Sampung taon ang nakaraan...
Nakaupo ako sa sofa ng faculty habang kausap si Mrs. Ramos, ang chemistry teacher namin. Sa lahat ng teacher sa faculty ng highschool, siya ang pinakamalapit sa akin. Malaki ang nagawang tulong sa akin ni Mrs. Ramos. Hindi lamang siya naging teacher sa akin, kundi naging pangalawang magulang ko na rin dito sa eskuwelahan.
Ibinigay niya sa akin ang isang basong tubig at umupo sa tabi ko, "May problema ba, Elena? Kamusta ka na?"
Ininom ko ang basong binigay niya at umiling. "Wala naman po ma'am. Nagbaka-sakali lang po ako na baka meron po kayong marekemonda na trabaho. Kahit part-time lang po."
Napakunot ang kanyang noo sabay na nagtanong. "Para saan? May nangyari ba kay Lola Aning?" Nakilala niya si Lola Aning ng maging teacher niya ito noong hayskul, at dahil doon malaki ang tiwala ni lola kay Mrs. Ramos.
Inipit ko ang hibla ng buhok ko sa likod ng aking tenga. "Wala naman po ma'am. Gusto ko lang po sana makaipon po para sa kolehiya at para makatulong na rin po kay Nanay Aning. " Dahil bukod kay Lola Aning, Si Mrs Ramos ang isa sa mga taong bukod tangi na pinagkakatiwalaan ko.
Napaisip si Mrs Ramos. "Hmmm. Sige, titingnan ko Elena ah. Basta kung may problema ko o may kailangn kang tulong, don't hesitate to talk to me." Ngumiti siya sa akin at hinaplos ang likod ko.
"Maraming salamat po." Ngumiti ako.
*************************
Maagang natapos ang huling klase namin para sa araw ngayon. Mistula, nagmamadali si Mrs Ramos sa kanyang pagtuturo na tila may kailangan pa siyang puntahan. Unti-unting nagsi-alisin ang mga kaklase ko at sa kalaunan, ako na lamang ang natira sa classroom.
Naglinis lang saglit ang mga kasamahan ko ngayon at nauna na rin dahil may kailangan pa raw silang gawin o pupuntahan.
"Mauna na muna ako, Elena. May pupuntahan pa kasi kami ng family ko," paalam ni Christina, habang nagmamadaling nagwawalis.
Tumungo ako sa kanya. "Sige. Okay lang," sagot ko habang nagpupunas ng blackboard.
"Sige thank you ah! Bawi ako sa iyo next time, promise," ukol niya sabay paalam niya sa akin.
Napabuntong hininga ako. Kinuha ko ang walis na iniwan niya malapit sa basurahan at nagsimula nang maglinis.
Bilang ako ngayon ang cleaner, hindi ko maiwanan ng madumi ang classroom. Kung kaya't, naglinis muna ako bago ko ibigay kay Mrs. Ramos ang isang bungkas ng test paper na ipinadadala niya sa akin. Mga ilang minuto rin ang nakalipas at natapos ko rin ang paglilinis. Inayos ko ang mga upuan sa kanilang mga pwesto, pinatay ang ilaw at sinarado ang pintuan.
Hawak ko ang isang balot ng testpaper sa aking kanan kamay at naglakad ako papunta sa faculty. Pagpasok ko sa loob, walang tao maliban kay Mrs. Ramos, at isang lalaking may kulay ang buhok na nakasuot ng uniform tulad ng sa akin.
Papunta na sana ako ng kanyang lamesa, nang bigla kong marining ang isang malakas na tunog sa lamesa ni Mrs. Ramos. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa lalaking sinesermonan nito. Matangkad siya, at makisig para sa kanyang edad. Tila'y mukhang aktibo at laging nagbubuhat. Bumantu-bantulot ako sa pagdaan sa kanila upang maiwasan na makaabala sa kanilang pag-uusap.
"Mr. Gillesania bagsak na nga ang mga grade mo, late ka na naman kanina! Ano na ang matitira sa grado mo? May balak ka bang grumaduate?" Saway ni Mrs. Ramos habang hawak ang kaniyang grading sheet.
Napaubo ako ng mahina at napatingin sila sa kanilang dalawa. Napataas ng kilay si Mrs Ramos na parang may pagtataka sa kanyang pagmumukha kung bakit ako nasa loob ng faculty.
