Pinatigil ko muna siya sa pagmamaneho dahil nagkakagulo na ang mga alaga ko.Base lang sa instinct ko ha.I think it's passed 1:00 in the afternoon na.
"Let's just go to the nearest restaurant."sabi niya.
Halos umirap naman ako.Kita niya namang may baon akong dala.
"Ano ka ba! Ang dami nitong pagkaing binaon ko."giit ko.
"How can we eat these?"tanong niya pa sabay tingin sa mga nakalatag na tupper wares.
May pahingang malalim pa siyang nalalaman.
Bakit ko ba kasi nakalimutang magdala ng spoon & fork? Iba yung dinala ko eh.
Binuksan ko ang mga tupper wares na may lamang rice at ulam.
Hinalungkat ko sa paper bag ang dala kong plastic roll.
I smiled at ipinakita sa kaniya ang 5 by 9 na plastic roll.
Tinaasan niya naman ako ng kilay.
Abi,mayaman yan.Kaya for sure,wala yang alam sa kung ano man yang nakagawian mong gawin dati.
Advantage din talaga ang pagiging mahirap noh?
Kumuha ako ng dalawa.Kinuha ko yung kamay niya.Nagulat naman siya sa ginawa ko.
Clueless at nakakunot ang noo siyang napatingin doon at sakin.
"eBlow mo.Like a balloon."utos kong sabi.
Nag-alinlangan pa siya nung una.
But I give him a do-it-now-look!
Kinuha ko naman yung right hand niya at ipinasok ito sa loob nung plastic.
Tinali ko ito para walang sagabal pag kumain na siya.
"What the hell is this?"mukhang di niya napigilan ang sarili eh?
"Hell-hell ka diyan.Eh as wala tayong spoon.Kaya magpasalamat ka nalang diyan.Kasi pwede na yan para makakain na tayo."sagot ko at kinuha yung sakin.
"Are you kidding me?"di-makapaniwalang saad niya.
Minsan mahirap talagang pakisamahan ang mga mayayaman noh?
Inirapan ko nalang siya.Pang-ilang irap ko na ba ito?
Ang daming satsat,ba't di nalang siya lumamon nang sa mabusog siya.Ehh ako nga gutom na gutom na.
"Kumain ka lang.Daming says!"I said.
I heard him sighed.
"Itali mo nga."sabi ko sabay abot ng kamay kong may plastic.Di ko kasi matali.
Mabuti nalang at di siya umayaw kundi sinunod nalang sa gusto kong mangyari.
Yeah, yeah.Good boy!
"Ayan perfect.Thank you."sayang-saya kong sabi.
Hindi naman siya kumilos o nagreact ng kung ano.
"Tsibog na."pagtsi-cheer ko pa.
Wala pa din akong na reaction from him.
Kunti nalang talaga masasabuyan ko siya nitong ulam nang sa sumabay siya sa magandang vibes ko.
Nakakainis na ah.Para akong tangang nagsasalita nang mag-isa.
Pero anyway,mayaman siya eh.Kaya clueless siya sa mga ganitong bagay.
Ako nga nung una, kagaya niya wala ding alam.My bestfriend Nichole taught me this.Sabi niya lagi daw namin itong ginagawa dati sa probinsya when we're just in elementary.
I can't remember anything about my past.Base sa explanation niya,after naming grumaduate ng elementary.Nagsyudad sila kaya nagkahiwalay kami.Ewan ko rin ba kung bakit naging desisyon ng parents ko na lumuwas ng syudad pagkatungtong ko ng high school.Sadyang mapaglaro ang tadhana.We never expected na magcocrossed pa ulit ang landas naming dalawa.We reunited nang malaman niya na nag-aaral siya sa university na pinagtransferan ko sa Cebu.
Yung mga takip ng tupper wares ang ginawa naming plato.Kumuha ako ng para sakin after kong maiabot yung para sa kaniya.
