Ilang minuto din ang pag-iyak ko hanggang sa nahimasmasan.Napalingon ako sa pinto nang may kumatok.Hindi ako tumayo at hinayaan lang itong magsawa.
Nangangamba ako paano kung siya ito?
I can't afford to see him right now.Affected parin ako sa nangyari.
Pero agad akong tumayo at napalunok nang magsalita ito.
"Ma'am?"tawag nito.
Hala yung kasambahay pala.
Agad ko itong pinagbuksan.
"Ma'am breakfast niyo po."saad niya at inabot sa akin ang tray ng pagkain.
Agad ko itong tinanggap.Tamang-tama, gutom na gutom na ako eh.Pero para naman akong nawalan ng gana nang maisip na baka yung gago ang nagpadala nito.
"Si Ma'am Victoria po ang nagpadala nito."gulat naman ako sa sinabi niya.
"Si tita?"di makapaniwalang saad ko.Tumango naman ito at nagpaalam.
Nagkibit-balikat nalang ako at sinara ang pinto.
Naubos ko naman lahat.Hindi naman ako ganun ka gutom noh?
May gatas at tubig pang kasama kaya di ko na kailangang bumaba para may mainom.But then...ayaw ko namang isipin ng family niya na nagfefeeling prinsesa ako rito.
Di na ako nagtawag pa ng kasambahay para lang ihatid itong pinagkainan.Ako na mismo ang naghatid nito.
Good thing.Wala akong Zacharias na nakasalubong.
Ewan ko nalang pag nagkaharap na naman kami.
Kinakabahan ako habang pabalik sa kwarto ko.Madadaan ko kasi ang room ni Clinton.
Napabuntong hininga ako at nagtuloy-tuloy lang sa paghakbang. Nang nandoon na ako sa tapat hindi ko man gustong tumigil.Napatigil ako sa aking narinig.
Hindi na naman ito nakalock ng maayos.So I heard everything sa labas.
"Anong nangyari son?"rinig kong nag-aalalang tanong ni tita.
Napalunok ako.
"Alam niya na ba ang katotohanan?"napasinghap ako sa sinabi na naman ni tita.
Katotohanan?
Anong katotohanan?
Anong katotohanan na dapat kong malaman?
Wala naman akong narinig na sagot mula kay Clinton.
Grabe yung sikdo ng puso ko.
"Please son.
Wag mo na siyang idamay.
Wala siyang alam.She's totally innocent."nagmamakaawang tono ni tita.
Napakunot naman ang noo ko at tila nawala sa tamang pag-iisip.
Naguguluhan na talaga ako.
Ako nadadamay? Bakit? Sa anong paraan? Wala akong alam? Anong ibig nilang sabihin?
Napalingon ako at napapitlag nang may sumigaw sa baba.
"Hey kuya...give it to me."si Cassy Kendrea ito.
Nakita ko namang natatawang tumakbo si Mavy Kendrei.
Nawala sa isip ko ang pag e-earvesdropping nang dahil sa kambal.
Nang bumaling ako sa kwarto ni Clinton.Napalunok ako pero di ko pinahalatang nagulat nang makita roon si tita na nakatayo.
Kanina pa ba siya ryan?Baka nahahalata niya akong nakikinig dito.
"Itong kambal talaga."sabi niya pa at ngumiti.
Tapos na ba silang mag-usap ni Clinton?
"Hmmm..Abi? Kumain ka na ba?"she asked me.
Tumango naman ako.
"May gagawin ka ba today?"she added.Umiling naman ako.
Wala naman?
"Let's hang--."naputol si tita nang biglang lumabas si Clinton at nagsalita.
"May pupuntahan kami today."pag-iinterrupt niya.
Tiningnan naman siya ni tita.I don't know pero feeling ko nag-uusap sila sa mata.
Napatango-tango naman si tita.
"Okay! Mag-ingat kayo.Son, take care of her."she said na may sadness sa mata niya at nagpaalam na.
San siya nag-aalala? Sakin o sa anak? Hmmmm.
Nang mawala siya.Bumaling sa akin si Clinton.
Gusto ko siyang irapan pero hindi nalang ako kumibo.
Aalis kami? Di ako informed ah?
