Chapter 16 - Chapter 15

Kinabukasan, nagising ako ng mga bandang 8:00 in the morning.Agad akong naligo at after magbihis bumaba para sa breakfast. Tahimik ang bawat sulok ng mansion.

Dala-dala ang bagong templa kong gatas.

Nasan sila?

Di kaya iniwan ako ng mga yun ng mag-isa?

Pero maaga pa naman.So baka natutulog pa ang mga yun. 8 am, maaga? Tinawanan ko ang sarili.

At si Clinton naman.Sure akong gising na yun.Wala na siya sa kwarto eh.

Tinungo ko nalang ang swimming pool dahil may naririnig akong ingay nung tubig.Pero nang nasa malapit na ako.Gusto kong tumalikod at umatras nalang dahil sa nakita kong naliligo si Clinton. Pero dumiretso ako nang matapos ikalma ang sarili at tinungo ang lounger malapit doon.

Nakita niya ako kaya siguro umahon siya at kinuha ang tuwalya sa gilid ko.

Napainom nalang ako ng gatas.Pero shittt...ang init pala.Todo iwas ako na makaharap siya sakin lalo pa't nakaboxer short lang siya ngayon.

Abi,kalma...Wag mong ipakitang naaapektuhan ka sa kaniya.

"Good Morning."bati niya pa.

"Too."sabi ko naman na hindi manlang siya ginawaran ng tingin.

Abi,wag kang titingin.Nakaboxer lang siya okay. Pagpapaalala ko sarili.

"Hmm...Nasaan pala mga friends mo? Yung mga tauhan mo?"diko napigilang itanong.

"Pinaalis ko muna."sagot niya pa.

Huh?

"WHAT?"diko napigilang mapasigaw.

Nakanunot-noo niya naman akong tiningnan.

"Pinalayas mo mga friends mo? Anong klase kang kaibigan? At yung mga tauhan? Gosh,they have families to feed on.You're really ruthless."sabi ko na tila sumabog sa inis.

"Tsssss."na sabi niya at tiningnan akong parang di siya makapaniwala.

"Sa lahat ng taong nakilala ko.Ikaw ang pinakamasama at walang puso."inis na inis kong saad.

How could he be this walang puso?

"Pero aminin mo.Sa lahat, ako ang pinakaHOT at pinakaGWAPO?"sabi niya nakangising parang aso.

Napaawang naman ang bibig ko sa sinabi niya.

Kahit kailan napakahambog at yabang ng gago.Ang lakas ng confidence sa sarili eh.

"Kapal! Saang banda? Sa kanan? Kaliwa,sa taas o sa baba?"nakataas kilay kong tanong.

"Lahat."sagot niya sabay kindat.

Ewww! Why so kapal?

Tiningnan ko siya as if nandidiri ako

"Pinaalis ko lang sila MUNA.For the mean time lang.You're overreacting!"sabi niya pa.

Awsss! May muna pala yun?

Pinamulahan naman ako ng mukha.

Gosh,nakakahiya.

Over na over ba talaga yung reaction ko?

Geeze!

"Ba't mo naman sila pinaalis MUNA?"tanong ko at may diin sa panghuling salita.

"To spend a day with you!"direktahan niyang sagot.

"Huh?"confused kong nasabi nalang.

Pinaalis niya yung mga tauhan at mga friends niya to spend a day with me? Wow..adik!

Pero bigla akong nakaramdam na may nagkakagulo na naman sa bandang tiyan ko.

Gosh,what a weird feeling!

Anlakas ng trip niya Abi.Wag magpadala okay!

"Bakit?"nagtataka kong tanong.

Gosh,anong naiisip niya uy?

"Kasi gusto ko."he answered quickly.

Mas lalo naman akong napanganga.

Holy shitttttttttt!

Pigilan ang sarili.Focus! Wag mahulog sa trick ng lalaking ito Abi.

"Kung trip mong makasama ako today.Natanong mo ba sa sarili mo o ako manlang kung intersado din ba ako?"nagtataray kong sabi.

Naging seryoso naman ang aura niya but then a weird smile formed in his damn red lips.

"There's no need to ask you.You'll spend the day with me whether you like it or not."nakangisi niya pang saad.

Napatulala naman ako for I think 20-30 seconds.Goshhhh!

