Chereads / Archangel Zadkiel: Burned Wings / Chapter 16 - Chapter 15: Changing The Future

Chapter 16 - Chapter 15: Changing The Future

Nagising ako isang malamig na hangin, at naramdaman ko ang init na dala ng bedsheet na hinihigaan ko. Napaupo ako at agad na hinanap si Zad.

He's not here.

Binulong ko nang mapait ang pangalan niya at pumikit ng mariin, I just want him in my life... so bad. Parang ang hirap hirap para saakin na mawalay sakanya, Only Heaven will know kung kailan siya babalik? Paano kung next year pa? Next next year? Isang dekada? Unlike him, I'm growing up. I'm not immortal.

My heart hurts so much and my private part hurts too much, I still feel him down there that I think hurt my little heart more. I'm sentimental to everything because I lack in love and support. I'm an orphan so I don't know the feeling of inlove, or being in a physical situation to anyone. Because I'm always forbidden to go around...

Dahil hindi ako normal. Hindi ko na nagagamit ang kapanyarihan ko na yan pero alam ko sa sarili ko na tanggalin ko man sa isipan ko ang katotohanan na yan, hindi parin ako magiging normal. Isa parin ako sa taong biniyayaan na makita ang hinaharap.

Nakabalik na ako sa apartment at tanging feather lang ang iniwan niya, na nasa side table ko.

I want him... so bad...

Lumaki ako na nangungulila sa pamilya at ang maramdaman na buo ako dahil sa kanya ay pakiramdam ko mahirap kayanin ngayon na wala siya. I don't need to him to be always by my side, that would be too much to ask. I'm just asking him to tell me when is he coming back. I just want him to stay... not physically but at least tell me, atleast sa paraan na 'yan, malayo man siya saakin, mararamdaman ko naman na andito siya sa tabi ko dahil nagsasabi siya saakin. Pero hindi. Mas gugustuhin niyang sarilihin ang problema at harapin mag-isa.

Hot tears went down on my cheeks, he didn't even say goodbye. He just left me.

Humiga nalang ulit ako at niyakap ang mga puting unan, malamig ang panahon dahil Nobyembre at malapit na ang pasko. Malungkot man na hindi siya nagpaalam, pipilitin kong umintindi sa ngayon.

I should trust him a little more, he said they're preparing for something big. I should patiently wait.

Napapikit ako ng mariin.

What happened last night was painfully beautiful. Why? Because of our link, but, he had to leave. God knows when, kung kailan siya babalik. But my faith rests in him.

Aantayin ko ang pagbabalik niya. Kahit ilang buwan pa, o taon... o kahit hindi na dumating.

I will always be right here...

I will always be the little human who's waiting for him to come back... waiting for him to be back from heaven, from going to this sinful world.

Espesyal saakin ang nangyari kagabi at iyong araw na iyon ako naging pinaka masaya. Dahil kasama ko siya.

Tinignan ko ang orasan at nakita ko na ala sais pa lang ng umaga, tumayo ako at nakita ko sa salamin na iba na ang damit na suot ko, it's a plain white dress. Tumalikod ako at napansin ko ang dugo na nasa likod ko.

I didn't understand what that means but maybe it's my time of the month...

Pinili ko na manatili ngayong araw sa bahay, wala naman akong pupuntahan at gagawin kaya nagpasya akong gumawa nalang ng gawaing bahay. Naglinis ako sa buong Apartment, pinalitan ko ang mga bed sheets sa kwarto namin at kwarto ni haku. Nag punas ako nang mga alikabok at nag walis, nag mop. Pinunasan ko ang pawis na tumutulo sa noo ko pababa sa leeg ko.

I feel somewhat different now... like I feel light....

Hindi ko alam. Basta ramdam ko lang na nagbabago ako ngayon, hindi ko na alam ang dahilan. Masyado na yata talaga akong desperada na umayos ang kalagayan ko. Because I know that I'm not mentally okay. Pakiramdam ko mababaliw ako sa mga nangyayari.

May demonyo na gusto akong kunin, niligtas ako ni Zad, nagbunga ang link namin at umalis siya na parang bula.

Isa lang ang dulo, umalis siya.

Kinabukasan ay pinagtitinginan ako ng mga kakilala ko sa unibersidad, malaki ang unibersidad na ito na hindi mo mapapansin ang lahat ng tao, except nalang kung ang mga tao na iyon ay malalapit sa'yo.

There's no way that I won't notice their judgmental stares, I've seen it everywhere, I've experience it since I was born. Ngayon pa ba ako magkakamali sa mga tingin na iyan? But the question is, bakit?

Almost half of the stares came from my classmates way back or someone I know sa iilang clubs na sinalihan ko... I don't know, I can say na marami ang nakakakilala saakin pero bilang lang ang talagang kilala ko. Nag-iwas nalang ako ng tingin at hinawakan ng mahigpit ang strap ng bagpack ko.