Inilagay ko ang mga test paper sa kanyang lamesa at sinabing, "Ma'am, tests paper po."
Napatungo Si Mrs. Ramos nang maliwananagan ito, "Sige salamat, Ms. Payton."
Napansin ko ang lalaking may pulang buhok na tila nagmamasid sa akin. Tinitigan ko siya at pinagmasdan. Maliit ang kanyang mukha para sa lalaki. Makinis at katamtaman lang ang kulay, wari'y buhat siguro sa matagal na pagbabad sa ilalim ng araw. Hinawi niya ang kanyang buhok at pinasok ang kanyang dalawang kamay sa bulsa.
Patuloy ang pagtingin niya sa akin, habang galit na galit na sinesermonan siya ni Mrs. Ramos. Iniwasan ko siys at yumuko dahil naiilang ako sa kanyang mga mapanuring titig.
"At ano ba iyang buhok na 'yan, Mister Gillesania? Hindi ba't nasa dresscode na bawal ang may kulay sa buhok?" Turo niya sa kanyang umaalab na pulang buhok.
Hinayaan ko silang dalawa mag-usap at nagpasyang umalis na nang faculty.
Napatigil na lamang ako nang bigla kong marining ang aking pangalan. "Ms Payton..." Ani ni Mrs. Ramos.
Napaikot ako, gulat na gulat sa pagtawag sa akin, " Ano po 'yon, ma'am?"
"Halika rito," sagot niya na may pagkumpas sa kanyang kamay.
Lumapit ako ng paunti sa kanyang lamesa at nagtanong, "Bakit po ma'am?"
Hindi ko alam pero sa puntong ito ako ay kinakabahan. Tila napaisip ako sa biglang pagtawag ni Mrs. Ramos sa akin.
Napatingin ulit ako sa lalaking may pulang buhok.
Nakatitig siya at nakangiwi sa akin.
Lumihis ang tingin ko at pumirme kay Mrs. Ramos. Ngunit, gayunpaman, ramdam ko ang kanyang patuloy na pagmamasid. Unti-unti akong nailang kaya lumayo ako ng konti sa kanya.
"Ms. Payton, magkakilala na ba kayo ni Mr. Gillesania?" Tanong ni Mrs. Ramos.
"Hindi po," sagot ko.
Nagtaka si Mrs. Ramos sa aking panayam. "Seryoso Ms. Payton, sa tagal niyo dito sa school na to, hindi kayo magkakilala?"
Sa totoo lang, sa tatlong section ng 3rd year na mayroon 45 students each section, hindi mo makikilala lahat ng ka-batch mo lalo't na kung hindi mo siya nagging kakaklase. Hindi ko rin alam kung bakit siya kinakausap ni Mrs Ramos dahil hindi ko rin naman siya kaklase o kilala. Sagot ko sa aking sarili
Napatingin ako kay Mr. Gillesania nang marining ko siyang magsalita, "Maam, sino po ba ang hindi nakakakilala sa kanya?" Pabalang na sagot ng lalaking pula ang buhok.
Napabuntong hininga si Mrs. Ramos, "Hindi ikaw ang tinatanong ko Mister Gillesania." Lumingon ulit sa akin si Mrs. Ramos at sinabing, "Anyway, Ms Patyon, Si Mr. Dante Gillesania, from Section 3, Makabayan."
"Siguro naman Mr. Gillesania hindi ko na kailangan ipakilala sa iyo si Ms. Payton," mapanuyang sagot ni Mrs. Ramos
Napangiwi si Mr. Gillesania.
Lumingon sa akin si Mr. Gillesania, at nang-aasar na sagot, "Pleasure to finally meet you, Ms. Payton." Inalukan niya ako ng kamay.
Hindi ako umimik at kinuha ko it na may pag-aalinlangan.
Umupo si Mrs. Ramos at sinabing, "Since magkakilala na kayo, I have a proposition to the both of you."
Napakunot ang aking noo. "Ano po 'yon?"
"Since, nasabi mo nga sa akin na nangangailangan ka ng part-time job para maka-ipon for college and I think for your age this is the best option I can suggest you," aniya ni Mrs. Ramos.
Huminga ako ng malalim. "Ano po ang gagawin, Mrs Ramos?"
