Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 2 - Chapter Two: Dante

Chapter 2 - Chapter Two: Dante

Pag-uwi ko sa bahay sinalubong ako ng salumbaba ni Tita. Si tita Rizza, my mom's only sister and also a teacher to where I study right now. Nakatira ako ngayon sa kanila, pasamantala ng umuwi ako sa Pinas two years ago.

Living with them was quite alright, quaint and homey, unlike from what I was used to in States. As soon as I stayed here, she treated me like her son, and cared for me like what a mother should be. It is just sometimes; I keep reminding myself that she's really not my mother.

I sighed. Umupo ako sa safa, malapit sa kanya. Bago pa makapasalita si Auntie Rizza. "I told you Auntie, I don't need a tutor." I slumped on my seat and closed my eyes for a minute.

"Anong hindi mo kailangan Dante? Nakita mo ba ang grades mo? Paano ka makakaabot ng scholarships sa grade mo? You know na noong simulang iniwan ka sakin ni Ate, naging responsibilidad kita."

Oo nga, iniwan ako dito ng nanay ko, mag-isa sa lugar na hindi ko alam. napakunot ako ng ulo. "Akyat na po ako. Magbibihis lang po ako."

"Hindi pa tayo tapos mag-usap, Dante," Galit na galit niyang sinabi.

Tumigil ako sa paglalakad at lumingon kay Tita Rizza. Clenching my fist, I gritted back, "Ako na pong bahala tita. I'll make it up to win championship and earn my scholarship."

"Dante, hindi kasi iyon ang punto ko. nag-alala lang naman ako na baka hindi ka makakakuha ng scholarship sa maganda school dahil sa grades," paliwanag ni Tita. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. "Pamilya mo kami hangga't naandito ka sa bahay ko, okay? Kaya aalagaan kita hangga't kaya ko," dagdag nito

Napayuko ako sa kanya. Humigpit ang hawak ko sa bag ko at tanging nagawa ko lamang ay tumungo at hindi umimik.

Napabuntong-hininga siya. Binitawan niya ang braso ko at umupo sa sofa, "Pero kung ayaw mo, hindi naman kita mapipilit. Nasasayangan lang ako dahil, eto lang ang magawa ko kay Elena, para matulungan ko silang maglola."

Matulungan? Napakunot ako sa ulo. "Bakit tita? Tulong? Siya?"

Tumungo siya, "Nagtanong kasi siya sa akin, nung isang araw kung may trabaho akong alam na pwede niyang pasukan para makatulong sa kanyang lola. Uliran na din kasi. Sympre napamahal na rin sa akin ang bata, kaya eto hanggat sa akin makakaya, gusto kong makatulong sa kanya. Matalino pa naman at masipag." Iniwan niya ako sa sala, tumayo siya sa kanyang umupan at pumunta sa kusina.

"Sige Dante, umakyat ka na at magbihis," dagdag niya habang nagaayos ng hapunan.

Umakyat ako sa hagdan at sinarado ang pinto. I didn't change my clothes, instead I plummet down on my newly made bed, feeling really bad.

****************************

Pagkatapos ng araw na iyon, hindi na natuloy ang tutoring session namin. Hindi na din ako pinilit ni Auntie Rizza. Alam ko naman na 'it's all my doing', I felt sorry for what I did, knowing that she really needs it. However, I just can't handle the fact that I have to go with this tutoring session. Kaya ko naman.

Ayoko lang.

I was wrong what I knew about her. When she walked out that day, I was pretty stunned, knowing she had the guts to do that. Hindi ako makapaniwala, na isang Elena Payton, kilalang tahimik, cold at uptight ay may character din pala. She's small, may look closed off to everyone, however she's definitely someone whom you can never judge by its cover.

I only knew her by name before, until now. Coincidentally, I saw her walking by with her friend, going back to their classroom. Elena has fair skin, petite and a long wavy hair going up on a ponytail. Yes, she's pretty, but not the kind of girl I go with. As far as I know, Melai, a band geek, is the only friend that Elena got. Not that I know everything about her, it's just she's pretty much popular in the campus. Especially with guys who knew her as the aloof abd uptight kind of girl. Hence, even with that fact, they still like her.

And because of it, I don't want to get involve.

Tinapik ako ni Anthony at umupo malapit sa tabi ko, "Ano pre, ba't mag-isa ka lang dito? "

"Nagpapahangin lang. mainit sa loob ng cafeteria." Nakaupo kami sa bench malapit sa track field, nagpapahanging habang hinhintay matapos ang lunch time.

"Ano pre dota tayo mamaya?" Tanong ni Anthony sa akin.

