While finding leandra, my thoughts are traveling somewhere else.
Ang dami kong iniisip at gustong isipin.
Sobrang weird ng araw na 'to at dahil iyon sa pamilya nila. Isn't it weird, a highly respected man, invited me to a family dinner? Hindi maalis sa isipan ko na pinakilala niya saakin ang mga apo niya. That's what makes me highly doubt him. What does he want from me? What's happening? I'm confused. Really.
Hinahanap ng mga mata ko si Leandra, masyado yata akong napalayo sa kanya at hindi ko siya mahanap ngayon. Hindi naman siguro nila ako iiwan, ano?
Mariin akong nag isip kung saan pwedeng pumunta ang pamilya ni Leandra at baka mahanap ko sila, nakakaligaw ang daan dito sa Mansyon, masyadong malawak kaya maraming pwedeng puntahan. Nagpasya akong pumunta nalang sa table kanina ngunit wala naman sila doon.
Babalik ba ako sa loob ng mansyon? Kinabahan ako bigla sa naisip. Babalik ba ako?
I'm kind of not comfortable going there again, masyadong mabilis ang pangyayari saakin, ang pagpunta ko rito, ang pagkita ko kay Augustus Fuentes at ang pag papakilala niya saakin sa mga apo niya. Napailing nalang ako. Magbe I'm overreacting. Normal lang naman siguro sa mga ganitong okasyon ang pagpapakilala. Siguro ganon nga. Hindi ako sanay sa ganitong pormalidad kaya natural siguro na naninibago ako.
Sinubukan ko pumunta sa Garden, sa Pool, sa Gazebo, sa ilan pang mga pasilidad ngunit wala kahit isang anino man lang ako na nakitang pamilya nila.
Sa huli ay napag pasyahan ko na lang na mag antay sa table. Mas pipiliin ko nalang na mag antay dito kaysa naman bumalik pa ako roon.
Ilang munuto lang ang lumipas, halos mga sampung minuto lang ang tinagal ay nakita ko na nga ang kaibigan ko. May hawak siyang glass of wine at sa kabilang kamay ay cupcake. Medyo pawisan na ang kanyang itsura.
Malaki ang ngiti niya saakin at ngayon pa lang ay alam ko na agad na wala siyang alam sa nangyari kanina. Dahil kung may alam siya, malamang tinakbo niya na ako.
"Cali! Bruhilda ka! Hindi ka man lang nagpaalam! Buti nalang masarap ang kain ko at di sumama ang loob ko." Malaki ang ngiti niya habang kumakain.
Nakakatuwang makita siya tuwing kumakain, masaya talaga parati ang mood niya tuwing may nginunguya lalo na kung dessert. Mataba ang cheeks niya ngunit may payat na pangangatawan. Maputi rin siya ngunit hindi kagaya ko na sa puti ay maputla na yata ang dating. Kaya palagi ako may baon na lip balm man lang para hindi pagkamalan na mag lagnat.
"Alam mo ba... kanina habang kumakain ako, maraming tao ang nagsipuntahan malapit sa dining hall... kung hindi lang ako gutom baka naki usyoso na rin ako." Natuwa ako sa narinig. Ayoko rin kasi pag-usapan muna ang nangyari at baka mawala lang ako sa mood.
Natawa rin siya habang nginunguya ang cupcake. "God! Sana matikman mo ang lahat ng handa, Cali! Sobrang masasarap!" Ininom niya ang wine at kinagatan ang cupcake. Napangiwi nalang ako sa nakikita. Hindi kasi talaga ako gutom at hindi rin ako mahilig sa dessert.
"Halata nga." Ngisi ko nalang sa kanya.
"Saan ka pala nagpunta?" Inosenteng tanong niya habang kumakain. Napa buntong hininga ako. "Dyaan lang sa may Gazebo. Gusto ko ang view doon." I know I'm lying but I'm not really in the mood to talk about it. Hilo pa ako sa pangyayari at siguro ay sa susunod ko nalang ito ike-kwento. Knowing Leandra... she's pretty nosy.
"I forgot to tell you, Cali, nauna na umuwi sila Mommy... Nagkaroon daw ng problema sa kompanya kaya nauna na agad. Emergency daw." Normal na pagkakasabi niya. Napanganga ako. Swerte yata ako ngayong araw at mukhang payapa ang buhay ko.
"Huh? Pero paano tayo makakauwi?" Nag isip pa siya ng sasabihin, "Papasundo? Kung hindi ay mag taxi nalang..."
