Nagising ako kinaumagahan sa loob ng kwarto niya.Agad akong bumangon.
Ang huling maalala ko ay bumabiyahe kami papunta sa bahay niya.
Nakatulog ba ako sa biyahe? Napalunok ako at pinamulahan ng mukha sa naiisip.
Binuhat niya ako papunta rito sa kwarto?
Napatingin ako sa suot ko.Ganun parin,Thank God!
Nakita ko naman yung flat shoes ko sa baba ng kama. Siya din ba ang naghubad nyan?
Napasyahan kong lumabas ng kwarto.
Kanina pa ako lakad ng lakad wala naman akong nakakasalubong na kahit sino.
Nasan ang mga tao rito?
Dumiretso ako sa kusina at nagtimpla ng gatas.
After maubos 'yon, hinanap ko agad sila.Wala sila sa sala.Wala sa pool.Wala sa may garden.
Nakita ko lang yung mga tauhan niya roon. Mukhang kompleto naman ang mga kotse niya sa garahe.
Ang tanong,saang lupalup ng mansion sila ngayon?
Napaisip naman ako kung saan sila pwedeng tumambay.
Dali-dali akong umakyat sa taas at tinungo ang left side.
Naalala ko kung paano mabuksan itong pinto na walang door knob.I scanned my palm at the center-part.Bumukas naman ito agad. Ngunit agad din akong napaatras sabay peace sign nang makitang lahat silang nandoon ay napalingon sa akin.
Gosh,nakakahiya.
Anong gagawin ko? I don't know what to say either.
"Hehe.Sorry"parang timang kong sabi at tumalikod.
Bahala na nga.
Hingal na hingal akong pumasok sa kwarto.Napahawak ako sa dingding dahil feeling ko magcocolapsed ako sa parang marathon na pagtakbo.
Napatingin ako sa pinto ng bathroom.
Makaligo na nga!
Akmang tutungo na ako pero napako ang mga mata ko sa isang bagay na nakapatong sa ibabaw ng bedside table.
Dali-dali ko itong nilapitan at walang pagdadalawang isip na ito'y kunin.
Ba't nandito ang cellphone niya?
Di kaya dito rin siya natulog kagabi?
Napatakip ako ng bibig at nanlaki ang mga mata.
Oh my god! Oh my god!
I can't imagine him sleeping beside me.Tapos nakaunan ako sa braso niya?
No no,geeeze!
Napailing-iling ako saking naiisip.
Di kaya?
Oh my god!
Di kaya nakuha na niya?
Bumigay ba ako?
Pinagsamantalahan niya ba ako habang ako'y walang malay?
Dali-dali kong kinapa ang mga bahagi ng aking katawan.Wala namang kahit anong masakit sa kahit saang parte.
Hindi din masakit yung ano ko.Basta.
Abi,wag kang paranoid.Walang nangyari.Ikaw pa rin ang babaeng 100% virgin.
Agad kong binuksan ang cellphone niya without minding kong hindi man ako nagpaalam na gamitin ito.
Like the usual,I ignored those unread messages & calls.Agad kong idenial ang number ni Nicole.
Nicole,sagutin mo...
Nagring lang ito ngunit walang sumagot kahit pa binalik-balikan ko itong tawagan.
Napapalingon ako sa pinto baka sakaling pumasok bigla si Clinton.Inis kong ikinancel nalang ang pagdenial sa kaniya at idenial ang number ng isa pang kaibigan,si Nathan.
Pinagpawisan naman ako sa kaba at nanginginig na yung tuhod at mga kamay ko.Napahinga ako malalim at napahigpit ang hawak sa cellphone nang sa wakas sumagot ito.
"Hello Nathan!"exciting ngunit pabulong kong sabi.
"Sino ito?"
"Ako ito"
"A-abi? ABI? Nasan ka? Okay ka lang ba?"gulat na gulat at nag-aalalang sunod-sunod na tanong niya.
"Okay lang ako.Ikaw? Si Nicole? Yung babae? Nagising na ba siya?"