"Nako pare negative ako. May practice kami mamaya." I waved my hand.

Tanong niya sa akin ulit. "Malapit na ba competition niyo?"

Tumungo ako, "Yup. One-week na lang."

"Sino katapat?"

I shrugged. "Ridgeson Highscool." Honestly, I don't care whoever will be up against us this season. I play because I love playing and I think that's all that matters. Competition just ruins it.

"Sure win," he grinned and patted me hard on the back.

Narinig ko ang barkada na tinatawag kami sa likod. Sumigaw si Rafael, "Oi, mga gago tara na! Tama na iyang date niyong dalawa!" Natawa kami at tumayo ako sa upuan

Tinapon ko ang bote at ang paper meal box sa basurahan. "Tara, wanna go inside?" I asked him.

"Yup. Sure," Anthony nodded and stood from his seat.

"Nga pala," Out of a sudden, he asked. "Anung nangyari dun sa inyo ni Elena?" He knowingly smiled.

Napakunot ako ng noo, "Kami ni Elena?" I laughed and added, " No dude, you got it wrong. Tutor ko lang siya."

"Kelan ka pa nagkatutor?" Tanong niya sa akin.

"Si Auntie nagsuggest. Kaya ayun wala akong magawa, pero hindi rin naman natuloy. Apparently, she was pissed from what I did," I informed him.

Natawa siya. "Gago ka talaga, pre. O sige maya na lang pre," sinabi niya at pumasok sa loob ng classroom.

"Sige, Sige," ina-apiran ko smuna siya bago pumasok sa loob.

Nang pagbukas niya ng pinto, napansin ko si Elena na nakaupo sa sulok at nagbabasa. Napangiwi ako at lumakad papunta sa akin classroom.

*****************************

Ipinasa ni Rafael ang bola sa akin at sinipa ko it papalapit sa goal. Lumiko ako sa kanan at umikot ako para makalapit sa goal. Hinintay ko mag-open ang blindspot sa goal at sinipa ko ng malakas. Pumasok ang bola sa goal. Umakyat ang tuwa sa aking mukha, nang marinig kong maghiyawan ang mga teammates ko.

Huminga ako ng malalim at sininghap ang hangin na tila sariwa at amoy basang damuhan. Napatingin ako sa langit, nakatunganga sa asul na itim na alapaap. Napansin ko ang paglapit ng kadiliman, naghuhudyat na mukhang uulan. Narinig ko ang yabag sa damuhan, lumingon ako sa tunog at nakitang papalapit sa akin si Rafael na nakangiti. Kinamayan ako ni Rafael at hinila patayo.

"Iba ka talaga pare," sabi sa akin ni Rafael at inakbayan ako.

"I'm just lucky," sagot ko.

Dagdag ni Kevin, ang aming goal keeper. "Pre, wag mo nga kaming lokohin," at sinuntok niya ako sa braso.

I sheepishly smiled, " Swerte lang talaga."

Pagkatapos noon, Narinig namig tinawag kami ni Coach para sa lecture and strategy para sa susunod na kompetisyon. Umupo kami sa mga bleachers, habang si coach nasa harapan namin, katabi ng isang malaking blackboard.

Kumuha ako ng tubig at uminom. Tumayo si coach at nagsimula ng magbigay ng strategy para sa upcoming competition namin sa nanalapit na linggo.

"Okay guys ready?" Sagot niya habang hinihintay niya lahat makaupo.

Tumango ang lahat, naghihintay sa kanya. kinuha ni coach ang isang kapirasong chalk at nagsimulang gumuhit.

"Manaban, Garcia, Tan at Floresco, defense kayo, dapat alam ninyo kung saan dadaan ang bola. Alisto palagi." Turo ni Coach sa kanila habang minamarka ang mga pwesto nila sa formation.

"Gillesania, Alejandro at Diaz, alam niyo na ang gagawin. Switch the Attack," dagdag niya sabay marka sa black board.

"Yes coach," tugon ni Diaz sabay apir kay Alejandro.

Tinuro ako ni coach. "Sa iyo muna Gillesania, pasa mo kay Alejandro o Kay Diaz, pagmalapit ka na sa goal." Sabay turo ni coach sa kanilang dalawa, Sabay ipasa niyo ka Gillesania."

We nodded. After that, coach continued to perfect his strategies. We practiced the strats for quite some while, until dawn breaks us. With that, we decided to end it for the day. We went to the bathroom and I rapidly took the shower.

Paglabas ko ng banyo, nakita kong makulimlim na ang ulap. Dali-dali akong pumunta sa aking locker at kinuha ang payong. Isa isa nagpaaalam ang mga kateam mates ko sa akin.

