"Paano niya natutuhang gumamit ng baril?"
"Hindi siya ordinaryo at inosenteng tao lang.Kakaiba siya..."
"Sa mga kilos niya.Para siyang sanay na sanay kaya imposibleng wala siyang alam."
"Sino ba talaga siya?"
Naalimpungatan ako sa ingay ng mga nag-uusap.
"ANO BA! KITANG MAY NATUTULOG DITO, ANG INGAY-INGAY NIYO.KUNTING
M-A-N-N-E-R-S NAMAN OH."inis kong sigaw habang nakapikit ang mga mata.Tinakpan ko pa ng comforter ang aking tenga at hinila ang unan para hindi ko sila marinig.
Ang ingay lang,bwesit!
Napahinto naman sila kaya curious ako kung anong ginagawa nila ngayon.Dahan-dahan kong ibinaba ang comforter pero;
"Ahhhhhhh."sigaw ko dahil silang lahat ay nakapalibot sakin.
Sino ba naman ang hindi magugulat dun?
Napalayo naman sila sa kama.
"Boooggggshhhh"
Napalingon kami sa biglaang pagbukas ng pinto ng bathroom.
"What happened?"nagtatakang tanong ni Clinton.
Ako nama'y napanganga sa kaniya.
Gosh,bakit ka lumabas ng nakatuwalya lang?
Nagbago bigla ang expression ng kaniyang mukha na ikinataka ko.
Bumaling siya sa mga friends niya at magkasalubong ang mga kilay nito.
"And why are you all here?"parang kulog niyang tanong sa naiinis na tono.
Pinagmasdan ko naman ang mga kaibigan niyang hilaw na ngumisi.Napalunok ang mga ito at napakapit pa sa isa't-isa except kay Miranda na nakataas ang kilay din.Yung dalawang guys talaga ang halatang takot sa boss nila.
Ang OA naman kong makareact ng gagong toh.Bakit sila nandito? It's pretty obvious na binisita nila ako.
"Ano sagot?"dagdag pa ni Click kaya naman napaatras ang mga baliw niyang friends.
"Tumigil ka nga Zach! Para kang sira.Tinatakot mo sila eh."hirit ko kaya't napabaling siya sa akin.
Inis siyang tumitig sakin na pinantayan ko naman.
Akala mo ha!
Napairap ako bago ulit nagtanong.
"Teka...nasan si Marga?"nagtinginan naman sila.
Nakita ko si Josh na nagsasalita na walang boses pero nakuha ko naman.
Salamat daw? Bakit? Para saan?
Ano ba kayang meron dito sa boss nila na kinakakatakutan nila ng sobra?
"Hehe.Hi Abi...Nandoon si Marga sa guest room nagpapahinga."parang timang na saad ni Matt habang ngumiti-ngiti.
"Okay lang ba siya?"tanong ko naman.
Napatango naman sila.
"Ikaw Abi? Okay ka lang ba? Wala bang masakit sayo?"nag-aalalang tanong ni Josh at lumapit pa talaga sakin.Tinap niya ang noo ko at chinecheck ang aking mga kamay.
Eh? Hindi naman ako nilalagnat ah?
Anong trip ng isang toh?
Narinig ko ang mga malalakas na yabag.Nagulat nalang ako at ang lahat nang hilanin ni Clinton si Josh at itinapon kay Matt.
Nakapameywang siyang humarap sa kanila.
"Kayo! G-E-T O-U-T!"sigaw niya pa at itinuro ang pintuan ng kaniyang kwarto.
Agad namang nagtakbuhan ang dalawa palabas. Di nagpatinag si Miranda pero sumunod din siya palabas.
Nakataas na kilay kong tiningnan si Clinton na ngayo'y nakaharap sa akin.
Ba't niya sila tinaboy paalis?
Kawawa naman si Josh,nagmamalasakit na nga yung tao.Binalibag pa ng gagong ito.
"What?"inis niyang sabi na tila'y he's really irritated.
Sinamaan ko siya ng tingin pero lumaban din ang loko.Aba!
"Ba't mo sila pinaalis?"naiinis kong tanong.
Nagkiba't-balikat naman siya at cool akong tiningnan sabay sagot ng;
"Eh sa kwarto ko ito eh."
Napanganga ako at inirapan siya.
Ah ganun!
Dali-dali kong inalis ang comforter at bumangon upang makalabas ng kwarto ng demonyo.Pero hindi pa ako nakakatatlong hakbang hinila na ako nito at itinulak papahiga pabalik sa malambot niyang kama.
