Chereads / LANTIS (COMPLETE) / Chapter 10 - 8

Chapter 10 - 8

BUMALIK sa sementeryo si Ember sa pakiusap na rin ni Lantis. Gusto nitong kunin niya ang pinakamamahal nitong garapon. Isa pa ay puwede silang makakuha ng impormasyon tungkol dito mula sa mga nakasulat sa eroplanong papel. Nabasa na ni Ember ang ilan sa mga iyon pero malabo na sa alaala niya. Hindi rin gano'n ka-helpful ang mga nabasa niya. Pinili lang kasi niyang basahin iyong maiikling entries.

"Bakit doon isinulat ng mommy mo ang diary niya?" usisa ni Ember kay Lantis. Sabay silang naglalakad patungo sa puntod nito.

Tatlong araw nang nakatira sa bahay niya ang binata. So far ay wala naman siyang reklamo. Behave na ito. Sinusunod nito ang mga kondisyon niya. Tipid din itong maging housemate—hindi niya ito kailangang pakainin, painumin, hindi gumagastos ng tubig o kuryente at hindi maingay. Higit sa lahat, mahusay itong bantay. Sa kalaliman ng gabi, lagi niya itong nagigisingan na nakatambay sa balkonahe sa labas ng malaking bintana, katabi si Fujiku. The dog somehow loved him.

Unti-unti ay nasasanay na siya sa presensiya nito, maging sa temperatura nito. Hindi lang isang beses na nagkadaiti uli ang mga katawan nila. Kung may disadvantage sa sitwasyong kinalalagyan nila ni Lantis, iyon na siguro 'yon—ang masanay siya na naroon ito. Hindi siya maaaring magkaroon ng attachment sa taong ni hindi niya magawang hawakan man lamang.

Kahapon ay galing sila sa Cavite, nagtanong-tanong tungkol sa isang mahusay na psychic na natagpuan ni Ember sa Internet. Unfortunately, wala sa Cavite o sa Pilipinas ang lalaki. Walang may alam kung saan ito eksaktong naroon o kung kailan babalik. The man seemed genuine base na rin sa mga nabasa niyang blogs na nag-te-testify sa kakayahan nito. Ilang "earth-bound spirit" na raw ang natulungan nitong patawirin patungo sa "kabilang dako".

"Pangarap ni Mommy na maging piloto. Bata pa lang siya, hilig na niyang gumawa ng paper airplanes. Hindi siya naging piloto, she became a stewardess. Pero kailangan niyang huminto dahil tinamaan siya ng sakit na unusual sa batang edad niya. Maaga siyang nagkaroon ng Alzheimer's disease. May mga pagkakataon na hindi niya matandaan kung sino ako. Noon siya nagsimulang magsulat ng entries sa paper airplanes, entries about me, of her memories of me, of how much she loves me."

"Ang Daddy mo. May sarili din ba siyang jar of airplanes mula sa mommy mo?"

Mula sa sulok ng mga mata, naKita ni Ember na labis na nangunot ang noo ni Lantis. Napahinto ito sa paghakbang.

"Bakit?"

Sinapo ni Lantis ang noo. "Hindi ko maalala ang tatay ko. I mean, kanina lang alam ko ang pangalan niya. I don't remember it now. It was at the tip of my tongue but I..." Mahina itong nagmura. Nag-pa-panic ang mga mata nito. "I think my memories were slowly fading." Nagmura uli ito.

"Teka...sinasabi mo ba na may Alzheimer's disease ka rin?"

"Hindi ko alam." Dumilim ang anyo ni Lantis, kumuyom ang mga kamao. "It doesn't matter anyway. Soon, hindi lang alaala ko ang mawawala."

"Pero kailangan natin ang mga alaala mo para...para makalaya ka na. Wait, may naisip ako." Huminto siya sa pinakamalapit na nitso, inilabas ang kulay neon green na notepad at itim na gel pen. Isinulat niya sa itaas ang petsa ng araw na iyon. "Mula ngayon, lahat ng info at memories mo, isusulat natin dito. Kung gusto mo, tupiin din natin in the form of airplanes then ilagay natin sa garapon."