"Una na ako pre," paalam ni Kevin, habang hawak ang kanyang payong.

Nakita ko si Rafael kagagaling sa banyo, tinanong ko sya, "May payong kang dala?"

Tumungo siya at kinuha niya ito sa kanyang locker. "Tara na, baka mahabol pa natin sila Carlos." Paalala sa akin ni Rafael sa akin.

"Sige, sige mauna ka na, susunod ako," sagot ko habang nag-aayos ng gamit.

"Sige una na ako. Sunod ka na lang pre ah. Hintayin kita sa guard house," sabi niya sa akin at nauna sa akin.

Sinuot ko ang aking sapatos at lumabas na ng pinto. Paglabas ko ng locker room, nagsimula ng magbuhos ang ulan. Binuksan ko ang payong at tumkbo papuntang guardhouse. Pagdating ko doon, nakita ko si Rafael na naghihintay habang kausap ang security guard.

Papunta na sana ako sa kanya ng bigla kong makita si Elena Payton sa kabilang banda, naghihintay sa pagtila ng ulan. Nakasandal siya sa pader, nag-aantay, basang-basa at lamig na lamig.

I cleared my throat and slowly walked towards her. I felt my knees buckled a bit as soon as I was closer to her. Without looking and feeling awkward and wary, I hesitatingly gave her my umbrella . Knowingly, I felt bad for what I did to her last time. I know I was an ass. A real bigtime asshole.

"Payong, oh. Balik mo na lang sa akin." Pagkatapos kong ibigay ang payong, dali-dali akong lumakad papalayo sa kanya.

Napatigil na lamang ako nang marinig ko siyang nagsalita. "Bakit?" Tanong niya. Lumingon ako sa kanya at nakita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.

Nagkibit-balikat lamang ako at sinagot siya ng patanong, "Kasi wala kang payong?"

Napasuri siya sa payong na binigay ko at sa akin. Kinagat niya ang kanyang mga labi at sinagot niya ako na may pag-aalinlangan "Salamat, pero okay lang hihintayin ko na lang tumila ang ulan."

Napatikhim ako at inilagay ko ang isang kamay ko sa bulsa , "Sigurado ka? magtritricycle naman ako, kaya sa'yo na lang muna 'to," paliwanag ko.

Tumingin siya sa akin na tila'y may pag-aalinlangan. Kinuha niya ang payong sa akin at napatikhim. "Um, Salamat. Ibabalik ko na lang sa iyo bukas,"pangako niya.

Tumungo ako, 'Sige." Hinawakan ko ang likod ng leeg ko at nagsalita muli, "Um, bukas mo na lang ibalik."

Binuksan niya ang payong at yumapak palabas. Lumingon ako ulit kay Rafael at sa guard. Nakita kong nakatingin silang dalawa sa akin. Paglapit ko sa kanila, tumawa silang dalawa ng guard ng malakas.

"Mga gago," sabi ko at sinuntok ko siya sa braso.

"Ano 'yun pre?" Asar sakin ni Rafael habang tumatawa.

I shrugged again, "She doesn't have umbrella, so I gave her mine."

He smirked, looking surreptitiously at me. "Really? Parang iba eh."

"Tigilan niyo na nga ako." Hiyang hiya kong sinabi. Kinuha ko ang kanyang payong at binuksan. "Tara na nga, baka hindi na natin maabutan sila." Tumakbo ako papunta sa tricycle at sumakay. Hinabol ako ni Rafael at umupo sa tabi ko, basang basa.

"Gago ka pre, kinuha mo payong ko!" Angil niya, sabay punas sa kanyang damit.

I smirked devilishly, "Ang tagal mo eh, tara," tugon ko. Sinenyales ko ang driver at pinaandar na niya ang motor.

Nadaanan namin siya, naglalakad at nakapayong sa ilalim ng ulan. Lumingon ako at pinagmasdan siya. Nakita ko siya nakatingin sa akin, namumula ang pisngi, basang basa ang buong katawan at nanginginig.

Yumuko siya kaagad nang makita niya ako. Subalit, tumakbo nang mabilis ang tricycle na unti-unting naglaho ang katawan sa aking paningin.