Tumigil ka...

"Pero sige nga matanong kita.Ayaw mo bang makasama ang isang tulad ko?"he asked me in a soft tone while looking sincerely at my eyes.

Napailing-iling ako dahil feeling ko nahyhypnotized niya ako sa asul niyang mga mata.

"Hindi naman sa ayaw ko but as I've observed kasi..ang daming weird happenings when I'm with you."ewan ko but yun ang naisagot ko sa kaniya.

"Weird happenings?"confused niyang tanong.

"Oo.Gaya nalang ng mga kis-.Ah eh.Basta yun..ang daming incidents kung kasama kita.Delikado pag nandiyan ka."muntikan ko ng masabi God!

"Mas delikado pag mag-isa ka at worst kung may kasama kang iba maliban sa akin."he said.

Huh?

"Infact,incidents are unpredictable.It's a good thing na kasama mo ako sa lahat ng pagkakataon.Lalo na't may mga di natin inaasahang insidente diba?"dagdag niya pa.

Jusko. Hindi katulad ng iniisip mong insidente ang tinutukoy ko.

"As long as I'm with you or you're with me. Everything will be fine."sabi niya sincerely.

Napalunok naman ako sa tono ng boses niya at saka napakameaningful nung mga katagang binibitawan niya.

Feeling ko sasabog na itong puso ko sa kakatibok.

I guess, the way my heart beats isn't normal anymore.Wala naman akong naisagot sa dami ng sinabi niya.

Napatitig ako sa kaniya nang biglang sumeryoso ang kaniyang mukha.

"One more thing...Mas lalong nasa panganib ang buhay mo ngayon.Lalo na't gumagawa ka ng nakakahibang na kwentong isa kang Mafia Boss.Paniguradong kalat na ang balita tungkol sayo.Ikaw na ang puntirya nila.Hindi lang nung walo kundi lahat ng kasali sa organization maliban sakin ofcourse."

Kinabahan ako sa aking narinig.Napakadelikado pala nung pinasok ko. Katangahan ba talaga 'yong move mo kagabi? Or somehow naman may positive impact yun?

Pero kung hindi ko naman ginawa yun.Baka napatay na nila siya?

Tiningnan ko naman siya as if nagtatanong ng advice. Anong gagawin ko?

"Kaya may plano ako.And I think it's the best proposal."he said.

Huh? Anong plano?

Anong proposal ang tinutukoy niya?

Nakataas na kilay ko siyang tiningnan.

"Kaya mas mabuti kong malaman nila na asawa kita."sabi niya na ikinagulat kong talaga.

Napatayo pa ako at napatakip ng baba.

"ANO?"

Nababaliw na ba siya?

Oh my God!

"You want me to act as if I'm your goddamn wife?"tanong ko like I'm really against with it.

No way!

"Yes!"he answered.

"No...no way! Baka malaman pa ng mga kaibigan ko.Anong sasabihin ko sa kanila na nagpanggap lang tayo ganun? That's ridiculous!"reaction ko at pagrereason out.

Is he freaking serious?

"Buhay mo na ang pinag-usapan dito.Tapos iisipin mo pa ang sasabihin ng iba?"nakataas na kilay at medyo naiinis siya sa kaniyang tono.

Natahimik naman ako sa sinabi niya.

Somehow tama naman siya.Pero kasi...

Marriage is a serious thing.I don't know If I can afford to be his acting wife.

"Pero hindi naman nila nakita ang mukha ko sa party."pagdadahilan kong sabi.

"Kahit na...Now or Tomorrow malalaman din nila iyon.Matagal na ako sa organization kaya mabuti ng maging handa at sigurado.So think about it."sabi niya at iniwan akong gulong-gulo ang isip.

Abi,tama siya.Makapangyarihan siyang tao.He had the wealth and the power.Kung gusto mo pang mabuhay,humawak ka nalang sa patalim.

Kumakain kami ngayon ng dinner.Ang awkward lang kasi ang tahimik.Kaming dalawa lang ang tao sa mansion.Mabuti at nagluto siya kundi namatay na kaming dalawa sa gutom.

Abi,it's time.Wala ng bawian ito.

Huminga ako ng malalim bago nag-open up.

