Chereads / Hindi Tayo Puwede / Chapter 3 - Kabanata 1

Chapter 3 - Kabanata 1

Sa buhay, may mga taong dadating sa atin at wala tayong kontrol dito. They will come and go whenever they want to. Some of them will stay, some are not. We cannot push them to stay with us while living, all we need to do is accept the fact that nothing in this world will last forever.

Why David did that to me? Ito ang tanong na paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan. Masaya kami noon, tila ba walang makakasira sa amin. Even though my friends keep on telling me that my boyfriend is cheating on me but I refused to accept that. Wala namang rason para lokohin ako ni David. Ang pagmamahalan naming dalawa ay masaya at wagas.

It's almost twelve in the midnight but the people in this bar are still hyper. Hindi mo makikita na napapagod sila, some are flirting and some are dancing. Pero most of them are holding different glasses na may lamang alcohol. Hindi man kami mayaman, but still I can pay kung ano man ang inumin ko dito. Mayaman ang side ni Mama kaya kahit naghiwalay na sila ni Papa, ay mayroon pa din kaming pera. But still, I need to earn money. Nakakahiya naman kung pera nina Lolo at Lola ang aking gagamitin sa mga ganitong gawain.

"Sab bakit umupo ka na?"napatingin ako sa gawing kanan nang umupo sa tabi ko si Mariel habang nilalagok ang isang shot ulit ng alak. Itong mga kaibigan ko ay nakilala ko sa school while I was finishing my studies. Sa Ateneo de Manila ako nakapagtapos kasabay ang dalawang ito sa kursong Hospitality Management.

"Where's Roxanne?"nagtataka kong tanong. Hindi ko siya makita kanina pa. Ang huli kong kita ay nakikipagsayaw siya sa isang lalaki. Ito ang pinagkaiba nila ni Mariel, siya ay mas pormal at masasabi mong matalino sa grupo namin while Roxanne, she's the sexy one. Magaling siyang makipag-usap sa mga lalaki and it will end to flirting and make out. But still, they are my friends. Sila ang nagpakilala sa akin ng ganitong mundo. I don't know what to do if wala sila, dahil sa ngayong may problema ako, sila lamang ang matatakbuhan ko.

"Tumingin ka sa mga nagsasayaw na tao. Nandoon siya oh, nakikipag-landian as usual."tumawa ako ng bahagya sa sinabi ni Mariel. "CR lang ako saglit."tugon ko habang kumukuha ng tissue sa aking bag.

While going to the comfort room, napasulyap ako sa isang lalaki na nakaupo sa may gawing kaliwa malapit sa CR. He is just sitting calmly while drinking some liquor. Para bang nagmamasid siya sa mga taong nasa gitna upang sumayaw. Like a hawk and hunting for its prey. Tsk, those kind of men are so disgusting. Naalala ko na naman ang nobyo kong gago. They are using their looks to hook different girls. And after sex, they will just let go them like a trash. Lucky me, wala pang nangyayari sa amin ni David.

I used the cubicle dahil kanina pa ako naiihi. Hindi ko na mabilang kung naka-ilang shots ako ng alak just to forget this nightmare. While washing my hands at the sink, napatingin ako sa salamin sa aking harapan. I am looking at my face, searching kung may mali ba sa akin. Back when I was a college student, I used to join beauty pageants to represent our society at nananalo ako, maybe because of my features. My grandfather was a spanish so that's why some of my features are not pure filipino.

Taksil ang gabi, doon niya ito ipapalala ang mga masasakit na gusto mong kalimutan. You just need to accept it, wala ka namang choice kung hindi tanggapin ito. Fuck this feelings! Ito ang ayoko sa lahat. I swallowed my pride just to maintain my relationship with David. Pero wala, niloko niya pa rin ako.

After washing my hands, lumabas na ako at nagtungo sa mesa ng aking mga kaibigan. Sumilip ako sa pwesto ng lalaking nakita ko kanina bago pumunta sa banyo ngunit wala na siya doon. Maybe he's just buying some time or maybe now he's with some girl and doing some personal business. But I don't care! Starting right now, I will not give some damn care for these fucking kind of individuals.

I am done dealing with boys. I just want to focus on my life, be happy with my friends. Maybe I need to learn na maging kontento sa mga taong nasa paligid ko. After all, I can live and I am still alive right now.

Naupo ako sa dating pwesto at inabot ang isang shot ng alak sa lamesa. I need to drink, I need to be happy and okay. Tumunog ulit ang aking telepono at nakitang mula iyon kay Mama.

"Anak, anong oras ka uuwi? Ipapasundo kita kay Mikael."buti nalang mabait si Mama at si Mikael. He's my younger brother, I will teach him how to be a good boy lalo na't naka-experience na ako ng panloloko mula sa kapwa niya lalaki.

Nagtipa ako at sinabing uuwi na ako kaya pwede na niya sabihin sa aking kapatid na puntahan ako dito sa bar. I need to find my friends and bid goodbyes to them. Sila ang dahilan kung bakit ako panandaliang nakalimot sa sakit.

"Mariel I need to go. Pasabi nalang kay Roxanne na uuwi na ako. I can't find her. Thanks for tonight."buti nalang madali ko siyang nakita. Maybe Roxanne is in the middle part of the dancing crowd.

"Yeah sure,no problem Sab. Uuwi na din kami. I'll just find Roxanne."tumawa na lamang kami at muli akong nagpaalam bago lumabas ng bar.

Hindi na ako naghintay ng matagal dahil dumating na agad ang aking kapatid upang sunduin ako. "Buti nalang, gising pa ako ate para masundo ka."

"Thank you Mikael! Let's go. Inaantok na ako."sumakay na ako sa passenger seat ng kanyang sasakyan. "Ano bang nangyari, niloko ka ba ni David?"bungad niya habang pinapaandar ang sasakyan.

Wala akong sinagot at sa halip, binuksan ko ang bintana at dinama ang malamig na ihip ng hangin na tumatama sa aking mukha.