Mukha namang natuwa si Lantis sa suhestiyon niya. Nawala na ang dilim sa mukha nito. "Okay. Let's do that."

"Simulan natin sa mommy mo. What's her name?" Sinabi nito. Emilia Harris. Sa ilalim ay isinulat niya ang trabaho nito, maging ang features nito. Natatandaan pa rin ni Lantis ang paborito nitong kulay, paboritong pagkain, birthdate nito at kung paano itong namatay. Namangha si Ember. "Natatandaan mo lahat ng 'to gayong ang sariling cause of death o trabaho mo noong buhay ka pa ay hindi mo maalala." Itinupi niya ang mga papel at inilagay muna sa coin purse niya. "Mamaya bibili tayo ng jar para dito. We'll call it 'Lantis's Memoirs'."

Tumawa si Lantis. "Ang baduy yata?"

Iningusan niya ito. "Choosy ka pa." Ipinagpatuloy nila ang paglalakad. "Basta, kapag may mga importante kang naalala, sabihin mo sa akin agad."

"Thank you, December," malamyos ang tinig na sabi ni Lantis.

"'Ember' na lang ang itawag mo sa akin." Piling tao lang ang hinahayaan niyang tawagin siyang "Ember" and since medyo close na sila ni Lantis, isasama na niya ito sa mga piling tao na 'yon.

"Ember, then. Let me guess, December ang birth month mo."

"Magka-birth month tayo. Nabasa ko sa lapida mo. And speaking of lapida, here we..." Hindi na naituloy ni Ember ang sinasabi nang tumambad ang puntod ni Lantis. Kulang ang salitang "mess" upang ilarawan ang sitwasyong nadatnan nila. Disaster. Tila tinamaan ng delubyo ang puntod. Nakataob ang lapida nito, nakatumba ang crucifix, nagkalat sa paligid ang lupa at putik, at sa gitna ay may malalim na hukay. Dahan-dahan ay lumapit si Ember sa hukay at malakas na suminghap. Natutop niya ang bibig at ilong, pinigilan ang sarili na sumuka. The smell of decay permeated the air like an over riped fruit. Sa tabi niya ay nadinig niyang napamura si Lantis.

Sa ilalim ng hukay ay nakatiwangwang ang puting ataul. Nakahimlay ro'n ang naaagnas na katawan ng lalaking naka-tuxedo. There were flies and maggots everywhere. Nakakasulasok ang amoy na nagmumula sa katawan ngunit hindi magawang alisin ni Ember ang mga mata ro'n.

"I never knew I would be that handsome when I died," mapaklang sabi ni Lantis. "I smell nice, too."

Nagtataka niya itong nilingon. "N-Naaamoy mo? Paano?" May sense of smell pa ba ang mga kaluluwa? Well, may sense of sight at hearing pa ang mga ito, so bakit hindi ang sense of smell?

"Let's go."

"Lantis, I think alam ko na kung ano ang ikinamatay mo."

"My own smell?"

"Fire," anas ni Ember. "Sunog ang kumitil sa buhay mo." Tiningnan niya ulit ang bangkay kahit pa tila gusto nang kumawala ng mga kinain niya kaninang umaga. Nasa stage ng active decay ang katawan ni Lantis ngunit hindi maaaring magkamali si Ember sa nakiKitang hitsura ng natitirang balat na nakakabit sa buto nito lalo na sa bahaging mukha nito. Nasunog iyon. "Ganiyan ang hitsura ng balat ng parents ko noong inilabas sila ng mga bombero sa nasusunog naming bahay. Humihinga pa sila no'n, naisugod pa sa ospital pero pagkatapos ng sampung oras, iniwan kami ni Nanay. Half an hour later, sumunod si Tatay. That was the longest and darkest ten and a half hours of my life." Namalayan na lang ni Ember, nakaluhod na siya sa lupa, yakap ang sarili at umiiyak.

Lumuhod sa harap niya si Lantis. "I'm sorry, Ember." May naramdaman siyang malamig na dumampi sa pisngi niya. That same cold sensation enveloped her body. Hindi niya kailangang magmulat upang malaman kung ano ang nangyayari. She was inside a ghost's cold arms. Ironically, it was one of the warmest embraces she'd ever received.