Batid ko rin na pinagbubulungan ako ng ilang kakilala ko, hindi na ako kumportable sa nakikita ko kaya binilisan ko nalang ang lakad ko patungong restroom.

What happened? What's with the stares? What happened...

Tinakpan ko ang bibig ko nang may marinig akong footsteps patungo rito sa restroom.

Aalis na sana ako sa cubicle nang biglang nagsalita ang isa sa mukhang tatlong babae na pumasok.

"Have you heard about the representative of our batch? God! girl... sobrang unexpected sa kanya." Tumaas ang kilay ko sa narinig at hinaluan na ng kaba ang dibdib ko. These girls... they are my batchmates. So they're must be talking about me.

"Ano naman nangyari? Kay Calamity Rivera ba? I don't know girl, I mean, she's pretty silent even when she's famous." Naririnig ko ang tunog nang kanilang mga make-up na ginagamit habang pinag uusapan ako. Habang ako naman ay nakaupo lang sa bowl na ito.

"Oh! You didn't know? Tinanggalan siya ng scholarship, and knowing her background, I mean, kung meron man, she couldn't afford, for sure kaya asahan nalang natin na wala na siya in these past few days."

I swallowed hard. Halos mabilis ang tibok ng puso ko at hindi na ako makapag-isip ng tama.

Nag sisinungaling ba siya? But then again... those stares earlier? Dahil ba ito doon? Tinanggalan ako ng scholarship? Talaga ba? Maayos ang mga marka ko!

"Bakit naman yan mangyayari? That's near to impossible, Girl. At isa pa, matalino ang isang iyon kaya bakit naman babawian ng scholarship?"

Kinabahan ako sa tanong niya. Maayos ang mga marka ko, sigurado ako doon. Mataas iyon at sapat iyon para mapangalagaan ko ang pag-aaral ko. She must be bluffing. Imposible lahat ng pinagsasabi niya!

"I really don't know what happened, Basta lang kalat na iyang balitang 'yan, kung hindi bumaba ang marka ay baka may nilabag siyang batas?" Napamura na ako sa sarili. Imposible iyang iniisip nila, ni hindi ko makuhang gumawa ng masama dito dahil sigurado ako sa gusto kong mangyari. Gusto ko ayusin ang pag-aaral ko.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi naniniwala sa naririnig. Dahil kung totoo yan, bakit hindi ako binalitaan muna? Nauna pang malaman ng ibang tao bago ako? Imposible talaga!

"I doubt that, she looks reserved and obedient, and by her looks, kahit ulila at laki sa hirap, kaya niya naman umangat diba?" Tumawa ang tatlo sa pagkakarinig ko kaya napahawak ako lalo sa strap ng bag ko. Hindi ako laki sa hirap, pinanganak akong ulila, oo pero hindi mahirap. Insulto iyon saakin dahil alam kong ginawa nila Haku ang makakaya nila para maangat ang buhay naming tatlo. Nakakakain kami ng higit pa sa tatlong beses sa isang araw. Dyaan pa lang, swerte na ako. Sobra sobra pa 'yan sa hinihiling ko. Mas mahirap pa dyan ang inaasahan ko pagtapak namin ng maynila pero hindi yan ang naranasan ko.

"Oo naman! Tignan mo nga ang babaeng iyon... mukhang hindi galing pinas! Siguro ay iniwan ng tatay at pinamigay sa kung sino kaya naging ulila, kagaya sa mga palabas, She doesn't look like a filipino, almost a foreigner to me!"

"Well then... mahirap man ang isang 'yon, magagamit niya ang ganda niya. I'd suggest her to use her face to graduate on time... probably say yes to one of her suitors? God! Kapal din nang isang 'yon, mahirap lang pero wagas kung maka reject ng manliligaw! Even Thomas courted her! God! What a catch!"

"You mean? Maging gold digger ganon?" Hindi ko na narinig pa ang pinag-usapan ng tatlong 'yon dahil lumabas na sila na pinaguusapan pa rin ako. Halos mamutla ako sa mga narinig, ang maputla kong balat ay mas lalong pumutla.

Yumuko ako at niyakap ang mga tuhod...

Kung totoo man, ano na mangyayari? Saan ako mag-aaral? Makakapag tapos pa ba ako? Paano sila haku at kira? Madi-disappoint kaya sila?

Halos maiyak ako sa mga naiisip.

Kalaunan ay nagpasya nalang ako na umuwi sa apartment. Ni wala akong natanggap na message o email galing sa school. Imposibleng hindi nila ipaalam saakin ito. Imposibleng baiwan ako ng scholarship gayong hindi ko alam!

I'm scared.

Gusto kong harapin ang Headmaster pero natatakot ako na baka totoo nga.

