Chapter 17 - Chapter 16

"Dadalhin mo talaga yan?"he asked me habang naglalakad kami nang sabay papuntang garahe.

"Oo naman.."agad kong sagot at itinaas ang bitbit na lunch, as if magaan lang ito.

Nang makapasok na kami sa kotse inilagay ko nalang sa backseat yung pagkain.

Nagtaka ako dahil hindi niya agad pinaandar yung kotse and what's worst is nung bumaling ako sa kaniya nakatitig lang siya sakin.

Problema nito?

Pero mukhang hindi naman mukha ko ang tinitigan niya.Sinundan ko kung saan napako ang kaniyang mga mata.

He's looking at my hand.

"Where's your ring?"he asked in a cold & confused tone.

Hala!

Agad kong kinuha ang singsing mula sa bulsa ko at ipinakita sa kaniya.

"Why are you not wearing it?"he added at may seryosong mukha.

Napalunok naman ako bago sumagot.

"Ah eh.kasi ano.Nakalimutan ko.Oo yun,I forgot.Thanks for asking."parang tangang saad ko.

Para naman siyang hindi satisfied sa naging sagot ko kasi mas lalong napakunot ang noo niya.Pinaandar niya yung kotse kaya isinuot ko agad yung seatbelt.

Napako naman ang tingin ko sa kamay niyang nasa manubela.

Bigla nalang nagwala ang puso ko sa kakatibok na tila'y nasa isang marathon.Nakita ko ang singsing na kapareha nung ibinigay niya sakin.

Ewan ko pero nakaramdam nalang ako ng pag-iinit ng mukha .

Abi,kalma..God!

Baka mahalata niya pa.

Napakagat-labi nalang ako at tumitingin nalang sa gilid na nadadaanan.

Tahimik lang kami,walang nagsasalita habang siya'y seryosong nagmamaneho.

Mga isang oras din yung biyahe bago namin narating yung supreme court.Medyo malayo talaga ito mula sa mansion niya.

Magkasabay kaming bumaba at pumasok sa loob.Binati kami nung guard at iba pang mga tao o staffs doon.

Ningitian ko nalang sila while yung katabi ko?

Wala manlang response ni pakialam sa mga ito.

Napakawalang modo talaga ng lalakinh 'to.

Sumakay kami ng elevator at narating yung third floor. Siya na 'yong kumatok sa pinto ng office nang dumating kami roon.

"Come in."rinig naming sabi nung tao sa loob.

Binuksan niya naman ito agad.

"Oh Mr.Clinton."sabi nito at agad na napatayo.

Hala! Magkakilala sila nitong matanda?

How come?

"Oh Yes! Atty.Roosevelt."sabi naman ni Clinton.

Naibaling naman sakin yung atensyon matapos nilang maghandshake.

Napalunok ako bago ngumiti.

"You are probably Ms. Abigail Suzanne Rivera?"saad nito.

Tumango naman agad ako.

"You are really pretty."

I was about to say thank you.Syempre alam ko yun.Dzuhh!

I'm confident enough noh.With the heart pa yan.Haha lakas makaPia Wurtzbach ko ba?

"Hindi nagkamaling pumili sayo si Mr.Clinton."dagdag na sabi nito na nakangiti pa na tila'y nang-aasar.

Napakagat-labi naman ako.

Huh?

Ngumiti nalang din ako.Ang awkward naman kung magfifierce look ako baka matakot ko pa siya.

"I'm Atty.Leonardo Roosevelt hija.Nice to finally meet you."he formally said at nag-abot ng kamay.

Tinanggap ko naman ito agad sabay sabing...

"Same to you sir."

Pinaupo niya kami sa magkatapat na upuan doon sa may table niya.

"Wag na nating patatagalin pa.So here's the contract."sabi niyo sabay lapag sa harapan ni Clinton yung marriage contract.

Nagtinginan naman kami ni Clinton.

Nauna siyang pumirma kaya naghintay ako.

Dalawang dokumento iyon ba't isa lang yung ballpen kaya nakatunganga lang ako.

Kinakabahan naman ako at ramdam ang bilis ng tibok ng puso nang mahawakan ko na yung ballpen.

For your safety Abi!