"Sigurado ka? Teka nasan ka ba talaga? Pupuntahan kita."
"Okay lang naman ako.At si Nicole naman.Pinagbakasyon nila Tito sa Canada.Yung babae gising na."sabi niya.
"Okay lang din ako.Di na ako magtatagal.Ibaba ko na ito.Basta pakisabi kay Nicole na wag ang alalahanin dahil nasa mabuti akong mga kamay.Sige paalam na."mabilis kong sabi at pinindot ang end call button. Also, I deleted the call history.
Naitapat ko pa yung cellphone ko sa bandang puso ko.Grabe, di ko maexplain ang kabang nararamdaman.Halos atakihin naman ako sa puso nang bumukas bigla ang pinto.
It takes me a minute bago ako napalunok na humarap kay Clinton na walang kaemo-emosyon ang mukha.
Hindi niya naman siguro narinig ang pagtawag ko kanina?
"Ano ka ba naman Zach! Ginulat mo ako dun."sabi ko at napahawak-hawak pa sa puso.
Nakanunot-noo naman siyang tumingin sakin.Napapaiwas ako dahil hindi ko mawari ang kaniyang mga titig.
Patay!
Bakit ba ako nagkunwaring nagulat pa? Eh too late reaction naman iyon.
"Bakit mo hawak ang cellphone ko?"tanong niya bigla na ikina-alburto ng kaluluwa ko.
Napatingin naman ako sa cellphone niyang hawak na hawak ko nga.
Napalunok ako at nag-isip agad ng idadahilan.
"Ah ito? Phone mo nga.Hehe Ano kasi tiningnan ko lang naman kung anong oras na at ginamit ko lang pangsalamin."natatawa at natural naman na parang joke kong sabi.
Sana lang hindi niya mahalata na ako'y pumaparaan para hindi siya maghinala.
Wala naman akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya napakagat-labi ako sa loob.
Isip-isip ng sasabihin Abi para maiba ang mood niya.
"Nugawa mo dito? Diba may meeting kayo roon?"
Mas lalong tumalim ang mga titig niya dahil siguro sa tanong ko siguro kaya napashut-up ako.
Ba't ba kasi yun ang itinanong mo Abi?
"Ah-eh alam ko na.Naiwan mo pala itong phone mo.Hehe heto na."sabi ko at pangiti-ngiting ibinigay ito sa kaniya.
Wala naman siyang nagawa kundi ang tanggapin ito.
"Sige...Ligo muna ako."sabi ko at dali-daling tumalikod.
"Wait...."
Napatigil ako at napapikit muna bago siya hinarap ulit.
"Yes?"nakangiting sagot ko pa.
Ako na talaga,magagamit ko pala talaga ang pagiging theater actress nung high school.Tanda ko pa,lagi akong bida sa mga Zarzuela,Broadway at mga heavy drama.
"Wag kang lalabas ulit ng kwartong ito nang hindi ka pa nakapanghilamos."diretso-diretsong sabi niya pa at iniwan akong napanganga.
Napatakip ako ng mukha nang makuha ang ibig niyang sabihin.
Do I looked like a mess?
Dali-dali akong kumiripas ng takbo papasok ng bathroom.Agad ko namang tiningnan sa salamin ang reflection ko doon.Nanlaki ang mga mata ko nang masilagan ang hitsura ko. Napahilamos ako ng diretso-diretso at tinapik-tapik ang mukha.
Gosh Abi,nakakahiya ka.
Wag mo ng ulitin pa iyon.Nakakahiya talaga.Sana siya lang talaga ang nakapansin nung buhok kong parang sinabunutan ng mga step-sisters ni Cinderella.
Bakit ko ba kasi nakalimutang magtoothbrush at maghilamos pagkagising? Edi sana na check ko kaagad sa bathroom mirror kung kaaya-aya ba ang ayos ko.