Ba't niya pa ako isasama? Di kami close.
Nagmumura ako saking isip.Damn him.
"Prepare yourself.We'll go somewhere.It's just a week vacation."he said.
Hindi naman ako sumagot.Hindi rin naman siya naghintay ng isasagot ko.Diretso siyang pumasok sa kwarto niya at isinara ito.
W-O-W ha!
Para namang ako yung may atraso sa kaniya? Siya na nga itong naninigaw eh.
Sabi niya today lang? Tapos ngayon aabot na naman ng 1 week?
At hindi niya tinanong ang consent ko kung papayag ba ako?
Why is he so conceited? Ba't feeling ko siya dapat ang masusunod? Grrrr.
Gusto kong humindi.Pero I don't have a choice.
One more thing.I'm not really excited sa vacation na pupuntahan.Lalo pa't di kami bati.
Naikuyom ko nalang ang kamao at inis na binalingan ang pinto ng kwarto niya.
I hate you.
Nag-impake agad ako.Mabuti at may luggage roon.Hindi na ako nahirapang maghanap pa ng malaking plastic o kaya'y sako ng bigas para i-pack ang dadalhing damit para sa litseng vacation na yan.
Kumain muna kami ng lunch bago tumungo sa kung saan.
Hila-hila ko ang luggage papalabas ng mansion.Tinaasan ko naman siya ng kilay nang akmang kunin niya ito sakin.
Magpapagentleman na naman ang loko? Tsss.
"Akin na."sabi niya pa.
Umirap ako at naunang naglakad.
Mabilis naman siyang sumunod at matagumpay na inagaw sa akin ito.
"Oh! sayo na.Andami talagang pabibo sa mundo."naiinis kong sabi at nagmartsa papunta sa kotse.
Sumunod naman ito habang hila-hila yung luggage.
Inilagay niya ito sa back seat.Sumunod naman ako at doon umupo sa kabilang upuan.
Nang pumasok siya sa driver seat.May pagtututol sa tingin niya.Pero di ako nag-abalang tumingin.Manigas ka diyan.
"Let's go.Ano pang hinihintay mo?"inis kong sita.
Now take my coldness asshole.Kulang pa yan.
Parang naging driver ko tuloy siya.Bahala siya.
Madali niya itong pinaandar at tumungo na nga kami.
"Matulog ka lang muna.Medyo malayo ang biyahe."sabi niya na may malambing na tono.
Kung siguro nasa good mood ako.Kinikilig na ako ngayon.Pero wala ako sa mood.And I really hate him right now.
"Matulog ka kung gusto mo.Mind your own monkey business nga."inis kong sabi.
Kita ko namang napanganga siya pero kalauna'y nagkibit-balikat nalang.
"Okay."he said.I rolled my eyes for the nth times.
Gusto kong magtanong.Kung saan kami magvavacation? Anong exact location?
Pero naiinis ako pag naririnig ko ang boses niya.
Hmmmp?
Kung may cellphone lang ako eh.Edi sana tinext ko nalang siya.In that way malalaman ko at walang boses na mula sa kaniya akong maririnig.
"Do you have any problem?"tanong niya pa.
Hindi ko naman siya pinagtuonan ng pansin.
"Wow!"sabi ko at nag-acting2 na namamangha sa dagat na nadadaanan namin.
Maganda naman talaga yung view pero ginawa ko lang yun para naman mafeel niyang mag-isa lang siya.At hangin ang kausap niya*evil smile Hahahahaha.
I don't know kung ilang oras yung biyahe basta nagising nalang ako habang maingat niyang kinarga sa matitigas niyang mga braso.
"You put me down."mahinang at may diin na utos ko.
Tila wala naman siyang narinig.Nagpatuloy lang sa paglakad ang loko.
Nagpumiglas ako pero mas hinigpitan niya yung pagdala sakin
"Stay still... Don't move and listen to your husband."he said in a calm tone.
Napatigil naman ako at kahit na tutol ako.Ewan ko ba kung bakit hindi manlang ako umimik.
Tila naglakbay ang aking isip habang ang mga mata'y nakatutok lang sa kaniyang seryosong mukha.Patuloy niya pa rin akong kinarga in a lover's carry.