Nanginig ang kamay ko habang nagpipirma.

I sighed pagkatapos.

Napatingin nalang ako kay attorney nang pumalakpak siya bigla.

God!

"I now pronounce you as husband and wife."masayang sabi nito.

"Congratulations Mr.& Mrs.Clinton."dagdagpa nito at nighandshake  kay Zach at sa akin.

"Thank you Attorney."nakangising sabi ni Zach.

Pagkatapos ng nakakalokang kaganapan agad kaming nagpaalam at umalis doon.

"Zach saan tayo pupunta?"di ko napigilang magtanong dahil ibang daan ang tinatahak namin.

"We'll go somewhere wife."he said.

Waitttt...what?

Halos hindi ako makahinga sa narinig.

Wife?

Napakagat-labi ako para pigilan ang sariling mapangiti.

Pero saan kami pupunta?

Wag ng kiligin Abi.Ofcourse wife.Mag-asawa na kayo.Husband mo na siya.

"Okay Hus."nasabi ko nalang.

Napalingon naman siya sakin.

"Hus?"nakataas na kilay niyang tanong.

"Hus.galing yun sa husband.Ang common na kasi nung husband o kaya'y hubby kung itatawag ko sayo kaya Hus nalang."reason out ko pa.

Nakita ko naman siyang nalaglag ang panga.

Hindi niya nagustuhan?

Pero naintindihan ko siya.Maski nga ako.Ang baduy nung ganun.Ba't ko ba yun naisip.

"Think for another endearment."he said seriously.

Napaisip naman ako.

Kung baby? Para naman kaming mga sanggol kung ganun.

Kung honey? Hindi naman kami mga bubuyog noh?

Kung darling? Sounds sweet pero super cliché na eh.Andami ng gumamit nun.

Kung wifey o hubby? Ganun din.Common na.

I want something unique.Ano kaya pwede?

Ting!

Hala alam ko na.

"May naisip na ako."masiglang sabi ko at bumaling sa kaniya.

"Then what is it?"he asked.

Bahala na.Siguro naman hindi siya pamilyar dito pero...gusto ko toh eh.

"Langga..."mahinahon and full of sweetness kong sabi.

Nakita ko naman siyang napalunok.At nakangangang bumaling sakin.

Don't tell me ayaw siya sa ganun?

Bisaya endearment yun eh.It means mahal or love.

Wala akong narinig na sagot kaya nagsalita ulit ako.

"Aayaw ka naman dun langga?"sabi ko sabay *pout.

Napakagat-labi naman siya.

Wala pa ring sagot?

Anong nangyari sa kaniya?

Sinuri ko naman ang mukha niya.

Hala? Bakit namula yung tenga niya?

May sakit ba siya?

O nilalagnat ang langga ko?

"May sakit ka?"nag-alalang tanong ko at umusog para idampi ang kamay sa noo niya.

Naramdaman ko naman ang pag-igtad niya sa biglaan kong paglapit.

Hala? Anong tawag sa sakit niya?

Di kaya allergic siya?

"W-wala.wala akong sakit."he said pero hindi manlang lumingon sakin.

"Uyyy."sabi ko sabay pindot sa takiliran niya.

"Langga wag kang magsinungaling sa akin.Anong sakit mo?"nag-aalalang sabi ko at sinusundot ulit nung takiliran niya.

Halos masubsob naman ako sa dashboard nang bigla siyang magbreak.

Oh God! What the hell!

Lumingon siya sakin at...

"Mrs.Clinton, nasa daan tayo? Wag muna ngayon okay? Baka mabangga tayo lab."he said in a serious pero may lambing na tono.

Para naman akong nanghina at nahiya at the same time pero.Gooodddd!

Anong sabi niya?

Mrs. Clinton?

Lab?

Oh my Gooooodddd!

Puso, tumigil ka.Oh tukso! layuan mo ako.

Napatahimik nalang ako at hindi siya dinisturbo.

Teka nga,"Saan nga ulit kami pupunta?"

We'll go somewhere?

Di kaya maghohoneymoon kami?

Pinamulahan ako ng mukha sa naiisip pero taas kilay ko siyang binalingan ng tingin dahil huminto kami sa isang mall?