Naligo nalang ako for a couple of minutes then after, naghalungkat ng mga susuotin sa closet niya.Akmang kukuha ulit ako ng boxer shorts at V-cut shirt but then napatigil ako at napaawang pa ang bibig nang tumambad sa akin ang mga suot pang babae na pwede sa buhay,casual attires atbp.
Oh my Goodness.
Did he bought all of these for me?
Pumili ako ng isang sleeveless at isang maikling shorts.Pero agad kong pinalitan ng leggings dahil medyo naaawkwardan ako sa ikli.Hindi lang ako sanay siguro.
Medyo mahaba naman yung sleeveless kaya hindi bumabakat yung likod at harapan ko.
Pagkatapos ko roon,lumabas ako at tinungo ang kusina.Mag-aalas nuebe narin kasi ng umaga at nagkakagulo na ang mga alaga ko.
Hula ko walang tao roon ngayon sa dining room.Kaya chill-chill lang ako.
Pero napalunok muna ako bago dumiretso papasok kasi nakaupo si Clinton sa may edge nung rectangular table at sa mga gilid-gilid ay yung mga friends niya.
Nahihiya tuloy akong dumiretso papasok.Kung si Clinton lang mag-isa siguro'y okay lang sana.Pero kung kasama ang mga barkada niya. Gosh! Si Josh lang naman ang kilala ko sa kanila.
"Hey Abi... Come & sit here."sigaw ni Josh na may kaway pa sabay turo sa tabi niyang upuan.
Napasmile naman ako at tinungo na ang katabi niyang upuan.
Ang harsh ko namang tanggihan siya.
Akmang uupo na ako pero..
"Move Perkins.She'll sit beside me."
Napatigil ako maski ang lahat ng naroon.
It's not just a simple statement from their boss, but a command in a bossy tone.
Napaismid naman si Josh bago tumayo at umupo sa upuang dapat uupuan ko.
Pinaghila naman ako ng upuan ni Clinton kaya nailang ako lalo at mas lalong nahihiya sa mga titig nila.
Umupo ako agad.Nahihiya kong pinagmasdan silang lahat.
Silbi ganito yung set-up namin.
Katapat ko si Red Girl while katabi ko si Josh at si Clinton.Katapat naman ni another guy si Josh at sa kabilang edge nung table ay yung isang babae na katapat ni Clinton.
"Introduce yourselves..."Clinton suddenly said.
Nagtinginan naman sila.
Umubo itong nasa kanang tabi ko at nagtaas pa ng kamay.
"Josh Lei Perkins at your service!"nakangiting sabi pa ni Josh.
"I'm Matt."sabi nung isang guy sabay kaway.
"Marga Lopez here"White-hair girl said.Para siyang foreigner.Is she an American? Hula ko lang based on her physical attributes na napapansin ko.
Ningitian ko siya kasi nangiti siya eh.Mukha siyang friendly kaya sana'y magkasundo kami.
Napatingin kaming lahat kay red girl.Mukhang wala siyang balak magsalita ah?
She's fierce I can see it.
"Ako na ba? Miranda is my gorgeous name."parang sarkastikong pagpapakilala niya pa.
I even see how she rolled her eyes without bothering to glare at my direction.
Anong problema ng babaeng toh?
Sila namang lahat ngayon ay napatingin sa akin.Naeexcite tuloy ako sa boggalicious kong introduction.
Hingang malalim.Smile!
"Hi Everyone.I'm Abigail Suzanne Rivera...20 years old.Call me "Abi" for short.Minsan ng umibig.Minsan na ring nasaktan.Minsan ng iniwan at minsan ng pinaglaruan.Gayunpanan,pilit ng lumalaban dahil ang buhay ay weather-weather lang."mahaba ko pang introduction.
Nakita ko namang napasmile smile yung si Marga at isang guy sino ba siya ulit? Ay Matt pala.Napapalakpak naman si Josh kaya feeling ko I've done it in a nice way.Pero napaawang ang bibig ko nang makitang nagsimula ng kumain si Clinton at sumunod sa kaniya si Red Girl.
Walang manners talaga ang gago.