Oh shit!
Kwarto niya daw eh? Aalis ako,ba't niya ako pinigilan?
Inis akong tumayo na naman at may courage na lisanin itong kwarto niya.
"Hey,where are you going?"tanong niya.
"Nagtanong ka pa
Sagutin mo sarili mo ulol."inis kong sabi at iwinaksi ang kamay niyang paharang-harang para pigilan kuno ako?
Walang kamay na uubra sakin.Tandaan mo yan Clinton.
Napasinghap ako nang yumakap siya bigla sa akin ng patalikod.
Nanigas ako at halos hindi makahinga.
Oh my God! Oh My God! Clinton , what the fuck are you doing?
Amoy na amoy ko pa yung shampoo niya at amoy galing sa bathroom.
Nababasa pa ako nung mga water drops from his hair.Ramdam na ramdam ko yung katigasan ng chest niya.
"Ahhhhhhhh!"late na late na yung reaction ko pero bahala na.
Nagpumiglas ako pero agad niya akong hinila at ang masaklap pa.Napahiga siya sa kama at ako? Eh ano pa ang nangyari?
Ang mas nakakaloka ay ako na nakapatong sa kaniya.
"Ahhhhhhhh"sigaw ko na naman.
Oh God!
Agad akong umalis sa kandungan niya at patakbong tinungo ang pintuan.This time hindi na niya ako napigilan.Agad kong binuksan ang door pero mas nagulat ako nang tumambad sa akin ang dalawang ungas na sumabay sa pagbukas ko.Kaya ayon,nasubsob yung dalawang freaks sa sahig.Dali-dali naman silang tumayo habang napapahawak sa mga mukha nila.
"Abiii.masakitt..."nag-iinarteng sabi ni Josh sabay haplos ng mukha niya.
Tinaasan ko naman siya ng kilay.
"So kasalanan ko pa ang nangyari? Ganun?"
"Ano ba kasi ang ginagawa niyo diyan kanina? Ba't kayo nasa labas ng pinto?"confused na sabi ko at naghintay ng sagot mula sa dalawa.
"Ah eh."natatamemeng sabi ni Josh.
"Ano kasiii.."parang nahihiyang sabi ni Matt kaso pabitin ang loko.
"Ano?"napalunok naman ako sa biglaang pag-interrupt ni Gagong Walang Modong si Clinton.
"Ganito kasi yun.Papaalis na sana kami pero kami ay napatigil nang sumigaw ka kaya bumalik kami at nakinig."sabi ni Matt.
Pinamulahan naman ako sa hiya.
God! Anong iniisip nila?
"Nagulat kami at the same time naeexcite sa kung anong ginawa sayo ni Boss o sabihin nating ginawa niyo."sabi ni Josh na mas lalong ikinapula ng mukha ko.
Oh God! Help me.
Ibaon niyo ako sa lupa please.
Napanganga lang naman si Clinton sa tabi ko.
Do they think that Clinton raped me? Or ....
We're making a out?
Oh no no no.Abi!
Napailing-iling ako at pinigilan ang sariling sumigaw o tumili sa kahihiyan.
"Sigeee.Mukhang wala namang nangyari kaya mauna na kami."nakangising sabi ni Matt sabay sulyap kay Clinton.
"Baka nakadisturbo lang kami.Pwede niyo na yung ituloy."nakangising asong saad naman ni Josh.
Laglag ang panga ko sa narinig. Mga hinayupak, ang kalat ng mga 'to.
Nang mawala sila dahan-dahan akong bumaling sa nilalang sa aking tabi.Magkaibigan nga sila,pati ngiting aso.. gayang-gaya.
Pero hindi mukha niya ang agad na nacaptivate ng aking mga mata kundi ang mga pandesal niyang ang laki-laki.
Sinundan niya naman ang mga titig ko at mas lalong lumawak ang ngiti niyang abot tenga talaga.
Lintek lang...Kung hindi ka lang pang model looks...Naku!
Napaawang naman ang bibig ko nang bigla niyang haplusin ang malapandesal niyang abs.
Oh shit...Abiii, ibaling mo sa ibang direksyon ang titig mo.Wag kang magpapadala.
Napakagat-labi pa siya at ako'y kinurot ang sarili para hindi mawala sa katinuan.
Is he seducing me? God!
Pero no no.Not this time , dapat maiinis parin ako sayo Clinton...arghh.
"Tseeeeee!"singhal ko sa kaniya at dali-daling binuksan ang pinto at lumabas.Binalibag ko naman ito pasara.Bago yun narinig ko pa ang pagtawa niya na tila'y inaasahan niya na ganun ang gagawin ko.
