Mabilis kaming nakauwi ng aking kapatid. Hindi na siya nagtanong pa ng mga bagay tungkol sa kung anong nangyari sa akin ngayong araw. Maybe he already knew it or he's just afraid to ask me. I don't want to open this topic also. It is hard for me to accept the mere fact na niloko ako ng lalaking akala ko ay totoo ang pagmamahal na ipinapakita sa akin. But I guess, he's just making his ways to get my virginity. Buti na lamang ay hindi ako pumapayag kapag nag-aaya siya sa ganitong gawain. I am not ready and my instinct keep on telling me na huwag muna. Guess I made the right choice not to do this thing to that asshole.
"Matutulog na ako, thanks for the ride by the way."umakyat na ako sa ikalawang palapag ng bahay kung nasaan ang kwarto ko. Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa ng aking kapatid. I am just too tired in all aspects.
I just took a half bath at nagtungo na sa aking kama. The cold air coming from the aircon keeps on telling me that I have also a cold relationship right now. Kinuha ko ang comforter at ibinalot sa aking katawan sa pag-asang maiibsan ang lamig na dulot ngunit wala pa din.
Tumingin ako sa orasan at nagulat akong alas tres na ng madaling araw. Gosh Sabrina! May pasok ka mamayang alas otso ng umaga sa trabaho. Tapos uuwi ka ng ganito.
Pinilit kong matulog ngunit nilalamon ako ng aking sistema sa pag-iisip ng relasyon namin ni David. Hindi ako makapaniwalang kaya niya akong lokohin. Napakababa nigang tao. Sex lang ang habol niya sa babae. Hindi ko na napigilang umiyak dahil sa nararamdaman. I just want to disappear dahil sa sakit na dinaranas ko ngayon.
Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog o natulog ba ako ngunit tumunog na ang alarm clock ko hudyat na kailangan ko ng bumangon. Tila hindi ako nakatulog ng maayos. Sino ba ang makakatulog ng mahimbing kung nakita mo mismong may ibang babae ang nobyo mo hindi ba?
Kahit mabigat ang ulo dala ng pag-inom kagabi, minabuti ko nang bumangon upang mag-ayos ng sarili. Parang hindi ako natulog nito. The color of my eyes is somewhat reddish and my eyebags are in full blast. Buti na lamang at madadaan ito sa make up. Nagmadali akong mag-asikaso upang makaalis na patungo sa trabaho.
"Anak breakfast muna bago umalis."ngiting bungad ni Mama sa akin. Nasa hapag na rin si Mikael na kasalukuyang kumakain. I just can't resist na tanggihan si Mama at ang pagkain. Nagtatanong si Mama kung ano nga ba ang nangyari sa akin. At lahat naman ay sinabi ko sa kanya. I need to tell her because she's my mom. Nakikinig lang si Mikael habang sumusubo ng kanin.
"Nagawa niya iyon sa'yo? Akala ko'y mabait na bata si David."ani Mama habang kumukuha ng tubig upang ibigay sa akin. "I cannot believe also Ma na magagawa niya yon. 2 years na kami at akala ko ay totoo siya. Nagkamali pala ako." Kumain na lamang ako kahit wala ng gana dahil sa topic namin ngayon.
"Gago talaga ng David na yan ate! Sabi ko na nga ba hindi mapagkakatiwalaan yan eh. Banatan ko kaya yan!"tingnan mo itong kapatid ko, basagulero talaga. But at the same time, secured ako dahil ipagtatanggol niya ako even si Mama.
After breakfast, nagpresinta si Mikael na ihatid ako sa aking trabaho. Wala din akong gana na makipagsiksikan sa mga nag-uunahang tao para lamang makapasok sa kanya-kanya nilang trabaho. Thankful din ako dahil hindi ako male-late dahil may maghahatid sa akin. Kung kami pa ni David, ihahatid niya ako. Ngunit nag-iba na ang ihip ng hangin.
Pababa na ako ng makita ko si David sa entrance ng hotel. Nakita ito ni Mikael at nais pa niyang bumaba upang magantihan daw niya ito sa pananakit sa akin. Sinabi ko na kaya naman ito. Baka hindi pa siya makapasok sa school dahil dito.
Sinalubong ko ang mainit na araw habang papunta sa entrance. Tila lahat ng kaba na puwede kong maramdaman ay nararamdaman ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Iiwas na lang ba ako o haharapin siya? Bahala na.
"Honey, goodluck sa work mo. Kaya mo yan na--"hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil ginawaran ko siya ng sampal. Hindi ko pa siya nasasampal sa loob ng dalawang taon naming pagsasama. Ang sarap pala sa pakiramdam nito.
"Tigilan mo ako David. Nakita kita kahapon dito may sinundo kang babae at binigyan mo pa ng bulaklak at hinalikan mo sa labi."naiinis na ako sa kanya. Wala na akong pakielam kung marinig kami ng guard na nagbabantay. I just want to scold him for being a jerk in our relationship.
"Kahapon? Pumunta ka dito kahapon? Sabi mo hindi tuloy ang orientation niyo."dahilan niya sa akin. Ngumiti na lamang ako at tumalikod sa kanya. I am so done dealing with this kind of man. Pabigat lamang sa buhay ko. After all, hindi siya ang pinunta ko dito kung hindi ang trabaho ko.
"Nice Sabrina. Totoo lahat ng nakita mo. Ang boring mo kasing girlfriend, samantalang si Samantha, magaling. Walang trill sa'yo."sigaw niya sa akin.
"Puwes, magsama kayo. Fuck whoever you want to fuck David Lim. I am done with you. Magka-AIDS ka sana!"hindi ko napigilan ang sarili na sumagot. Grabe ang pangiinsulto niya sa akin.
Marami pa siyang sinabi ngunit hindi ko na pinansin. Pumasok na lamang ako kahit nakatingin ang guard sa akin na halatang naguguluhan sa nasaksihan.
I am so done, really done.