Dumagdag pa ang babaeng ito.Pareho silang dalawa.
Umubo si Josh at sinabing;
"Kainan na."
Kainan na? Eh nauuna na yung dalawa.Nakakabanas naman oh. Ilamon ko nalang ito ang sama ng loob.
Walang nagsasalita maliban samin ni Josh na ang ingay-ingay.Nahawa na ba siya sakin o ako sa kaniya? Ah basta pareho kami.Hehe
"Heto Abi.Try this one.Paborito ko ito."sabi niya sabay kaway sa plato ko nung pagkain.
Agad ko namang tinikman ito.Parang asong ulol naman siyang naghihintay sa reaction bko.
"So how is it?"
"Ang sheerrahhp."sabi ko at ninguya-nguya at tila'y gusto ko pa ng maraming ganun.
Kumuha naman si Josh ng marami at nilagay sa plato ko ulit.
Napatingin naman kaming dalawa kay Matt na parang nabibilaukan kaya't agad siyang inabutan ni Marga ng baso ng tubig.
Parang tanga namang bumaling sakin si Matt.
"Alam niyo.Bagay kayo."hirit pa ni Matt.
Pinamulahan naman ako sa hiya.God! Kami ni Josh talaga?
Wala namang nagreact in words ngunit sabay na napainom ng tubig si Marga at nitong katabi kong si Josh.Napalamon naman ako ng isang hiwa ng beef steak.
Ang awkward nun.Geeeze!
On the other hand, Miranda is smiling genuinely.Nakita ko naman ang higpit ng hawak ni Clinton sa baso niya.
Anong trip ng 'sang 'to?
"Haha.Ano ka ba? Tao kami hindi bagay haha"sabi ko na natatawa kaya napatawa na din siya maski sila Josh at Marga.
Meanwhile Miranda & Clinton?
Ay ewan ko sa kanila. Ang pangit kabonding.
"Haha oo nga.Naisahan mo ako roon Abi ha."tawang-tawa na sabi pa ni Matt.
Pero natigil at natahimik ang lahat nang malakas na inuntog ni Clinton ang kaniyang kutsara sa plato niya.
"Don't speak nonsense things while eating."cold niya pang sabi.
Naramdaman ko yung boses ni kamatayan.
Pero duhhhh! Anong drama na naman ito Clinton?
Teka nga,ba't parang nagtutunog annoyed siya?
Napailing nalang ako at tinuloy silently ang pagkain ng breakfast.
Nang matapos ang lahat, nagpresenta akong maghugas nung ginamit namin pero pinigilan ako ni Clinton.
"Mananggggg? Come here!"sigaw niya pa pero hindi pagalit but in a way na may manner naman.
Oh? May maid pala siya? Ba't ngayon ko lang alam yun? At si Manang? She looks a senior citizen na.Ba't ngayon ko lang siya nakita rito sa mansion?
"Clean the mess."utos pa ni Clinton dito.
"Sige po Sir Zach!"magalang nitong sabi at nagbow pa talaga.
Kawawa naman si Manang.Ang dami nitong platong lilinisin niya.
Umalis si Zach pero ako'y nanatili sa puwesto ko.Lumapit ako kay Manang sabay sabing.
"Tulungan ko na po kayo."nakangiting sabi ko.
Nakita ko naman ang gulat niyang reaction at kalauna'y napangiti na din.
"Ay ma'am! Wag na po.Trabaho ko po ito.Sanay na ako."nahihiyang sabi niya pa at inignore ang pagboboluntaryo ko.
"Ay nanay! Abi nalang po.Nakakahiya yung ma'am..hindi naman po ako ang amo ninyo."
"Abigail Suzanne Rivera ang buo kong pangalan kaya Abi nalang para maikli."nakangiti kong sabi at nag-abot ng kamay.
Napatingin naman siya dito.
"Kayo po?"tanong ko.
"Rusing Reyes.Tawagin mo nalang akong Manang Rusing o Nanay Rusing hija."sabi niya at tinanggap ang kamay ko so we did shakehands.