Lumingon siya kay Mr. Gillesania. "Help Mr Gillesania with his studies until his grades are up and good. Can you help me with that? Babayaran naman kita. Lets say this can be your part time job for a while."
Gusto ko sanang tanungin si Mrs Ramos kung kaano-ano niya ang lalaki, ngunit napaurong ang dila ko at nagtanong na lamang. "Tuturuan?"
Lumingon ulit ako kay Mr Gillesania. "Siya?"
"Hindi ko kailangan ng tutor," saad ni Mr. Gillesania
"Hindi ikaw ang kausap ko Mr Gillesania. Anyway, Ms Payton, Yes tutor. As you have heard, a while ago, Ms. Payton, Mr. Gillesania badly needs help. And I know, you can help him with his studies, since you are one of the top in your batch," paliwanag ni Mrs. Ramos.
Tiniklop ko ang aking mga kamay na nakatago sa akin likod. Napaisip ako at napakagat sa labi. Hindi ako makasagot, dahil alam kong tama si Mrs. Ramos. Kailangan kong makaipon ng pera para sa kolehiyo.
Huminga ako ng malalim at tumango kay Mrs. Ramos. "Sige po ma'am." Tumingin ako kay Mr. Gillesania na patuloy pa rin ang pagtitig sa akin.
"Great. Maraming Salamat, Ms. Payton." Ngumiti siya sa akin at tumayo, hawak-hawak ang kanyang mga teaching materials.
"I don't need it, Auntie," aniya na may daing sa kanyang boses
Auntie? Napatanong ako sa sarili ko.
"Not a word, Dante. You will or else I will tell Coach Macaraeg to restrict you from attending your soccer practices," babala ni Mrs. Ramos. Naglakad siya papalayo sa amin, handa nang pumunta sa susunod niyang klase.
"That's unfair," angil ni Mr. Gillesania
Hindi siya pinansin nito. "You guys can go home," dagdag ni Mrs. Ramos habang hinihintay kaming dalawa palabas ng faculty.
"Tomorrow, after class. Sa library. Wag kang malalate," sabi ko at lumakad papalabas ng faculty na walang paglingon.
"May practice kami," sagot niya.
Narining ko habang naglalakad palabas ng faculty.
*****************************
Pagpasok ko pa lang ng bahay, naamoy ko ang mabangong niluluto ni Nanay Aning. Si lola na ang nag-alaga sa akin simula pagkabata, nang mangulila ako sa aking mga magulang. Titser din siya tulad ni Mrs. Ramos, subalit hindi na niya kayang magturo kaya pinagliban na niya ito. Dahil sa kanyang katandaan, minabuti na lang niya na na maparito sa bahay at alagaan ako.
Pumunta ako sa loob ng kusina at hinalikan ko si nanay sa pisngi.
"Ang bango naman niyan 'nay," ngumiti ako kay lola at umupo sa upuan, sabik na sabik matikman ang lutong kare-kare ni nanay.
"Andito ka na pala, 'nak." Kumuha siya ng kare-kare sa kaldero at inihain sa akin. "Oh, heto, kumain ka nang maayos ah. Kaninang umaga hindi mo naubos ang pagkain mo. Alam mo naman na napaka-importante ng umagahan," paalala niya at umupo sa tabi ko, bahagyang pagod at nanghihina.
Kumuha ako ng kanin sa ricecooker, mga kubyertos, mga baso at naglapag sa lamesa. Umupo ako sa tabi ni nanay at sumadok ng kare-kare. "Hmm, masarap 'nay," ngumiti ako sa kanya at saka kumuha naman ng kanin.
"Kamusta ang iskul mo, 'nak?" Tanong ni Nay Aning.
Tumango ako sa kanya. "Okay naman po. Nakakuha na po ako ng part-time job po para college po."
Kinuha niya ang dalawang baso at nilagyan ng tubig. Ibinigay niya ang isang baso sa akin at nagtanong ulit, "Anong klaseng trabaho?"
Nilunok ko ang pagkain ko at sinagot siya, "Tutor po ng kaklase, 'nay."
Napataas ng kilalay si Nanay Aning, "At saan iyan? Sa bahay ng kaklase mo?"
"Hindi po. Sa library lang po, nanay," sagot ko.