"Uhmmm...Nakapagdesisyon na ako."sabi ko pa habang siya'y napatingin sa akin.

I saw how his adam's apple moved.

"So what's your decision?"seryoso niyang tanong.

Lumunok muna ako ng laway bago tinatagan ang loob.

"Pumapayag na akong maging asawa mo."I said in a serious tone.

Pero God! Kinakabahan ako at tila nagkakagulo ang mga cells ng katawan ko.Gosh!

Nakita ko naman siyang napahingang malalim.

"Good!"he said then continue eating his meal.

Ganun nalang yun? So mag-asawa na kami?

What the?

Hindi maaari ito.I need an explanation.Hindi ko pa yata naintindihan ang ibig niyang sabihin.

"Teka...teka nga.Paano nila malalaman na asawa mo na ako?"gulong-gulong tanong ko.

Tumigil siya sa pagkain at nag-angat ng tingin sakin.

"We'll have the press conference."sagot niya at uminom ng tubig.

What?

Press conference?

No way...

"Hindi pwede yan.Hindi pwedeng sabihin natin sa media.Wala na bang ibang paraan?"nagpapanic at gulong-gulo kong sabi.

Natigilan siya at napaisip.

"There is..."he answered.

"Ano?"nakataas na kilay kong tanong.

Napahawak muna siya ng labi niya at tiningnan ako mata sa mata.

"Be my wife for real."walang kukurap-kurap at seryosong-seryoso niyang sabi.

Ako naman ang napakurap-kurap ang mata at napanganga at pinroseso sa isip at maging sa kaluluwa kung tama ba ang narinig ko.

Be my wife for real.

Be my wife for real.

Be my wife for real.

Be my wife for real.

"Huh?"It takes minute bago ako nakareact.

"That's the 2nd & last option."he said.

Natahimik ako at lutang sa narinig na salitang talaga namang explusibong-explusibo.

Napahawak ako sa ulo sa dami ng iniisip.

Kung acting wife lang,kailangan naming ibulgar sa media na mag-asawa na kaming dalawa.Hindi pwede yung ganun.Buong mundo ang makakaalam.

Pag real wife naman,walang media at kami-kami lang ang makakaalam pero paano ko ito ipapaliwanag sa mga kaibigan at taong nakakilala sakin?

Napabuntong hininga ako bago itinapat ang right palm dun sa office niya.Agad namang bumukas ang high-tech door nito.

Nakita ko agad siya na nakaupo sa swivel chair ng table niya while doing something on his laptop.Napatingin naman siya sakin kaya napalunok ako habang naglalakad.

Bahala na nga.

"Pumapayag na ako..."pagsisimula ko pa at diretso talaga sa aking pakay.

Napataas naman ang kilay niya.

"Pumapayag na ako na maging totoong asawa mo."direktahan kong saad sa kaniya without even blinking.

A weird smile formed in his lips.

Tumayo siya sabay sabing;

"Alright...We'll go to the Supreme Court tomorrow."

Napakunot noo ko naman siyang tiningnan?

Supreme Court? For what?

"Huh?"

Anong gagawin namin sa Korte Suprema?

Anong naiisip niya't pupunta pa kami roon bukas?

Mukhang nakuha niya naman ako dahil siguro nahahalata niya sa reaction at facial expression ko ang pagtataka.

"We will just sign the contract."he then answered.

Natigilan naman ako dun.

Napakagat-labi ako.

God Abi,ano bang ina-assume mong mangyari?

This is just a deal slash fixed marriage.Nakalimutan mo ba agad?

Of course,pipirma lang kayo.

He's not the one you wish to wait for you in the altar while you're in white gown walking down the aisle.

He's just doing this to protect you.Hanggang doon lang yun.

Remember Abi,you are both doing this on purpose.

"O-okay."nasabi ko nalang.

I'm trying to keep my voice calm but it didn't.Nautal talaga ako while saying it in a napapaos na tono.

Gusto ko ng tumalikod pero... some part of me urged me to keep on facing him.Just stay still.

Napakunot noo naman ang expression niya.

Hindi ko na kaya ito.Baka mahalata niya pa na hindi ako comfortable.

And it seems na affected ako doon sa nasabi niya.

"Si-sige...alis na ako."I said at akmang tumalikod na but then..

