap ni nagkausap man ni Clinton.Ang sabi ni Josh nasa ibang bansa daw ito for business matters.

Ngayon, nandirito kami sa isang salon. Kasama ko sina Marga at Miranda. Di ko alam kung anong trip ng dalawa dahil inaya lang nila ako bigla. Nagpapedicure,manicure,foot spa then nagpakaniya-kaniyang style sa buhok.Mas lalong nagiging attractive ang red hair ni Miranda dahil nilagyan ito ng highlight while pinagupitan naman ni Marga yung sa kaniya pero pinakulot niya yung dulo nito.Ako naman ay walang balak na ibahin yung style ko coz I am satisfied already with it and I never tried to go to salon before & change my hair color.Pero mapilit yung baklang hair stylist at talagang pinush din ako nung dalawa kaya naman napilitan akong umu-o nalang.

Medyo kulot sa dulo at paalon-akon itong hair ko.I really loved it as it's flawlessly natural.Pero sabi nung beki bagay daw sakin yung straight hair.Naexcite ako tuloy pero pag nagmumukha akong alien naku! Macocombo ko talaga ang stylist na ito.

Gusto ko rin namang e-try na mag-ibang looks kaya't napapayag na rin ako.

Para lang akong nagpapahinga ng ilang minuto at yung stylist na ang bahala— ginawa yung trabaho niya.Hindi ko nalang pinansin ang mga ginawa niya sa buhok ko dahil inaantok naman talaga ako eh.Hindi kasi din ako nakatulog ng maaga last night.I mean sunod-sunod na gabi din kasi akong naghihintay kong uumuwi ba yung gagong yun pero wala eh.

Tinapik-tapik naman ako nung beki kaya't nagising na ako.

"Tapos na girl."sabi niya.

Agad niya namang inikot ang inuupuan ko kaya para tuloy akong nahilo.

"Heto na siya."sabi ni bakla at pinaharap ako kina Marga at Miranda.

Nakita ko namang napanganga silang dalawa.

Ganun ba ako kapangit?

Para sila nakakita ng multo ah.

Lumapit sakin si Marga at sinuri-suri ang mukha ko at tiningnan naman ako ni Miranda from head to toe.

"Wow Abi... You are perfect!"manghang-manghang sabi niya.

"She's a goddess."komento naman ni Miranda.

Ay iba.Mukhang jinujoke time ako nung dalawa.Nakakaawkward naman yung mga compliments nila.

Pag di sila tumigil sa pagpupuri, maniniwala na talaga ako eh.Nakakataba ng puso kaya.

Gosh,naflufluttered ako.

"Ano ba kayo...Mas maganda pa nga kayo sakin eh."sabi ko.

Nang masulyapan ko yung nakasabit na orasan.Tatlong oras na pala kami rito.

After nilang magbayad, umuwi din agad kami sa mansion.

Naunang pumasok silang dalawa habang ako'y nakasunod lang sa kanila.

Nakita kong natigilan ang dalawang freak boys at namamangha pang pinagmasdan sila Marga at Miranda.Nang bumaling naman sila sa akin.Sabay pa silang napasabi ng "wow" at nanlalaki pa ang mga mata.

Ganun ba talaga ako kapangit eh?

May paatras-atras pa silang nalalaman.

Tinaasan ko lang sila ng kilay at isinisway yung straight-shiny new cut hair bago ako nagmartsa paakyat ng hagdanan.

Nagkulong ako sa kwarto hanggang sa tumunog yung sikmura ko.Dali-dali akong bumaba at tinungo ang kusina.Pero napatigil ako sa ingay nung sasakyan.

Nanlaki ang mga mata sa aking agad na naisip.

Kumiripas ako ng takbo at sinilip ang bintana pero natanaw ko sina Marga,Matt at Miranda na kakapasok lang sa mga kotse nila na nakagowns at tuxedo.

Nadisappoint naman ako dun.Pero teka...saan sila pupunta?

Tatakbuhin ko na sana ang garage ngunit agad namang umandar papaalis ang mga kotse.

Ano ba naman yan! Bakit hindi nila ako isinama?

But waaaiiit?

Tatlo lang sila ah? Nasaan si Clinton? Ay hindi-hindi.

Ano ba Abi, nasa ibang bansa nga siya diba?

Where is Josh?

Dali-dali na naman akong tumakbo sa sala,dining room,kusina pero wala naman akong nakikitang Josh Lei Perkins.Agad kong tinakbo paakyat ang hagdanan at tinungo yung study room ni Clinton.

Pero ang tagal nitong mabuksan kaya sa ibang kwarto ko siya hinanap.