"Babae o lalaki?" Nagtanong ulit si Nanay.
Humigpit ang hawak ko sa kubyertos. "Lalaki po." Napalunok ako ng wala sa oras. "'Nay sa library naman po kami at naandiyan naman po si Mrs. Ramos kapag may kailangan po ako."
Tumango si lola na parang naginhawaan,"Okay 'nak, basta wag kayo magpapagabi ah at tumawag ka sa akin kapag late ka na makakauwi.
"Opo 'nay," ngumiti ako at tumuloy sa pagkain.
*******************************
Nag-aalinlangan ako sa sinabi ni Mrs. Ramos tungkol sa tutoring class na magaganap. Lalo't na hindi ko naman kilala ang lalaking iyon. Sa unang pagkakilala ko pa lang sa kanya, tila hindi na maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit, ngunit he just ticks me off. Gayunpaman, napagdesisyunan ko na dumeretso sa library pagkatapos ng klase. Sa kasamaang palad, kanina pa ako naandito at lumipas na ang isa't kalahating oras, hindi pa rin siya dumarating.
Nakaupo ako malayo sa Librarian para sa gayon hindi kami makaabala sa ibang mga estudyante na nag aaral. Kinuha ko na lang aking math notebook, pampalipas oras, habang naghihintay sa kanya.
Napatingin ako sa orasan at nakita ko na lumipas na pala nang dalawang oras. Lumingon ako sa paligid, at wala pa rin senyales na nagsasabing naandito na siya. Sinarado ko ang aking notebook.
"Wala pa rin siya," daing ko habang hawak ang notebook ng Math na kanina ko pa sinasagutan.
Tumingin ako sa ulit sa orasan, sa pintuan at sa paligid, nagbaka-sakali na makita ko siya, pero wala rin. "Kung hindi ka dadating, aalis na ako," sabi ko ng mahina.
Naghintay ako ulit nang 30 minutes, ngunit hindi pa rin siya dumarating. Napabuntong hininga ako at nagpasya na lang na umalis. Tutal maggagabi na rin naman, malabo nang pumunta pa siya.
Nagligpit ako ng gamit at binalik ko ang mga gamit at libro ko sa bag at lumabas na nang library.
Ano nga ba ang aasahan ko? Hindi kami magkakilala. Hindi ko siya kilala. Hindi rin naman niya ako kilala. Sa totoo lang, kung hindi ko lang naman ito kailangan, hindi ko ito gagawin.
*************************
Natapos na ang fifth class namin at kasama ko ang kaibigan ko na si Melai papunta sa cafeteria. Matagal ko nang kaibigan si Melai. Magkasama na kami simula pa lang noon gradeschool pa kami. At sa lahat ng kilala ko dito sa school, siya lang ang itinuring kong matalik na kaibigan.
"Ugh, grabe ang tagal tayong palabasin ni Mr. Gomez. Alam mo ba kanina pa ako gutom na gutom. Hindi pa nga ako kumakain ng breakfast," sabi ni Melai, sabay hila na ako papasok sa loob ng cafeteria. Dumerestso kami sa mahabang pila ng bilihan ng pagkain.
Tinapik ko si Melia, "Melai, do'n lang ako sa table ah. Tutal may dala naman akong pagkain," turo ko sa kanya sa unang kanang bahagi ng cafeteria
Tumango si Melai. "Okie."
Naglakad ako papunta sa table ng makita ko si Mr. Gillesania malapit sa amin kumakain kasama ng mga kaibigan niya. Nilapag ko ang lunchbox ko sa table at nilapitan ko siya.
Tumingin sila sa akin na gulat na gulat. Lumunok ako ng malalim at sumagot, "Hindi ka pumunta kahapon."
Sinubo ni Dante ang manok sa kanyang bibig. "Hindi ba't sinabi ko sa'yo may practice ako kahapon."
"Ano 'yan pre? Saan kayo pupunta?" Sabi ng isa niyang kaibigan at nagtawanan silang lahat. Umubo ang isa, at tinulak naman siya ng isa niyang kaibigan na ka-section ko, si Anthony.
"Hi Elena," asar ni Anthony sa akin.
Hindi ko pinansin ang mga panunukso nila at sinagot si Dante, "Mamaya ulit after class kung hindi ka pupunta sasabihin ko na kay Mrs. Ramos." Umalis ako sa table niya at naglakad papunta sa table namin ni Melai.