Tinaasan ko siya ng kilay nang makita na nakatitig lang sa akin ang gago while busy ako sa paglantak ng pagkain ko.
"Kumain kana uy! Hindi nakakabusog ang pagtitig sa akin."natatawang sabi ko.
Am I joking for real?
Di siya natawa so di yun havey kundi waley.
"Ganito lang yan."turo ko pa sa kaniya at kumuha ako ng pagkain using my hand.
Diko na siya tanungin may alam ba siya. Obvious naman na first time niyang gumamit ng kamay to eat his meal.
Duh.
He followed me at diko napigilang matawa sa cute cute niyang pangnguya nang pagkaing nakuha.
"Ganyan nga.Sige pa."full of encouragement kong sabi.
Natapos din kami after ng mga ilang minuto.Mabuti at may malapit na mini-mart.Siya na yung bumili ng mineral bottled water para saming dalawa.
Nakatulog ako sa biyahe hanggang sa magising ako nang biglang huminto yung kotse.Akala ko nandito na kami sa pupuntahan pero.
"Ito na ba 'yon?"tanong kong nakapikit pa pero hangin lang yata ang kausap ko.Walang tao sa driver seat for Pete's sake.
Hala anong nangyari?
Agad akong nagtanggal ng seatbelt at lumabas ng kotse.
"Anong nangyari?"naguguluhan kong tanong sa kaniya na ngayo'y mukhang badtrip.
"May problema."he said.
Napalunok naman ako.
Huh?
"Naflat yung isang gulong."he said.
"Ano?"gulat kong saad.
Paano na kami ngayon?
"Paano na yan?"natataranta kong tanong.
Kinuha niya ang phone niya.Nabuhayan naman ako ng dugo.
"I will call Josh to help us."he said.
Tumango naman ako.
Sana lang makokontak niya.
Gabi na at nasa medyo walang kabahay-bahay na lugar pa kami napahinto.
Yung kotse lang ang nagbibigay ilaw sa amin.
"Oh shit."rinig kong mura niya.
"Bakit? Hindi ba sumagot?"nag-aalalang tanong ko.
"My phone got shutdown."reply niya.
Napanganga ako at napahilamos ng mukha.
Kung minalas nga naman oh.
"Paano na tayo? Gosh! Zach nakakatakot sa lugar na ito.Ang dilim."mahina kong sabi at napalapit sa kaniya.
Napatalon ako sa gulat at dali-dali siyang niyakap nang may narinig akong biglang kumaluskos sa gilid ko.
He chuckled at cool lang akong tiningnan.
Sige na.Ako lang itong takot.
"Gosh Zach.Baka may mga maligno sa lugar na ito."natatakot kong sabi
"Sa likod mo ah."sabi at sigaw niya bigla.
"Ahhhhh!"napatili naman ako at isiniksik ang ulo sa bandang dibdib niya.
Ramdam ko naman ang paghinga niya.
Napabitaw ako ng yakap nang marinig siyang tumawa.
Damn it.Mukhang inuto lang pala ako ng loko.
Sinamaan ko siya ng tingin pero nakangising napakagat-labi lang ang ibinalik ng gago sakin.
"Walang hiya ka!"inis kong sabi at sinugod siya ng suntok pero mabilis niyang nahuli ang aking mga kamao.Nacorner niya na ako.He is tightly holding my both hands while siya yung parang napayakap sa akin.
"Takot ka sa multo.Pero hindi sa bakbakan.Hmmm."he whispered.
Kinalibutan naman ako sa sinabi niya at maging sa posisyon naming dalawa.
Nagpumiglas ako pero mas lalo niyang hinigpitan ang hawak sa akin.
"Ba't ka ba naiinis sa akin.Para kang leon na handa akong sunggaban anumang oras."sabi niya pa.
Inirapan ko nalang siya.
"Bitawan mo ako."naiinis kong sabi at tinadyakan siya bigla.