Anong gagawin namin dito?

Maghohoneymoon sa loob ng mall? The heck!

"Anong gagawin natin dito?"nagtatakang tanong ko.

"We will gonna buy some clothes."he answered sabay kalas ng seatbelt niya.

Para naman akong napahiya dun.

Ba't hindi ko yun naisip? Gosh!

Oo nga pala wala kaming dala ni isang damit.

Bakit ba kasi ngayon niya lang ako sinabihan na right after magsigned ng contract eh we'll going somewhere.

Teka magvavacation ba kami?

Bumaba ako nang pagbukas niya ako ng pinto.

Gosh,nag-aalaburto na naman itong puso ko.

Ba't ba kasi ang sweet-sweet ng asawa ko?

Geeezee!

Hanggang ngayon hindi pa rin magsink in sa utak ko na asawa ko na siya.

Napasinghap ako nang hawakan niya bigla ang kamay ko at sabay kaming naglakad.

Para tuloy kaming magjowang nakaholding hands sa daan. Jusko.

No Abi.He's not your jowa.Asawa mo na siya!

Napatingin ako sa magkahawak naming kamay nang higpitan niya ang hawak dito.

"Baka mawala ka pa."bulong niya at ramdam ko ang init ng kaniyang hininga.

Napailing-iling ako at napaiwas ng tingin.

Bakit ganyan siya? Nagwawala na naman itong puso ko.

Sheeeyyyt.

Gosh,kinikilig ba ako?

Hindi ako pumalag o sumagot manlang.I just let him hold my hand tightly as he can.

Iniiwasan ko nalang ang mga mata na nakatutok sa amin.

Pagkapasok namin dumiretso kami sa isang boutique.

Sinalubong naman kami nung sales lady.

"Can you look for some dresses or any clothes that suits her."my dear husband said.

"Okay po Sir."sabi naman nito na bumaling lang sakin saglit at todo ang ngiti pag si Clinton na ang kaharap.

Hindi ko nalang yun binigyan ng ibang meaning.

Naupo muna kami ni Clinton sa may couch.

Pagkaraan ng ilang minuto, bumalik yung babae dala-dala ang mga napili niya.

"Hali na po kayo ma'am.Try niyo pong isukat ang mga ito."magalang na saad niya.

Ningitian ko naman siya at tumayo saka sumunod sa kaniya sa dressing room.Tutulungan pa sana ako nitong magsukat but I refused,duh kaya ko naman.

Ang awkward kaya pag nagkataon.

Lumabas muna siya kaya agad-agad kong hinubad ang kaninang suot at tinry yung pinili nung sales lady.

Ang una kong isinukat ang kulay dark red na dress.

Medyo uncomfortable ako kasi hapit na hapit sa akin tapos medyo gosh... Kita-kita pa yung cleavage ko.

Napabuntong hininga ako at lumabas na.Hindi manlang napansin ni Clinton ang pagbukas ko dahil may tinitignan siya sa hawak niyang magazine.

Nakita ko namang napanganga sa akin yung sales lady.

"Bagay na bagay sa inyo ma'am."nakangiting sabi pa nito.

Ningitian ko nalang siya.Pero hindi ko sineryoso ang sinabi niya.Dahil sales ladies are always like that.They always appreciate dresses or clothes na sinusukat ng costumers nila.But somehow nakakafluttered pag sinabihan ka ng ganun.

"Sir...Heto na po si Ma'am."tawag niya kay Clinton.

Dahan-dahan namang nag-angat ng tingin sa akin si Clinton.Wala siyang sinabi pero nakatitig lang siya sa akin.Naiilang tuloy ako kasi baka God! Ang pangit ko ba tingnan?

"Okay po ba ito sir?"tanong nung sales lady.

Clinton just nodded.Masaya namang bumaling nang tingin sa akin yung sales lady.

Pinapasok ko siya sa dressing room dahil medyo mahirap hubarin ang dress na ito.

"Ang ganda-ganda niyo po ma'am."puri sa akin nito.

Ningitian ko nalang siya dahil di ko alam ang isasagot ko.

"Pero Ate...Diba medyo revealing ang dress na ito."sabi ko sa kaniya.