Kinakabahan at nagsimulang tumindi ang sikdo ng aking puso nang mapansing nasa may kakahoyan kami.
Anong gagawin namin dito?
Naguguluhan ko siyang tiningnan pero nang akma kong hawakan ang long sleeve niya.Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may bahid ng dugo ito.
Anong nangyari?
Niyugyug ko kaagad siya na natataranta.Binalingan niya naman ako ng tingin with him raising his left eyebrow.
Nag-aalala ko siyang tiningnan.
"Anong nangyari?"tanong ko agad.
Hindi naman siya sumagot bagkus mas binilisan niya pa ang paglakad.
"Ano ba Clinton.Answer me?"natataranta kong sigaw.
Mabilis niya naman itinapat ang isang daliri niya sa mga labi ko, enough to shut me up.
"Don't shout, they might follow us."he said in a whispered-like.
What? Napanganga ako roon.
Napakagat-labi ako at inis siyang tiningnan.
Bakit hindi nalang siya magpaliwanag nang sa maliwanagan ako.
"Ano ba? Anong nangyayari Clinton? You tell me!"sigaw ko without minding what he just said.
Nakita ko naman ang pagtagis ng bagang niya.
I even heard him cussed.
I rolled my eyes.
"Kung di mo ako sasagutin.Pwede bang ibaba mo na ako?"dagdag kong saad at nagpupumiglas na naman.
Hindi ako tumigil.Pinagsuntok-suntok ko pa ang dibdib niya pero hindi manlang siya natinag.
Damn it.
Dahil sa inis nakalmot ko siya sa bandang leeg.
Nanlaki ang mga mata ko nang dahan-dahang lumuwag ang kapit niya sa akin.At siya nama'y napadaing.
Nanlaki lalo ang mga mata ko nang makitang may bahid ng dugo ang mga daliri ko. Dahil siguro 'yon sa kakapumiglas at nahawakan ko 'yong damit niya.
What the hell?
"D-dugo?"nauutal kong sabi na may tonong di makapaniwala.
I thought mahuhulog na ako sa lupa pero ang kabilang braso niya ang patuloy na sumuporta sa akin.
Damn him.Why is he still protecting me while he's on critical condition.
Dahil alam kong pagkumalawa ako sa pagkakahawak niya'y makakaalis ako.Nilubos-lubos ko na ang pagkakataon.
"Pa-paanong?"hindi ko makapaniwalang sambit while looking at him na napasandal sa malaking kahoy while he's aching.
Paanong may tama siya ng bala?
May sumusunod ba sa amin?
Pati ba naman dito? Hindi ligtas ang mga buhay namin?
Maybe he got shot because I'm damn sleeping while his protecting me so badly.
Pero bakit hindi manlang ako nagising?
Hindi ko manlang narinig ang tunog ng baril?
This scene is very familiar to me and I'm starting to feel afraid.
It's very alike noong sinugod ang mansion niya.
Kung hindi makukuha ang bala sa takiliran niya.He might lose too much blood.And I can't imagine him pag nangyari ang kababalaghang tumatakbo sa aking isipan ngayon.
Napatingin ako sa bulsa niya.I should do something.
Walang dadalawang-isip akong lumapit sa kaniya at ipinasok ang kamay sa bulsa nito.
"What are you doin'?"gulat niyang sabi pero di mahitsura ang mukha dahil siguro sa sakit.
"Shut up!"inis kong sabi at hinalungkat kung anong nasa loob.
"Are you taking advantage of me?"natatawang sabi niya.
Anong pinagsasabi ng isang ito?
At nagawa niya pang tumawa at maging manyak? Hindi niya pa nakikita ang kalagayan niya.
"Tumahimik kang gago ka.Wag kang manyak!" parang bulong na singhal ko at napatingin sa lahat ng bagay from his pocket.
A gun? and a wallet?
Napakagat-labi nalang ako dahil mukhang walang maitutulong ang mga ito.
How can I save him?
I need to get that bullet in the left side part of his body.
Napakamot ako ng ulo out of frustration while he's just looking at me seriously.
Is he really dying? Tell me you're not.God!
Nanlaki ang mga mata ko nang mahawakan ang isang hairpin from my hair.
Agad ko itong kinuha.