Bumalik ang tingin ko sa harapan at napasandal sa upuan habang ramdam ang lamig at pagkabalisa

********************

Pagkauwi ko sa bahay, sinalubong ako ng babae kong pinsan na makulit. Tumalon siya sa harapan ko, gustong magpabuhat, "Ikaw talaga Thea-Kulit-Taba ." Asar ko sa kanya. Binuhat ko siya at hinalikan sa pisngi. Si Theodora, 8 years old palang at nag-iisang anak ni Auntie Rizza. Nahirapan sa pagbubuntis si Auntie, kaya hindi na nadagdagan si Theadora. Naging kontento na lang sila tita na isa lang ang kanilang anak. Kumbaga, siya ang unica hija at pinakamamahal ng pamilya.

And, I love her, like how a brother should love her sister. I never had a sister before, until I met her.

Pinunansan niya ng kamay ang kanyang pisngi, "Namiss ko ang cute-cute kong pinsan."

"Kuya naman eh! kashdiri. Ewwww." Sinabi niya na may pandidiri at pagkairita.

She wiggled on my arms, wanting to lose on my grip. I chuckled, pinched her cheeks and let her down. "Arrrrayyyshh. Machakit Kutya!" She screeched and ran away towards her dad.

"Papa oh," tinuro ni Thea ang kanyang pisngi sa kanyang tatay, "Si Kutya po. Namumula na tuloy pishngi ko" Turo niya sa mataba niyang pisngin gamumula.

Lumapit ako sa kanila at nagmano kay Tito Ronaldo na nanonood ng T.V, ang asawa ng kapatid ng nanay ko na si Auntie Rizza. "Oi, Dante, naandito ka na pala.vMukhang nadadalas na ang pag-uwi mo ng gabi," sabi niya.

Mas matanda siya ng ilang taon sa tita ako at matagal ng nagtratrabaho sa gobyerno, bilang isang supervisor. Ngunit kahit malayo man ang agwat nila, makikita pa rin ang pagmamahal nila sa isa't isa at kahit naman nag-iisa lang ang anak nila.

"Kuya hindi kutya," tinama ni Tito Ronaldo si Thea at hinaplos ang kanyang kulot na buhok.

When I came here from States, he treated me like his family, warmly and accommodating, just like what Auntie Rizza did. And because of that, I quickly adjusted living here in the Philippines.

"Late na po kasi natapos ang practice namin," sagot ko sa kanya, sabay kulit kay thea na nakaupo at nakasandal kay Uncle Ronaldo.

"Ah ganun ba...Kelan ang laban niya?" Tanong niya habang nakadikit ang kanyang mata sa kanyang pinapanood.

"Pagkatapos po ng linggong ito. Akyat na po ako."

Tumungo siya sa akin, habang hawak ang pinsan ko na nakaupo sa kanyang binti, "Sige, sige."

I patted my cousin's hair and pinched her cheeks again. She then squeaked and quickly got off from her father's grasps. Thea ran towards her mom, my auntie, and hugged her backside, crying.

"Ay tsss. Wag mo na kasing kulitin, Dante," sigaw ng tita ko na nasa kusina. "Hayaan mo na kuya dante mo anak, namiss ka lang niyan. Oh, upo na at kakain na tayo, " bilin ni tita kay Thea. Ngumiti ako sa kanila at naglakad papunta ng hagdan.

Pagkatapos yaon, hindi na ako sumagot at dumertso paakyat sa aking kwarto at nagbihis.

*************************

Pagkatapos namain kumain, dumertso ako sa kwarto at humiga sa aking kama. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ko ang mga miscall overseas galing kay mama. Umupo ako sa kama at sumandal sa likod. Pinindot ko call button at tumawag ako sa kanya via overseas.

Malakas na tunog ng musika ang narinig pagkatanggap ni mama ng tawag ko, "Hello Nak, Hindi ka sumasagot kanina. Kamusta ka na?" Tanong niya siya akin.

"Nasa baba po ako, kumakain po kami," sagot ko.

"Ah ganun ba? Oh, How are you na, 'nak? How's your school?" She asked again, while I heard an indistinct voice on the background, calling her.

It must be her new boyfriend, I thought.

I shrugged. "Its fine. Okay naman. Ganun pa rin," I replied sparringly.

"Ah anak, tumawag ako kasi dito si tita bella, ang anak niya varsity scholar sa university. Ngayon naisip ko na since varsity ka naman diyan sa school, baka makakuha ka ng scholarship sa university dito. Magpapatulong tayo sa tita bella mo kung ano ano yung mga processo para makapasok ka...." Napatigil si mama, nang makarinig siya ng malakas boses sa likod.

"Teka lang 'nak ah. Could you wait a minute? I'm talking to my son!" Sumigaw si mama. Nilayo ko ang telepono sa akin tenga.

I deliberately sighed, "Ma, it's okay. Go do whatever you need to do. I can call you tomorrow. Besides, I have to go to sleep--" She cut me off and then continued speaking. I put away the phone on my ears and let her rambles, ignoring her musings for a while.