Sa iilang linggo kong pananatili rito hindi ko manlang alam kung nasaan ang mga kwarto nila?

Hala paano pala kung nauna ng umalis si Josh?

Huhu para na akong maiiyak dito.

Mag-isa na naman ako.No way huhuhu.

Tinakbo ko yung right side na mga kwarto.Isa-isa kong binuksan ang bawat door na nadadaanan pero wala talaga.Hanggang sa panghuling guest room ang binuksan ko.At ewan ko ba eh sa lahat ng nabuksan ko yun lang ang kaisa-isang room na pinasok ko talaga ang loob.

Walang tao sa kama pero dumiretso ako sa bathroom at kinatok ito.Halos tumalon ako sa saya nang bumukas ito bigla at inuluwa si Josh na nakatuxedo gaya ni Matt.Mukhang papaalis na siya.

"Yes...Salamat.Thank God!"sigaw ko at hinawakan ang laylayan ng tuxedo niya.

Napakunot lang ang noo niya at nagulat kung bakit ako nandoon.

"Anong ginagawa mo rito Abi? At mukhang ang saya-saya mo na makita ang gwapo kong mukha."confident na confident niya pang sabi.

"Oo na oo na."sabi ko without arguing.

Bahala ka uy.

"Saan punta niyo? Please....sama ako?"nagmamakaawang pakiusap ko.

Naging seryoso naman bigla ang expression ng mukha niya.

"No."he answered.

Naglakad naman siya sa closet at kinuha yung wax para sa buhok.Hanggang bathroom sinusundan ko siya.

"Sige na please...Nakakabored mag-isa dito."

"Sige na Josh.Ngayon lang ako hihiling sayo promise... Please"pagmamakaawa ko.

Napatigil naman siya at tila'y nag-isip.

"S-sige."napipilitan niyang sagot.

Agad naman akong napatalon sa tuwa.

"Pero isang party ang pupuntahan natin.Wala kang gown na susuotin.

Imbis na magdrama, nag-isip nalang ako ng paraan.

Saan ako makakita ng gown?

Wala naman sigurong malapit na boutique dito?

"Si Marga at Miranda."I suddenly shouted.

Napakunot-noo namang siyang tumingin sakin habang abala sa buhok niya.

"Nasaan ang room nila?"dagdag ko pang sabi.

Hindi ko na hinintay ang sagot siya.Kumiripas ako ng takbo papalabas ng kwarto.

Nasan ba ang kwarto ng dalawang yun?

"JOSH?"sigaw ko pa sa pangalan niya.

Sa pangalawang tawag ko lumabas siya na nagtataka kung bakit ang ingay-ingay ko.

"Oh bakit?"

"Saan dito ang kwarto nila?"diretsahan kong tanong.

Itinuro niya naman ang isa sa mga guest room.Isang room lang ang pagitan mula sa room niya.

Agad naman akong pumasok sa loob nang mabuksan ko ito.Dali-dali akong naghalungkat sa closet nila kung may mga gown ba.Pero huhu wala eh.

May mga dresses pero napapangiwi ako habang naiisip na pumunta sa isang party na nakadress while silang lahat nakagown at tuxedo.

No way.Magmumukha akong aattend ng Sunday Mass pag nagkataon.

Nakita kong pumasok si Josh.

"Abi,anong ginagawa mo? Patay, bakit mo ginulo ang mga gamit nila?"gulat na gulat niyang sabi.

"Ang dami mong tanong Josh.Malamang naghahanap ako ng gown.Mabuti tulungan mo nalang akong maghanap."sabi ko at binuksan yung mga maleta sa gilid pero walang gown.

Ano ba yan.huhuhuhu

Kung minalas nga naman.

"Wala talaga.Kaya wag ka nalang kasing sumama."sabi niya pa.

Sinamaan ko naman siya ng tingin.

Napailing-iling ako at dumapa sa ilalim ng kama.Napako ang tingin ko sa isang malaking box na nasa ilalim.

Agad ko itong inabot at kinuha.Walang sinayang na segundo agad ko itong binuksan.

Napasigaw ako sa tuwa nang tumambad sa akin ang isang red backless fitted-gown.

"Look Josh! May gown na ako."sayang-saya kong sabi.

"Sige...sige...Isuot mo na yan.Late na late na tayo."sabi niya.

Binuhat ko agad ang kahon at dumiretso sa kwarto ni Clinton.Nilock ko ang pinto at hindi na nag-abalang tumungo ng bathroom.Dali-dali kong pinalitan ang suot sa gown na iyon.

Pero ang problema wala akong shoes.

