Chereads / Archangel Zadkiel: Burned Wings / Chapter 10 - Chapter 9: Celebration

Chapter 10 - Chapter 9: Celebration

Tita Leona suggested to pamper first before to attend the party.

Kaya naman at heto kami ngayon ni Lea ngayon at nagpapa foot spa, katatapos lang namin magpa massage, magpa ayos ng buhok, Our nails are well done, I like my hair longer but leandra suggested na magpa trim man lang. Nagustuhan ko naman ang kinalabasan dahil mas nagbigay buhay ito sa kulot kong buhok.

Ang daddy ni Leandra ay pupunta ngayong gabi kasama pa ang iba nitong kapatid. Ngayon tuloy ako nakaramdam ng hiya, I'm not a part of their family and I'm not even one of them. Hindi ako anak ng isang kilalang business tycoon. I'm just me. Just Calamity with the ability to see the future of people.

You're not just Calamity... You're Calamity...

I sighed. I wanna thank him for not leaving my side. I wanna thank him for supporting me truly.

"What do you mean by that, Leona? Bakit mo naman pinalapit ang mga bata na hindi tayo kasama. Paano kung may mangyaring masama? and you, Leandra, you're putting Cali's life at risk." Habang pinapagalitan kami ni Tito Karlo sa hapag kainan.

Kasabay naming kumain ang dalawa pang kapatid ni Leandra na si Leo at Leanne. Si ate Leanne na panganay at si Leo na middle child. Gusto ko mang sumagot ay wala rin naman akong masabi, hindi ko naman alam kung bakit ganito ang nagiging reaksyon nila tuwing naririnig nila na nakausap ko si Augustus Fuentes. and the fact that he gave me the Invitation card personally. I don't think there's a need to over react to that? Anong masama sa pagbigay nang imbitasyon? Anong masama sa pakikipag usap sa matanda? Anong meron?

"Clearly, Leandra is at fault, dad, Bago lang si Cali rito. But you should've at least research, Cali. Are you that out dated and you don't know anything in Politics and how dirty it is?" Yumuko nalang ako. Kahit na hindi ko naman makita kung asan mali ko. Lumingon ako kay Leandra at nakita kong umirap siya.

"What's done is done, Dad, and please ate, anong kinalaman ni Cali sa kanila. You're all over reacting."

"Maybe we shouldn't bring Cali to the party, Dad, to avoid unpleasant situation." Napayuko nalang talaga ako. Hindi naman talaga ako imbitado. Nakakapanghinayang lang na naghanda ako para rito.

"Augustus Fuentes gave her the invitation personally, I don't think your idea is good. Besides, it's not a formal party, loosen up! Nothing bad will happen." Umiling iling ang lalaking kapatid.

Nakita ko kung gaano umikot ang mga mata ng panganay na anak.

Sa tingin ko hindi ako imbitado rito sa bahay na ito. Mukhang si Leandra lang yata ang natutuwa sakin at naghatid pa ako ng malas.

"I'm sorry, ganoon lang talaga si ate, pakialamera. By 4pm tayo mag sisimulang ayusin. Okay? 'Wag mo nang isipin ang mga sinabi nila. Tama si kuya at masyado silang nag o-overreact."

"I think your whole family is insane, What's wrong with talking and receiving things from them?" Hindi ko na napigilan magtanong. Masyado na akong na cu-curious at gusto ko malaman ang dahilan kung bakit.

Tumikhim si Leandra. Huminga nang malalim bago magpasya na mag kwento.

"What wrong is their whole family. Years ago, my dad is a friend of Romolus Fuentes, but shit things happen and Romolus betrayed my dad. Hindi na kwento nang buo but I heard it's something about business. Plus, Augustus loves to play part in any scene. He's like a controlling grandpa. Sa sobrang makapangyarihan nang pamilya nila, they always use people for convenience. I've heard enough stories about them and it's evil. Tuso at makasarili. They're wealthy and powerful to cover their secrets, Cali, marami pa kaming hindi alam at sa tingin ko, ang pamilya nalang nila ang makakaalam nang mga iyon."