Mukhang hindi nakuha ni mama ang sinabi ko at nagpatuloy pa rin siya sa pagsasalita, "Ayun nga anak? So what do you think?"

I sighed again, "Its alright I guess."

"But the thing is kailangan dapat mataas ang mga grades mo," dagdag niya. Narning ko na parang may kinukuha siyang bagay. "Kamusta na nga pala grades mo, nak?"

I gulped, "I-It's alright?"

"'Nak, kailangan mong pag-igihan para maayos ang pagpunta mo dito, ha..." She informed me.

I nodded, "Yup, I got it."

Narinig ko na may binaba siyang baso, "O, nak may gagawin pa ako ah, tawagan na lang kita ulit. Bye, I love you. Ingat ka diyan palagi at huwag kang pasaway sa tita mo." Sinabi niya.

"Yes, mom," sagot ko.

Binaba ko na ang telepono nang pinutol ni mama ang ang linya. Humiga ako sa kama, at natulog.

***************************

Huling klase na namin ngayon araw na ito. Pagkatapos nito, deretso ako sa practice namin para sa upcoming competition. Napasalumbaba ako sa aking lanesa, antok at bored na bored habang naglelecture ng math si Mr. Gomez. Napatingin ako sa mga kaklase ko na katulad ko rin handang-handa nang umuwi. Nakita ko si Carlos, Kevin at Rafael sa harapan ko na nanonood ng porn habang tinatago ang cellphone sa kanilang bag.

Mga gago talaga. Natawa na lamang ako.

Hindi ko sila pinansan at binaling ko na lang ang sarili ko sa labas, nakatitig sa bintana, habang umuulan.

After what happened yesterday, rain continued the next day. Naalala ko na nasa kanya ang payong ko. So, how will I go home? I asked myself. While my math teacher lectures, I looked at the window as rain continues to pour down rapidly, still a little bit sleepy from last night. Not that I didn't have enough sleep, I just didn't have a proper sleep, I guess.

I didn't have a proper sleep since that day. I was about to lean on my table, when my teacher called me to do the exercise on board. I looked at it, tredied to figure it out and went towards the board.

Pagkatapos kong sagutan, sumagot siya, "Buti naman kahit hindi ka nakinig, nakakasagot ka pa rin Mr. Gillesania. Kung nakakasagot ka gaya ng ganyan sa exams mo."

Nagkibit-balikat ako sa kanya at iniba ang usapan, "Sir, may I go out?"

He rolled his eyes and sighed, "Yes you may go."

Lumabas ako ng classroom at pumuntang banyo upang umihi. Pagkalabas ko ng banyo, nagulat ako nang makita kong papalakad papalapit sa akin si Elena Payton. Umikot ako sa paligid at nagbaka-sakali na ibang tao ang kakausapin niya. Subalit,walang ibang tao sa hallway, kundi kaming dalawa lang.

Napataas ako ng kilay, may pagtataka sa aking mukha. "Ano 'yon?" Hindi siya umimik.

Nang makita ko ang hawak niyang payong, naunawaan ko na. "Ibabalik mo ba?" Tanong ko sa kanya.

Tumango siya habang mahigpit niyang hawak ang aking payong, "Thank you."

Inabot niya ito sa akin, ngunit hindi ako nagdalawang isip na kunin ito. "Sa iyo muna, hangga't tumigil ang ulan."

Umiling siya, "May payong na akong dala."

Itinulak ko pabalik ang payong sa kanya, "Sa'yo na lang baka kailanganin mo pa. "Ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ko na nakakuyom.

"Hindi na. Ibabalik ko na sa iyo. Baka wala kang payong," sagot nito.

Ngunit bago ko man maibigay sa kanya ulit ito, umikot na siya pabalik sa kanyang classroom. Hinabol ko siya at hinila nang marahan ang kanyang kamay. Naramdaman ko ang kanyang pagkagulat. Lumingon siya sa akin na tila may halong kaba at pagtataka sa kanyang mukha.

Iniwasan ko siyang tingnan at ibinalik ko ulit ang payong sa kanya. "Sa'yo na lang, may payong pa ako, " tiniyak ko sa kanya.

Napansin kong nakatitig pa rin siya kamay ko na parang hindi siya makaimik o makagalaw.

"Sorry," I apologized. I then turned her hand and gave her my umbrella. "Sa'yo na ito. 'Wag mo na ibalik," I added

After then, without glancing at her, I walked away and went back to my classroom.

*********End of Chapter 2*********