Damn it.
Nagmartsa naman ako pababa ng hagdanan.Nakabusangot ang mukha kong tinungo ang kusina pero napalitan naman agad ng tuwa nang makita ko si Nay Rusing na nagluluto.
"Oh Abi.Nandiyan ka pala.Nagugutom ka na ba?"
Napailing naman ako agad.
"Maupo ka muna.Malapit ng matapos itong niluluto ko."sabi niya pa.
"Ba't kayo po yung nagluluto? Nasan po yung chef?"nagtatakang tanong ko.
Hindi sa gusto kong palabasin na ayoko kay Manang but ano kasi hindi yun ang trabaho niya.
"Baka nakaleave."sagot niya pa at hinalo-halo yung niluluto.
Napatango naman ako.
"Abi? Gusto mo bang matutong magluto?"nakangiting tanong ni Manang.
"Sige po."naeexcite kong saad.
"Halika...samahan mo ako."she said.
Tinulungan ko naman siyang hugasan yung mga ingredients.
Panibagong dish na naman itong lulutuin namin.
"Ganito ang paghiwa ng carrots Abi.Pero ano yan eh.Nakadepende sa kung anong ulam ang lulutin mo.Dapat talaga pare-pareho yung sukat nila."nakikinig ako sa bawat salitang binibitawan ni Manang.
Marunong naman akong magluto.Yun nga lang noodles at mga hotdogs lang hehe.
Pagkatapos naming hiwain ang mga ingredients.Nanuod muna ako kay Nay Rusing kung paano niya ito gawin .
"Alam mo Abi na ang pagluluto ay parang pag-ibig."awtomatiko namang napantig ang tenga ko dun.
Pag usapang pag-ibig talaga.
"Dapat kang maging maingat,sigurado at mapili ka sa mga ingredients mo.Wag kang basta-bastang magtitiwala.Kasi sa panahon natin ngayon nagkalat na sa buong kalawakan ang mga manloloko."
Tama. Andaming scammer at nanggo-ghosting kaya.
Sincere na sincere na lecture ni Manang at ako'y tutok na tutok at abang lang ng abang.
Tumango-tango lang ako.
"At ito ang importante ha.Wag kang magpapadala at nakukuha sa ganda ng mukha o panlabas na kaanyuhan.Dapat suriin mo muna o kilatisin kong yan ba ay worth it at deserving piliin."paliwanag pa ni Manang.
Usapang pagbibili ng gulay pa ba itong tinutukoy ni manang? Or ibang storya na?
Napanganga naman ako sa mga sinasabi niya.
Mukhang tama nga ang katagang,"Mother knows best."
"Mabalik tayo sa pagluluto."natatawang saad niya.
So piece of advice niya 'yon? Napatawa nalang din ako.
Kayo talaga Manang.Nadala niyo po ako sa mga Love Warnings niyo.
"Ang lulutuin natin ay simpleng pakbet lang.Ito lang kasi yung madaling lutuin."sabi ni Manang.
"So ang una nating gagawin.Hintayin muna nating matuyo yung kunting tubig sa pan.Parang pag-ibig lang din Abi.Dapat matuto kang maghintay dahil darating din naman yan.Di man ngayon o bukas pero darating talaga ang tamang panahon.Pero usapang ex lovers? Pag may feelings ka pa sa kaniya you should try to wait until time goes by na mawawala na yung feelings na yun saka ka ulit umibig muli.Wag yung gagawin mo na panakip butas yung isa.Wag na wag mong idamay si Present sa problema niyo ni Past dahil paniguradong maaapektuhan niyan si Future."
Napalunok ako dun ng ilang beses.So ganun pala yun?
Nakamove na man ako diba sa pisteng ex ko na yun? Teka, parang wala naman akong naging ex? Or I'm too good at burying someone who broke me that I could not remember the feelings anymore and the boy at the same time?
Nakakaamaze talaga si Manang.Halos tumulo ang laway ko sa mga sinasabi niya.
Gosh,yung totoo 65+ na ba talaga siya o teenager palang?
Wala naman akong maisagot o masabi manlang.I am damn so speechless.
Talaga namang matatalino at sanay ang mga matatanda sa wikang Ingles.Talagang nakinig siya sa mga amerikanong mananakop o kung tawaging Thomasites.Yan ba yung tawag dun? Yung mga guro from America?
Ay ewan.Basta yun yung naalala ko sa discussion ng aking guro nung senior high school.