Napabitaw naman siya siguro masakit yung ginawa ko.
Akmang susugurin ko siya pero napatili ako nang may marinig akong tunog ng palaka.
Agad na naman akong tumalon at kumapit sa leeg niya habang tili nang tili.
"Oh my God! Oh my God!"sabi ko.
"You're so noisy,wild and over reacting."sabi niya pero nakangisi naman.
Hindi ko siya nagawang sagutin dahil mukhang mababaliw ako sa tunog nung palaka na feeling ko sumusunod sa akin.
I really hate amphibians.
Napatigil lang ako at nanlaki ang mga mata nang buhatin niya ako at inupo roon sa ibabaw ng kotse niya.
"Ang ingay-ingay mo.Ayan, di ka na maaabot nung palaka."he said.
Nagpout naman ako.
Ay grabe siya.
I don't know what to say.I just felt the trembling heartbeat of mine.
"Uy Zach.Saan na tayo ngayon pupunta?"tanong ko nalang dahil walang nagsasalita.
"We will just look for a hotel nearby."he answered.
"Eh sa flat yung gulong nitong kotse mo!?"problemado ko pang saad.
"Edi lakarin natin.That's the purpose of having complete feets anyway."
"Namimilosopo ka?"nakataas kilay kong sabi.
"Nope.I'm just stating the fact y'know."cool niyang sagot.
I rolled my eyes.
"Tara na?"pag-anyaya niya.
Napailing naman ako dahilan para kumunot ang noo niya.
"Ayoko.Paano itong kotse mo?"reason out ko pa.
"Baka nakawin?"dagdag ko pa.
He chuckled.
"Too heavy to steal on.Plus my car has a code lock. They can't steal it unless I say so."sabi niya.
Napanganga naman ako.
Really?
"So let's go?"dagdag niya at nag-abot ng kamay.
Napakagat-labi naman ako.
"Ano kasi...Ano hmmm.. medyo pagod na itong mga paa ko.I can't walk hmm."pagdadahilan ko pa at nagpuppy eyes sa kaniya.
Eh kasi totoo naman talaga.Pero ayaw kong maglakad sa sobrang dilim noh.Baka kung sino o ano pa ang makakasalubong namin sa daan.
Baka nga may maligno pa rito?
Aswang? Kapre? Tikbalang? Wahhhhh! No way! We aren't going anywhere. Okay lang bang magpalipas ng gabi sa loob ng sasakyan? Pero nakakatakot din talaga. Paano nalang at magising kami in the middle of the night at may mga nakakatakot na nilalang ang nakatingin sa bintana?
I saw how he smirked.Nagtaka naman ako nang bigla siyang lumapit sakin pero tumalikod.
"Come on!"he said.
"Huh?"naguguluhang tanong ko.
"Sakay na."utos niya.
Napalunok naman ako at pinamulahan ng mukha.
What?
"Eh?"
"Ayaw mo? Sige...Iiwan kitang mag-isa rito."nanakot na sabi niya.
Na-alarma ako at mas lalong kinabahan.
"Wag ka ngang magbiro ng ganyan.Heto na po.Sasakay na."natataranta kong sagot at agad na sumakay sa likod niya.
Kumapit ako nang mahigpit sa leeg niya samantalang full of gentleness niya namang hinawakan ang magkabila kong mga paa.
Gosh! Hindi ba ako mabigat?
Nakakahiya! Pero takte...
Ba't kinikilig ako sa posisyong ito?
Lord,ipaintindi mo sakin ang ibig sabihin nito?
Waaaahhh!
"Kapit ka ng mahigpit."utos niya kaya mas tinodo ko pa pero siniguro ko naman na hindi siya masasakal.
Easy na easy niya lang akong kinarga like I'm something not that heavy.
Wala naman siyang sinabi na mabigat ako.O kaya'y napapagod na siya.Pero nakokonsensya ako dahil sa hindi naman talaga ganun kasakit at kapagod yung katawan especially yung paa ko.Takot lang talaga ako sa madilim na lugar.
