Dumiretcho na kami sa mga kanya-kanyang gawain pakatapos ng maikling break. Hindi ko inaasahan na ganoon kasama ang ugali ng bagong may-ari ng hotel. Sayang ang itsura niya kung ganoon.
"Grabe ka naman sa kanya. Hindi naman siguro masungit yon. Nagkataon lang na masyadong napasaya ang kwentuhan nating lahat at nakalimutan nang may trabaho tayong naiwan."
Tingnan mo itong si Mariel. Pinagtanggol pa ang boss namin. Sinabihan ko kasing napakasama ng ugali ng lalaking iyon. And after that, she just responded this statement.
"Tara na nga mag-simula na tayo ng makatapos din ng mas maaga."
We made sure na lahat ng matatapos naming kwarto ay malinis. Kailangang double standard ang pagka-linis. Mayroong casino dito pero iba ang inalagay doon dahil mas maraming aasikasuhin. Maybe if I will talk to Mom about this, she will push me to go in America and work as the sales manager there. Mas mabuti nang magsimula ako dito kaysa magtrabaho doon.
We continue to clean the rest dirty available rooms. Nagsimula ako sa pagtatanggal ng basura sa bawat trash bin pagkatapos ay dusting naman ang kasunod, while Mariel is busy cleaning the comfort rooms.
"Saan nga pala tayo kakain ng lunch? We have 1 hour break at may malalapit na restaurants dito."ani ng kasama ko.
"Let's check later."
Habang inaayos ko ang kama, hindi ko napansing may naka-ipit na larawan dito. It's a family picture actually. They are happy while at the beach. Bigla nalang pumasok sa isipan ko ang pamilya namin. What if dad didn't cheat, what if he did not betray mom and us? Ano kaya ang kahihinatnan namin ngayon. Maybe I am still in Davao while enjoying my life with my family and cousins. Grabe ang nadudulot ng pagtataksil sa buhay ng tao, lahat ay apektado. They are selfish to choose their own happiness while others will suffer. Hindi ko lubos maisip ang dahilan kung bakit nagtataksil ang mga tao, dahil wala naman talagang magandang dahilan.
Naalala ko ang isang sikat na author dahil nagsulat siya ng walong dahilan kung bakit tayo iniiwan. Una ay hindi na nila tayo mahal. Pero mas mabuting umamin na lamang sila, mag-paalam na aalis kaysa humanap ng iba habang kayo pa.Pangalawa ay dahil siguro sinaktan natin sila, pero hindi magandang rason ito upang manloko at iwan ka ng biglaan hindi ba. It is better to leave a relationship rather than loving another one while breaking someone's heart. Pangatlo ay baka napagod na sila, but if you truely love someone, you will not be tired. Pang-apat ay may nahanap na silang iba. Ito siguro ang dahilan ni David kung bakit ako iniwan. Dahil may mas better sa akin para sa kanya. Pang-lima ay may iba silang priority. Maaaring hindi tayo ang priority nila at nahihirapang mag-adjust kaya tayo nalang ang binitawan. Pang-anim ay masyadong kumplikado ang mga bagay sa paligid. Maaaring naapektuhan kayo ng society kaya ganoon. Pang-pito ay hindi pa sila nakakamove one sa nakaraan nila. Ito ang mahirap, naging pansamantalang pag-ibig ka o rebound habang nag-hihilom siya at once na ma-realize niyang mahal pa niya ang nauna sa'yo, ito ang pipiliin niya. Ang panghuli ay dahil mas mahal nila yung sarili nila. Hindi naman ito siguro masama, yung uunahin mo ang sarili mo. Parang ako, I chose to let go David rather than stick with him pero alam kong hindi na totoo ang nararamdaman namin sa isa't-isa.
"You are spacing out again Sab. Iniisip mo pa rin ba ang nangyari sa inyo ni David?"
"No. Baka nabigla lang ako sa trabaho ko. Let's continue working."
Lumipat na kami sa panibagong kwarto upang maglinis. Before, I am just one the guests here. Hindi ko iniisip ang trabaho kung paano ito ginagawa pero ngayon, I admire the employees here. Mahirap ang ganitong trabaho.
"Ako na ang maglilinis ng CR. Ikaw muna sa dusting ha."kinuha ko na ang mga gagamiting panglinis dito. I'll wear also gloves while cleaning the comfort room. Kailangang gumamit ng mga kemikal upang linisan ito, at masama ito sa balat. Hindi naman masyadong madumi dahil vacant ito at for realising na mamayang hapon. Kaya madali kong natapos ito kumpara sa beddings at dusting.
Hindi na namin napansin ang oras sa paglilinis at nakitang oras na ng lunch break. Nagkasundo kami na kitain sir Roxanne sa employee's entrance kung saan kami pumapasok at lumalabas. We went back to our room and put back the cart. Inilaglag din namin sa butas ang mga maduduming linens na tutungo sa laundry department.
"Gosh, napagod ako doon ah. Tara na at kanina pa nagmamaktol di Roxanne sa baba."tumawa na lamang ako sa sinabi ni Mariel. Kahit ako ay gutom na din. Dumaan kami sa locker upang kunin ang bag namin. I need also to retouch my make up, mahirap nang maabutan ng mga guests na mukha akong pagod. They need to see every employees here na well presented physically.
Habang nasa elevator, tumunog ito sa kung nasaan ang conference room. Dalawa lamang kami ni Mariel kaya maluwag pa naman. Nabigla ako ng siniko ako nito habang ako naman ay nakayuko. Lumingon ako at nakitang pumasok ang boss namin na mag-isa. Tahimik ang elevator. Walang gustong magsalita.
"Magandang tanghali sir."bati ni Mariel. Tumungo lamang ako bilang pagbati dahil hindi ko pa rin nakalimutan ang kasamaan ng ugali niya. Mamaya'y may masabi ako dito at masesante kami.
It's my first day after all.