Parang nadurog naman ang puso ko sa narinig. Hindi ko akalain na ganoong pamilya sila. But aren't all powerful people like them are all evil?

"Bakit naman hindi mo alam kung anong nangyari sa daddy mo at kay Romolus Fuentes?" Napailing siya. "Everytime I ask when I was a kid, My dad would be angry. Mom said he's ashamed of what happened that's why I never asked anymore."

I don't want to judge that easily. At ayoko namang pakisamahan ang iba nang masama dahil lang sa masama ang pakikitungo sa kanila.

"Why would your family even attend the party kung may ganoon pala na nakaraan?" Ngumuso siya.

"Our family is nothing compared to them, that's why my dad has been working on this big project and he wants to make a deal to Alvis Fuentes, in that way, our business would expand." Kumunot ang noo ko. Alvis Fuentes? Isn't he in Spain?

"Hindi ba't nasa Spain ang sinasabi mong Alvis?" Natawa siya sa narinig. "Yes, he's based in Spain and I haven't seen him yet, actually ang dating presidente pa lang ang nakikita ko pati ang mga apo niya. Pero sa pagkakaalam ko, pupunta ang magkakapatid ngayong araw. Kaya espesyal ang gabing ito dahil maraming pupunta galing sa naglalakihang mga negosyante."

All of them?

My heart raced so fast that I couldn't feel it beating anymore. I don't understand but the thought of it excites me.

Muntik na ako makatulog pagkatapos maayusan sa sobrang tagal, nag hire pa ng make-up artist ang pamilya kaya talagang engrande ang paghahanda. Even Leandra is talking about the party all the time she has the chance, saying she's nervous and excited.

I don't feel any nervousness at all. I'm excited.

Imbitado ang mga malalaking pangalan. It's an honor to see them in person.

Bago mabihisan ay nagpasya akong lumabas muna suot ang roba, I want to drink some water.

Pagkababa ko ay naabutan ko si Leo na umiinom din ng tubig. His features are similar to Leandra, moreno ang kanyang kulay at malaki rin ang pangangatawan. Hmm he's studying Law so I guess it's a plus point to have a healthy body?

"Are you checking me out?" Ngisi niya. Ngumiwi naman ako. The nerve of this guy. Kung hindi lang siya kapatid ni Leandra ay hindi ko naman siya kakausapin. But I guess we're close enough to have a normal conversation. Palagi kasi siyang bumibisita sa School.

Hindi ko nalang siya pinansin at kumuha nalang ng bottled water.

"Even in my house you're snubbing me, huh?" Huminto ako sa harapan niya. "Yes, do you have any problem about that?" At saka ako umakyat para makaalis.

Zadkiel warned me about him. Sinabi niya na may 'pagtingin' daw saakin si Leo at hindi ko na dapat pa pansinin. Kaya hindi na kami nag-uusap ngayon. Simula noong sinabi niya rin iyon ay napansin ko ang mga kakaibang titig niya saakin. Hindi naman ako manhid pag dating sa ganito pero masyado talagang occupied ang utak ko para pansinin pa ang mga kagaya nito.

Pinapili ako ng susuotin ng stylist, it's between a Black Deep V-neck Dress with a slit on the left leg part and a Black Sweetheart Long Formal Evening Party Dress. Pinili ko ang Black Sweetheart party dress because it compliments my age. I don't want to look matured too much. This black sweetheart dress is pretty and it suits me. Black ang pinili ko dahil pale ang kulay ng balat ko at tingin ko babagay saakin ang itim na kulay kaysa red.

I let my natural hair down, they just parted my hair with tight braids on top and my hair falls down after they curled my hair for more volume.