"Abi po hehe"natatawa kong sabi kasi naman eh.Ang sosyal nung hija.
"Sige Abi."nakasmile niyang saad.
"Hayaan niyong tulungan ko na po kayo." pagpupumilit ko.
May pagtututol sa mga mata niya pero ningitian ko siya ng bonggang-bongga kaya ayun nadala rin.Hehe
Napansin ko si Clinton na nandun pa pala sa bukana nung pintuan.Napatigil siya sa paglabas and obviously nag- eavesdropping.Akala ko babalik siya at hihilanin ako o susuwayin sa pagmamatigas ng ulo na maghugas ng pinggan but then... dumiretso na siya kaya ang saya ko lang.
"Sige Abi.Mukhang di kita mapipigilan."sabi niya.
"Sige po nay!"
Ako ang nagligpit ng mga plato at kutsara habang siya'y pinupunasan ang mahabang dining table.Inilagay ko ito sa lababo at binalikan yung mga natira doon.
Afterwards,si Nay Rusing ang taga sabon habang ako naman ang nagwawash nito sa tubig para mawala yung bula.
After ng mga ilang minuto.Napaupo kami ni manang habang pinapatuyo yung mga plates at kubyertos nung tissue.
"Matanong ko lang Nay? Matagal na ba kayong nagsisilbi kay Zach?"curious kong tanong.
"Aba oo naman.Di pa ipinanganak ang batang yun.Nagsisilbi na ako sa kanilang pamilya."proud na sabi niya.
"Talaga ho? Pero ba't ngayon ko lang kayo nakita rito?"
"Ah kasi umuwi ako sa probinsya namin sa Cebu.Nakaleave ako ng isang buwan.Mabuti nalang at pinayagan ako ni Sir."
"W-O-W! Taga Cebu din po kayo? Ako din po kasi!"tuwang-tuwang sabi ko pa.
"Asang probinsya sa Cebu inyo Nay?"bisaya ko pang tanong.
[Saan po sa Cebu kayo nakatira Nay?]
Napasmile naman si Manang.
"Ah malayo Abi.Baka di mo yun alam."sagot niya pa.
"Taga Lapu-Lapu,Cebu man gyud ko dae.Pero akong bana taga-Barili.Maong didtu nalang mi ni puyo."dagdag niya pa.
[Taga Lapu-Lapu,Cebu talaga ako hija.Pero yung asawa ko mula sa Lungsod ng Barili kaya napagpasyahan namin na sa kanila nalang tumira]
"Talaga Nay? Doon din po kasi kami nakatira dati."gulat kong sagot na happy na happy.
"Kumusta po ang Barili Nay?"naeexcite kong tanong.
"Marami ng improvements doon Abi.Marami ng mga gusali at mga establishments doon."
"Talaga po?"
"Oo...nabalitaan ko nga sa mga kapitbahay ko doon nung umuwi ako.May mall daw na itatayo malapit sa Public Market."
Mas lalo akong nagulat doon.God!
Ang saya lang na malaman na nag-improved na ang town na kinalakihan mo.
I can't wait na makabalik doon.Haaaysst.Nakakamiss maligo sa mga beaches doon.
Sana sooner or later makauwi ako sa pinakamamahal kong lungsod.
Nakakaloka naman itong mga revelations.Akalain niyo yun? taga-Barili din si Manang.
"Ako'y natutuwang makilala ka Abi.Haysst salamat naman dae.Naa nakoy makaestoryahanay na magbisaya."natatawang sabi niya pa.
[Salamat hija.Sa wakas may makakausap na ako sa lengguwaheng bisaya]
"Ako din po Nay!"sabi ko.
"Hindi sa nakikialam ako Abi.Pero matanong ko lang? Kasintahan ka ba ni Sir Zach?"
Agad naman akong nagreact.God! Manang, anong klaseng tanong yan.
"Naku Nay! Hindi.Magkaibigan lang kami at never magiging kami.Gago kasi ang isang yun.Hindi ko siya type."
