Chapter 10 - Chapter 9

Mag-iisang linggo na kaming nandirito lang sa mansion.Minsan aalis sina Clinton with Matt & Red Girl,minsan naman si Marga o kaya'y si Josh ang kasama.But never pa akong isinama ng loko. I wonder why?

At yun ang pinakamalungkot sa lahat.

Sa nagdaang mga araw, medyo naging close na kami ni Marga at Matt but yung Miranda? Ewan ko nalang kung may plano ba 'yong kausapin ako.

Nalaman ko kay Marga na pinsan pala yun ni Clinton sa Mother side.Kaya pala may pagkakapareho sila ng ugali. It runs in their blood to be mysterious, cold and their aura screams danger.

Anyways,nandito kami ngayon sa dining room upang kumain ng lunch. Gaya noong una kaming nagkasabay-sabay, ganun parin yung puwesto namin.

Ito ang pangalawang beses na kumpleto kami ah?

Minsan kasi lakad ng lakad sila.Kaya kadalasan kapag kainan na dalawa o tatlo yung wala.

"Naayos mo na ba ang schedule mamayang gabi Perkins?"

"Ah yes Boss.Inaprobahan na ni Mr.Anderson yung shipment."sagot ni Josh dito.

Shipment na naman?

"Pero Boss may problema tayo.Mukhang nakikialam na ang Deadly Scorpions sa mga shipments natin."sabi naman ni Winsley.

"Siguraduhin lang na walang aberya.Pag nagkagulo... alam niyo na ang gagawin."nakasmirk pang hirit ni Clinton.

"At Miranda? Yung pinatrack ko sayong location ni Stathan? Nalocate mo na?"

"Yes couz."sagot nito.

"Good..."ngiting-ngiti naman si Miranda sa naging reaction ng pinsan niya.

Bakit niya ako hinayaang makarinig sa pinag-uusapan nila?

Sa nakaraang mga araw, napapansin kong napapadalas ang pagpapatawag niya ng meeting sa kanila. Still, palaisipan parin sakin kung anong organisasyon itong pinumumunuan niya.

Shipment? Ilang beses ko nang narinig ang salitang yan sa kanila.

Anong ibig sabihin ng shipment na tinutukoy nila?

"... Marga? Ikaw na ang bahala kay Abi."sabi ni Clinton kaya napatingin ako sa kaniya.

Anong si Marga na ang bahala sakin?

Kukupkupin ako ni Marga?

Ibinenta niya ako? Ano?

Hindi maaari.

Oh Abi! stop it.Umandar na naman ang kabaliwan mo.

After nung lunch, hindi ko na naman sila nakita.Ewan ko lang kung nasan sila.Nakakapagod ring maghanap noh.

Hindi ako tuta para hanap-hanapin ang mommy ko.Duhh!

Si Marga lang ata yung naiwan.

Kung ganun? Seryoso pala si Clinton dun sa sinabi niyang si Marga na ang bahala sakin.

Pero bakit naman niya ako ibinilin? Kaya ko naman ang sarili ko.

Pinamumukha niya ba saking baby na baby pa ako?

I don't need a baby sitter.

"Abi... Let's go?"she said bigla.

Huh?

Curious naman ako kung bakit pero imbis na tanungin siya sumunod lang ako kung saan kami pupunta.

May pinindot siyang parang pocket WiFi lang ang laki.Tumunog naman ang red car niya.

W-O-W!

Pumasok siya sa loob kaya't sumakay na din ako.

Saan ba kami pupunta?*natanong ko nalang saking isipan.

Lumabas kami ng mansion & I don't fucking have a clue kung saan niya ako dadalhin.

Mamamasyal ba kami?

"Hey Marga.San tayo?"

Di naman siya bumaling sakin dahil busy siya sa pagmamaneho pero sumagot siya.

"We are going to the HQ."sabi niya pa.

HQ? Ano yun?

Hindi naman ako nakapagtanong ng follow up question kasi bigla-bigla niya nalang epinull speed ang takbo ng kotse.

God!

Natatakot akong tumingin sa kaniya pero nakita ko siyang kalmang-kalma pero napapatingin siya sa side mirror.