Napakunot naman ang noo niya rito.
"What are you planning to do woman?"he asked na tila'y naguguluhan sa akin and as if normal lang ang kalagayan niya.
Damn it.
Why he's so conceited?
He's not even worry about himself? I hate him being like this.
Siya yung natamaan dito at nasa hindi magandang kalagayan but it seems like ako yung apektado at mas namomoblema.
Damn....
Napabuntong hininga ako at napakagat-labi bago sinimulan ang planong naiisip.
Be a risk taker.
"Sorry Clinton, but I don't have a choice.I can't afford seeing you like this.I'm sorry for doing this to you."sabi ko.
Kita ko naman siyang napapailing.
Sorry but this is just the idea that sinked in my mind.
"Sorry but it's now or never."huling sabi ko bago ipinasok ang hairpin sa nagdurugo niyang sugat.
Napasigaw naman siya sa sakit.
Napapikit nalang ako at napapailing.
Proceed to the plan Abi.
Kalauna'y naramdaman ko na ang bala.Hindi naman ito masyadong malalim pero kailangan ko itong makuha.
Narinig ko pa rin siyang nagmumura.
Binuka ko yung hairpin at dahan-dahang pinagitnaan ang bala.
Napalunok ako bago nagbilang ng 1,2,3!
"Ahhhhhhh!"sigaw niya na naman nang hilanin ko na ito.
Para siyang leon na tila'y galit na galit sa pagsigaw niyang iyon.
Maingat ko namang sinubukan ulit itong hilanin dahil hindi ito agad nadala palabas.He shouted again bago ko ito nakuha.
Pawis na pawis siya pagkatapos at looking so hopelessly hot sa mga mata ko.Habang ako'y pinagpawisan din sa aking ginawa.
Nagkatinginan kami for awhile bago ako naging alerto nang makarinig ng tahol ng aso.
Sino ang kalaban namin?
Ba't may dalang aso? Are they cops?
Dinampot ko kaagad ang baril niya at puwestong itinutok ang baril sa kung saang direksiyon.
Mabuti nang handa at mapagmantiyag.
Mas naging alerto ako nang makarinig ng kaluskos sa di kalayuan.
This is not good.
Hindi maaaring matrace nila kami.
Pero kung may tama siya.Mas mabilis matretrace ng kalaban dahil siguradong masusundan nila ang dugo mula sa tama niya sa takiliran.
I don't know if he can afford to fight if ever may kalabang darating.But he's in pain.
Unlike me na wala pang pasa o tama.I can fight but I don't have the courage.
Napabuntong hininga ako bago napagpasyahang sumugod.
We can't go further o makakaalis sa gubat na ito kung wala sa amin o sa kalaban ang malalagasan.
In life,we should not fear launching an attack. Take the first move if you want the high chance of surviving. Also, if you don't want to be defeated.
Chase the risk and repel the threats.
I was about to go pero agad niyang hinawakan ang kamay ko.
Inis ko siyang binalingan.
Pipigilan niya ba ako? Damn it.
He's been protecting me through my near to death encounters.And he's been my knight and shining armor,my savior for the nth times.Now it's time na ako naman ang magliligtas sa kaniya.
Pero kung pipigilan niya ako? How can I do that?
"Be careful."he said as he looked into my eyes.
Napanganga naman ako at di makapaniwala sa salitang binitawan niya.
What the hell?
Too much expectation really sucks!
I thought he'll go against my decision but fuck!
Napailing-iling ako at binigyan lang siya ng smirk.
Itinapon ko sa kaniya ang kaniyang baril na agad niya namang nasalo.
He never disappoint to amaze me.Napakunot-noo siyang napatingin sa baril niya.
Hinila ko ang tali ng buhok ko and let my hair falls down.
Yumuko naman ako at hinubad ang sapatos na suot.Kinuha ko sa loob ang dalawang maliliit na kutsilyo na parang mga carving knives lang.
Paano ko nalaman na may kutsilyo roon?
Before I wear those boots na nakita ko sa ilalim ng kama ko sa mansion nila.I checked it and then I found out.
I don't care kung sa kaniya ang boots na ito.Basta ang importante alam kong pag sinuot ko ito.My life would not be 50/50. Somehow, may panlaban rin sa kung sino man itong tumutugis sa amin.