Natawa naman siya sa sagot ko.
"Ganun talaga yun.Pero alam mo ba Abi.Sa halos buong buhay kong paglilingkod sa pamilya Clinton.Kabisado ko na at alam na alam ko na ang mga katangian nila.Maski yang si Zach.Alam mo ba na ang bait-bait ng isang yun."
Napatahimik naman ako sa ibinulgar ni Manang.
Talaga? Ganun si Clinton?
Pero seriously? Totoo?
"Dati maalaga at mapagmahal sa magulang,kapatid at taong malapit sa kaniya."kwento pa ni Manang.
"Eh ngayon po?" interasadong tanong ko.
"Parang kidlat, nagbago nalang bigla ang batang 'yon dahil sa di inaasahang trahedya."
Trahedya? Bakit, anong nangyari?
"Oh siya sige na.Ang daldal ko ba dae? Baka naabala na kita.Puntahan mo na ang pamanhunon mo dae.Baka hinahanap ka na nun."nakangiting sabi ni Manang at tila ako'y inaasar.
[Pamanhunon-Future Husband/Wife]
Pinamulahan ako ng mukha sa sinabi niya. Ngunit di nawala sa isip ko 'yong tungkol sa trahedya.
Gusto ko sanang malaman kung anong klaseng trahedya pero mukhang may ibang gagawin pa si manang kaya parang tinataboy niya ako casually.
"Sige po Manang.Mauna na ako."sabi ko at humakbang na papaalis ng dining room.
Dumiretso ako sa kwarto.Napatigil pa ako nang makita si Clinton na nakaupo sa kama habang busy na busy sa laptop na kaharap niya.
Di manlang siya bumaling sakin.Alam kong, alam niyang nandito ako eh.
Pafeeling manhid talaga ang gagong ito.
Sarap ibato nitong kakahubad ko lang na flatshoes ko sa ulo niya.Geeeze!
Napaupo ako sa kabilang edge ng kama.
Malaki itong kama niya pero feeling ko ilang inches lang ang pagitan namin.
Anong gagawin ko ngayon? Matulog? Too early.
Pero baka makatulog ako.Etry ko nga.
Humiga ako at pinikit ang mga mata.
After 10 minutes .
Hindi talaga.
Wala naman siyang pake sa ginagawa ko.Kasi di manlang siya nagsalita o lumingon manlang.Kaqiqil parang mannequin ang p*t*!
Sinilip ko kung anong ginagawa niya.Nakatalikod siya at yung laptop nasa ibabaw nung bedside table.
Di ko naman mabasa kong anong nakalagay at pinagkakaabalahan niya.Eh kung lalapit pa ako baka mahalata niyang sinisilipan ko siya sa ginagawa niya.
Napatakip naman ako agad ng aking buhok nang makita siyang lumingon sakin.Nag acting ako na sinusuklay ang buhok ko.God!
Haysst.Ano ba yan?
Ang aga pa wala pa ngang lunch time.Wala akong balak matulog uy.Baka tumaba pa ako tuloy.Geeze! Never! Almost 2 years akong nagpa fit at mabawasan ang timbang.No way to be piggy again.
Isip.Isip.Isip...
*Bright Idea
Dali-dali akong bumangon at isinuot yung pambahay na slippers na parang may mga balahibo ng tuta.
Agad akong tumakbo sa pinto.Pero bago ko iyon nabuksan napatigil ako nang magsalita siya bigla.
"Where are you going?"
W-O-W tao pala siya? Akala ko talaga mannequin eh.
Ngayon nagsasalita kana gago ka! Nung panahong kailangan ko ng kausap.Binabalewala mo ko.Daig mo pa yung TV na nakamute.
Tapos ngayon? Ano na? Manigas ka diyang hinayupak ka.
Nilingon ko siya saka inirapan plus with matching flip hair pa.
Ano ka ngayon Clinton?
Dali-dali kong binuksan ang pinto at binalibag itong sinara.
"Bogggshhhh!"tunog nito.