"Pero walang taxi sa labas diba..." Tanong ko. Medyo liblib na lugar kasi itong Mansyon na ito sa laki. Parang buong komunidad nga itong Mansyon kasama na ang labas sa sobrang lawak. Malayo ito sa siyudad at probinsyang probinsya ang dating.
"Baka i-text ko nalang ang driver kung ganon. Gusto mo na ba umuwi?" Tumango ako. Gusto ko na umuwi kaganina pa. Pakonti na rin ang mga tao. Sa tingin ko ay matagal na kami nandito at sobrang gabi na.
Nilabas ni Leandra ang kanyang cellphone at nag text. Siguro ay nag message sa driver. Salamat naman at gusto ko na talaga umuwi ng matiwasay. Mabigat ang pakiramdam ko at lulungkot pa ako na hindi man lang nagpaparamdam si Zadkiel.
Batid ko'y masyado siyang busy sa misyon niya.
Zadkiel's job is endless. It's like an endless job na wala kang karapatan humindi o magpa hinga man lang dahil your Creator made you like that. To clear out your missions. I believe that Zadkiel's busy with his own missions and I know that. That's his first priority, to protect humans.
He's been extra busy these days and I know it's because of something that he didn't wanna tell me. It's confidential. It's between heaven and earth that you don't wanna include in. It's beyond dangerous.
Zad is been more cautious these days too...
He's always telling me to be aware of what's happening in my surroundings. Blind eye will always take you somewhere dark. He said that.
In my innocent years.
By what I mean for that is my first year of meeting him.
My innocence will always about me innocently asking questions about him that I don't understand.
Noong bata ako, nangangarap ako na kapag may masamang nangyayari saakin ay may Guardian Angel sa likod ko. At totoo nga, totoo nga na may Guardian Angel ang bawat isang tao. Pinagkaloob ng diyos sa mga anghel ang bawat isa para bantayan. Palagi. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon.
Zadkiel said that fate is what they are doing.
God's will. Fate and Free will.
Iyong ang tatlong bagay na pinanghahawakan ng mga kagaya nila.
Guardian Angels are said to be only a spirit. They don't have a physical body unlike the other kinds of angels. Hence, Angels belongs to the lowest ranking of angels.
"Kapag ba namatay ako, kasalanan ng anghel iyon dahil hindi nila ako binantayan?" He flashed a small smile. Huminga siya ng malalim.
Nakatalikod ako sa kanya habang nakasandal sa dibdib niya. Nakaupo kami parehas sa ilalim ng puno habang siya naman ay nakasandal sa malaking puno. Nakapalibot ang buong braso niya saakin, he's always like this. Always protecting me, even when he's with me.
"Angels don't have a physical body. Unlike us, Calamity... they could only protect humans during the needing hours but yes, they're always with humans." Nalito ako sa sinabi niya na malayo sa tanong ko.
Humarap ako sa kanya.
"What do you mean by that?"
"It means that they cannot do what Father can. They can only protect, Cali... they couldn't interfere... But, they can only do what God permitted them to do." Kahit na malinaw na ang pagkakasabi niya, naguguluhan pa rin ako.
"You mean, kung ano ang iuutos ng diyos sa kanila, iyon ang gagawin nila? Kagaya nalang, kunwari ay nasagasaan ako, tapos kung gusto ng diyos na mabuhay ako uutusan niya ba ang anghel na iligtas ako?" He chuckled.
"Your mind is perplexing, Cali. Don't you dare think like that. That won't ever happen to you. And you don't need a Guardian Angel, you only need me." Sumimangot ako.
Ilang minuto na ang lumipas ay wala pa rin ang driver na sinabi niya. Parehas na kami ni Leandra na napapa buntong hininga.
Ginamit daw ang emergency car nila dahil pumunta raw ng kompanya ang mag asawa habang ang ibang driver naman daw ay naka day off. Oo nga pala at linggo ngayong araw.
"Bakit hindi mo tawagan si Leo? o si Leanne?" Para isa man lang sa kanilang dalawa ang sumundo saamin. Bakit ba kasi buong apat sila umuwi? Iniwan kami ni Leandra?
"Hay nako! Sinama si kuya at si ate! Practice na raw iyon sa kompanya, hahayaan daw sila na mag handle ngayong araw kahit na emergency pa ang dahilan."
Oo nga pala at pamilya sila ng mga Lawyer. Hindi ako pamilyar sa kompanya pero ang alam ko lang ay konektado iyon sa field nila. Ang alam ko nga ay si Leandra lang ang naligaw ng landas at mag Architecture. Siguro ay pinayagan na siya dahil bunso naman at may dalawa naman siyang kapatid para roon.
