Chereads / Hindi Tayo Puwede / Chapter 2 - Simula

Chapter 2 - Simula

"You know what Sab, ang gago talaga ng boyfriend mo no'!"rinig kong sabi ng kaibigan kong si Mariel. Kasalukuyan kaming nasa The Fort sa BGC at umiinom habang sinasabayan ang maingay na pinagsamang tugtog mula sa bar at ingay ng mga nagkakasiyahang tao dito.

"Hey, loosen up girl! Hindi lang siya ang lalaki na puwede mong maging nobyo. Look, marami ditong boys, some of them are models and some are artists. Huwag kang magpakatanga sa boyfriend mong babaero."bulong sa tenga ko ni Roxanne sabay lagok ng kanyang tequila. Sila ang mga kasama ko dito sa bar habang nagpapaka-lasing dahil sa nahuling kataksilan ng aking nobyo.

"Anak bumangon ka na sa kama mo, unang araw mo sa trabaho hindi ba? "

Oo nga pala! Nag-apply nga pala ako sa isang sikat na hotel dito sa Maynila. Hindi naman kami actually taga-dito, lumipat lang kami ng bahay ni Mama dahil sa nag-hiwalay sila ni Papa noong maliit pa lamang ako. Nahuli ni Mama na may babae si Papa at doon ay nauwi sila sa hiwalayan. Masakit sa parte ko dahil, bata pa lamang ako noon at habang nakikita kong nageempake si Mama habang umiiyak ay nasasaktan din ako.

Mga lalaki talaga, hindi marunong makuntento. They're so disgusting, namamangka sa dalawang ilog. How could they say to someone na mahal nila ito kung maghahanap naman ng iba! I will never love someone like my father. Hindi sila deserving sa pagmamahal na pure.

Nagmadali akong nag-asikaso ng aking sarili upang makaalis na at makapasok sa trabaho. I need to impress the boss para naman magtagal ako sa trabaho ko ano. Kailangan kong kumita kahit papaano para makatulong sa gastusin sa bahay.

"Mama aalis na ako, baka ma-late ako nito eh."nakuha ko na ang sapatos kong gagamiton ngayon sa unang araw ng pasukan. Since first day is the orientation day, I am wearing a white plain long sleeves, pencil skirt and a black shoes with 3 inches heels. I need to be more presentable. First impression lasts ika nga nila.

"Susnduin ka ni David hindi ba?"pahabol na tanong ni Mama sa akin bago ako pumara ng taxi.

"Hindi daw Ma, busy daw sa trabaho, suprise na lang daw niya ako mamaya after work."buti nalang may mga taxi kahit rush hour. Habang papunta sa aking papasukan, hindi ko maiwasang kabahan sa mga posibleng mangyari, I am going to be a room attendant sa Resorts World kaya hindi puwedeng madalian ang trabaho. Kailangan ko ng mga ganitong exposure para sa resumé ko, para may mas chance na matanggap ako kapag nag-apply ako sa ibang bansa.

Pababa na ako ng taxi nang makita ko si David sa tapat ng hotel, may dala siyang bulaklak at maayos ang porma. Isa ang pamilya niya sa mga mayayamang kompanya dito sa bansa. Ang alam ko ang papasukin na nila ang international world.

Dali-dali akong bumaba at nagbayad sa driver upang puntahan ang aking nobyo. Ito na ang surpresa niya para sa akin? How thoughtful he is. Kahit sabihin ng mga kaibigan ko na may babae daw si David, hindi ako naniniwala. May bulaklak na ibibigay sa akin para sa unang araw ko sa trabaho, ganito ba ang may ibang babae?

Ngunit tila nilamon ko lahat ng aking sinabi tungkol sa kanya nang makita ko siyang ibinigay ang bulaklak sa lumabas na babae doon mismo sa entrance ng papasukan ko. Ginawaran niya ito ng matatamis na halik at ngiti.

Bakit ganito David? Ano bang ginawa ko sa'yo para lokohin ako. Am I not enough? Pangit ba ako, may nakalagay ba sa noo ko na"lokohin niyo ako". Hindi ko na sila nahabol dahil nakaalis na sila gamit ang kotse ng walang-hiyang lalaking iyon.

Mga hayop! Tangina nila, magsama silang dalawa. Hindi ko alam kung naintidihan ko ba ang orientation na ginawa para sa aking trabaho dahil ang utak ko ay lutang sa nangyari.

"Girl, drink this shot. Magpakasaya ka naman. You are beautiful, and hindi dapat sinasayang ang ganyang mukha sa isang cheap na lalaki!"pangaral na sabi ni Mariel pagkatapos i-abot sa akin ang pangatlong shot ng tequila.

Fuck this feelings! Ito ang ayoko, sinabi ko na magmamahal ako ng taong tapat, yung hindi kagaya ni Papa. Pero ano na ngayon Sabrina, wala, katulad ka ng Mama mo. Pinaikot kayo ng mga lalaking 'yon.

Hinigit ako ni Roxanne sa gitna ng mga nagsasayawang tao. They are all happy while dancing. Some of them are dancing like a sluts, some are dancing like a pro, pero ang iba naman ay mag-isa lang na sumasayaw. Parang walang problema sa buhay nila na dumaan. Ngunit, kaya nga sila nandito dahil may problema at gustong makalimot.

Makalipas ang ilang minuto, bumalik na ako sa upuan namin dahil medyo nahihilo na ako. Grabe ang ipinapainom sa akin ng mga kaibigan ko.

While looking at the dancing crowd, tumunog ang telepono ko hudyat na may natanggap na mensahe.

Mula ito kay David. "Honey, where are you? Miss na kita."

Miss your ass! Hindi na ako maloloko ng mga ganyang salita.

Fuck you David!

Fuck you all dumb bastard men.