Sininghot ko ang ulo niya dahil ang bango lang.
Anong shampoo niya?
"What are you doin'?"di niya napigilang magtanong maybe nahahalata o naramdaman niya ang pagsisinghot ko sa buhok niya.
"Ah hehe.Ang bango mo kasi.Ano bang shampoo mo?"pabebe kong tanong.
"Wala."sagot niya pa.
Napanganga naman ako.
"Tssss.pa humble lang ganun? Wag mong sabihing natural fragrance lang itong naaamoy ko."hirit ko.
"It's a perfume."
"What? Perfume? Nililigo mo sarili mo ng perfume.Pwede ba yun?"di makapaniwalang saad ko.
"A hair perfume."paglilinaw niya.
Ah kaya pala.Pero may ganun ba?
Hair perfume?
"Mahirap lang kasi ako wala akong knows sa mga perfume niyong rk's."sabi ko.
"RK's?"naguguluhang ulit niya pa.
"RK.Richkid ganun.Ano ka ba! Masyado kang nagpapahalatang gorang eh. Sabagay only millennials knows."sabi ko.
"Tssss."rinig kong sabi niya na may tonong pagtututol.
Tinapik ko siya nang makita na may paparating na nakalampara.
"What?"he said.
"Ibaba mo ako.May paparating."sabi ko pa.
Agad niya naman akong sinunod.
Nauna na ako sa kaniya at sinalubong yung paparating.
"Magandang Gabi po."bigay galang ko sa ale na may kasamang batang babae.
"Magandang Gabi din Ning!"sabi nung ale.
"Magtatanong lang ho.May malapit na hotel ba sa lugar na ito?"malumanay kong tanong dito.
"Naku Ineng! Sa susunod na barangay pa yung hotel.Kung lalakarin, naku! baka abutan kayo ng umaga."
"Ah ganun po ba.Salamat nalang ho."problemado kong sabi.
"Teka...naliligaw ba kayo rito?"tanong nito.
"Taga Maynila po kami.Naflat yung isang gulong ng sasakyan namin."sagot ko.
"Mag-aalas 7 na ng gabi.Di pa kayo taga rito.Mabuti pa't doon muna kayo sa aking bahay kubo magpalipas ng gabi."nag-aalala nitong saad.
"Naku Manang.Wag na po nakakahiya sa inyo."
"Ano ka ba Ning! Sumang-ayon ka nalang.Tayo'y mga Pilipino.Dapat lang na magtulungan at magmalasakit tayo sa isa't-isa."paliwanag nito.
Napangiti naman ako sa pagiging makatao ni Manang.
"Ah sige po Manang.Magrerenta nalang kami."sabi ko.
"Ay wag na.Hindi ko naman tinitirhan ang bahay kubo ko na yun."
"Mabuti pa tumungo na tayo roon.Siguradong pagod kayo sa biyahe."dagdag nitong sabi.
Napatango nalang ako..
Naunang maglakad ang Ale at yung apo nito.Susunod na sana ako pero pinigilan ako ni Zach.
"Don't trust someone that easy."he said like giving me a warning.
"I know right.Pero iba si Manang.Tara na.Anong hinihintay mo Pasko?"sabi ko sa kaniya at hinila na siya.
"Tsss."rinig kong pagtututol niya.
"Eh sa magaan ang pakiramdam ko kay manang.Wag ka ngang magreklamo dyan.Gabi na at wala tayong matutuluyan.Kaya just go with the flow dear."cool kong sabi at mas hinigpitan ang hawak sa kanang kamay niya.
"Ito yung sinasabi ko sa inyo Ning!"sabi ni manang habang natatanaw na namin ang isang bahay kubo.
Naglakad pa kami hanggang sa maabot namin ito.
"Heto Ning! Itong isang lampara ang gamitin niyo."sabi niya at inabot sa akin ito na agad kong tinanggap.
