Chereads / Sincerely, Elena / Chapter 3 - Chapter Three: Elena

Chapter 3 - Chapter Three: Elena

Hawak ko ang payong na bigay ni Dante Gillesania habang pinagmamasdan ko siyang pabalik ng classroom. Malaking pagtataka ko kung bakit niya binalik muli ang payong sa akin, samantala, sa kanya naman ito. Nang makita ko siyang pumasok sa loob, naglakad ako pabalik sa classroom namin na may pagtataka at pagkagulat.

Bakit? Hindi naman kami close. Hindi rin naman maganda ang huling pag-uusap namin. Napaisip ako ng maalala ko ang pagbubulaslas at pagwalk-out.

Umupo ako at nakinig habang patuloy na nagtuturo ang aming Aralin Panlipunan teacher. Pinilit kong makinig sa kanya, subalit, hindi ko pa rin matanto kung bakit niya binigay ang payong sa akin ulit.

Nawala ako sa iniisip ko ng tinapik ako ng katabi ko na si Wenna, "May bolpen ka pa? Wala ng tinta sa akin," tugon niya sabay turo sa bolpen niya.

Tumungo ako at kinuha ko ang aking pencil case. "Eto oh." Ibinigay ko sa kanya ang ballpen ko. Nang mapansin ni Wenna ang payong ni Mr. Gillesania, kinuha niya ito. "Uy, may payong ka pa pala, pwede bang mahiram para mamaya? Wala kasi akong nadalang payong. Tutal hehehe, nakita ko kanina na may payong ka pa," ukol niya habang hawak ang itim na payong.

Dali dali ko itong kinuha sa kanya at sinabi, "Hindi kasi 'to sa akin..." Kinuha ko ang payong ko sa bag at ibinigay sa kanya. "Eto na lang."

Kinuha ni Wenna na may pag-aalinlangan, "Sigurado ka? Payong mo ito?"

Tumungo ako sa kanya at napangiti ng matipid, "Oo. Okay lang"

"Maraming Salamat ah, Elena," ngumiti siya sa akin nang may pagkagalak.

Sinubukan kong makinig sa aming Aralin Panlipunan teacher na si Mr. Gonzales.

***************************

Pagkatapos ng huling klase, dumertso ako kaagad sa library at sinimulan ko nang sagutan ang mga assignments at research ko. Sa kadahilanan, wala rin naman akong laptop or internet sa bahay, kung kaya't hangga't naandito ako sa school, lulubusin ko na ang paggamit ng mga resources ng paaralan

Mga six'oclock na rin ng hapon ng matapos ko lahat ng gagawin ko. Napaunat ako sa upuan at pinatay na ang computer. Niligpit ko ang mga gamit ko at nilinis ang table. Nang pagtayo ko sa upuan, napansin ko na ako na lang pala ang tao sa library maliban sa libririan.

Nang madaanan ko siya, nagpaalam ako sa kanya, "Una na po ako Mrs. Dela Rosa." Ngumiti ako sa kanya at naglakad papunta ng pintuan na. Pagkalabas ko sa library, napansin ko malapit na pala dumilim. Kaagad ko kinuha ang cellphone ko sa bulsa at tinext si Nanay Aning na pauwi na ako.

Pagkababa ko papuntang guardhouse, nagsimula ulit bumuhos ang ulan. Kinuha ko ang payong niya sa bag ko at binuksan. Ngunit bago ko pa man buksan ito, nakita ko si Dante Gillesania na nakatingin sa kalangitan habang tuloy-tuloy ang pagdagsa ng ulan. Nag-atubili akong lapitan siya, ngunit naramdaman kong kusang gumalaw ang aking mga paa papunta sa kanyang pwesto.

Tumikhim ako nang tumapat ako sa kanya. Napalingon siya sa akin. Nakatitig ang kanyang mga malalim na kapeng mata at pinagmamasadan ako. Binalik ko ang paningin ko sa payong at binuksan ito.