"Wait..."he said so I stop & look at him.

"Baka gusto mong makasal sa simbahan? O kahit saan basta formal wedding? We can do that too."sabi niya pa.

Para namang may humaplos sa puso ko.

But no...Mukhang tama ang naunang decision niya.I must stick to it.We must do.

He decided it first.The second suggestion's maybe just an option.It's clear as the truth that we're badly doing this on purpose.

Mabuti na yung pipirma nalang kami ng diretso.Ayokong magmukhang tanga to have formal wedding though I think it's every woman's dream.To walk down the aisle & feel the moment,the last moment of being single.But... it's different in our case. We aren't even lovers.

Deal lang ang lahat ng ito.Kasunduan lang!

Napabuntong hininga ako bago nagsalita.

"No.I'm fine with just signing the contract directly.Magpapanggap lang naman tayo.Ayoko at siguro hindi mo din naman gustong magmukha tayong talagang nagmamahalan sa mata ng iba if ever yung formal wedding ang ating gagawin dib?Sige,maiwan na kita.Magpapaganda pa ako bukas hahaha."seryosong sabi ko but then I added a joke sa huli.

Naglakad ako paalis doon na may kung anong bigat sa kalooban.

I dont know what can he say about those words I've said.

Dumiretso ako sa kwarto with an unexplained feeling.Halo-halo yung pakiramdam.

The next morning...

Pupunta na sana akong bathroom pero napako ang tingin ko sa maliit na box at saka may note sa gilid nito.

"Good Morning!

Hindi na kita ginising dahil sa ang himbing-himbing pa ng tulog mo.Pumunta muna ako sa kompanya for business errands. Babalik ako ng mansion ng mga 10:00Am to get you.

-YourHusband'_'

Napanganga ako habang binasa yung panghuli.Napakagat-labi ako at pinigilan ang sariling mapangiti.

Anudaw? Your husband?

Arggghhhhhhh....

Kinuha ko ang maliit na box at binuksan.Bumungad sa akin ang napakagandang singsing. Ilang minuto ko itong tinitigan bago kinuha at isinuot.

It's a diamond ring.Binabaliktad ko pa siya.Everything is so nice.

Nang mahimasmasan sa pagka-amazed dito.Napaisip naman ako.

Saan niya naman ito nakuha?

Kahapon lang namin napag-usapan ang tungkol sa deal.How come na may ganito siya agad?

The weird feeling I felt last night rewind.

But it's times two kumpara kagabi.

Parang may bumabaong kutsilyo sa puso ko at tinusuk-tusok ito.

Napatango nalang ako saking naiisip.

Abi,again.Deal lang ang lahat.Walang kayo,walang feelings na namamagitan.Kaya kumalma ka? Okay?

Pero bakit ito ang nararamdam ko? Ba't ako nasasaktan? Ba't ako nag-aassume sa mga bagay na ewan ko ba kung posibleng magkakatotoo.

Kung ano man itong nararamdam ko.It's better na hindi ito bigyan ng pansin para hindi na ako masaktan.

Siguro nasasaktan ako kasi hindi pa ako handa pero kailangan naming gawin para sa kaligtasan ko. Is that it? That's the reason? Or there's something else, is there something more than just not being ready?

Tinungo ko nalang ang bathroom at nagkulong sa loob.

Probably this ring is for the girl of his dream.Hinanda sakaling darating yung perfect time for him to get tied up.Nakakalungkot lang isipin na ako ang binigyan niya ng napakaimportanteng bagay na ito which I don't really deserved.

Ba't niya ba ito ginagawa?

Bakit handa siyang sumugal para lang sa kaligtasan ko?

Ginagawa niya lang ba ito para maprotektahan ako? Or he has his other reason?

At isa pa... Bakit niya naman ako poprotektahan?

Hindi ko naman siya kaano-ano.Hindi ko masasabing kaibigan ko siya. Kasi marami pa kaming hindi nalalaman sa isa't isa. I supposed, we are in the stage of getting to know each other.

Because the term friend refers to a person whom you cherished,trusted,devoted & loved as brother or sister.

I don't trust him totally like a hundred percent.Yes,I care for him and obviously him as well. But does caring a valid and enough reason for him to do such sacrifice? To the point na umabot kami usapang legal na pagpapakasal.