"Susunod naman.Ilalagay na natin yung mantika.Then after,yung mga spices naman.Mas maraming sangkap mas masarap.Pero sa relasyon di pwede yung marami ha.Dapat maging loyal ka at alam mo yung salitang stick to one hindi yung gagawin mong 3 in 1 ang inyong relasyon.Pagkatapos, bantayan mo itong mabuti para hindi masunog. Dapat lang na maging mapagmatsiyag ka. Baka kasi di mo namamalayan, naagaw na pala siya ng iba diyan."
"Oh heto,ikaw muna ang humawak nito."dagdag niyang sabi at ibinigay sa akin yung laddle.
Kinuha ni Manang yung gulay at nilagay ito.
"Haluin mo."ginawa ko naman agad ang kaniyang sinabi.
"Pagkatapos mong mailagay yung vegetables dapat haluin mo ito ng madalas dahil kung hindi baka hindi maluto lahat.Kung irerelate natin sa relasyon.Dapat alam niyong balansehin ang oras dahil importante yung may time kayo para sa isa't-isa.After a couple of minutes,ihalo mo yung baboy at tuyo.Pagkatapos, kung hindi mo napapansin...sa pagluluto nga marami kang ihinahalo.Sa relasyon niyo pa kaya? Darating talaga yung time na susubukin ang tatag ng inyong pagsasamahan.Pero ang tukso ay kaya namang pigilan at iwasan.May darating talaga kasing pilit na makikihalo sa inyo.Yan yung mga malalandi na walang ibang dala kundi problema.Pero kung tutuusin dapat ay pasalamatan pa natin sila."
Huh? Really? Sila pa talaga ang pasasalamatan? Sila na nga yung naninira ng relasyon? Parang gusto kong magreact sa sinabi ni Manang.I strongly disagree.Pero napanganga na naman ako sa idinugtong niya.
"Kasi kung hindi sila dumating eh di mo malalaman at mapapatunayan kung dapat bang mahalin ng panghabang buhay ang jowa mo at kung worth it bang ipaglaban ito? Lahat deserve ang second chance gaya nga ng sabi nila,"Love is sweeter than the second time around."pero nasa tao na rin yan.If you want to risk though walang kasiguruhan at may possibility pang ikaw ay masaktan.May mga tao din kasing hindi natututo sa kanilang naging kasalanan bagkus ito'y dinadagdagan pa ng isa pang kasalanan.Naku Abi! Lumayo ka sa mga ganyan.Malala na yan.May sakit na yan."
Tumigil muna si Manang at tinakpan ang pan.
Ang galing niya talaga. Pati pagsasalita ng English, nagulat ako roon.
"Maghintay muna tayo ng ilang minuto at maluluto na ito."sabi niya.
Pero hindi yun ang hihintay kong sasabihin niya kundi ang karugtong ng kaniyang advices sakin.
Naupo kami sa mga upuan doon na magkaharap.
"Kung nagkaroon man kayo ng di pagkakaintindihan o biglang naging cold ang inyong pagsasamahan.Matuto kayong magbigay ng space to each other.Hindi yung away lang kayo ng away na mauuwi tuloy sa hiwalayan."
"Kagaya nitong pakbet na ating niluluto.Magiging ganito kasarap at kaganda ang resulta ng lahat.In the end of the day, challenges and ingredients doesn't matter but the love,trust & commitment that you gave to each other.So ano Abi? Tingin pa lang ulam na ba?"nakangiting tugon ni Manang at ipinakita sakin ang isang servings nung pakbet.
Nagthumbs up ako at kumuha ng ilang plato dahil kakainin na namin ito.
"Wow Manang.Ang sarap."I said as I've tasted the pakbet of love hehe.
Ngumiti lang si Manang.
"Ang kakaibang lasa ay bunga sa pagmamahal natin sa pagluto diyan.Kung sa relasyon ang masarap na lasa ay isang biyayang bata."
Pinamulahan ako sa huling sinabi ni Manang.
God! Tama tama tama naman...
Nakakainspire yung lecture ni Manang Rusing.
Pwede itong si Manang sa Showbiz ha.
Ba't di ko kaya siya tulungang mag-audition sa PGT o kaya'y sa funny one? For sure,tatanghalin pa siyang Grand Champion.Daig niya pa ang Unkabogable Star na si Meme Vice...
Teka nga.....may pinaghuhugutan ba itong si Manang?
Tatanungin ko na sana pero hindi na natuloy dahil nagsidatingan ang mga kaibigan ni Clinton at huling siyang pumasok.