Chereads / LANTIS (COMPLETE) / Chapter 9 - 7

Chapter 9 - 7

"PAANONG hindi mo matandaan kung paano kang namatay?" tanong ni Ember kay Lantis habang lulan sila ng pick-up niya. Gabi na iyon at pauwi na siya—sila. Yep, pumayag na siyang tulungan ito dahil wala siyang magagawa. Multo si Lantis, kahit magtago siya sa ilalim ng basahan, masusundan at masusundan siya nito.

Umiling ang multo, nasa passenger seat ito, nakatanaw sa labas ng bintana. "I don't know."

"Bakit ganiyan ang suot mo?"

Tiningnan nito ang sarili. "Ano'ng problema sa suot ko?"

"Bakit hindi ka nakapang-funeral clothes?" Sa mga napapanood niya, ang mga babaeng multo ay naka-white dress, ang mga lalaki ay naka-barong o puting shirt.

Kapag namatay ako, ilalagay ko sa huling habilin ko na fuschia pink ang dress na isusuot ko. And I'll be called, "The Ghost in Pink".

Tiningnan siya ni Lantis na parang isa siyang malaking ewan. "Paano ko sasagutin 'yang tanong mo?"

Ikinumpas niya ang kamay na parang sinasabing "nevermind." "Iyong garapon. Sa mommy mo 'yon?"

Sumulyap ito sa kaniya. Nagkaroon ng munting ngiti ang mga labi nito. Gustong kurutin ni Ember ang sarili. Hindi pa rin kasi totally nag-si-sink in sa kaniya na patay na ito. Muli, nakaramdam siya ng panghihinayang.

"Yeah. It was hers." Hindi na ito nag-elaborate pa.

"Nasaan na siya? Baka matulungan tayo ng mommy mo."

"She can't," sabi ni Lantis. Ibinalik nito ang tingin sa labas ng bintana. "Wala na siya. She died nine years ago. Brain tumor."

Ilang saglit na hindi siya nakaimik. "Wala na rin akong nanay. Wala na ring tatay. Namatay sila dahil sa sunog n-nine years ago." Mula sa sulok ng mga mata ay naKita niyang tiningnan siya ni Lantis. Nine years ago, habang nagluluksa siya sa pagkawala ng mga magulang niya, sa ibang dako ng mundo ay naroon si Lantis na nararanasan ang nararanasan niya. Somehow pala ay may pagkakatulad sila ng binata. "May uncle slash auntie ako, si Antonia, nasa Japan. Iyong bahay na tinitirhan ko, sa kaniya iyon," pagpapatuloy niya.

"Mag-isa ka lang doon? Hindi ka ba natatakot?"

"Takot?" Matabang siyang ngumiti. "Nangyari na ang isa sa pinakakinatatakutan kong bagay—noong maulila ako. So far wala pa namang nangangahas na gawan ako ng masama kasi kahit iyong mga masasamang loob takot sa bahay ko. Haunted daw ang lugar." Napahalakhak siya. "Ngayon na doon ka na titira, totoong haunted na nga 'yon."

Tiningnan niya si Lantis. Nabigla siya nang mahuling may munting ngiting naglalaro sa mga labi nito. "You have a nice laugh, December. Matagal-tagal na rin akong hindi nakakarinig ng tumatawa. And sorry sa kakulitan ko kanina. Don't worry, while I'm with you in that house, I'll keep you safe." Kinindatan siya nito.

Nakagat niya ang loob ng bibig at ipinokus ang atensiyon sa daan. Bakit gano'n? Kinikilig ba siya? Lantis was the most annoying and charming guy she'd ever encounter. Kung gaano nito pinainit ang bunbunan niya kanina, bumawi naman agad ito sa "I'll keep you safe" na hirit at sa kindat nitong iyon.

Hindi na sila nag-imikan hanggang sa marating nila ang bahay.

"Okay, may mga kailangan lang akong linawin sa'yo," aniya. Nasa kusina na sila, nagtitimpla siya ng orange juice. Muntik pa siyang magkamali na alukin si Lantis ng maiinom o makakain. "Housemates na tayo ngayon, though hindi normal ang sitwasyon mo, l-lalaki ka pa rin at babae ako. May spare room sa tabi ng kuwarto ko, doon ka tutuloy. Kapag gusto mo akong kausapin, kumatok ka—ay mali, tumatagos nga pala ang katawan mo sa dingding at pinto. Sumigaw ka na lang kapag gusto mo akong kausapin. Huwag kang basta-basta susulpot sa harap ko lalo kapag may kinakain, iniinom o may bitbit ako at lalong kapag nagmamaneho ako. Off limits ka sa banyo ko, intiendez? Saturday at Sunday lang ang off ko sa tindahan kaya sa mga ganoong araw lang Kita puwedeng tulungan. Kung sasama ka sa akin sa kung saan-saan, behave ka lang sa isang tabi. Okay ba sa'yo ang mga 'yon?"

He smiled and Ember's pulse quickened. "Okay."

Pumanhik na sa silid si Ember, nagbihis ng pambahay at muling bumaba sa kusina bitbit ang steno note, ballpen, laptop at pocket wifi. Naroon si Lantis sa kung saan niya iniwan. Binuksan niya ang laptop, ini-on ang wifi. Habang naghihintay ay kumuha siya ng malaking cup noodles.

"Iyan ang magiging dinner mo?" usisa ni Lantis, pinapanood ang paglalagay niya ng sangkap sa loob ng cup. Tumango siya. "You're poisoning yourself."

Ngumiti siya, nilagyan ng mainit na tubig ang noodles, tinakpan. "Eh, di maganda. Kapag namatay ako, may kasama ka na."

"It's not funny, December. Hindi madali itong sitwasyon ko."

Same here, gusto niyang sabihin. Sa halip ay umupo siya sa harap ng laptop at binuksan ang Google. Nagsimula siyang mag-reseach.

Why do spirits still lingers? How to help them? Naghanap din siya sa internet ng psychics na makakatulong sa kanila, nag-iwan ng tanong sa website ng mga ito. Nanatili si Lantis sa tabi niya, nakikibasa, dumidikta kung alin ang dapat i-take note at hindi. Minsan ay pinagtatawanan at kinukutya nito ang ilang impormasyong nababasa nila. Bago magpalit ang petsa, ilang pahina na ng steno ang napuno ni Ember ng notes. Dalawang cup noodles na rin ang naubos niya na umani ng palatak at iling mula kay Lantis.

"It's late. Matulog ka na," ani Lantis nang sumilip sa time display ng laptop. Malapit na iyong mag-ala una ng madaling araw. Naghikab siya, nag-inat, kinusot ang mga mata. Sh-in-ut down niya ang computer.

"Eh, ikaw? Hindi ka pa ba matutulog?"

Malungkot itong ngumiti. "Tulog na ako, December," anito. "And I will never wake up."