Anong meron?

Kaya't lumingon ako sa likuran namin.

Napakunot ang noo ko at nagsimula nang tumibok nang mabilis ang aking puso.

May mga itim na kotse na sumusunod sa amin.Nanlaki ang mga mata ko at napasigaw nang may bumaril sa amin.

Damn. This is freaking familiar. I

"Ahhhhhh."sigaw ko at napatakip ng ulo.

Hindi pa naman bulletproof itong kotse ni Marga kaya't mabubutas ito sa dami ng balang tumama.Nagulat ako nang abutan ako ni Marga ng baril.

"Kunin mo."casual niyang sabi at tila'y walang pake sa mga sumusunod samin.

Hindi ba siya natatakot?

Pero teka? Anong gagawin ko sa baril?

"Huh?"nagtatakang saad ko.

Napasinghap ako at agad namang nasalo nang itapon niya ito bigla sa akin.

Medyo mabigat ito pero ang cute-cute ng porma nito.

"Anong gagawin ko dito?"inosenteng tanong ko.

For the first time nakita ko siyang umirap.

"Try mong ipukpok sa ulo mo."sagot niya.

Huh? Seryoso ba siya?

"Hay Abi! Wala ka bang alam sa bagay na yan?"di makapaniwalang saad niya.

Napalunok naman ako.

"Marami kaya...ako pa...Alam kong isa itong baril na pag kinablit mo ito sa bandang dito.Puputok ito at may lalabas na bala." pagmamagaling ko pa.

"Wag mo sa akin itutok.Shit!"sigaw niya.

Agad ko namang iniwas baka kasi mabull's eye pa siya.

"Ahhhhh."napasigaw ako bigla nang may bumangga samin sa likod.

Muntikan pa kaming mabangga sa malaking puno mabuti nalang at fully alert itong si Marga.Agad niyang natapakan ang break.

"Barilin mo na."utos niya.

Kaya dali-dali akong dumungaw sa bintana at itinutok sa kanila ang baril.Agad ko itong kinablit dahilan para mahulog nang matamaan ko yung lalaking punong-puno ng tattoos.

Napalunok naman ako at natigilan nang maliwanagan.

I k-killed him?

K-kaya kong p-pumatay?

Sa pagkabalesa ko diko namalayan nabitawan ko ang hawak na baril.Nagulat nalang ako nang hilanin ako ni Marga sa loob.

"Shitt."narinig kong mura niya

Nanlaki ang mga mata ko nang may dump truck na paparating.Napansin ko rin na nasa gilid na namin ngayon yung kalaban na humahabol at walang tigil sa pakikipagbanggaan kay Marga.

Kinabahan na ako ng sobra-sobra.

"Marga may truck na paparating."nagpapanic kong tugon pero hindi niya ako pinansin.

Napalunok naman ako ng ilang beses nang maglabas siya ng isa pang baril.

Makikipagbarilan siya while driving?

Is she out of her mind?

Paano kung magsalpukan kami at nung dump truck?

God....

Agad niyang itinutok sa kotseng dumidikit sa amin at walang pagdadalawang-isip na paulanan sila ng bala.

Butas na butas ang kotse nila at nakita ko pang nagpagewang-gewang yung kotse ng kalaban.Ibig bang sabihin patay na sila?

Agad na tinapakan ni Marga yung break at mabilis na pinaatras yung kotse namin.

Bumangga naman samin yung isa pang kotse sa likod.

Shit...

Ba't ang dami nila?

Màbuti nalang at nakaseatbelt ako dahil kung hindi nasubsob na ako dito.Nagsalpukan naman yung dump truck at yung kotseng nagpagewang-gewang.

Napasigaw ako at dumapa nang may bumundol na naman sa amin.Itinigil ni Marga ang kotse at lumabas samantalang ako ay iniwan sa loob.

What the hell?

Kaya niya ba ang mga ungas na yun? Ang dami-dami ng mga yun.

Nakita ko siyang nakipagbarilan dun.Napahinto naman ang mga kotse nito dahil ang mga gulong nila ang pinuntiraya't tinamaan ni Marga.