"Ano ka ba ma'am.Bagay sa inyo yung dress.Ang ganda ng kurba ng katawan niyo plus your boobs is hella fantasizing."sabi niya.

Nagbublush naman ako sa sinabi niya.

"Ma'am...ang gwapo-gwapo po nung boyfriend niyo.Bagay na bagay kayo."

Ang daldal ni Ate.Pero nakakataba ng puso ang mga lumalabas sa bibig niya.

Sinukat ko yung iba at lumalabas para makita ni Clinton.

Teka...teka?

Bakit kailangan niya pang makita?

Eh sa ako naman ang magsusuot nito?

Pero anyway siya naman ang magbabayad ng lahat ng ito.

Mga 20 minutes bago kami natapos dun.

"Ma'am,Sir! Heto na po lahat."sabi nung sales lady at inabot sa akin yung mga nasa pitong paper bags.

Akmang kukunin ko pero naunahan na ako ni Clinton.

Agad naman siyang nag-abot ng kaniyang credit card.

Agad itong kinuha ni ateng sales lady na wagas kong makangiti.

Nang ibalik ito nung babaeng staff.Bumaling agad si Clinton sa akin.

Napalunok naman ako.

"Let's go...wife."sabi ni Clinton sabay hila ng kamay ko.

Para naman akong pagong ni robot na nagpatangay sa kaniya.

Gosh,what did he just call me?

He called me wife again.

Hawak niya ako sa kanang kamay niya habang bitbit niya sa kabila yung lahat ng paper bags.

Akala ko didiretso na kami sa parking lot.Pero huminto kami sa isa na namang boutique na pang men's wear.

Oo nga pala.Para sakin lang yung kanina.Muntikan ko ng makalimutang wala din pala siyang dala noh?

May tinawag siyang isang staff at ibinilin yung mga nabili namin.

Pagkapasok namin sa loob , sinalubong naman kami agad nung babaeng sales lady na ang heavy lang ng make up.Hindi ako nagjujudge ha.Sinasabi ko lang ang totoo.

Ewan ko pero kumulo bigla ang dugo ko dahil ang lagkit niyang makatingin kay Clinton ko.

Sarap isampal sa kaniya ang katotohanang.

Asawa ko siya, so back off!

"What can I do for you sir?"bungad na tanong nito agad with a slutty smile.

Damn this girl!

At si Clinton lang talaga ang tinanong? Anong problema ng mga sales lady dito?

Lalaki lang ang pinaparioritize?

Kaqiqil.

Kahit na Men's Wear Department ito hindi ba talaga karapatdapat din niya akong e-entertain?

Tang*na. Pinapainit niya ang ulo ko though ang lamig ng area dahil sa aircon.

Nagfake cough naman si Clinton at tumingin sakin.

Nadala siya sa ngiti nito? Put*!

Sige...magsama kayo.

Sinulyapan lang ako nito at ibinalik ang tingin kay Clinton.

"Can you find--!"pinutol ko na ang sasabihin ni Clinton.

Alam ko na kung ano ang karugtong nun.

Can you find a clothes for me? Lintek lang...

Mukhang game na game siyang makipaglandian din noh?

Grrrrrr.

Ako ang asawa rito.Itaas ang bandera ng mga legal life.

Nang bumaling sila sa akin nagsalita ako agad.

"NO!...I will find the best clothes for you."sabi ko at naglakad na para agad na makapili.

Naiinis naman akong lumingon doon sa lintang sales lady dahil hindi man lang sumunod agad sakin.

Seriously? Pinapainit niya talaga ulo ko?

Hindi manlang siya nag-insist na.

Ako nalang ma'am.Trabaho ko naman yun.

Hindi manlang ako pinigilan.Ayon,game na game ang bruha at ang gagong Clinton na nagchichikahan.

Ang gago'y nakatingin sakin habang nakangiting sumasagot sa kung anong pinag-usapan nila.

Mukhang gustong-gusto niya din ang accompany ng bruha?

Naentertain ba siyang talaga? Takte..

"MISS?"sigaw kong tawag dito...

Sales lady ba talaga ito o entertainer sa bar?

Napalingon naman siya sakin na nakangiti pa.