Kinuha ko din sa isa pang sapatos ang dalawa pang kutsilyo.Kaya naging apat lahat ang dala ko.Ibinulsa ko ang tatlo habang ang isa'y hinawakan ng mahigpit.
Kunot-noo lang siya at the same time halata namang amaze na amaze sa ginawa ko.
Tumayo ako at binigyan siya ng wink.Itinapon ko pa sa bandang tiyan niya ang tali ng buhok ko na isa lang namang red lace.
"Keep that thing.Give it to me If I can survive."I said.
"And be attentive.Never get tired of keeping your gun with your hand.You are the one that badly needs be more careful as you've got shot.See you later."huling sabi ko at umalis na.
Hunt the enemy Abi.If you don't want to be hunted.
Mas hinigpitan ko ang hawak sa kutsilyo habang paikot-ikot na naging alerto.
Napa sway ang leeg ko nang maramdamang may bagay na ibinato galing sa likuran.
Mabuti nalang at naging mabilis ang akinv kilos kundi nasapol na nito ang leeg ko.
Ang dagger na iyon ay saktong tumama sa kabilang puno.
Napalunok ako at nagtagis ang bagang na inikot ang paningin.
Where are you asshole?
Napatumbling naman ako sa kabilang bahagi nang isa na namang dagger ang naramdaman kong saki'y papunta.Diretso akong napatago sa isang kahoy habang pinagpawisan sa sobrang kaba.
Damn it.
Ang dumi maglaro!
"SINO KA?"sigaw ko.
Narinig ko naman ang mga yabag nito.
He/She is probably coming towards my direction.
I need to do something.Hindi yung ako lang yung napupuruhan.Damn it.
The enemy is probably watching my every move.
I need to locate kung nasan ang kalabang iyon.
Tumayo ako at lumabas sa pinagtaguan.
"Lumabas ka! Why are you hunting us?"sigaw ko.
Napalingon naman ako sa likod ko nang may kaluskos akong narinig.
Pagkaharap ko ulit hindi ko naman agad naiwasan ang lumilipad na dagger kaya natamaan ang kanang braso ko.
Mabuti at daplis lang.
"Shit!"I cussed.
Masama kong tiningnan ang parte ng gubat na pinanggalingan nito.
Luminga-linga ako at pinagmasdan ang paligid.
How can the enemy move so fast? There must be something I need to find out.
Naging matalim ang mga mata ko nang makita ko ang aking hinahanap.
Kaya pala.
Pinakiramdaman ko yung paligid.
Talagang pinaglaruan ako ng kalaban.Sa tingin niya ba magpapahuli ako? Kung tagutaguan ang laro.Siya ang nagtatago at ako ang taya.
But I'm not fond of being talunan.
One wrong move my dear enemy.I swear ikaw na mismo ang magpapakita sa akin.
Nang maramdaman ko na naman ang pagtira nito isinangga ko ang left hand ko.Nahiwa ito pero hindi ganun ka lala.Sa pagtira niya ginawa ko na din ang plano ko.Ibinato ang isang kutsilyong hawak sa bagay na nakapulot sa sanga ng puno.Sakto namang tumama ito ngunit hindi agad naputol.
This is a set-up.
How can the enemy prepare all of this? Kung ganun.They might know our every single move.
This is perfectly planned by the enemy.
Kung alam nilang dito ang punta namin.Hindi na ako magugulat kung magsusulputan nalang bigla ang mga kalaban ngayon.
We are indeed cornered.
We got trapped in enemy's bait.
Napaatras naman ako sa gulat nang may biglang mahulog sa harapan ko.
Nanlaki ang mga mata ko dahil ang suot nito'y puro itim.Naka bonnet pa ito kaya hindi ko makita ang mukha.
Gusto kong humalakhak dahil mukhang tama ang hula ko.May mga lubid na parang vines lang ang kulay kaya hindi kapansin-pansin.
At nung tinamaan kong isang lubid.Maliit nalang ang kapit nito kaya naman nung nagbalak siyang pumunta sa kabilang banda.He/She failed to do so dahil masyado siyang mabigat.
Agad naman itong tumayo at tumingin sa akin.