My future depends on my education. I'm not skillful in anything, I'm not even good at doing household chores, I'm not sporty, I'm not the best in terms of academic, I'm not good in anything. Even in my field, it's like I was born to do nothing because I've got zero talent in life.

The only thing I'm good at is loving back the ones who love me. I could only offer kindness...

Wearing my sleeveless shirt na pinatungan ko ng black na bomber jacket, ripped jeans at white sneakers, kinuha ko na rin ang black na bagpack ko at umalis na. Nag-iwan ako ng note kila Haku kung sakali man na hanapin nila ako. Magkaka parehas lang kami ng unibersidad kaya imposibleng di umabot sa kanila ang balita.

Wala akong makhang maihaharap ngayon kaya gusto ko nalang muna lumabas at pumuntang park. Gusto ko muna mag-isip. Gusto ko lumayo.

I honestly think that Zadkiel got all my strength because I only feel weak now. Nakuha niya nga yata lahat ng lakas ko. Dahil ngayon, wala ako maramdaman kundi takot. Takot sa pwedeng mangyari.

My school finally emailed me earlier, stating that I recently didn't passes one of my major subject, naguluhan ako roon dahil ang pagkakaalam ko ay mataas ang marka ko roon? Ang alam ko ay ayos lang ang grades ko. Ako lang yata ang bumagsak sa subject niya na pinagtataka ko. In senior high, hindi naman sila nag babagsak, o kung mag bagsak man, sinasabi na agad nila para makahabol at magkaroon ng special subject.

I'm one of the scholars... paanong nangyaring bumagsak ako?

Pinisil pisil ko ang mga daliri ko sa pangamba. Unlike Haku, I'm not rational enough for these... siya na rin ang nag sabi dati na pinangungunahan ako palagi ng emosyon ko. He said that I care too much so I feel too much.

Habang nag-aantay sa waiting shed, napansin ko ang itim na sasakyang nakaka agaw ng pansin dahil mukhang mamahalin.

Hindi ko nalang pinansin dahil dumating na ang Bus na inaantay ko, Bus patungong Taytay Rizal, wala naman talaga akong pupuntahan, gusto ko lang talagang lumabas at lumayo.

Panay ang tingin ng karamihan saakin, siguro dahil mukha akong batang maglalayas?

If only Zad was here... If only.

Kahit na naka bomber jacket naman ako, bakas parin ang lamig dahil siguro sa panahon ngayon at sa aircon ng bus na nakatutok sa akin. Marami ang pasahero ng Bus pero sapat naman para makaupo ako.

Traffic at matagal ang naging byahe, humikab ako sa nararamdamang antok. Lumingon ako sa kanan ko, isa siyang matandang babae na may karga kargang bata na siguro ay nasa edad pito o walo. Puti na ang buhok ng matanda, payat ang pangangatawan at mukhang pagod na. Habang ang bata naman ay natutulog sa kandungan niya. Napangiti nalang ako. Small things matter. The things we sacrifice for love... kahit na pagod ka na, pipiliin mo parin talaga ang mahal mo sa buhay.

Napalingon ang matanda saakin, napansin niya siguro ang maliit kong ngiti sa kanila. Nagkatinginan kami, kaya napatitig ako sa mga mata niya. Huli na para mapagtanto ko kung ano ang nagawa ko, nakita ko ang hinaharap niya sa loob ng sampung segundo. Nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inaasahan ito, matagal na ng huli ako makakita ng ganitong hinaharap.

"Nay? Saan po kayo bababa?" Mabilis ang tibok ng puso ko, hinihiling ko na sana ay salungat ang sasabihin niya, ngunit, kahit kailan ay hindi pa nagkamali ang pangitain ko.

"Ah! Sa may tiyangge sana... doon kami malapit." Pagod na salita niya.

I felt a pain in my chest.

I need to do something.

Nakita ko ang hinaharap niya, nakahiga sa kalsada, patay at duguan. Sa itsura niyang iyon, mukhang nabaril siya... at ang suot niya ngayon ang nakita ko kaya alam ko na ngayon mangyayari iyon.

Umusbong ang kaba sa dibdib ko, parang sinasabi nito na kung wala akong gagawin ay habang buhay akong mamamatay sa kasalanan na hinayaan ko siyang mamatay.

But changing the future is bad... right? I shouldn't meddle with it! Hindi ba?

Mas lalong gumulo ang isipan ko at hindi malaman ang gagawin, I'm torn between helping her and nit meddling with the future. Zadkiel once said that if I feel like I'm doing a right thing, I shouldn't feel guilty... He said that if my intentions are pure, I shouldn't feel bad.

Dahil nagiging mali lang daw ang mali kapag alam mong mali ito, at tama kapag alam mong tama ang ginagawa mo. The truth is in us.