"Salamat talaga manang.Sabihin niyo lang po kung pagrerentahin niyo po kami."sabi ko.
"Naku! Hindi na.Oh siya sige.Mauna na kami nitong apo ko at makapagpahinga na rin kami sa bahay."
"Saan po ang bahay niyo?" kuryusong tanong ko.
"Dyan lang sa unahan pero hindi malapit sa kalsada."
"Sige po..ingat po kayo.Salamat po talaga."sabi ko.
Tumango naman si manang at tumalikod na at nagsimulang maglakad papalayo gamit ang isa pa nilang lampara.
"Siguradi ka ba talaga rito?"bulong pa sa akin ni Clinton.
"Malamang...may choice pa ba tayo?"naiirita kong sabi at inirapan siya.
"Wag kang oa mister,halika na.Pumasok na tayo at magpahinga orayt!?"sabi ko at inunahan na siyang binuksan ang pinto na gawa sa kawayan.
Akala ko ba hindi ito tinitirhan ni manang? Ba't ang linis-linis naman?
Nakita naming may isang kama na gawa sa kawayan at isang parang couch na gawa rin nito.
Napaupo kaming pareho roon.
"Haysst.Buhay nga naman oh."sabi ko at napabuntong hininga nang malalim.
Napatingin naman siya sa sakin but I never even dare to look at him.
"Tok...Tok...Tok.."sabay kaming napalingon sa pinto nang may kumatok.
Napatayo naman agad si Clinton.At akmang pagbubuksan ito pero agad kong pinigilan ang kamay niya.
"Ako na."sabi ko.
Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin yung batang babae na apo ni manang.
"Ate,pinapabigay po ni Lola.Pinapasabi niya rin po pasensya na ito lang ang kaya namin."sabi niya na puno paggalang na tono.
Napatingin naman ako sa inabot niyang plastic na may kung anong laman.
Napaface palm naman ako.
Hala nag-abala pa si manang.
"Ah eh ano 'to?"tanong ko.
"Sabi ni Lola paniguradong hindi pa kayo nakapaghapunan kaya pinahatid niya itong bigas at mauulam na ampalaya."sagot niya.
"Heto po yung pospuro para may pangsindi po kayo."dagdag niyang sabi at inabot ito.
Nahihiya ko naman itong tinanggap.
"Ah ganun ba.Pakisabi sa Lola mo na maraming-maraming salamat talaga.Aakuin namin itong napakalaking utang na loob."
"Sige po.Mauna na ako ate."sabi niya.
"Sige...ingat ka ha."
"What's that?"nakakunot-noong tanong niya sa akin nang ako'y humarap na sa kaniya.
"Bigas at saka mauulam."sagot ko naman at itinaas pa ito.
Tinaasan niya naman ako ng kilay.
"Nanghingi ka?"gulat niyang tanong.
W-h-a-t?
"Hindi noh.Pinapabigay lang ni manang."reason out ko.
"Talaga lang ha? Binigyan ka tapos tinanggap mo naman agad-agad? Baka may lason yan.Di natin alam kung saan galing yan."sabi niya na tila'y very maarteng mayaman talaga.
"Isa pang reklamo Zacharias McHarry Clinton.Malilintikan ka talaga sa akin."sabi ko at sinamaan siya ng tingin.
"Blessing 'to kaya wag kang ano.Mabuti pa tulungan mo nalang akong lutuin ang mga 'to."saad ko at tinungo na ang kusinang hindi gaanung kalakihan.
Agad ko namang hinugasan yung nakasabit na kaldero roon.
"What are you doin'?"tanong niya.
Napamura naman ako sa isip ko.
Ba't ba ang daldal ng lalaking 'to?
"Kunin mo yung bigas sa mesa."inis kong utos sa kaniya.
"Akin na."sabi ko at kinuha ito sa kaniya.