"Cali... we need to forbid goodbye to Augustus Fuentes, wala sila mommy!" tila nawalan ng kulay ang mukha ni Leandra sa naalala. "Ikaw nalang! Ikaw naman ang kamag anak... naki join lang ako rito." Sabi ko sabay halukipkip.
Masakit na ang paa ko at wala na rin akong gana para magpaalam pa. Bakit ba magpapaalam pa? Lahat ba kailangan i-update?
"Sira ka! Ikaw nga ang personal na inimbitahahan! Halika na rito, magpaalam na tayo na uuwi na para sa pormalidad. Mag abang nalang tayo dyan ng taxi baka meron pa. Maglalakad nalang tayo ng kaonti." Wala na ko nagawa nang nahatak niya na ako papasok sa loob. Medyo nawala naman ang pag-aalala ko nang nakita na wala nang katao tao rito sa buong mansyon at lahat ay nasa labas na siguro?
"Asan kaya sila?" Bulong niya sa sarili na narinig ko kaya sumagot ako, "Siguro nasa living area..." Naniwala naman siya sa hula ko kaya pumunta nga kami roon.
Nagkatotoo nga ang sinabi ko at nasa living area nga sila. Ang ibang apo ng matanda ay nakaupo ang iba naman ay nakatayo at naka halukipkip. Tila may pinag-uusapan sila na importante at parang may pagtitipon na nagaganap.
Halos bumalik kami ni Leandra sa nasaksihan, mukha kasing importante ang dating nila kaya parang bastos naman kung sisingit kami bigla. Masyado ring mangha si Leandra at ano pa ba ang aasahan ko sa kanya kung ganito siya?
Gulat ang rumehistro sa mga Fuentes nang masilayan kami. Kung kanina ay hatak hatak ako ni Leandra, ngayon naman ay nakatago siya sa likod ko at nakakapit sa damit ko.
Ngunit napansin ko na wala ang matanda. Nasaan kaya iyon at siya naman ang batid namin.
Muntikan na ako tumalikod kung hindi lang nag salita ang isa sa kanila. "Are you looking for Grandpa? Cali?" Tanong ni Aki. I didn't mind how he calls me, Cali... hmm?
"Yup. Magpapaalam sana kami at uuwi na..."
Nagkatinginan silang lima.
"He's in a bad condition right now, Cali. Hindi siya nakahinga kanina." Napalingon ako kay Justus, masyadong magkakahawig ang mga pangalan nila kaya siguro, sa isip isip ko, Just nalang ang itatawag ko sa kanya.
My heart hurt a bit. What happened? Siguro ay masyado siyang na overwhelm sa party kaya ganoon? At masyado na rin siyang matanda kaya siguro ganito... kung ano man ang dahilan, nalungkot ako sa balita.
"Flavius will drive you home," ni-suggest ng panganay na apo. Umiling ako. "No need, kaya na namin umuwi, mag-aantay nalang kami ng taxi."
"Come on, It's already late, and do you really think you'll find a taxi there?" Sarcastic na sagot ng bunsong apo. Halos tumalim ang tingin ko sa kanya. Ayoko sa lahat ay iyong pinapangunahan ako. Ni hindi ko nga sila kilala pa ng lubusan.
"I don't even know you that long, bakit ako papayag na ihatid?" Sarcastic ko rin na sagot sa kanya. Nakita ko na may binulong si Aki sa kanya at hinawakan pa siya sa balikat para pakalmahin.
I get that they're probably worried about their grandpa but they're not even our concern right now. Magpapaalam lang kami na aalis, at ganito pa at napapahaba ang usapan?
"We only want you safe, Calamity. Hope you don't deem it strange." Napatingin pa ang panganay na apo sa orasan.
"Sige na... pumayag ka na..." tila demonyo na bulong ni leandra na kabado. Alam kong marami ang tanong na nasa isipan niya ngayon. Siguro ay mamaya ko na ik-kwento ang nangyari. Sigurado rin ako na hindi siya sanay na makaharap ang mga batang Fuentes.
Caius, as intimidating as ever, spoke to me.
"It's late." Maiksi ngunit malaman na sinabi niya. Parang sinasabi niya na, 'Anong oras na umuwi ka na kung ayaw mo mapahamak'. Napabuntong hininga nalang ako. It's just a ride anyway. Hindi ko alam kung bakit masama ang loob ko rito at parang gusto ko pang tanggihan ang alok nila kahit na nagmamagandang loob lang naman. Maybe because I don't trust that easily? Maybe because I find it so strange?