"Eto oh." Inalok ko siyang sumilong sa payong. Hindi siya umimik at patuloy sa pagtingin sa akin. Napalunok ako, medyo di-komportable at naasiwa.

Umubo ako at nagsalita ulit, "Umm ginamit ko muna yung payong mo kasi hiniram ni Wenna ang payong ko." Paalam ko sa kanya.

Tumungo siya.

Napalunok ako ng malalim, "Kung gusto mo, pwede ko naman ibalik sa iyo ang payong. Tutal sa iyo naman talaga ito."

Umiling siya. "Sa iyo na yan. Hihintayin ko na lang tumila ang ulan."

Napakagat ako sa labi. Alam kong hindi ako makaalis. Nakokonsensya ako na hindi siya makauwi ng maaga dahil sa akin. Hindi ko pa rin alam kung bakit niya binigay ang payong sa akin. Hindi ba dapat magalit siya dahil sa pagsigaw ko sa kanya?

"Pero-"Napatigil ako ng hinawakan niya ang payong, kasama ang kamay ko.

"Ano-" Mahina kong sinabi. Inalis ko ang kamay ko sa kanya at hinawakan mahigpit ang bag ko.

He cleared his throat and said, "Tara, hanggang do'n sa sakayan." Sabay niyang tinuro sa bandang tricycle stand.

Bagama't umuulan, naramdaman ko ang biglang pag-init ng aking mukha. Naglalakad kami papuntang tricycle stand nang hindi umiimik. Lumayo ako ng kaonti sa kanya upang magkaroon ng distansya sa aming dalawa. Habang patuloy kaming naglalakad, naramdaman ko ang pagbasa ng sleeves ng aking uniporme.

Tumingin siya sa akin at sinabing, "Lumapit ka ng konti, baka mabasa ka."

Lumapit ako ng konti, nadama ko ang braso niya sa braso ko at ang sleeves ng uniform niya sa uniform ko. Napalunok ako nang wala sa oras.

Tumigil kami sa paglalakad ng nasa tapat na kami ng sakayan ng tricycle. Tinawag niya ang tricycle driver at pumunta papalapit sa amin.

"Saan ho kayo sir? " Tanong ni Manong.

Lumingon si Mr. Gillesania sa akin at nagtanong, "Saan ka nakatira?"

Napataas ako ng kilay at napasagot ng tanong, "Ako? Hindi na malapit lang naman ako."

Marahan niya akong tinulak papasok sa loob ng tricycle at sinabing, "Kuya sa kanila po muna."

Tumingin ako sa kanya at nag-alinlangin na umupo sa loob ng tricycle. "Wag na okay lang,"sabi ko sa kanya.

"Sige na Elena. Mahirap maglakad ngayon at malakas pa ang ulan," sagot niya sa akin. Ngayon ko pa lang narinig na tinawag niya ang pangalan ko, mahina at malumanay, ngunit nakakapanatag.

"Oo nga po ma'am, madilim na rin po. Baka mahirapan po kayo makakita habang naglalakad." Dagdag ng tricycle driver.

Napabuntong-hininga ako, wala akong magawa kundi pumasok sa loob ng tricycle. Nang pagkapasok ko, nakita kong sinara ni Dante Gillesania ang payong at ibinigay sa akin.

Ngunit bago pa siya umikot, tinawag ko siya, "Hindi ka sasakay?"

Tinuro niya ang upuan sa kabilang banda at sinabing, "Sa kabila na lang ako."

Napakunot ako ng noo. "Baka mabasa ka, malakas ang ulan." Umurong ako at naglaan ng mauupuan niya.

Umiling siya sa akin. "Wag na okay lang,"aniya sabay punta sa kabilang banda, kung saan, mababasa siya talaga.

Napakagat ako sa labi. at napatingin sa kanila ng driver. Tinawag niya si kuya at sinabing, "Tayo na po kuya, sa kanila po muna."

Nang umandar na ang tricycle, tinanong ako ni kuya, "Ma'am saan po kayo?"