"Naku ma'am ang ganda naman po ng mukha niyo at artistahin, porselanas po ang kutis at abo ang mata, foreigner ho kayo ma'am?" Natawa nalang ako. Parati ako napagkakamalang foreigner o spanish. Maybe because of my eye color and skin color, I can speak spanish too because of our subject in Elementary, nag-aral lang ako noon sa maliit na eskwelahan na ang guro ay purong espanyol kaya natuto kami na magsalita sa wika nila. Hindi rin naman mahirap matutunan dahil ang ibang salita sa tagalog ay Espanyol.

Aminado akong hindi ako mukhang Filipino, Duda nga ako kung purong Filipino ako dahil sa kulay ng balat ko at sa mata. But my citizenship is Filipino so therefore, I am a Filipino.

Pumasok sa silid si Leandra at tinitigan ako sa excited na mukha.

"Wow... alam kong maganda ka na pero hindi ko alam na ganito ka kaganda? Ah! Picturan kita! Mukha kang prinsesa na walang buhay!" Palagi niyang sinasabi saakin na maganda raw ako ngunit walang buhay.

I conclude it's because of my grayish eyes. It looks soulless. Or maybe she'e right.

"Remember to smile often, Cali." Tumango ako kay Leandra. Hindi kami magkahawak kamay ngayon dahil sa pormalidad ng event. Hindi ko alam kung handa ba ako sa ganitong pagtitipon pero mukhang tanggap naman ng isipan ko.

"Don't answer any questions of the presscon, Okay? We can handle that." Tumango ako ulit.

Pagkatapak ko pa lamang sa pagdiriwang ay umaambon na agad ng camera flash at mga tanong na hindi ko alam kung para saan. Sa labas pa lamang ng Mansion ay nakaparada na ang mga bigating sasakyan, lalo pa ngayon na nasa loob na ko, mas engrande at elegante.

I don't understand myself, I'm new to this thing but I don't feel any flatter at all. Parang sanay na ako sa ganitong pagdiriwang kahit unang beses ko pa lang.

"Hello miss, anak po kayo ng Familia Ramirez?" Unang tanong saakin na sasagutin ko dapat ngunit naunahan ako ni Leanne. "No she's just a family friend." Hinatak ako ni Lea papalapit sa kanya ngunit sadyang maraming tao ang pursigido na magtanong kaya hinayaan ko na lang na mapalayo sa kanila. Pinagpag ko ang dress na suot.

Pamilyar saakin ang iilang imbitado at mukhang artista ang iilan, Nakakita rin ako ng ibang nasa mataas na pulitika at nakakamangha na makita sila.

Dahil alam ko naman kung saan ang table, nauna na ako na umupo roon kahit ako pa lang mag-isa. Hindi pa nag sisimula ang party pero ramdam ko na agad ang tensyon sa pagitan ng mga imbitado at sa nag imbita. Kagaya sa mga napapanood ko na pagdiriwang, maingay at sentro ng pagdiriwang ang musika na tunog kapanahunan pa ng may birthday.

At dahil mukhang matagal pa naman dumating sila Leandra, umalis ako sa table at maglilibot muna. Ayoko naman kumain kaagad kaya maglilibot nalang. There's a gazebo in the front face of the pool. Sa gazebo ay tanaw ang pinagmamalaking tanawin ng Ilocos Norte.

Malamig ang simoy ng hangin kaya kahit na mahaba ang suot ko, ramdam ko pa rin ang lamig sa braso. Pinili kong maupo sa bench at tignan ang ganda ng tanawin.

This is the life I wanted my life to be. Iyong tipong pa sulyap sulyap na lang sa langit at humihiling sa mga bituin.

At an early age, life forced me to make decisions.

Some are bad, some aren't.

I wish Zadkiel is here with me, beside me. or Haku and Kira, I want them to experience what I'm experiencing. I want them to take a little vacation too. I want them to explore the world without them thinking of me. I want them to enjoy their life and have fun. I wish I could bring them to this party so that they can experience being rich, too. I don't want to be a burden anymore.