Nagmartsa naman ako pababa ng hagdanan.
Nadaanan ko yung salang walang katao-tao.
Nasan ba sila Josh,Matt,Marga at yung babaeng parang si Clinton? Yung Miranda ba yun?
Dumiretso ako sa labas at tinungo ang heart-shaped swimming pool.
Maghuhubad na sana ako at balak maligo pero napatingin ako sa mga armadong lalaking nakamanman sa paligid.Kaya't di ko nalang itinuloy.Nilublob ko nalang ang mga paa sa tubig at umupo roon sa may gilid.Sinisway ko yung ulo ko while watching the blue-blue sky na puno-puno ng clouds.
"Hi...Abi."sabi nung kung sino sa likuran ko.
Napalingon naman ako dito.Nakita ko ang isang pamilyar na binata.
Kilala ko to eh?
"Lance?"sabi ko ba parang di sigurado.
Ngumiti naman siya.Ang gwapo lang.
Ba't ba ang andaming gwapo sa bahay na ito?
"Akala ko di mo na ako naalala."sabi niya pa.
"Sus! Ang drama nito.Halika samahan mo nga ako rito."pag-aanyaya ko sa kaniya.
Pumusisyon siya gaya nung sakin.
"So kamusta ka na?"tanong niya sakin.
"Heto...Dyosa pa rin."nakangiting sabi ko.
"Naksss! "Natatawang reply niya.
"Eh ikaw?"tanong ko pabalik.
"Heto...pogi pa rin as always."sa sinabi niya napahagalakpak ako ng tawa at ganun din siya.
I swear, we could be good friends as we just have the same vibes. Pero lahat ng happiness may katumbas na badluck yan eh. Ang happy lang namin kanina ngunit may sumulpot na epal.
"DOMINIC?"cold na tawag ni Mr.Gago.Sino pa ba?
Edi yung boss nila.Duhhh!
Panira talaga oh.
Kahit di pa ako lumingon.Alam na alam ko na yung boses ng loko.
Sino namang Dominic ang tinatawag niya!
Gulat namang napatayo si Lance sa tabi ko.
"Yes boss.."sabi niya pa.
Siya si Dominic? Di ba Lance siya? Paanong? Haysst anggulo.Baka second name niya o apelyido.Ay Ewan!
"Tulungan mo si Perkins dun sa loob."utos pa niya..
Tumango naman ito at lumingon sakin ng I'm-going-look.I just nodded too.
Nagulat naman ako nang umupo yung gago sa puwesto kanina ni Lance.
Anong ginagawa niya rito?
Sinusundan niya ba ako?
Di ako kumibo at nagkunwaring wala akong nakitang siya sa tabi.
Manigas ka diyan Clinton!
Pero ang demonyo ay gumawa ng paraan para inisin ang anghel na kagaya ko.
Nagulat ako ng itulak niya ako sa tubig.
"Ahhhhhhhh"sigaw ko at tumaob talaga sa pool.
Dali-dali naman akong lumangoy sa may gilid.Basang-basa na ako samantalang siya'y napahagalakpak ng tawa.
Demonyo talaga.
Grrrr...
Nakakainis.
Tiningnan ko siya ng masama while he seems hindi makaget over sa ginawa.
Damn you Asshole!
May pahawak-hawak pa siya sa tiyan na nalalaman.
Sa inis ko winisikan ko siya ng tubig kaya naman nabasa na rin siya.
Mukhang hindi niya inasahan ang ginawa ko kasi ang epic din nung reaction niya.
Serve's you right? You Jerk!
Napahinto ako nang tumalon siya bigla sa tubig.
So anong ibig sabihin nito?
Gusto niya palang maligo talaga?
Tapos kunwari itinulak-tulak niya ako para mabasa nang sa ganun masamahan ko siya?
Ang galing din ng gagong toh eh noh?
Pero basa na rin naman ako.So why won't I have fun too?
Eto naman talaga ang balak ko kanina.
No more words Abi.
I-enjoy mo nalang ang pagsuswimming kasama siya.