"Sa Makopa St. lang po. Sa may kanto na katabi po ng Hardware store," sagot ko at mabilisan niyang pinaandar ang tricycle.

Tumila ang ulan nang makarating na kami sa bahay ko. Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa at ibinigay ang bayad. Subalit, bago ko pa ito mabigay, tinanggihan na ni manong.

"Binayaran na po ni sir," sabi niya sa akin.

Tumingin ako kay Dante Gillesania at ibinigay sa kanya ang bayad. "Eto yung kalahati ko."

Ngunit, tinanggihan niya ito ulit, "Wag na. Okay lang, and I was the one who insist on getting the tricycle."

"Pero--"

Bago pa ako makapagsalita sinenyales na niya ang driver. "Tayo na kuya, "sabi niya rito.

Umandar na ang tricycle ng mabilis bago ko pa matapos ang sasabihin ko at maibalik ang payong sa kanya.

Gusto ko sana magpasalamat ngunit hindi na nakaabot ang mga salitang iyon sa kanya.

************************

Pagpasok ko sa loob ng bahay, may narinig akong ibang boses maliban kay Nanay Aning. Naglakad kao papuntang sala at nakita ko si Tita Soledad, ang anak ni Nanay Aning at ang kapatid ng yumao kong tatay, kausap si nanay.

Si Tita Soledad na lamang ang natitirang anak ni nanay. Pumupunta lamang siya kapag nagkaproblema sila ng kanyang asawa. Paminsan-minsan, dumadalaw siya kapag may birthday o okasyon para makapag-bonding kami ni nanay sa dalawa kong pinsan.

"Naandito ka na pala. Kumain ka muna, nak," sabi ni Nanay.

Lumapit ako sa kanila, "Opo, 'nay."

Pumunta ako sa kanya at kay nanay upang magmano. "Mano po Tita," sabi ko sa kanya at naglakad papunta sa aking kwarto.

Iniwan ko silang dalawa ni nanay para makapag-usap ng maayos. Nagbihis ako ng pambahay at pumunta ng kusina para kumain. Bago ako makapunta, narinig ko si nanay na nagsalita.

"Nak, nasa lamesa ang pagkain. Initin mo na lang," aniya galing sala.

"Opo nay," sagot ko sa kanya, at inahanda na ang hapag-kainan. Hindi ko na sila hinintay kumain, dahil alam ko na mukhang matagal pa sila at seryoso ang kanilang pinag uusapan, kung kaya't baka matagalan.

Sumandok ako ng kanin, adobong manok at nagsimulang kumain. Habang ako kumakain, hindi ko maiwasan marinig ang kanila pinag-uusapan.

Narinig ko ang pag-iyak ni Tita sa akin nanay. "Nay, anong gagawin ko? Si Toto po..."

Napabuntong-hininga si nanay, "Sinabi ko naman sa iyo dati na iwanan mo na yang asawa mo at dito na lang kayo tumira ng mga apo ko."

Umiling si tita. " Hindi pwede nay, wala pa sa tamang edad ang mag bata para maintindihan nila. Ayokong masira ang pagtingin nila sa tatay nila."

"Anung gusto mong gawin ko, anak? Ayaw mo naman umalis sa bahay ninyo. Alam mo naman na hindi na kayo ligtas doon," paalala nito.

"Hindi naman sa ganoon nay, okay naman ho kami kapag hindi nakainom si Toto," sagot niya ng mahinahon.

"Kelan pa kaya sa tingin mo titigil sa bisyo ang asawa mo?" Tanong ni nanay na pagka-uyam sa kanyang boses.

Napabuntong-hininga si Tita, na tila'y may pagod sa kanyang boses, "Alam mo naman nay na mahirap..." Hindi niya natapos ang kanyang mga salita, nang may luhang tumulo sa kanyang mga mata.

Napatingin ako sa kanilang dalawa na nakaupo sa sala. Nakita ko na hinaplos ni nanay ang kanyang mga kamay na nanginginig, "Naiintindihan ko anak, pero para sa mga anak mo at para sa iyo kailangan..."