Pero ang hindi ko inasahan ay ang biglang pagbukas nung pinto sa gilid ko.Nanlaki ang mga mata ko nang may makakapal at maugat na kamay ang humawak saking kanang braso.Nang mag-angat ako ng tingin.Isang nakangising demonyo ang bumungad sakin.Agad ako nitong hinablot kaya't napapasigaw ako.

"Ahhhhh."pilit niya akong pinalabas ng kotse habang hila-hila ang aking buhok.

Ang sakit...

Kinaladkad ako nito...

Feeling ko matatanggal ang lahat ng buhok ko.

"Bitawan mo siya..."

Nabuhayan ako ng pag-asa nang marinig ang boses na iyon.

Napatigil yung lalaki maski ako.

Nang mag-angat ako ng tingin nakita ko si Marga na may hawak na baril na nakatutok sa lalaking kumakaladlad sa akin.

Napasinghap ako nang hilanin ako nito papalapit sa kaniya at hinawakan ang banda leeg.

Halos hindi ako makahinga nang maramdaman ang malamig na bagay na dumampi sa aking leeg.Nanginig ako sa takot nang mapagtantong isa pala itong matulis na kutsilyo.

"Diyan ka lang! Wag kang gagalaw kung hindi? Gigilitan ko sa leeg ang babaeng ito."sigaw nung lalaki at dahan-dahan akong kinaladkad na naman.

Nanlumo ako,nanigas at pinagpawisan ng sobra.Nasulyapan ko naman ang napatigil na si Marga at nag-aalalang tumingin sa akin.

Napabaling ang atensyon niya nang marinig at makita ang nagsidatingang kotse ng kalaban.

Mas lalo akong nawalan ng lakas ng loob at nag-aalala sa buhay ko maski na si Marga.

Nakita kong napatago si Marga sa isang kotse at nakipagbarilan siya sa mga ito.Pilit naman akong ipinapasok nung demonyong mukhang orangutan sa kotse nila.

"Stay here baby hahahaha."sabi niya na nakangisi.Kinalibutan ako sa kademonyuhan ng pagmumukha niya.Para siyang rapist na drug addict.

Nilock naman ako nito sa loob ng kotse at siya'y tumungo na para dakpin din siguro si Marga.

Di ako mapalagay at pinagsuntok-suntok ang salamin ng kotse.Pero sakit lang ang aking natamo.

Pinagsisipa-sipa ko ito ngunit hindi ko ito mabuksan o mabasag manlang.

Kailangan kong makalabas dito at matulungan si Marga.Di niya kakayanin ang mga kalaban sa dami ba naman nito.Puro lalaki pa at parang mga bouncers ng isang bar.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang may lalaking pasekretong umikot sa likod ng kotseng pinagtataguan ni Marga.Siguro ako na hindi niya ito napapansin o mapapansin sapagkat abala siya sa lintek na mga kalaban.

Marga,sa likod mo huhu!

Napasabunot ako ng sariling buhok sa frustration at nag-aalala.Nagpapanic akong hinalungkat ang bag dun sa backseat.Kung minalas nga naman.Wala akong makitang bagay na pwedeng pambasag o pambutas sa bintana ng kotse.

Napako ang mga mata ko sa maliit na drawer nung kotse o kung tawagin sa English ay glove compartment. Dali-dali kong binuksan iyon.

Bumungad sa akin ang isang kulay pulang baril.Nanginginig ko namang itong kinuha.

It's not about killings Abi.Nakasalalay ang buhay mo dito.It's all about defense and saving yourself. And you need to help Marga.

Napalunok ako nang biglang bumukas ang pinto ng driver seat at pumasok yung kumaladkad sa akin kanina. Agad kong itinago ang baril sa tabi ko.

Hindi ko siya pinansin dahil nakatuon ang titig ko sa kinatatayuan ni Marga.Nanlaki ang mga mata kong makita siyang hawak ng lalaking kalaban.Nagpumiglas siya at hindi sumuko.Pinabagsak naman siya nung walang awang orangutan.