Nakita ko si Melai gulat na gulat. "Kilala mo si Dante? Varsity ng soccer?"
Binuksan ko ang aking lunchbox at umiling. "Hindi. Sino ba siya? Kilala mo ba siya?"
"Eh, paano mo siya nakilala?" Napasigaw na sagot ni Melai.
"Shhush," pinatahimik ko siya
"Eh ano nga?" Bulong ni Melai
I rolled my eyes. "Nakiusap si Mrs. Ramos sa akin kung pwede kong tulungan siya sa pag-aaral. Eh diba nga naghahanap ako ng trabaho para makaipon sa college. So ayon, kinuha ko na. Sayang naman."
Naunawaan ni Melai ang sinabi ko at sinubo ang tocino na nasa kanyang plato. Binuksan ko ang tupperware na may nilalaman na natirang kare-kare kagabi at kanin. Nakita kong sumandok ng kare-kare si Melai, "Uy, ang sarap naman nito. Luto ba 'to ni 'Nay Aning?"
"Aba, syempre," sagot ko.
Kinuha niya ang bote ng tubig sa tabi at uminom. "Well anyway, eto na nga, Si Dante Constantino Gillesania...Teka, hindi mo ba talaga siya kilala?" Tanong niya ulit.
Umiling ako, "Hindi nga."
"Transferee siya last year. No'ng second year tayo. Galing States, doon siya naggradeschool kaya medyo slang magsalita. Bumalik siya dito sa Pinas mag-isa at nakatira ngayon kay Mrs. Ramos," kwento ni Melai.
Tumango ako. "Kaya pala tinawag niyang Tita si Mrs. Ramos at parang slang magsalita." Sabi ko sabay kuha ng tubig sa lalagyanan ng lunchbox ko.
"Nosebleed ba?" Asar ni Melai
Natawa ako sa kanya at nilunok ang aking kinakain. "Paano mo naman nalaman ang tungkol sa kanya?"
"Beshie, ikaw na lang ata talaga ang taong hindi updated. Sobrang sikat niya kaya sa campus natin. Biruin mo matangkad, matipuno, gwapo, athletic at magaling pa mag-english. Ayun nga lang nga, hindi lang matalino," dagdag ni Melai
Natawa ako sa kanya. "Ganun ba. Alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga ganyan diba," pag-uyam ko.
Sumang-ayon si Melai, "Oo nga. At kaya matagal na tayo magkaibigan, because we are so opposite. Pero bes ah, minsan try mo naman magloosen-up. You are pretty naman and matalino. Marami kaya sa iyo nagkakagusto sa batch natin. Natatakot lang sila lapitan ka kasi baka irapan mo sila." Tahasan salita ni Melai habang kumakain.
"Loka ka talaga," sagot ko. "Oh may natira pa akong ulam."Ibinigay ko sa kanya ang natira at kinuha ko ulit ang tubig.
"Thanks. Iba ka talaga friend."
********************************
Pagkatapos ng klase, dumertso ako kaagad sa library para tutoring session. Pagpasok ko sa loob nakita ko ang iba kong mga kaklase na nag-reresearch din.
"Oh, naandito ka pala, Elena," wika ni Rachel, habang kasama ang iba ko pang mga kaklase.
"Oi, Vice Pres, naandito ka pala," dagdag ni Tomas
"Oo, magreresearch din," sagot ko.
Tumawa si Christina na katabi niya, "Ano ka ba lagi kayang nasa library iyan si Vice President. Diba?"
"Ah, sige mauna na ako," tugon ko. Naglakad ako papunta sa table na malapit sa sulok, binuksan ang bag ko at kinuha ang chemistry notebook ko.
Lumingon ako sa orasan na nasa tapat ko, nag-iisip kung pupunta kaya ang lalaking iyon. Basta nasabihan ko siya kanina, bahala siya kung pupunta siya o hindi. Naisip ko at nagpatuloy sa pagsagot ng assignment.
Lumipas na ang dalawang oras at nasa library pa rin ako. Wala pa rin siya. Natapos ko na lahat ng assignment at research na kailangan kong gawin, ngunit hanggang ngayon wala pa rin siya. Nagpasya na lang ako na umuwi na lang dahil maggagabi na rin naman. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag at tinext si Nay Aning.