Napahinto ako sa pagkain ko at napaisip. Uminom ako ng tubig at hindi ko na tinuloy ang pag kain. Nawalan ako ng gana at iniligpit ko kaagad ang gamit.

Pumunta ako sa sala at nagpaalam kay Tita Soledad at Nanay Aning. "Matutulog na po ako nay," sabi ko kay Nanay. "Matutulog na po ako tita," dagdag ko kay tita.

"Sige Elena, goodnight," sagot ni Tita Soledad. Ngumiti ako sa kanya ng matipid at iniwan na silang dalawa sa sala.

Dumeretso ako sa kwarto at nagsara ng pinto. Nagsipilyo ako at naghugas ng mukha, Pagkatapos, humiga ako sa kama at napapikit hangga't sa mapalibutan ng kadiliman ang aking mata.

**********************

Nang matapos ang klase, dumeretso ako kaagad sa silid ng school newspaper at gazette ng school. At dahil Miyerkules nayon, Club Day, hawak ko ang printed article na itinalagang balita sa akin. Papunta ako ngayon sa aming opisina upang ipasa ang aking artikulo at gawin din ang mga resposibilidad ko na kailangan kong tapusin para sa nalalapit na paglabas ng issue ngayon buwan.

Nang makita ko ang aming punong patnugot, na si Kassandra, ang salutatorian ng 4th year class, inilagay ko ang folder sa kanyang harapan kasama ng iba pang mga articles para sa approval ngayon buwan.

Nakita niya ang folder at tumaas ang kanyang kilay, "Tapos mo na kaagad. Ang bilis naman."

Tumungo ako. "Yup, as soon as pagkasabi mo sa akin. Ginawa ko na kaagad." Binuksan niya ang folder at binasa niya ang laman ng article.

Umupo ako sa harapan, habang naghihintay sa approval niya. Kinuha ko na ang article na ito dahil wala rin naman available sa amin na kaya pang magsulat para sa featured anniversary ng school namin.

Ngumiti siya sa akin. "Nainterview mo si Principal Santos? Nakuha mo ang storya niya?"Tinanong niya ako habang patuloy sa pagbabasa ng aking article

"Oo buti nga at pumayag siya," sagot ko.

"Eh sa mga pioneer admin and teacher's ng mga school natin?" Dagdag niyang tinanong sa akin.

"Oo nakausap ko ang tatlo sa kanila, pero hindi available ang iba," tinala ko sa kanya.

"Alright, sige. Babasahin ko ulit mamaya at ipapa-approve ko kay Mrs. Acosta immediately," dagdag niya.

"Sure. Super hectic ng schedule natin ngayon dahil irerelease na within a week ang school newspaper natin," tugon niya sa akin habang nag-aayos ng mga documento sa kanyang lamesa.

Tumungo ako at matipid na ngumiti sa kanya. "Sige sisimulan ko na." Sa lahat na naging edito-in-chief na aking nadaanan, siya ang pinakagusto ko, may tapang tinik at walang tinatakutan. Dalawang taon ko na rin siyang nakasama sa newspaper team at sa mga panahon na iyon, siya lang ang journalist na nakilala ko na totoo at tapat sa kanyang balita, kung kaya't noong ibinigay sa kanya ang posisyon malaki ang tuwa ko.

"Please do so, thanks. By the way pala, today let sort out the content for the next month issue, and paki edit ang recheck mo nga itong mga articles bago natin ipa-approve kay Ms. Acosta." Ibinigay niya sakin ang isang bungkos ng mga folder na naglalaman ng mga balita galing sa mga kagrupo namin.

"Yeah sure." Tumungo ako sa kanya, kinuha ang mga folder sa lamesa at umupo sa bakanteng upuan na mayroon komputer.