Tinamaan siya?

Mas lalo akong nagpanic nang marinig na pinaandar nitong dumakip sakin ang kotse. Mas dumoble ang takot at pangamba ko nang makitang patakbong pinalibutan ng mga hangal na kalalakihan ang nakakaawang si Marga.

Napaiyak na ako sa galit at takot.

"Saan mo ako dadalhin? Palabasin mo ako rito?" nangqiqil kong sabi sa driver na ungas.

"Tumahimik ka kung ayaw mong makasama si kamatayan ng maaga."

Naikuyom ko ang kamao. Is it really human nature to feel this way when we're scared or something? What runs in my mind right now is to fight back. By doing so, I need to be brave enough to defeat these demonic creatures that was sent from hell.

Gaguhin mo na lahat.Wag ako!

"Bago mo pa man nagawa yun. Uunahan na kita."nagtagis bagang kong sabi sabay tutok ng baril sa ulo niya.

Napatigil naman siya at nanlaki ang mga mata.

Wala na akong sinayang na oras.Walang pagdadalawang-isip kong kinablit at pinasabog ang kaniyang ulo.Tumalsik naman sa buong kotse ang dugo.

No signs of fear. No feeling shocked or even scared. No regrets of what I just did. I don't know how did I made it without repenting after. I feel alive. I need to save Marga.

Dahan-dahan siyang bumagsak pero agad kong tinira ang pinto ng driver seat at pinatid na rin ito kaya't nahulog siya sa kotse.

Nakita kong lumiko-liko na yung kotse. Like my usual trick, agad kong binuksan ang pinto sa gilid ko.Bago pa man sumalpak sa isang puno yung kotse agad na akong tumalon at nagpagulong-gulong sa kalsada.

Mabilis pa sa kidlat akong bumangon at tumakbo pabalik doon sa main crime scene.

Wait for me Marga!

Nakita kong kinakaladkad nila si Marga na ngayo'y punong-puno na ng pasa at binaril pa yung binti niya.

Nanginig ako sa galit at nagdilim bigla ang aking paningin.

Like a candle light spreading into a massive fire in a big old city.

Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas at tapang na ito.But what's in my mind right now is to kill those bastards & seek for vengeance.

Patakbo akong sumugod sa kanila.Nakita ko yung kotse ni Marga na butas-butas na at ito'y malapit lang sa kanila.

Buong puwersa akong tumalon dito at tumayo sa ibabaw nito. Pagkatapos, wala akong pag-alinlangang tumalon mula sa taas papunta sa kanila.

Agad kong sinipa ang lalaking malapit sa akin at sinuntok naman ang nasa kabila.Agad akong tumakbo at tumambling nang mapansing babarilin ako ng isang nilang kasamahan.Pagkatayo ko agad kong hinablot ang baril na isinuksok sa gilid ng aking pantalon.Agad ko namang pinaulanan ng bala ang mga nakatayong mga ungas. Isa-isa silang humudsay at bumagsak sa kanilang kinatatayuan.

Naramdaman ko ang pagsulpot ng kung sino sa likod ko.Pansin ko din ang agarang paghampas nito ng tubo sakin pero nagawa kong e-sway ang katawan at naiwasan ito.Mabuti nalang at naging alerto ako kung hindi? Baka nagcrack na ang mga boto ko.Binalak niya ulit akong hampasin sa pangalawang pagkakataon ngunit inunahan ko na ito sa pamamagitan ng pagpatid sa tuhod niya at inagaw agad ang tubo mula sa kaniya.

Agad ko namang ihinampas ng buong puwersa sa katawan niya.

"Ahhhhhhhhh."sigaw nito.

Bumalibag siya dahil sa bandang tiyan ko siya hinampas at hindi na ito nakatayo pa.Bumulagta ito sa kalsada malapit sa gulong ng kotse.

Hindi ko naman inasahan ang sunod na nangyari.

"Ahhhhhhhhhhhhh."napasigaw ako sa sakit nang may biglang pumatid sa akin at napasubsob ako sa lakas ng impact.