Nakagown na akong lumabas ng kwarto at tinungo na naman ang room nila Marga.Agad kong kinuha yung magkapares na silver 5 inches high heels at hinalungkat muli yung drawers nila.May nakita akong necklaces,bracelete at earings kaya dumampot ako ng isa-isa.Dinala ko na rin pati yung lipstick sa may gilid at patakbong bumaba ng hagdanan.Nakita ko naman si Josh na naghihintay sa akin sa couch nung sala.

"Josh,tara na."sabi ko.

Agad naman siyang napatayo at tiningnan muna ako saglit from head to toe.Saglit siyang natigilan bago sinabing;

"Let's go then."

Pagkapasok ko sa kotse niya isa-isa kong isinuot yung necklace,bracelet at yung earings.Sinuot ko din afterwards yung heels.

"Josh paborrow ng phone."pakiusap ko sa kaniya.

Ibinigay niya naman ito sa akin agad.Seryoso lang siyang nagmamaneho.

Ginamit ko itong pansalamin . Nilagay ko lahat ng buhok ko sa left side kaya kitang-kita ang leeg ko sa right side.Agad ko ring nilagyan ng lipstick yung labi ko.Kunti lang yung aking nilagay but then see the magic.Ang pula-pula nung effect.Tiningnan ko muli ang final looks ko.Hair,tsek.Face,super tsek.Natural lang walang make-up² though may lipstick.Then napatingin ako sa suot ko.

O-M-O!

Gosh,expose na expose yung cleavage ko.Pero no choice Abi.Wala ng bawian 'to.Mabuti nga at nakahanap ka ng gown kundi nasa mansion ka ngayon kasama ang mga tauhan ni Clinton.

Mga 20 minutes yung biyahe bago namin narating yung venue na isang casino.

Excited akong lalabas na sana pero agad akong pinigilan ni Josh.

"Isuot mo ito."he said sabay abot sa akin ng isang silver maskara.

Agad ko naman itong kinuha at isinuot.Inayos-ayos ko ang lagay nito habang nakatingin sa screen ng phone niya.Nagulat ako nang bumukas ang pinto sa gilid ko.Akala ko kung sinong lalaking nakamaskara din kagaya ko.

"Let's go."he said.

Si Josh lang pala.Muntikan ko na siyang hindi makilala ha, nakamask din kasi siya. Binigay ko muna ang cellphone niya bago ko tinanggap ang kamay niya para alalayan akong makababa.

Napakadaming luxurious cars dito sa labas nung casino.Pero mukhang late na late na kami dahil walang ibang nilalang ang nandirito maliban sa aming dalawa.Naglakad kami while nakarossed arms.

Gosh...this is a dream come true...

Noon ko pa winish na makaattend ng ganito ka-engrandeng party tapos ang gwapo -gwapo pa nung escort ko.

Paano kaya kung ang escort ko ay si Clin-?

Shhhhhh.ano ba Abi!

Mukhang bakulaw ang isang yun.

Hindi yun gwapo uy.Arghhhh...

Ba't ba siya laging nag-iinterupt saking isip?

"Name Sir?"tanong nung babae sa front desk.

"D'undefeated."he answered.Napatango naman yung babae.

"Okay sir.You may come in."dagdag na sabi nito.

Napaisip naman ako sa isinagot ni Josh.

D'undefeated? Anudaw? Name ba yun?

Bahala na nga, ang importante...papasok na kami. This is it.

Napahingang malalim ako bago kami pinagbuksan nung mga nakablack tuxedo din na guards.

Dahan-dahang bumukas yung pinto at dahan-dahan ring bumungad sa amin ang daan-daang tao sa loob with their expensive gowns at tuxedos.As we entered, I just felt the eyes of the crowd turned at where we are.

Para naman akong nawalan ng lakas.Gosh,nakakakaba pala ang ganitong party.Parang nanghihina ang tuhod ko.Parang gusto kong tumalikod nalang.

Ramdam ko ring parang pinagpapawisan na ako.

Abi,confidence.Kaya mo yan. Pagpapakalma ko pa sa sarili.

Napalunok muna ako bago sumabay kay Josh sa pagiging model-model.Para kasi siyang sanay na sanay sa ganito.May mga flashes of cameras kaya I just go with the flow and give my sweetest smile & fiercest looks to everyone especially to those photographers.

May naitulong din pala sakin ang panunuod ng Asia's Next Top Model eh.

After the red carpet show, namalayan ko nalang na lumiko kami ni Josh at dumiretso sa isang table na kung hindi ako nagkamali sina Matt,Marga sy Miranda yung nakaupo roon.

"Hey guys!"sabi ni Josh ngunit walang pumansin sa kaniya dahil lahat sila nakatutok sa akin.