Sarap nilang batuhin nitong hanger na hawak ko.

"May ibang kulay ba kayo nito?"tanong ko at ipinakita ang red V-cut shirt.

"Ay sorry ma'am.Ganyang kulay nalang siguro ang natira.I think naubusan na kami ng stock.Medyo mabenta kasi."sabi niya na may pabebeng tono.

Mas lalo tuloy na kumulo ang dugo ko.

Anong pake ko kung mabenta?

Sml?

"Can you double check? Baka meron pa."naiinis kong sabi..

kasi naman eh.Di manlang umalis sa tabi ni Clinton at kausapin ako ng harap-harapan.

Nagmumukha tuloy akong nakipag-usap sa nilalang na nasa kabilang banda ng kalsada.

"Pasensya na talaga ma'am.Nacheck ko na before kayo dumating.Naubusan talaga ng stocks."pabebeng sagot na naman nito.

Kunti nalang talaga.Masasabunutan ko siya sa kaoahan niya.

"How about this?"tanong ko at itinaas ang hawak na polo shirt.

"Yan ma'am.Maraming stocks yan.Tingnan niyo lang dyan."sagot niya na talagang nagpanginig ng buong kaluluwa ko.

Aba!

Di ko na talaga napigilan.

"Ba't di ikaw ang maghanap? Tutal trabaho mo naman yun.Mukhang nagkamali ka ng pinasukang trabaho."qiqil kong sabi.

Nakita kong napayuko siya? Nahihiya?

Nakita ko rin ang gulat na gulat na reaction ni Clinton.

Magsama kayo.

Inis kong isinabit ulit ang hanger na may polo shirt.

"Makaalis na nga rito.Ano bang klaseng department ito laging nauubusan ng stocks? Napakaincompetent pa nung ibang staffs."sumabog na talaga ako.

Dali-dali akong nagmartsa papaalis doon.

Nagkasalubong pa ang tingin namin ni Clinton.Nakanunot ang noo niya na tila'y shocked at disappointed sa inasal ko.

Nakakabanas.

Mabilis akong naglakad papalabas ng mall na walang lingon-lingon.

Dumiretso ako kung saan nakapark ang kotse niya.Akmang bubuksan ko ito pero may humila saking magaspang na kamay papaharap.

"Ano ba?"singhal ko.

"Anong problema mo?"magkasalubong na kilay na bungad sakin ni Clinton.

"Wala akong problema.Kaya pwede ba bitiwan moko."inis kong sabi at sinubukang hilanin ang kamay na mahigpit niyang hinawakan.

Mas lalo niya namang hinigpitan.

Put*k.

"Eh bakit mo pinagsabihaa nang ganun yung sales lady?"tanong niya na may disappointed na tono.

Talaga lang ha?

"Deserve niya yun.Nang sa matauhan siya."sabi ko sabay irap.

Napanganga naman siya.

"What the hell are you saying? Did you hear yourself?"singhal niya.

"So ako pa ang may kasalanan ngayon? Ang galing."nagtutunog sarkastiko kong saad at kulang nalang ay pumalakpak.

Nakita kong gumalaw ang adam's apple niya.

"No...It's just that you're acting disgraceful.Hindi naman tama yung ganun."malumanay niyang said.

So anong tama? Ang makipaglandian siya sa iba ng harap-harapan? Kitang-kita ko pa talaga?

Pero kalma.Abi! Did I over-reacted?

Ba't ba ang harsh ko kanina?

Nakakonsensya yung ginawa ko pero kasi naiinis ako sa staff na yun.

Napuntong hininga ako bago siya hinarap.

"Sorry.I admit my mistake.I have done wrong alright."

"Hindi ako yung sales lady."he said.

What the?

What he's trying to say is?

Gusto niyang magsorry ako ng harap-harapan doon sa babae?

No way!

Oo, alam ko yung nagawa ko.Pero humingi ng tawad doon?

Bahala siya.

Call me rude or a bitch.Bahala kayo uy.

"Alright ako ng bahala sa apology mo."rinig kong sabi niya.

H-huh?

Don't tell me?

What?

Grrrr... Pag tama itong hinala ko.Baka maupakan ko siya.

Sana lang hindi.