Mga ilang mga minuto ang nakalipas, dumating na ang ibang mga featured editor at dali-daling umupo sa kanilang mga silid. Pumunta sa akin ang sports editor at ibinigay ang isa pang bungkas ng mga article. "Sorry ngayon lang, hinabol ko kasi ang regional soccer competition, kakatapos lang kahapon. Naedit ko na rin pala ang mga article nila," hingal na hingal na sinabi ni Melanie, ang fourth honor ng klase namin.

Tumungo ako sa kanya. "Sige ichecheck ko na lang ulit. Salamat." Ngumiti siya sa akin at bumalik sa kanilang upuan.

Lumingon si Kassandra kay Melanie. "Nanalo ba tayo?" Sabi niya sabay tuloy ang pag-type sa kanyang laptop.

Napatingin ako kay Melanie, hinihintay ang kanyang sagot. Ngumiti siya sa amin at nag-thumbs up. "Oo naman!" Inapiran siya ng aming News Editor na si David, fourth year student at kaklase ni Kassandra.

"Ayos! Yun oh basketball and soccer kasama na tayo sa championship," sabay sinabi ni David.

"Ilan ang lamang?" Tanong ng aming Features Editor na si Maia, fourth year student at third honor ng klase nila.

Bumilog ang mga mata ni Melana. "Malaki ang agwat. Mga nasa 10 points," sabi niya at upo sa kanyang upuan.

"Tsk.. Iba talaga si Constantinople. Matindi," dagdag ni David na mangha na mangha kay Constantinople, at kung sino man siya.

Napakunot ang noo ko. "Sino si Constantinople?" Tanong ko.

Sagot ni Kassandra, "Hindi mo kilala si Constantinople?"

Napailing ako. Matagal ko nang naririnig ang pangalan niya sa campus simula noong second year pa ako, ngunit hindi man sumagi sa isip ko na magtanong kung sino siya, "Hindi eh."

"Goodness, Elena. Seryoso ka? " Gulat na gulat na sinabi ni Maia.

Kassandra smirked. "Baks, ka-year mo si Constantinople." Tinapik niya ako at ibinigay ang isa pang article galing news team.

Natawa sila at sabay sabay nilang sinabi ang kanyang pangalan, "Si DANTE CONSTANTINO GILLESANIA."

"Seryoso ka Elena, hindi mo kilala si Dante?" Sabat ni Melanie.

My mouth opened for a while. Napalunok ako, nahiya sa aking ginawa. "Ah si Dante. Oo kilala ko siya." At kakakilala ko pa lang sa kanya.

"Ay nako Elena, kahit kailan talaga huli ka sa balita," sagot ni Maia.

Ang masaklap pa nasa news team ako at laging huli sa balita. Hindi naman sa ayokong malaman, hindi lang talaga ako mahilig makialam.

"O siya magtrabaho na tayo. Later may meeting tayo for updates ngayon issue at for next issues kaya maghanda na kayo ng mga contents," singit ni Kassandra.

Tumango ang lahat at tumahimik ang kwarto panandalian.

***************************

Maggagabi na nang matapos kami magdiskusyon para sa release ng school newspaper at sa pagplano ng bagong content para sa upcoming issue next month. Nang palalalim na ang gabi, Isa isang umuwi ang mga kasamahan ko hangga't sa ako na lang ang mag-isang naiwan sa opisina. Pagsalubong ng 6:30 ng gabi, nagpasya na akong umuwi.

Pinatay ko ang computer, nilinis ang aking lamesa at sinarado ang pintuan. Bago ako umuwi, dumaan muna ako locker room para kumuha ng iba kong gamit na kailangan kong tapusin para bukas.

Habang bumababa ako ng hagdan, tila may narinig akong nakakabahalang boses sa bandang corridor. Naglakad ako ng mahinahon at sinundan ito. Pagkababa ko rito, napansin kong nakapatay ang ilaw sa locker room, madilim at walang ilaw. Hinanap ko ang switch para buksan ang ilaw sa corridor subalit hindi ko ito mahanap sa sobrang kadiliman.