Agad kong ibinuhos yung bigas at binuhasan ng tubig.Hinalo-halo ko naman ito at kinuha yung may lumulutang na maliliit na maiitim.
After that, agad kong sinukat yung tubig at dali-daling nagsindi para maluto na ito.
Mabuti nalang at tuyong-tuyo itong mga kahoy kaya agad na nagliyab itong ginawa ko.
Napasmirk naman akong bumaling kay Clinton na pinapanuod lang ako.
"My dear husband kung gusto mong makakain ng hapunan.Tumulong ka naman nang sa mapadali ang pagkaluto nitong panghapunan natin."nakapameywang at taas-kilay ko siyang sinabihan nun.Napakamot naman siya ng batok niya sabay sabing;
"Di ko.I mean wala akong alam dito."nahihiya at mahina niyang sabi.
"Ay nakalimutan ko pala.RK ka eh.Malamang wala kang alam sa ganitong gawain.Anyways,hindi pwedeng nakanganga ka lang habang ako'y busy na busy rito.Nakita mo yung kutsilyo roon?"sabi ko at tinuro iyong kutsilyo.
"Kunin mo at ikaw ng bahala roon sa ampalaya."dagdag kong sabi.
"Anong gagawin ko?"tanong niya na ipinakita pa ang ampalaya at kutsilyong hawak.Naiinis ko siyang hinarap.
"Try mong ihagis papalabas yang mga ampalaya baka sakaling mahiwa ang mga yan.At try mong isaksak sa sarili mo yang hawak mong kutsilyo nang sa matauhan ka."
Masamang tingin pero napakagat-labi naman ang iginawad niya sakin.
Ningitian ko nalang siya dahil feeling ko aatakihin ako nito anumang oras.
Tumalikod nalang ako at isinaing yung kaldero.Nang sulyapan ko siya ayon tinungo yung mesa habang bitbit ang isang plastic ng ampalaya at yung kutsilyo.
Agad siyang naghiwa ng ampalaya.
"Dapat maalis yung mga liso ha."utos ko pa.
Lumingon naman siya at nakakunot-noo.
"liso?"ulit niya pa.
"Yang nasa loob.Liso tawag dyan.Sige,kaw na bahala."saad ko at tinungo na ang isinaing na kaldero.
Napasmirk nalang ako habang naririnig siyang napapamura kaya't pinuntahan ko siya.Nanlaki ang mga mata ko dahil sa ang daliri niya ang kanyang nahiwa.
"Oh my God! Ang sabi ko itong ampalaya ang hiwain mo.Hindi yang daliri mo.God!"natatarantang sabi ko at inagaw sa kaniya ang kutsilyo.
Agad ko namang kinuha sa bulsa ng pantalon ko ang aking dalang handkerchief.
"Akin na kamay mo."sabi ko pero hindi na naghintay na inabot niya pa iyon.Ako na ang mismong kumuha nito.
Pinahid ko yung handkerchief sa sugat nung kamay niya.
Paano ba naman na hindi siya masusugatan eh yung kutsilyo rin ang ginamit niya para makuha yung mga liso. First niya pa yatang gawin iyon. Don't tell me ngayon palang siya nakahawak ng ampalaya?
"Hugasan natin 'to.Wala pa namang alcohol o betadine.Baka pagpistahan ng bacterias."sabi ko at binuhusan ito ng tubig.
"Tsss."sabi niya.
Di kaya high blood ang gagong 'to?
"HB ka ba?"tanong ko.
Kunting cuts lang naman pero andaming lumalabas na dugo.
"Anong klaseng tanong yan?"nakataas kilay niyang saad.
"Tinatanong ko kung high blood ka ba?"
"Anong connection sa kunting cuts ko?"
"Baka nga hb ka.Andaming dugo oh."natatawang pagjojoke ko pa.
"Tsssss...Napapaisip ako kung nurse ka ba talaga.Anong pinagsasabi mo?"he said.