Sumulyap ako sa binulong ng panganay sa bunsong apo. Nakita ko siyang tumango. Nahuli nila ako na nakatingin sabay nagsalita ang panganay. "Flavius will take you home, it's that fine with you?" Fine. Bakit hindi?
"Sasama ako, kuya." Aki said, almost pleading in my ears.
Minuwestra ni Lazarus ang kabilang entrance papunta yata sa Parking kaya nagpaalam na ako sa kanilang lahat. "Uh, thanks, Lazarus, good to see you all." Tumalikod na ako at hinawakan ko si Leandra ng mariin na nakayuko sa likuran ko. Hinatak ko na siya para sundan ang dalawa.
Pagka punta namin sa parking ay namangha kaagad ako sa rami ng kotse na naka parada. Lahat ay mukhang mamahaln at ang iba ay mukhang custom made pa, kilala ang mga brand na ito kaya halos lumuwa mata ko sa kakatingin. Hindi ako mahilig sa sasakyan ngunit pangarap ko talaga na maka sakay sa mga ganito. Kahit si Leandra na pinanganak sa mayamang pamilya ay bahid pa rin ang pagka mangha. Malawak ang parking at mukhang private parking ito para sa pamilya lamang.
Iba't ibang klase ang narito, lahat ng klase! Ngunit bilib talaga ako sa mga race car na narito. Lalo na ang mga kilalang kotse kagaya na lamang ng Rolls Royce, Aston Martin, Lamborghini at marami pang iba na mukhang katumbas na ng buhay ko sa sobrang mahal.
"Shit, Cali! May Bugatti La Voiture Noire pa!" Bulong ngunit mariin na pagkakasabi ni Leandra. Napailing nalang ako sa nginuso niya dahil hindi pamilyar saakin ang La Voiture Noire na sinabi niya, tanging Bugatti lang ang alam ko.
This parking shows the modern side of their Mansion! Itong parking lang yata ang masasabi kong modern na parte ng mansyon nila!
"I'll use my Chevy Impala, Aki." Flavius said to Aki. Magkaiba kasi na sasakyan ang pinuntahan nila.
Nakaramdam ako ng konting hiya ng pinagbuksan pa ako ng pintuan ni Aki. I awkwardly say 'thank you' to him.
Nanginig ng kaonti si Leandra sa lamig na sa tingin ko ay napansin ni Flavius kaya nilipat niya sa kanya ang aircon. Aki handed me his coat. "Wear it, Cali. Lalamigin ka." Nahihiya kong tinanggap ang binigay niya.
"What School do you attend, Calamity? Brent or British School Manila?" Gulat ako na umiling. Brent? British School Manila? Isn't that one of the most expensive school in the Philippines?
"I cannot afford, Aki, I'm a scholar... sa UST." Nagkatinginan ulit ang dalawa. "I see..."
Even though their bone structure, posture or everything physical is evidently matured. They still somehow look young, hindi sobrang matured pa hindi kagaya sa iba nilang pinsan.
Maiksi ang byahe ngunit medyo marami ang natanong nila tungkol sa akin at paminsan minsan ay tungkol saamin ni Leandra. Kanina pa nga siya kurot ng kurot kahit na di naman siya kinakausap ni Flavius. Nanlaki ang mata ko sa naalala! Oo nga pala at may crush siya roon! Kaya pala! Kaya pala siya nakatitig kay Flavius buong byahe! Ang isang 'to talaga masyadong pahalata.
"Here..." Binaba nila kami sa mismong tapat ng bahay kaya nagpasalamat ako. Magaan kasama ang dalawa kahit na mga mukhang mayabang.
"Salamat, Aki, for joining us, Salamat, Flavius, for driving us. Please tell Mr. Augustus my goodbyes."
Sumimangot si Flavius sa narinig.
"Call me Adi. And this won't be a goodbye, for sure." Hinawakan ni Flavius ang kaniyang diamond earring habang inaantay ang sasabihin ko.
"Adi?" Like Aki, huh...
"Flavius Addamson. Goodnight, Calamity." Despite his natural kayabangan, nakuha niya ang loob ko.
"Please rest now. We're leaving. See you soonest, Calamity." Ngisi ni Aki.
Okay so Aki and Adi... hindi kaya magkambal sila?
Tumango nalang ako sa kawalan. Their eyes were both gazing at mine as so I flaunt a tired smile for them.
Did I found a new friend? or Kaibigan ba talaga sila?