"Ba't ka ba naiinis dun bigla?"tanong niya.

Haysst.Clinton.

Kumalma na ako ng slight.Wag mong ipaalala yung feeling ko kaninang gusto kang bugbugin.

Di ko siya sinagot instead inirapan ko siya.

"Teka...nagseselos ka ba?"natatawa niyang sabi at napapakagat-labi pa ang loko.

Naalarma naman ako agad.

"Nagseselos? Sino at kanino?"patay-malisyang saad ko.

Pero teka...mareview nga yung tanong niya.

Nagseselos nga ba ako?

"Tsssss."dagdag kong sabi at binuksan ang pinto ng passenger seat.

"You are not jealous? Uh-huh?

Okay.Hindi pala eh."natatawa niyang sabi at pumasok na din sa

driver's seat.

"Wag ka ng magselos.Sumasagot lang naman ako sa tanong niya.Hindi ako ang nag-open up in the first place.Pero kausap ko man siya.Kita mo naman diba...sayo nakatutok ang aking mga mata."sabi niya sabay hingang malalim.

Napanganga naman ako dun.

Parang tumigil ang lahat.

"Wag kang mag-alala.Di ako kailanman papatol sa iba.You know lab.Faithful akong asawa."sabi niya sabay kindat na talagang nagpagunaw ng mundo ko.

Nanghina ang mga tuhod at ang puso'y nagtitripple beat than the usual.

Oh my goodness.

Nabuntong hunong ako while I'm trying to calm myseld.

Natauhan lang ako nang buksan niya yung passenger seat.

Takte...Hindi ko manlang namalayan siyang umalis sa harapan ko?

Gosh.Am I feeling out of the world for a seconds eh?

"Pasok ka na "he said softly sabay kindat.

Dali-dali naman akong pumasok sa loob.

Para naman akong hindi makahinga...Damn feeling!

Pinilit ko mang wag ngumiti.Pero shhhhhitttt! Di ko kayang pigilan.

Kanina galit ako? How the hell he could easily turn my mood into like this?

Ba't ganun nalang ka lakas nang impact nang mabulaklak niyang salita sa akin?

Oh no!

Nahuhulog na ba ako sa kaniya?

Napailing-iling habang siya'y pinaandar na ang kotse.

Nang gumalaw na ang kotse. Saka lang ako may naalala. Paano yung mga pinamili namin?

Agad akong humarap sa kaniya.

"Paano yung mga binili natin? At isa pa,wala kang extra clothes?"nag-aalalang saad ko.

Nagsmile lang siya sabay sabing;

"Don't worry.Ipapadeliver ko nalang sa pupuntahan natin ang mga iyon.And for my clothes? I'll buy roon sa pupuntahan natin."

So mayroon palang pamilihan like malls doon?

Tapos nag-abala pa kaming dito bumili?

Tsk!

Abi,wag mo ng epressure ang sarili mo.Alam mo naman na Abnong Bipolar yang asawa mo.

Pinamulahan ako ng mukha sa naiisip.

Ba't parang hinihimatayin ako sa salitang iyon. Asawa? Gosh.

Thinking of him and calling him,"asawa" makes my heart beats 3 times faster than normal beat.

"Malayo ba yung pupuntahan natin?"curious kong tanong.

"Medyo."

"You can lean on me and sleep on my shoulder."he added.

Huh? Ano daw?

Awtomatikong nanlaki ang aking mga mata sa narinig.

Sheeeemmsss!

Ano bang iniisip at pinagsasabi ng isang 'to?

Pero mukhang kahit sino makakaappreciate nung suggestion niya.

Pero nakakahiya.

Pero gusto kong etry. Napakagat-labi ako.

Abi,tumigil ka.May upuan ka Abi.

Pwede kang matulog at sumandal dito.

Pero ano kayang feeling na matulog at sumandal sa balikat niya?

Ba't parang kinikilig ako habang iniisip ang posisyon na iyon.

Para kasing ang romantic pag ganun?

Gusto ko pero nakakahiya talaga.

Napailing-iling ako at napaayos nang upo nang umubo siya na halatang peke naman.

Pero baka kanina niya pa ako pinagmasdan?

Sheyyytt!