Napansin ko ang malakas na paghagulgol ng boses habang patuloy akong naglalakad papalapit sa mga locker. Lumakas ang tibok ng puso ko ng papalapit ako rito. Tila'y umiiyak ito at nasasaktan. Sinubukan kong magsalita o magtanong ngunit nalunod ng takot ang aking dila na wari'y nanigas sa pangamba. Humigpit ang hawak ko sa aking bag at unti-unting naglakad palapit sa nakakabadyang ungol.

Sa aking paglapit, nadama ko ang pagkalabog ng mga locker at ang nagkikiskisan na mga sapatos. Umikot ako sa mga lockers. Hinanap ko ang boses na umuugong. Lumingon ako sa bandang kaliwa kung saan malapit ito at...

Natulala ako sa aking nakita. Nahulog ko bigla ang folder na hawak-hawak ko. Nakita kong nakapatong ang isang lalaki sa babaeng umiiyak. Sinubukan ng babaeng pumiglas sa kanyang mahigpit na hawak subalit hindi niya kinaya ang lakas nito.

Napaurong ako sa takot. Nanginig ang mga paa ko. Hindi ako makagalaw sa puntong iyon na parang may isang malaking bato na pumipigil sa akin.

Isang malakas na sigaw ang narinig ko galing sa kanya na tila'y nagmamakaawa. "Wag please, Romer. Wag, maawa ka!"

Itinaas ni Romer ang kanyang palda at hinimas niya ito, "Shhh, wag kang maingay baka may makakita sa atin, Samantha," mahina niyang sinabi na tila may pagbabanta sa kanyang bibig

Hinawakan niya nang mahigpit ang kanyang kamay at hinila pataas sa kanyang ulo. Hinalikan niya ang kanyang leeg , ang kanyang pisngi na pulang pula sa pag-iyak at ang kanyang mga hita.

Nang makapiglas siya sa hawak ni Romer, sinampal niya ito at tinulak nang malakas. Tumakbo siya papalayo sa kanya ngunit nakahabol ang lalaki at sinuntok bandang kanan ng kanyang mata. "Romer, layuan mo ko! Please, maawa ka wag! " Hikbi niya habang papalayo sa kanya.

Nangitim ang mga mata ni Romer. Ngumiti siya na may kabalakyuta at pagnanasa sa babae. Hinila ni Romer ang kanyang braso at ibinato ang kanyang buong katawan sa pader. Napa-ungol siya sa sakit ng paghampas.

Saad niya habang hawak-hawak ang kanyang buhok, "Diba, sabi ko sa iyo wag kang maingay. Gusto mo naman to diba? Ito ang gusto mo, Samantha. Kaya nga lagi kang sumusunod sa akin."

Samantha? Samantha ang kanyang pangalan. Hindi ko alam kung anung year niya at kung ano ang relasyon niya kay Romer.

Sinubukan niyang pumiglas, sipain at itulak si Romer, ngunit sa lakas ng kanyang higpit, hindi siya makaalis sa kanyang mahigpit na hawak. Naramdaman kong lumakas ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang kalampog. Pilit kong ginalaw ang aking mga batong paa upang makalapit sa kanila.

Huminga ako ng malalim, niyapak ko ang nanginginig ko na mga paa at kaagad na binato ang hawak-hawak kong folder kay Romer. "Diba sinabi niyang ayaw niya? Bitawan mo si Samantha."

"Ate?" Gulat na gulat na sinabi ni Samantha. Narinig ko ang takot at nginig sa kanyang boses at mukha. Tumakbo papalapit sa akin si Samantha. Inabot ko ang aking kamay sa kanya, ngunit bago pa siya makalapit sa akin, dinukot ni Romer ang kanyang braso at hinawakan ito nang mahigpit.

"Sabi ngang bitawan mo siya," ismid ko. Itinulak ko si Romer papalayo kay Samantha at kinuha ko ang kanyang kamay. Dali-dali kong hinila ang kamay ni Samantha at mabilis na tumakbo papalayo kay Romer.

"Putang ina! Bumalik ka dito, Samantha! Hindi pa tayo tapos," sigaw ni Romer kay Samantha. kinulot niya ang kanyang mga kamao, at tumakbo papunta sa aming direksyon.