Na realized ko na pabigat ako sa buhay nila. I'm holding them back to their dreams, like how I'm a burden to Zadkiel. I'm a burden to them more. Sa murang edad ay kailangan agad nilang mag alaga ng bata na katulad ko. They had to feed me. They had to take care of me. I'm their responsibility and I know that sometimes it's tiring.

I can't even contribute financially. Inaantay ko na lang na maka graduate ako, at sa gayon, makakatulong na ako.

"You like the view?" Lumakas ang kabog ng dibdib ko ng magpakita ang isang binata na unang tingin pa lang, mamahalin na. May mga tao talaga na itsura pa lang mukhang pinanganak na para mamahala. Hindi tumakas sa paningin ko ang mga tingin niyang nagtataka.

Kinalma ko muna ang sarili ko at sinagot siya.

"Yup! I like it."

My heart raced fast when I felt that he's gonna sit beside me. "Is it okay?" Tumango ako. Of course pwede siyang umupo sa tabi ko, hindi ko naman pag mamay ari ito.

"Looks like you're having a good time alone. Don't you like to socialize instead, young lady?" As much as I don't want to assume anything, he looks like he wants me or something already. Kung hindi lang siya mukhang seryoso, hindi ko siya papansinin.

"I don't. I like it here... peaceful." I exclaimed.

"Well, the party's about to begin."

Nagulat ako nang magka tinginan kami, nagulat ako dahil nagulat din siya. Hindi tumakas sa paningin ko ang mga mata niya. It's like I'm looking at my own eyes, it's like a reflection of my own eyes.

"I-I'm At-"

"Grandpa's looking for you, You moron." Hindi natapos ang sasabihin niya dahil may tumawag sakanya na mukhang ka edaran niya. Both of them look astonishing and I'm amazed by how gorgeous they are.

Masungit ang mukha ng lalaki na tumawag sa kanya at nang mapatingin saakin ay ganoon pa rin ang itsura. Gwapo pero masungit.

"Hitting a girl again, huh? Let's go."

Napansin ko na magsasalita pa sana iyong unang lalaki ngunit hinatak na siya ng kasama. Mukha silang magkapatid.

At dahil mag uumpisa na pala ang party ay sumunod na rin ako sa kanila dahil mukhang doon din naman ang punta nila.

Nang maupo ako sa assigned table ay pinaulanan agad ako ng tanong ni Leandra. Busy sa pakikipag usap sila Tita Leona maging sila Leo kaya kaming ni Leandra ang magkausap lang talaga. Wala naman akong ibang kilala rito at ayoko narin maki halubilo.

Hindi naman ako tanga para hindi mapansin na nakikipag socialize lang ang mga ito dahil sa negosyo. Para lumago ang negosyo, kailangan mo makipag kaibigan sa mga negosyante.

Tulala ata ako at hindi ko napansin na tahimik na pala ang lahat dahil nagsasalita na ang emcee at wala ako masyadong marinig tanging bulungan lang ang naririnig ko.

Ang kalmado kong puso ay kinabahan sa limang lalaki na nasa entablado. Ang dalawa doon ay iyong lalaki na nakita ko kanina, they're now both serious.

Ang tatlo pang lalaki ay hindi pamilyar ngunit pakiramdam ko ay magkakapatid itong lima? All of them look handsome as hell. Aside from the physical similarities of them all, mayroon silang intimidating look na kahit mukhang mas matanda lang sila saakin ng konti ay nakakatakot silang tignan. Mukha silang ka respe-respetong tao.

Pero sino ba sila at bakit sila nasa entablado? Bakit sila nag sasalita sa harapan?

"Ito talaga ang inaabangan ko, Cali! Iyong mga apo! Jusko! Ang ga-gwapo! Parang hihimatayin yata ako sa kilig sa tagal ko silang inantay jusko po!" Leandra's almost going insane over the men while I'm stuck at what she has said.

"Siguro hindi nakadalo ang mga anak ni Augustus Fuentes 'no? Kaya ang mga apo nalang... sayang naman."

Mga Apo ni Augustus Fuentes.