Napabuntong hininga nalang ako at hinubad ang singsing at nilagay roon sa gilid.

It took me half an hour bago natapos maligo.Nagbihis ako ng white pants at naisipang magsuot ng blouse na kulay sky blue.Total summer na I want to feel the season. Napatingin ako sa flat shoes ko.Ewan ko lang pero wala akong ganang magsuot ng ganun today.

I think nagsawa na siguro ako roon.

Lumabas ako ng nakapaa lang at tinungo ang kwarto nila Marga at Miranda.

Hindi naman siguro ako papagalitan nung dalawa.Haha masanay na sila.

Isinauli ko naman agad kahapon yung mga ginamit sa party. Kaya okay lang sigurong makihiram ulit.

Sa dami ng nakahilerang shoes nila nakakalito ako kung ano ang kukunin at pipiliin.

In the end,kinuha ko ang heels na siguro nasa 4 inches.

Naalala ko before...nung first time kong magsuot ng ganito para akong tangang lasing dahil di ko keri ang ganitong klaseng sapatos.Feeling ko kasi mababali yung heel niya.But now,I am already used to it.dzuhhh ako pa.

Bumalik ako sa bathroom at kinuha yung singsing but hindi ko isinuot kundi ibinulsa ko.

Bumaba ako pagkatapos...Akala ko magluluto pa ako dahil maaga siyang umalis pero nagulat ako sa daming pagkain na nakahanda sa dining table.

Niluto niya lahat ng ito?

O baka naman inorder niya lang lahat?

Ah bahala na nga.Bat ko ba iniisip kung niluto o inorder niya ang mga ito?

Ang importante may lalamunin na ako.

Kumain ako at naisipan pagkatapos na magpack nung pagkain.

Nakakasave na rin yun sa pera niya.Baka kasi sa lunch sa fancy restaurant na naman kami kakain.Eh ang mahal-mahal ng mga pagkain dun.Tapos ang liliit pa.

Napatayo ako sa gulat nang biglang narinig ang pagkabukas nung grand entrance.

10:00AM pa yung sinabi niya.

Kaming dalawa lang ang nandito sa mansion tapos umalis na siya.

Sino itong mapangahas na bumukas at pumasok sa mansion?

Oh my God!

Napalingon-lingon ako sa kung anong pwedeng magamit para pangontra sa magnanakaw.

Nakita ko sa ibabaw nung mini-table sa may sala ang malaking flower vase.

Kinuha at itinabi ko ang mga artificial flowers nito at maingat na dinala yung vase.

Dahan-dahan naman akong naglakad para salubungin ang magnanakaw.

Yari ka saking magnanakaw ka!

Nagtago ako sa kurtina nang marinig ko na yung papalapit na yabag niya.

Anong klaseng magnanakaw ba ito? Bobo lang ganun?

Di ba siya marunong mag-ingat baka marinig siya ng may-ari nung nilooban niya?

Nang pakiramdam ko malapit na ito agad akong lumabas sa pinagtataguan at akmang ibabato rito yung vase.

Pero nanlaki sabay yung mga mata naming dalawa sa gulat.

Mabuti at hindi ko natuloy kung hindi baka wala ng malay ang gagong ito.

"What the hell?"he shouted.

Napakagat-labi naman ako at ibinaba ang vase.

Nakakahiya naman ito.

"Are you trying to kill me?"gulat na gulat at di makapaniwalang sabi niya.

"Eh...Akala ko kasi may magnanakaw."parang timang ko pang sabi.

"Magnanakaw? Eh sa daming bantay sa labas? Sinong hangal pa ang makakapasok dito?"nakataas na kilay niyang saad.

"Ikaw."sagot ko naman at nagpout.

"What?"he said in disbelief.

"Eh nakapasok ka na nga.Ikaw yung hangal.Pinagsasabi mo ikaw lang naman ang tinatamaan."sabi ko.

Magkasalubong na kilay at matalim niya akong tiningnan.

Patay mukhang natriggered ko siya.

"Joke.Joke.joke."masiglang sabi ko pa.

Akala ko madadala ko siya dun pero hindi manlang yun umobra.Mas lalo tuloy kumunot ang noo niya.