Niligpit ko ang aking gamit at naglakad paglabas ng library. Binati ko ulit sila Rachel, Christine at Tomas namg madaanan ko sila.
"Una na ako."
"Sige, Bye! Ingat," ngumiti si Rachel.
Binuksan ko ang pinto at lumabas ng library.
*****************************
Nakita kong tumatakbo palapit sa akin si Melai sa loob ng campus. Inakbayan niya ako at sinabing, "Tara sabay na tayo umuwi."
"Tapos na band pratice ninyo?" Tanong ko sa kanya. Tumutugtong ng drum si Melai at kasama sa band team ng Majorettes. Kahit hindi gaano karunong ni Melai sa mga aralin, magaling naman siya tumugtog ng ibat-ibang klaseng instrument. Siguro, dahil na rin sa kanyang pamilya na puro mga musikero.
Tumungo siya, "Yup. Minsan na din tayo umuwi ng magkasabay. Ikaw ba't naandito ka pa? Diba lagi kang maaga umuwi?
"Sa library ako, nagsagot ng assigment and nagresearch na rin," sagot ko sa kanya.
Napakunot siya ng noo. "Pero madalang ka naman umuwi ng ganitong oras, lalo't na pagabi na."
Sinenyales ko siya, "Diba nga tutor. Kaso ayun, hindi naman dumating."
"Ah gano'n ba? Eh paano na 'yon?" Tanong niya ulit.
Nagkibit na lang ako ng balikat, "Hindi ko rin alam eh. Siguro kailangan ko talaga maghanap ng part time job. May alam ka ba?"
"Nako bes, kung meron lang talaga, nagsuggest na ako," sagot niya, habang naglalakad kami palabas ng campus.
Napabuntong-hininga na lamang ako. "Okay lang. Siguro kausapin ko na lang Si Mrs. Ramos bukas."
Paglabas namin ng campus, bigla kong nakita si Dante Gillesania kasama ng kanyang mga barkada tumatambay sa canteen na katapat ng school naman.
Siniko ko si Melai, "Tingnan mo oh."
Napatingin si Melai sa canteen kung saan tumatambay sila Mr. Gillesania. "Yikes. Eh paano na yan ngayon? Mukhang ayaw ni Dante ng tutor."
Nagkibit ako ng aking balikat at hinila ko si Melai "'Di ko rin alam. Tara uwi na tayo."
"Hindi mo ba siya kakausapin?"
"Kinausap ko na siya kanina," sagot ko sabay hawak ng mahigpit sa aking bag.
Hindi na nagtanong muli si Melai at nagpatuloy kami sa paglakad, pauwi ng bahay. Sumakay kami ng tricycle at nakita ko siyang nakatingin sa akin.
Lumihis ang paningin ko, palayo sa kanya.
************************
Napaisip ako kahapon ng hindi pagpunta ni Mr. Gillesania sa library. Ilang araw na niya akong iniindiyan at walang pasabi lamang. Kung kaya't napagpasya ko na sabihin kay Mrs. Ramos na wag na lamang. Ayoko din naman pilitin ang taong ayaw matuto.
Kumatok ako sa pintuan ng faculty. nang marinig ko ang boses ni Mrs. Ramos, pumasok ako sa loob at dumeresto sa kanyang lamesa.
"Ma'am..." Wika ko, sabay higpit sa hawak ng folder ko.
Tumingin si Mrs. Ramos sa akin, "Oh ikaw pala, Elena. may kailangan ka ba?" Binaba niya ang hawak niyang bolpen at sinarado ang notebook.
I cleared my throat. "Tungkol po sana kay Mr. Gillesania..."
Tumaas ang kanyang kilay, "Hindi siya sumipot?"
Tumungo ako, "Opo...Kung ayaw naman po niya talaga, okay lang naman po sa akin, ma'am..."
Napabuntong-hininga si Mrs Ramos. "Hmm, sige salamat Elena, kakausapin ko na lang siya ulit mamaya."
"Pero okay lang po talaga ma'am kung ayaw niya. Ayoko rin naman po mamilit, lalo na po na hindi niya po gusto," tugon ko.