Nang mag-angat ako ng tingin, pinapalibutan na ako ng mga malalaking nilalang na may mga tattoos sa kanilang mga braso at halos buong katawan may ganun.

Saan naman sila nanggaling?

Ang akala ko'y naubos ko na sila kanina sa pagpapaulan ng bala.

This is ridiculous.

Mas lalo kong tinatagan ang sarili, nang makarinig na naman ng ingay ng nagsidatingang sasakyan.

Kung kalaban na naman sila dapat lang na hindi ako magpapadaig upang hindi ako o si Marga ang mawalan ng buhay.

Anim silang pumalibot sa akin.Dahan-dahan akong tumayo at naghanda sa pagsugod nila.Napakapa ako sa aking bulsa at may mga bagay akong nahawakan.

"Huwag ka ng lumaban pa."

"Sinasaktan mo lang ang sarili mo."sabi nila habang nakangising parang mga adik na nawawala sa katinuan.

"Pero pare mukhang virgin toh.hahaha"sabi nung isang mukhang manyakis at nagtawanan sila.

Tiningnan ko siya ng matalim at naikuyom ang aking kamao.

"Gaguhin niyo na lahat.Wag ako!"nakasmirk kong sabi at walang pag-alinlangang kinuha saking bulsa ang mga daggers na nakuha ko kasama nung baril sa drawer nung kotse.Agad akong umikot-ikot at diretsong ihinagis sa kanila isa-isa ang mga ito.Isa-isa naman silang natumba pero hindi pa sila patay.

Bago pa sila makabawi agad kong pinulot ang natapong baril. At walang awang binaril sila isa-isa.

Nagulat ako nang may pumatid sa hawak kong baril kaya't tumilapon ulit ito.

Nang tingnan ko kung sino ito. May isa pa pala na nakaligtaan ko.Siya ay may dalang kutsilyo habang ako'y napapatingin sa lugar na pinaglandingan nung baril.

Mukhang alam ni ungas ang aking plano kaya naman agad niya akong sinugod.Nang sasaksakin niya ako umiwas-iwas lang ako.Hindi ko naman kasi maagaw-agaw ang kutsilyo dahil mas malaki siya sakin.Nang tumagal, mas napag-aralan ko na ang galawan niya.Kaya naman nag-isip ako ng plano.

Nang sasaksakin niya ulit ako.Agad kong pinigilan ang kamay niya at hinawakan ang ugat ng kaniyang kamay nang mahigpit.

"Ahhhhhh..."sigaw niya at nabitawan ang kutsilyo.

Binigyan ko siya agad ng suntok sa mukha at bandang tiyan.Napahawak naman siya sa bandang tinamaan ko.

One perfect move to easily knock down a guy!

Dapat mapuntirya ko ang bandang ari niya.

Galit na galit siyang nakatitig sakin.

Ano ang gagawin ko?

Napangisi ako nang makita siyang galit at qiqil na qiqil na sumugod sakin.Agad ko namang ginawa ang planong pumasok saking isipan.

Pinulot ko ang nakitang tubo at tumakbo at siya naman ay humabol sakin.

Nang malapit na ako sa isang puno.Buong puwersa akong tumalon dito. I don't how how but I did it, sinalubong ko siya nang malakas na hampas.

"Aaaarckkkkkkk!"impit niyang sigaw nang matamaan ang bandang balikat niya.Paniguradong bali-bali ang mga buto niya.

Napapikit ako at napahingang malalim.

Handa na sana akong sumugod dun sa mga nilalang na akala ko'y kalaban na nagsidatingan pero napatigil ako at nabitawan ang hawak na tubo nang makita't makumpirma na sila Josh,Miranda,Matt at Clinton ang mga ito na nakangangang sinaksihan ang lahat.

Hindi ko sila pinansin bagkus hinanap ng mga mata ko ang kinalalagyan ni Marga.Wala pa rin siyang malay.Ewan ko ba pero nawawalan ako bigla ng lakas.Namalayan ko nalang na dahan-dahan akong bumagsak.

"ABIIIIIIII!"rinig kong sigaw ni Clinton at yun ang huli kong narinig bago ako mawalan din ng malay.