Lumingon ako sa likod, at napansin ko na unti-unti niyang paglapit sa amin. Tinulak ko papalayo si Samantha nang bigla akong mahila ni Romer sa aking buhok. Umikot ako sa kanya at sinampal ko siya ng malakas sa pisngi. "Bitawan mo ko! Hayop ka!"

Sineyales ko si Samantha na napatigil sa pagtakbo, "Mauna ka na. Tumakbo ka na, Samantha!"

"Babalikan kita Ate, hihingi ako ng tulong," sagot niya sa akin. At tumakbo si Samatha na may pag-alinlangan.

"And who do we have here? Ah si Ms Elena Payton ang babaeng pinagkakaguluhan ng campus." Nilapat niya ang kanya bibig sa aking tenga at dinilaan. Nanginig ang buong katawang lupa ko. Hinawakan niya ako ng mahigpit sa akin tiyan, at naramdaman ko ang pagtaas ng kanyabg likod. Umikot ako upang makapiglas, ngunit nakulong ako sa kanyang mahigpit na braso.

"Sinabing bitawan mo ako!" Nangangaligkig kong sigaw. Inikot niya ako paharap sa kanya at hinila ang aking braso papalapit sa kanya. Sinubukan kong pumalag subalit hindi ako makaalis sa kanyang mahigpit na hawak.

Tumawa siya ng may kabalakyutan. "Ano, naiinggit ka ba kay Samantha, kaya mo kami ginambala?Pagbibigyan naman kita kung gusto mo."

Hinaplos niya ang aking buong braso at hinalikan ang aking leeg. Sa sandaling iyon, nadama ko ang pangingilabot sa aking buong katawan. Napalunok ako nang malalim at naramdaman ko ang maasim na asido sa aking kalamnan na wari'y namimilipit sa aking sikmura.

"Lumayo ka sa akin!" Hiyaw ko habang sinusuntok ang kanyang braso.

Napahagikgik siya, "Too bad you let Samantha go, edi sana dalawa na kayo ngayon," ngumiwi siya ng masama, sabay haplos sa aking likod. Nanginig ako lalo sa kanyang mga marahas na paghagod. Nanginig ang mga paa ko sa takot nang hinigpitan niya ang hawak sa aking buong katawan.

"Shusshhh," malalim na saad niya.

Hinalikan niya ako sa pisngi at sinabi, "Mabilis lang to promise, masasarapan ka."

"Kadiri ka! Animal ka! Paano mo 'tong kayang gawin?"Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang mga maitim niyang mata na pulang-pula sa pagnanasa. Humawi ang aking kamay at tinampal ng buong lakas ang kanyang pisngi. Tinulak ko siya ng paulit-ulit, subalit tila'y nakandado ang aking mga braso sa kanyang mapaniil na hawak.

"Simple lang, pag gusto ko gusto," sagot niya sabay pisil sa baba ko.

Dinuraan ko siya. "Walang hiya ka! Bitawan mo ko!"

Humagulgol ako at sumigaw sa takot. Tinulak ko siya ng malakas at pinilit kong pumiglas sa kanyang mga malulupit at marahas na hawak

"Punyeta! Sinabing tumahimik ka!" Kinuha niya ang leeg ko at sinakal ito. Nakita ko ang panggigigil sa kanyang mapupulang mata, na parang gusto akong sirain, wasakin.

Sinubukan kong sumipa at humampas, ngunit malakas ang higpit ng kanyang hawak sa aking leeg na animo'y pinipiga ang aking buong katawan. Unti-unti kong naramdaman ang pagsidhi ng aking hininga hangga't sa lubusan akong hindi makahinga. Naramdaman ko ang pagpisil ng ugat sa aking mga mata na tila'y naniniil sa sakit. Sinunggaban ko siya ng aking kamay, at pilit na inaalis ito sa akin leeg. Ngunit sa kalaunan, napagod ako at nawalan ng lakas, tanging bigsi ng aking mga luha lamang ang lumabas habang hawak niya ang buo kong katawan.