Lumingon ako sa kanilang dalawa, pagod ang matanda na nakatingin sa bintana habang ang bata ay walang ka muwang muwang sa mangyayari.

Meddling with the future is not bad if it means saving a life, right?

"Nay... gusto niyo po ba na kumain muna tayo? Lilibre ko ho kayo, Mukhang pagod po kayo at di pa kumakain." Ngiting pilit ko, kinakabahan ako sa ginagawa ko. Pakiramdam ko mali pero pakiramdam ko rin na tama ito. Pinisil ko ang mga daliri ko sa kaba. This is gonna be my first time interfering a supposed to be crime scene.

Please say yes... please say yes...

Dahil kung hindi ay hindi ko alam kung paano sila mapipigilan.

"Naku hija, kagagaling lang namin sa bahay ng tiyuhin nitong apo ko kaya busog na kami. Salamat nalang..." Ngumiti rin siya saakin pabalik at hinaplos niya ang buhok ng apo niya.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko...

What to do... what to do... If I were Haku or Kira? What will I do?

Gumapang ang kaba sa dibdib ko, parang naririnig ko ang tunog ng orasan sa utak ko, parang hinahabol ako ng oras at parang pinahihiwatig nito na mag isip ako ng solusyon kung hindi ay pagsisisihan ko.

"Malayo pa po ang tiyangge, may balak po akong mag taxi pagdating sa Ministop, nay, baka mo gusto niyo na rin sumabay? Doon din po kasi ang punta ko. Mukha na po kasi talagang pagod na kayo." mariin na ang pag pisil ko sa mga daliri ko at halos mag dugo na ito.

"Naku! Talaga ba hija? Hindi ba nakakaabala kami sayo?" Umiling ako ng mabilis. "Hindi po!"

"Kung ganon ay sige... nakakahiya man pero mukhang pagod na talaga ang apo ko, kailangan na rin magpahinga." Tumango ako. Nabawasan ang kaba sa dibdib ko, pero hindi parin maalis ang pangamba.

Tinanong ko kung saan siya nakatira at napag pasyahsn ko na ihahatid ko nalang siya sa mismong bahay nila dahil hindi naman sobrang layo iyon sa bababaan niya dapat.

Suddenly, a picture of her, lying on the ground, helpless and filled with blood was shown on my mind. Kinabahan ulit ako at pumara na agad ng makarating sa ministop.

Diretso ang tingin ko pababa ngunit hindi maalis sa tingin ko ang mga tao na tinititigan ako. Hindi ko alam kung bakit pero masyado na akong maraming iniisip para bigyan pa ng pansin ang mga titig nila...

"Huh... maganda sana pero parang baliw..."

"Ano ba ang pinag sasabi niyan?"

Ako ang nauuna maglakad paalis ng bus habang nasa likod ko naman ang matanda at bata.

Pagkababa ko ng ministop ay agad kong napansin ang pagmamadali ng driver na umalis agad.

Lumingon ako sa gilid ko at napansin ko na ako lang mag-isa. Walang matanda at walang bata. Wala akong kasama.

My brain was frozen for a bit, unable to think. Unable to even process a thing.

What happened?

Where are they?

Hindi ba't sabay kaming bumaba? Naiwan ba sila sa bus? Pero nasa gilid ko lang sila kanina?

Nasa gilid ako ng kalsada, bilang lang ang dumadaan dahil halos mag hahating gabi na at basa ang kalsada dahil sa ulan kanina.

Tumingin ako sa kalangitan.

Am I hallucinating?

Am I crazy?

Because I feel like I am.

Sobrang lamig ang pag pasada ng hangin sa mukha ko, hindi normal sa temperatura ngayon. Napapikit ako sa nangyari.

I opened my eyes only to see A man with a not so earthy outfit. He's smirking at me, puti ang lahat ng suot niya at halos hindi ko masikmurang tignan siya sa mga tingin niya pa lang...

Nilahad niya ang kamay niya saakin. Hindi ko mawari ang dahilan nito kaya hindi ko pinansin. Tinitigan ko lamang ito.

Ngumisi siya saakin at umiling.

"What a rude... young girl."

To describe him, he's masculine and tall, he looks like a greek god if not for his mischievous eyes. He's looking at me like he's mocking me. I don't like it. Napatitig ako sa mga mata niya, to my surprise, I didn't see anything. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. He's familiar!

"Familiar huh... then let me introduce my self to you." Huminto siya saglit pero bago iyon ay hinawakan niya muna ang kamay ko, at napadilat nalang ako na tanaw ko na ang mga naglalakihang buildings at mga ilaw na nanggagaling sa mga ito.

Nasa tuktok kami ng building!

Tumingin ako sa ibaba, my fear of heights filled my mind as I imagined myself falling without someone catching me...

By the looks of his power... I think I know who he is.