I love teasing my enemy kaya naman ningisihan ko ito.
"Paano ba yan? Mukhang lugmok na lugmok ka na ha? Masakit ba?"nang-aasar kong sambit.
Narinig ko ang tunog ng leeg nitong binali niya intentionally at siguro para ipahiwatig na handa itong kalabanin ako.
"Galit ka? Kasalanan mo rin naman kung bakit ka nasaktan.Tanga!"dagdag kong sabi.
Mukhang nangqiqil ang kalaban.Di na nagpipigil.Naubusan lang ng pasensya ganun?
Sumugod ito bigla kaya humugot agad ako ng lakas ng loob sabay bunot ng isa pang kutsilyo.
Hindi ko pa naitaas, nabitawan ko na agad nang mabilis niyang patidin ang kamay ko. Tumilapon naman ito sa kanang bahagi.
Napadaing naman ako sa sakit.
Sugod lang ito ng sugod habang ako'y iwas naman nang iwas.Napakabilis ng mga kilos nito kaya hindi ako nakakasabay.
Napaatras naman ako at napasigaw nang bigyan niya ako bigla ng side kick.
Hindi pa ako nakaget over nakalapit na naman siya sakin.I give a punch ngunit sinalo lang nito ang kamao ko at ibinaliktad.Nanlaki ang aking mga mata at napasigaw ako.
"Ahhhhhhhhh!"
Itinulak ako nito nang sobrang lakas kaya naman tumilapon ako at ang masaklap pa't tumama ako sa isang puno.
Napakasakit ng impact nito sa likod ko.I feel like nababali ang spinal cord ko.Damn arrghh!
Nagpagulong-gulong ako sakit.Napakagat-labi naman ako nang bigla nitong tinapakan ang bandang tiyan ko.
Pinagpawisan akong tumingala rito.
"S-sino ka?"tanong ko at napapaubo pa ng dugo.
Is this finally the end?
"You are too weak. I can't support you dear."she said in a bitchy tone.
Oo babae siya. Talaga ba? She's strong.
She's stronger than me really.
Sino siya? And about what she just said?
"W-what do you mean?"nahihirapan kong tugon.
I am catching my breathing.
Ngumisi lang ito at sinipa lang ako bago ako iniwan roon.
What the?
She's not going to kill me? And just end my life? How ridiculous!
What kind of enemy is she?
Napalingon ako sa unahan ko nang huminto siya bigla.
May itinapon siyang baril.
Which makes me raise my eyebrows? For what?
"Protect yourself.See you soon."her last few words bago mabilis na nilisan ang lugar.
Gulong-gulo ang isip ko nang ako'y tumayo at kinuha ang baril.
Anong pakay ng isang yun?
Magkikita pa kami sa susunod?
She's weird yet dangerous.
Napalunok ako bago inis na binalikan ang lugar kung saan iniwan ko si Clinton.
Nagwala naman ang puso ko nang wala akong naabutang Clinton doon sa pinagsandalan niyang puno.
Saan siya pumunta? O baka naman?
Napatakip ako ng bibig saking naiisip.
No, this can't be.
Napahingang malalim ako bago nagsimula siyang hanapin.
Gusto kong sumigaw pero paniguradong marami pang kalaban sa buong gubat kaya kailangan kong maingat.I need to plan out things.
Patakbo kong inikot ang gubat hanggang sa bigla nalang may narinig akong nag-uusap.
Napalunok ako at the same time nagsimulang manginig.
What if totoo itong naiisip ko?
But no... He's a mafia boss. He can't be defeated that easy.
Pero if ever... kahit man buhay ko ang kapalit.Ililigtas ko siya.
Akma akong susugod sa mga nag-uusap pero nanlaki ang mga mata at napatigil ako nang may humablot sakin at tinakpan ang aking bibig.
"Sshhhh... quite."bulong nito na nagpatindig ng mga balahibo ko.
Napahingang malalim ako bago nagpasalamat sa Poon na buhay pa siya.
"I thought you are dead."I whispered.
"I'm not.Ayoko pang mamatay.Ayokong mawalan ka kaagad ng asawa."bulong nito.
Ramdam ko naman ang init ng hininga niya habang nakaback hug siya sa akin.
Shiit!