"Malay natin may kalaban na makapasok.Ako nga noon walang kahirap-hirap na pinasok itong mansion mo."sabi ko.

"Tssss."naaasar niyang sabi.

Mabuti naman at kumalma.

God!

Sumunod ako sa kaniya nang maglakad siya papuntang sala.

"Ba't ka ba bumalik ng maaga?"tanong ko.

Pero walang sagot.

Ay deadma ako.

"Sabi mo 10:00AM pa?"pag-iibang tanong ko na naman.

Hindi siya lumingon pero mabuti at sumagot ang loko kundi tatamaan talaga siya nitong vase.

"Wala akong magawa sa office kaya umuwi nalang ako."he answered.

Walang magawa? Pero yung nakasulat sa notes niya.May ififinish siya? Natapos naba niya? O baka naman nagsinungaling ito sakin.

Matingnan nga sa mata.Pero nakatalikod eh.

Haysst...Bahala na nga.Mas mabuti na rin na nandito siya.Nakakainip kayang maging ikaw lang at sarili mo ang kasama.

Ibinalik ko sa dating ayos yung vase at ang mga flowers nito.

Napaupo siya sa couch at pinagmasdan ako.

"What is that?"nagtatakang tanong niya habang itinuro pa yung lunch pack ko.

"Foods."sagot ko naman.

"For what?"confused niyang tanong.

"For what for what ka diyan.Syempre para satin.Ang dami kayang pagkain na inorder mo.Meron pa nga roon.Para na rin di ka gagastos sa lunch natin."sagot ko naman.

Kumalma naman ang expression ng mukha niya.

"Okay."he said.

"One thing... I don't ordered anything.I cooked everything."he added that blew me away.

Is he freaking serious?

Chef ba siya? Yung totoo?

Ang dami-dami nun? Maaga ba siyang gumising para lang dun?

Para paglutuan ako? Ohhhh my godddd!

No no no..

Abi para may makain kayo kaya siya nagluto.Hindi para sayo lang.

Whatever may his reason.Basta yun yung pakimramdam ko.

Tapos ang sasarap pa.

Magtatanong na sana ako kung totoo ba o seryoso ba siya sa kaniyang ibunyag pero nang nilingon ko siya nakapikit siyang sumandal sa couch.

Pagod ba siya? Mahirap ba ang ginawa niya sa kompanya?

O baka naman may problema roon? Nabankcrupt ba yung company niya?

Hala...kawawa naman siya kung ganun.

Pero wala pa namang kasiguruhan yung instinct ko.

Lumapit ako sa kaniya pero di manlang siya nagbukas ng mata.So he's probably so tired & sleepy?

Nakita ko ang phone niya sa kaniyang gilid.Kinuha ko ito agad at binuksan.Nagulat naman ako sa tumambad sakin.

Hindi niya kasi pinalitan yung wallpaper niya na kaming dalawa.

Oh my God!

Parang nagkakagulo na naman ang mga paru-paru sa bandang tiyan ko.

Goodness!

Agad kong pinindot ang camera at natatawang kinunan siya ng litrato.

Gusto kong humalakhak dahil para siyang tanga sa posisyon niya.

Ang epic nung mga kuha eh.Lumayo ako at kinunan siya ng whole body.

Matapos kong maclick at masave.

Napatigil ako at natigilan nang mapansin na basta.

Ang awkward pala nung posisyon niya.Nakasandal na nakaupo sa couch while nakabukaka yung legs.

At yung sa pagitan...

Jusko.

Abi,stop being so green-minded.

Hindi ko nalang yun inisip at kumuha nalang ulit ng litrato sa kaniya.

Hindi talaga siya nagising kaya kumuha ako ng litrato with him.

Meron yung as if kukurutin ko pisngi niya.

Meron yung pumunta ako sa likod niya.Kaya ang ending parang naging background ko siya with the couch.

Nang ereview ko yung mga kuhang pictures.ang ganda-ganda lang.

Pasadong-pasado akong maging photographer.

Pinalitan ko yung wallpaper ng kaming dalawa parin.Ang ganda kasi nung as if kukurutin ko ang pisngi niya. I find it cute. Ang amo lang ng mukha niya habang natutulog at ako'y parang tangang nangqiqil para kurutin siya.