Hindi ko na inintindi ang titig ng guard habang tinitingnan ang gamit ko. I am still preoccupied sa nangyari kanina. That confrontation between me and David was just a wrong timing. Hindi ko man siya handang harapin, but I don't have a choice. Kung hindi ngayon, kailan pa? Sometimes you will encounter one person which will lead you to be strong. And David is a good example of that kind of person. Maybe we are not for each other pero yung ganitong paraan na pakikipaghiwalay sa kanya ay hindi maganda. Niloko niya ako for pete sake! Sino ba ang matinong tao na hihinging lokohin ka ng mahal mo?
Dumiretcho na lamang ako sa mismong office ng housekeeping department upang mag-time in. Maaga pa pero gusto ko nang magsimula upang matuon ang atensyon ko sa ibang bagay. Hindi maganda na habang nasa trabaho ako ay naka'y David at sa nasira naming relasyon ang atensyon ko buong araw. I don't want to ruin my job, lalo pa't first day ko dito.
"Good morning Ms. Montenegro. It is your first day so here's your assigned floor."bungad sa akin ni Mr. Rivera na isa sa mga supervisor ng nasabing departamento. "Thank you sir. By the way, may kasama po ba ako sa 11th floor?"mahirap na, baka hindi ko matapos ang buong floor. "Meron, ayan na pala ang makakasama mo."napalingon ako sa sinabi niya. Natuwa ako dahil si Mariel ang makakasama ko sa pagtatrabaho ngayong araw. Baka kung iba pa ito ay magkahiyaan pa kami.
"Good morning sir."hindi ko muna kinulit si Mariel dahil kinakausap niya si Mr. Rivera. Nabigay na sa amin ang list kung saan nakalista ang mga kwartong kailanganng linisan ng buo at iba ay make up room lang dahil hindi pa ito bakante pati na rin ang card na magiging susi namin sa lahat ng kwarto.
"Grabe talaga ang David na yon ano, napaka-kapal ng mukha. Hindi man lang siya nahiya na sabihin sa iyo ang mga salitang iyon."kinuwento ko sa kanya ang nangyari kanina. I need to share these thoughts lalo na sa kanila para naman mabawasan ang bigat ng nararamdaman ko. "Hayaan mo na, atleast hindi na kami magkikita. Tapos na kami at wala na akong balak balikan siya."ani ko sabay pindot sa elevator patungo sa assigned floor namin ng aking kaibigan.
Tiningnan ko ang list ng mga kwarto at nakitang puro halos check out ito at kaunti lamang ang make up room. Mukhang mahaba at nakakapagod na araw ang mararanasan ko ngayon. Hindi ko naman kailangan actually na magtrabaho, may hotel chains sina Lolo sa side ni Mama sa Amerika. Ang alam ko ay may inaalok na puwesto sa akin doon ngunit kailangan ko ding pagdaanan ito upang matuto ako. After all, hindi magandang tingnan na ang isang namumuno ay hindi alam ang tinuturong trabaho sa hahawakang kompanya.
"Tara na Sab. Kailangan na nating magbanat ng buto. Madami-dami ang ating gagawin. Buti pa si Roxanne, nasa pool area. Pamimigay lang ng tuwalya sa guests ang ginagawa."tumawa na lamang ako sa sinabi ni Mariel. Sabay din kaming nag-apply at dahil sa pinasukan naming paaralan, hindi imposibleng makuha kami dito sa isa sa mga sikat na hotel dito.
Kinuha ko na ang mga gagamitin namin sa paglilinis. Maraming kulang sa cart namin kaya minabuti kong kumuha muna sa baba ulit. "Ako na ang kukuha ng mga ibang gamit sa baba. Bilangin mo na lang ang available linens dito para makapag-request tayo sa laundry department."
Bumaba na akong mag-isa upang kumuha ng mga gamit. Nilista ko ito kanina sa papel kaya alam ko kung ilan at ano ang mga kailangan namin. I need also to get some chemicals for cleaning the carpets. Buti na lamang ay naturuan kami noon sa Ateneo kung paano gumamit ng mga equipments sa paglilinis kagaya nito. I am lucky to study there. Hindi naman masama kung saan ka nagtapos. Ang mahalaga ay natapos mo ang pag-aaral.
Dumaan ako sa lobby, at nakita kong may binabati ang mga tao sa mismong entrance. Hindi ko ito makita dahil malayo ang distansya ko at sa mga komusyon ng mga tao. Minabuti kong kunin na ang mga gamit. I need to focus while doing this job. Wala akong oras para maki-usyoso sa mga ginagawa ng ibang tao. Wala ito sa job description ko.
Nang makuha ko na ang kailangan, umalis na ako at bumalik sa 11th floor upang simulan ang trabaho kasama ng aking kaibigan.
"Sab, nandito na daw ang bagong may-ari ng hotel. Lalaki daw ito, and some are saying that he is handsome."bungad ni Mariel habang nagtutupi ng mga pillow case.
I don't need to know that kind of information. Tama na na alam kong may boss and I need to respect him. Pare-parehas lang silang mga lalaki, mga manloloko. They will do everything just to get what they want from you.