"Who is this pretty lady you're with brother?"nakasmile na tanong ni Matt kay Josh pero ang mga mata'y nasa akin parin.

Hindi naman sumagot si Josh.

"No this can't be."rinig kong sabi ni Marga.

At silang dalawa ni Miranda ay nagkatinginan na parang nag-uusap lang gamit ang mga mata.

Anong problema ng mga ito?

Pasuspense pa itong si Josh eh.Ako na nga lang ang magpapakilala sa sarili ko.

"Hey guys.Gorgeous Abi here."natutuwa at todo ngiting saad ko pa.

Nakita ko namang napalunok ang dalawang girls at silang lahat ay nanlaki ang mga matang binalingan si Josh na ngayo'y sumipsip na nung alak.

"A-abi?"nauutal at gulat na pabulong na sabi ni Marga.

Tumango-tango naman ako at ningitian siya at ang lahat.

Hindi pa rin sila makapaniwala na ako ito.Kasi kanina ko lang napapansin ang mga tingin nila sakin na tila ako'y hinuhubaran.

Hanggang sa...

O-M-O!

Oo nga pala.Baka nagdududa na sila sa lahat ng suot ko.

Gosh.

"Hehe by the way girls.Kinuha ko pala sa kwarto niyo itong lahat na suot ko."nakangising parang natatamemeng saad ko.

Napahingang malalim naman si Marga at Miranda.

Eh?

Di ko man makita ang reaction nila kasi nakamaskara din sila pero for sure nanlaki ang mga mata nila sa gulat.

Sorry girls...

Nakita kong napainom silang pareho ng kanilang mga red wine.Napabaling naman ako sa kabilang banda nitong table namin kasi feeling ko may mga matang nakamasid sa amin.Then I caught a man staring at us.Pero nawala din siya sa vision ko dahil sa maraming guests na dumating at nakihalo sa puwestong iyon.

Nagkiba't-balikat nalang ako at ibinabalewala kung sino siya.

Maybe he's just attractive.Like duhhhh!

Ang ganda ko kaya.*flips hair.

Yeye that's the confidence Abi.

Napalingon kaming lahat nang biglang bumukas ang main door at pumasok doon ang walong nilalang.Dalawang babae na ang ganda-ganda nung mga katawan.Pero napapangiwi ako sa mga suot nilang halos kita na ang kaluluwa.Ewan ko kung ako lang ba ang nakaramdam ng kakaibang aura, the moment na pumasok sila.Actually the moment na pumasok kami ni Josh kanina, ramdam ko na iyon pero mas dumoble yata ang pakiramdam na yun.Mas tumindi nung pumasok ang mga ito.

Sino sila?

Napakagat-labi naman ako at pinigilang maihi.

Shittt...

Nagpaalam ako na magccr.Nagvolunteer pa si Josh na samahan ako pero agad akong tumanggi.Sasamahan niya ako eh lalaki siya? Eh makikita niya yung ano ko? Geeze...

Maniac siguro ang isang 'to.

Nagmamadali ako kasi pakiramdam ko lalabas na talaga eh.Kinakabahan naman ako ng sobra dahil feeling ko may sumusunod sa akin.Pero nang lumingon ako eh wala namang tao.

Stop being paranoid Abi.Akmang didiretso na ako pero bumangga ako sa matigas na parang poste o bakal.Pero nang mag-angat ako ng tingin isang pamilyar na blue crystal eyes ang bumungad sakin.

Saglit pa akong natigilan at natulala pero nang maramdaman ulit na maiihi na talaga.Lumiko ako at patakbong tinungo ang comfort room.

Agad namang kumalawa ang kanina ko pa pinigilan.

After kung umihi, aghugas ako ng kamay at tiningnan ang reflection ko sa malaking salamin doon.

Naramdaman ko namang may pumasok at gumamit ng katabi kong sink.Nakita kong naglagay siya ng lipstick at tiningnan rin ang ayos niya

Napalunok ako nang bumaling siya sa akin.Nagsmirk pa siya bago lumabas at iniwan akong nagpipigil huminga.

God!

Saka ko lang narealize na isa pala siya doon sa walong may kakaibang aurang pumasok kanina.She's wearing a black thinned-fitted gown pero may butas-butas sa parteng ibaba nung chest niya at halos kumalawa na ang malalaki niyang boobs.

Nang mahimasmasan ako I took a final glance of me at lumabas agad doon.

Pabalik na sana ako dun sa table namin pero napatigil ako nang makita yung isa sa mga lalaking kasamahan nung babaeng nakasabay ko sa cr awhile ago.

Napakunot ang noo ko at curious kung saan siya pupunta? Alam kong sa kabilang side ang dadaanan pabalik sa mismong venue.

Where is he going?