Napatahimik naman ako. Hala siya, joke nga lang diba?
May connection ba yung pagiging high blood kung maraming-maraming dugo ang lumalabas pag nasugatan ka?
Napailing-iling nalang ako.
"Correction.Hindi pa ako matatawag na nurse dahil di ka ako nakapaglicensure exam.So on-going nurse nalang duh."pag-iiba ko.
"Tssss...Ganun din naman ang tawag after your L.E."sabi niya.
Napangiti naman ako to the moon and back kasi agad kong nakuha ang ibig niyang sabihin sa L.E.
"So may tiwala kang papasa ako kung sakaling magtatake ako ng licensure exam?"nakangiti kong tanong.
"Tsss."he said and rolled his eyes.
Mas lalo akong napangiti dahil ewan ko.Basta ang cute niya..Arghhh!
Natatawa ko nalang hiniwa yung mga ampalaya.
"How did you know all of these?"di makapaniwalang tanong niya.
"Girl Scout ako eh."proud ko pang sagot.
He smirked.
Ayaw niyang maniwala? Eh yun naman talaga ang katotohanan.Duh!
Natutunan ko lahat when I joined GSP and also sa pagiging SSG Officer.
Sinasabi ng iba na pinapagod ko lang ang sarili sa pagiging member ng nabanggit na organisasyon.Totoo naman but at the same time marami naman akong natutunan.
Through joining this kind of organizations before, it really helps students,the youth to be responsible,discipline and independent.
Matapos kong mahiwa lahat ng ampalaya at maalis yung mga nasa gitna nito kasama na yung liso gamit ang kutsara.Agad ko itong hiniwa in a striping size.After that,inutusan ko naman siyang maghanap ng asin.Mabuti at alam niya kung ano ang asin.
"Salamat naman sa Diyos at ginabayan ka para mahanap ang isang asin."di makapaniwalang sabi ko at nagpapalakpak pa.
Masamang tingin naman ang ipinukol niya sakin.
Ay triggered?
"Tsss"
Teka nga...mukhang pang-ilang Tsssss³ niya na yun ha sa araw na ito.
May lahing ahas ba isang 'to? O baka naman kampon siya ni Zuma? Baka anak siya ni Galema?
Hahaha! Natatawa nalang ako sa aking naiisip.
Kinuha ko ito sa kaniya at ibinudbud sa ampalaya.
"Is it really needed?"tinaasan ko siya ng kilay sa tanong.
"Baka naman maging lasang dagat yan?"dagdag niya.
I just rolled my eyes.
Sit back ang relax Dear Husband!
"Watch and Learn."cool ko pang sabi.
"Ikaw? Dapat kang magpractice sa mga ganitong gawain."sabi ko pa.
Napailing naman siya.
"I don't need to.I can hire a maid."sagot niya naman.
"Maid-maid ka diyan.FYI,Life is unfair.Di natin alam baka ngayon ang yaman-yaman mo pa.At baka bukas makalawa maghihirap ka na.Kaya wag kang makampante."pangaral ko sa kaniya.
"I said.I don't have to."he said.
Matigas talaga ang ulo eh.Gago na abnong bipolar pa.Arghh!
"Bahala ka."walang ganang sabi ko.
"I don't have to coz I already have you."he then said.
Natigilan naman ako.
Huh?
"You're now my wife.It's your duty and responsibility to take care of me."sabi niya sabay kindat sa akin.
Hindi naman ako nakahinga ng mga ilang segundo.
Gosh! My heart is gently pounding.At nag-init bigla ang pisngi ko.Tumayo ako.
God! Di ko maiwasan ang di kiligin.
"Ikaw na ang maghiwa nung sibuyas.Titingnan ko lang ang sinaing."dali-dali akong tumalikod pagkatapos iyong sabihin.
I can't afford facing him with my rippened tomato-like face.
Alam mo yung feeling na parang may humahaplos sa puso mo with matching butterflies crumbling in your belly.