"Tulong..." Napapikit ako sa higpit ng kanyang paniniil sa aking leeg.

Sa pagkakataon na iyon, nabalutan ng pighati ang aking mga mata sa kawalan ng pag-asa at katapusan. Gusto ko man pumiglas subalit hindi na mismo kinaya nang aking nanghihinang katawan.

"Ate! Ate Elena!"

Sa gitna ng kadiliman na iyon, narinig ko ulit ang boses ni Samantha papalapit sa amin. Tumingin ako sa paroroonan ng boses at nakita ko siyang tumatakbo papunta sa akin.

"Ate! Ate! Naandito na kami," tawag niya. Tumingin ako sa kanya at sa puntong iyon nabuhayan ako ulit.

Nadama ko ang pag-alis ni Romer ng aking damit panloob baba. Sinipa ko siya sa kanyang ari, umikot at tumakbo papalayo sa kanya. Hindi na ako nagtangkang lumingon at dumeretso akong tumakbo papunta kay Samantha. Napatingin ako sa kanyang kasamang lalaki at nagulat sa aking nakita.

"Dante?" Tanong ko ng may pagtataka.

Lumingon ako kay Samantha. Tumungo siya sa akin at ngumiti ng may halong lungkot at saya. Hinawakan ko ng mahigpit ang damit ni Dante. Yumuko ako sa kanya at napaiyak. Naramdaman ko ang paghawak niya sa aking mukha na tila'y nilapit niya sa kanya. At sa pagkakataon na iyon, nadama ko ang init ng kanyang paghagod.

Nagtanong siya sa akin na may pakabagabag, "I'm here. You're safe, Elena."

Umiling ako sa kanya at dali-daling niyakap si Samatha. Nang masabi ko iyon, napawi ang panggigil niya sa mukha.

Binitawan ko si Samantha sa pagyakap at hinawakan ang kanyang mukha, nakangiti at panatag, "Sorry ate, ngayon lang kami nakapunta," sabi ni Samantha sa akin.

Umiiling ako at sumagot, "Okay lang. Wag kang mag-alala. It's alright, Samantha." Niyakap ko siya ulit ng mahigpit at naramadaman ko ang pagtulo ng aking mga luha.

Lumingon ako nang maramdaman ko na may bumagsak sa pader. Nakita ko si Dante na naka-kamao ang kanyang kamay at handang sumuntok ulit. Sumuntok si Romer ngunit naiwasan ito ni Dante. Dali-daling sinipa ni Dante si Romer sa lulod at napasubsob ito sa sahig.

"Gago ka, Tang ina mo Gillesania!" Sagot ni Romer, sabay tayo muli, duguan ang kanyang mukha.

"Tang-ina mo Romer, Mas Gago ka!" Sinuntok ni Dante si Romer sa kanyang mukha. Nang mabulagta si Romer sa sahig, sinutok niya ito ulit sa mukha. Nagulat kami ni Samantha.

Tinawag ni Samantha si Dante, "Kuya, Tama na po!"

Nakita ko ang pagkabahala sa mukha ni Samantha kung kaya't hindi na ako nag-atubiling puntahan Dante.

Naglakad ako pabalik sa kanila. Napatitig ako sa makisig na likod ni Dante nang tinawag ko siya,"Tama na, wag na Dante..."

Nagmamakakaawa ko siyang hinawakan sa kanyang namimilipit na braso. Napansin ko ang pagpikit ng kanyang mukha at pagluwag ng kanyang mga kamao. Kinuha ko ang kanyang kamay at nakiusap, "It's not worth it."

Lumingon ako kay Romer at nakita ko ang kanyang duguan na mukha. Binalik ko ang tingin ko kay Dante. Kinuha ko ang kanyang kamay at sinalikop ang aking mga daliri sa kanya.

Pagkatapos, hinila ko siya papalayo kay Romer.

*********End of Chapter 3**********