Nagpatuloy kami sa paglilinis mga kwarto ni Mariel. Hindi ko na inintindi muli ang kanyang sinasabi tungkol sa bagong may-ari ng hotel."Grabe ang hot daw noong bagong may-ari. At single daw iyon."nilingon ko si Mariel dahil sa kanyang sinabi. "Gwapo o hindi, they are all the same. Mga manloloko. Wala akong panahon para sa mga ganyang bagay Mariel. Kakahiwalay ko lang kay David kanina remember?"
Tinapos ko na ang pang-limang kwarto. Make up room lang naman ito dahil ang mga occupied ay nag-request na mamayang hapon pa sila magpapalinis. I don't have a choice. It is my job to clean at kapag may nakalagay sa pinto nilang do not disturb, wala kang magagawa. Tatawag na lamang sila sa head ng housekeeping upang ipaalam kung kailan sila magpapalinis. Sa oras na ito, coffee break namin at binigyan kami ng 30 minutes upang mamahinga bago tumuloy sa trabaho. Maswerte dito dahil libre ang mga pagkain mo. If you want a coffee, juice, snacks, and even the lunch ay libre din para sa aming mga trabahador dito.
"Let's just drink coffee here girls. Medyo malayo pa ang coffeshops dito kung gusto niyong lumabas."nagulat ako kay Roxanne na ngayo'y nasa likuran namin ni Mariel. Buti pa ito, sa unang araw ay magaan ang trabaho niya samantalang kami ni Mariel ay mabigat agad. "Kamusta naman ang swimming pool? Busog ba ang mata mo doon?"tumawa nalang ako sa tanong ni Mariel sa kasama namin. Kilala na namin ito at mahilig siya sa boys. But for fun lang din. "Medyo kaunti ang mga binata. Puro halos matatanda ang nandoon. Some of them are enjoying the sun, while yung iba naman ay nag wawater exercise."bagot na sagot ni Roxanne sa amin.
Umupo kami sa dulong bahagi ng cafeteria malapit sa bintana kung saan matatanaw mo ang mga nagluluto. Hiwalay kasi ang kainan namin sa kainan ng mga guests dito. For today, nagtimpla lamang ako ng kape at pizza. I'm not that hungry, siguro ay nagutom lang ako ng kaonti dahil sa ginawa namin.
Naging masarap ang kwentuhan namin nang may biglaang bulungan ng mga tao ang aming narinig. They are like bees, busy bees. Napalingon ako at nakitang isang lalaking naka-formal attire ang pumasok kasama ang dalawa pang lalaki. Boys will be boys, they want attention. Grand entrance ba ang kailangan nila, I'll buy a red carpet for them next time.
"Gosh, Sab ito ang tinutukoy kong bago nating boss. Yung nasa gitna. Diba ang gwapo niya."bulong ni Mariel sa akin. Ito namang si Roxanne ay parang naglalaway na dahil sa mga bagong dating. Palibhasa no feelings siya at pure fun lang kaya walang emotions na involved. Kailan kaya ito magtitino?
"I don't care Mariel. Sinabi ko na sa'yo kanina na parehas lang sila ng dating boss, kailangan respetuhin. Nothing more nothing less"gwapo lang ganito na agad ang reaksyon nilang dalawa. "So bitter naman Sabrina Veronica Montenegro. Do not generalize all of them."ani Roxanne. Basta lalaki talaga, okay siya. Maglaway na sila ng maglaway. Focus ako sa trabaho ko ngayon. Marami pa akong iniisip dahil sa recent break up ko with my ex.
Those kind of faces ay kabisado ko na. Since may mga pinsan akong lalaki, nakikita ko na ang mga posibleng pagkakatulad nila. Nasa bar sila tuwing gabi, having fun while waiting for some girl na makukuha nila by their looks tapos after sex ay parang wala lang nangyari. I am not new to these kind of things. Namulat na ako sa mga gawain noong nasa Davao pa kami. Noong hindi pa naghihiwalay si Mama at Papa. Si Mama ang taga Davao samantalang si Papa ay taga-Manila. Nandoon sa Davao ang mga pinsan ko at nakikita ko kung paano sila kumilos. Hindi na ulit ako magpapaloko sa mga ganyang mukha. Looks can decived someone lalo na kung baguhan ka dito. Kaya nagpapasalamat ako sa mga pinsan ko dahil kahit papaano'y may alam ako sa mga bagay na ganito.
We continued talking while taking our coffee break here at the cafeteria. "Nakwento ni Mariel yung confrontation niyo ni David kanina. Sabi ko na nga ba manloloko yang gago na yan!"ngumiti nalang ako sabay simsim sa kape na animo'y kasing lamig ng aking relasyon. Wala naman akong magagawa dito. Nangyari na ang nangyari, atleast alam ko na yung totoo. Napasarap ata ang kwentuhan naming tatlo nang may malakas na humampas sa lamesa sa may bandang gitna. Napalingon lahat ng tao dahil dito. Mula sa lamesa ng boss namin ang malakas na tunog. "I am not paying you to sit here and wait for the time until you're going to do your time out."kalmado ngunit may diin niyang sabi. Lahat ng mga empleyado dito ay nagsimulang bilisan ang kilos para bumalik na sa naiwang trabaho.
Grabe naman ang lalaking ito, napaka-sungit. Hindi ba pwedeng magpahinga muna. Lumingon ako sa kanya at nakitang nakatingin din ito sa akin. Ngumiti na lamang ako bilang pag-galang sa kanya kahit labag sa loob ko. Gwapo nga, pero masungit naman.