Tumayo siya sa kanyang upuan dala dala ang kanyang mga teaching materials. "Ganito na lang, kausapin ko muna siya at sasabihan kita kung tuloy pa rin, Okay ba 'yon?"
Tumango ako at ngumiti sa kanya.
******************************
Binalitaan ako ni Mrs. Ramos na tuloy ang tutoring sessions namin dalawa. Kung kaya't pagkatapos ng huli kong klase dumeretso ako kaagad sa library at umupo kung saan ako laging nakaupo, malapit sa orasan at sa bandang sulok.
Habang naghihintay sa kanya, nilabas ko ang aking libro sa English at nagsimulang magbasa ng maaga para sa susunod na lesson. Hindi ko alam kung bakit, pero nang malaman ko kay Mrs. Ramos na tuloy ang tutoring, kinabahan ako bigla. Siguro, dahil na rin na hindi kami magkakilala.
Nagsusulat ako sa aking libro nang marinig ko ang ingay mula sa upuan na nasa harapan ko. Napatingin ako, at nakita ko siyang umupo sa aking harapan, galit at mukhang mainit ang ulo.
"Naandito ka na pala," sabi ko.
Hindi siya nagsalita. Kinuha lamang niya ang mga notebook at libro sa kanyang bag at nilapag ito sa lamesa.
"So where do we start?" Tanong niya na may halong slang sa kanyang boses.
Napaubo ako, "Anong subject ka ba nahihirapan?" Tanong ko sa kanya.
Nagkibit siya ng kanyang balikat at sumandal sa upuan.
Huminga ako ng malalim at pinigil kong magalit sa kanya. Isipin mo nalang, Elena, kailangan mo ito. Konting tiis lang, Elena...
Kinuha ko ang kanyang Math book, "Sige dito na lang tayo magsimula, kasi ayaw mo naman magsalita."
Binuksan ko ang kanyang notebook at nakita kong walang masyadong laman. "Hindi ka ba nag tatake down ng notes?" Tanong ko, pilit na hindi mainis sa kanyang inaasta.
"Nope. Tinatamad ako." Humilig siya at pahilis na lumapit sa akin hanggang sa konti na lamang ang distansya namin sa isa't isa.
Hindi ako kumibo at lumayo sa kanya. Kinuha ko ang note book ko sa math at binuksan ko sa huling pahina na nasulatan ko. " Sige eto na lang. Dito na lang tayo, magsimula."
"Alam mo hindi mo naman ako kailangan turuan," saad niya na parang wala siyang pakialam.
Tinaas ko ang aking kilay at sumagot, "Alam ko. But I'm doing this because I have too."
Nagulat siya sa sagot ko at umupo ng maayos. "Okay then."
"Pwede na ba?" Tanong ko ulit sa kanya na may halong pagkairita sa akin boses.
"Whatever you want, Ms. Payton," tugon niya.
Napabuntong-hininga ako. "Okay," matipid kong sinagot siya.
Ilang minuto na ang nakalipas, subalit parang walang nangyayari sa pagturo ko sa kanya. Hindi si nakikinig at mukhang wala siyang balak makinig. Sinubukan ko siyang turuan at habain ang pasyensya ngunit hindi ko rin kinaya.
"Hindi ka nakikinig," ani ko.
"I'm multi-tasking. Nakikinig ako sayo habang naglalaro," tugon niya habang hawak ang kanyang cellphone na kanina pa niya nilalaro.
Umikot ang mata ko at hindi ko na kayang hindi magalit. Sinarado ko ang notebook at binalik ko ang mga gamit ko sa bag.
Bago ako tumayo sa upuan, sinagot ko siya nang bumubulalas, "Alam mo wala naman 'tong saysay. Hindi ka naman nakikinig at wala ka naman balak makinig. Itigil na natin ito. Dapat sinabi mo na lang kay Mrs. Ramos ang totoo na ayaw mo mag-patutor. Hindi yung nagsasayang ka ng oras ng ibang tao. Hindi lahat ng tao ay maswerte katulad mo. Madali naman ako kausap, kung ayaw mo, edi huwag."
Tumayo ako sa upuan at inayos ang silid. "Hayaan mo bukas na bukas sasabihin ko kay Mrs. Ramos na hindi na matutuloy ang tutoring."
Nagmartsa ako paalis ng library na hindi man lang tumingin sa kanya.
************************