Hindi makapaniwala ang mga mata ko na ang limang lalaki ay apo ni Augustus. Kung sa postura lang at sa itsura, hindi nga naglalalayo ang pagkakatulad nila.
Fair skin, tall and features almost like a pure Spanish.
Iyong dalawang lalaki na nakausap ko kanina ay nakatayo lamang sa gilid at parang nag aantay na magsalita.
There, in the middle of the stage made only for them was the great Augustus Fuentes. Nakaupo sa wheelchair, but unlike any other people, he still looks great on his wheelchair, matikas parin ang tindig at matapang ang postura. Tama nga si Leandra, mukhang iba nga ang ugali ng dating pangulo kapag seryoso. Nakaupo lamang ngunit pakiramdam ko, milya ang layo niya sa mga taong nandito.
Ganoon siya kagalang galang tignan.
Augustus Fuentes roam his eyes and even he's far away from me, I can say that he's trying to look for someone, I saw how his face went from a scary grandpa into a disappointed scary grandpa.
"Asan ang mga anak niya? Lea? Hindi ba dadalo? Ang mga apo lang?" She shrugged at seryosong nag aabang sa sasabihin ng matanda.
"This year has been the loneliest for me, My sons possibly forget me that they brought their sons instead." He stopped and laughed.
"I am in my 80th Birthday, still alive and kicking, sitting on this wheelchair is boring and I cannot wait to walk again.
Fuentes Corporation is one of the top 10 largest corporation in this country and we are not done yet. Our success won't fall into just that, We wish to expand and make Fuentes Corporation well known outside the country, and not just in Asia. Alvis, my son led Fuentes Corporation well, he made all of this possible. My grandsons lead some of our assets in Fuentes Corporation to remain our business on top.
As of now, My other sons are busy in their own field and I wish for them to celebrate here with me but sadly, can't. Election will be on summer and I only hope for all of you to support my son, As always.
This night is not all about my 80th Birthday, but about you all who supported our family for years. Enjoy the night and Happy Birthday to me."
Namangha ako at isa sa mga naunang pumalakpak. Ni hindi ko nga napansin na napapalakpak na ako. Konti lang naman ang sinabi niya at hindi naman kalaliman pero nakakamangha pa rin. Para bang kaya niyang gawing makabuluhan ang isang bagay na walang halaga. He's that great.
"Mukhang walang takas ang buong mundo sa pamilya nila at gusto pang abutin. Hell! They're already on top! Sobrang ma impluwensiya na nila! Sobrang yaman!" Leandra clapped her hands loudly. Tila manghang mangha siya kung gaano ka gusto ng dating presidente ang paglago pa kahit na sobrang laki at unbeatable na nila.
Nagsalita ang limang apo ni Augustus at nagpahayag naman ito ng sarili nilang mga opinyon tungkol sa lalong paglago ng kabilang business.
Some of his grandsons were too proud that they wanna lead their corporation in their early age.
"Matanda na ba ang mga iyan?" Tanong ko. Kuryoso ako sa mga apo ng matanda. Hindi ko alam kung bakit pero nakikita ko ang sarili ko na kausap sila.
"Hala siya... uy hindi naman. Pero ang dalawa riyan ay mga nasa 27 o 28? Hindi ako sigurado... pero ang iba ay abot kamay na! Ang pinaka gusto ko dyan talaga, Cali! Iyong pinakabata! 23 pa lang!" Napabilang ako agad at napangiwi ako sa laki pa rin ng diperensiya.
"What's his name, then? Sino riyan..." kuryoso kong tanong. Seems like this day is just me and my curiosity but aren't we all? Sigurado ako na lahat ng tao rito ay kuryoso sa pamilya nila. Lihim ang iba nilang impormasyon at maraming tinatago. Sigurado akong hindi ako nag iisa sa pag iisip.
"Ayon! Iyong mukhang pinaka bata! Halata naman... diba! Mamamatay na yata ako, cali! Ang ga-gwapo! Handang handa talaga ako na ialay ang sarili ko sa kanila, kahit gawin akong letson! Jusko! Lord!" Turo niya sa lalaki na tumawag doon sa lalaking kausap ko kaganina. Natawa nalang ako sa histerya niya. Tunay nga na kakaiba ang kagwapuhan nila at mga mukhang banyaga.
"Ikaw! Sabihin mo saakin kung sino dyaan ang bet mo, basta huwag iyong akin ha. Saakin lang si Flavius!" Napailing nalang ako.
No matter how good looking they are, how wealthy and kind they are. I will never look up into them, my heart is already tied to someone else.
"Tara na!" Nang matapos ang mga apo nito sa pagsasalita ay hinatak kaagad ako ni Leandra patungo sa loob ng mansyon. Nagdadasal ako na sana hindi niya lapitan ang sinasabi niyang crush niya dahil nakakahiya.
Nagsimula nang makipag socialize ang lahat ng imbitado. Lahat sila mukhang mamahalin, tila kay hihirap abutin! They are exceptionally pretty too! Ang mga babaeng mukhang ilan lang ang tanda saamin ay magaganda, mukha silang nag mo-model. Ang iba ay artista, sabi ni Leandra. Ang iba naman ay anak rin ng mga bigating negosyante.
"Alam mo, Cali, marami pang ibang gwapo rito, kung gusto mo landiin mo iyong iba. Pero ako talagang kay Flavius lang! Nangangarap akong makapag asawa ng Fuentes! Pero kahit kaibigan lang!" Nang gigigil niyang sambit. Mahigpit na ang hawak niya sa aking kamay at pursigido na makapunta sa loob ng mansyon sa rami ng tao.
Pagkarating namin sa sentro ng mansyon may mga waiter na nag alok saamin ng pagkain.
Nakita ko sa di kalayuan sa aming gilid si Augustus nakikipag tawanan sa mga kaedad niya. Ang isang lalaki na matikas ang tindig ay nakahawak sa kaniyang wheelchair na parang isang guide niya.
"Should we greet him..." wala sa sarili kong sabi.
"Huh? Nababaliw ka na ba, nakakahiya!"
Ang musika ang sentro ng party, nagustuhan ko ang mga tugtog kahit na malayong malayo ito sa edad ko. Pamilyar ang iilang kanta at napapasabay ako.
"Pero..." wala ulit sa sarili kong sagot.
Gusto kong batiin ang matanda. May problema ba roon?
Hinatak ako ni Leandra sa mahabang lamesa na puno ng pagkain. Iniwas ko ang kamay ko sa kanya marahil hindi pa naman ako gutom, mas gusto kong makipag usap sa mga tao rito kahit na imposibleng kausapin ako. Sinubukan kong makipag usap sa mga babaeng malapit ang edad saamin ngunit hindi ako pamilyar sa kanila kaya siguro hindi ako pinapansin. Napapairap nga ang iba.
"What do you mean you're a family friend? You mean a gatecrasher?" Pinakilala ko ang sarili ko sa ibang babae ngunit iisa lang ang sinabi niya, hindi ako invited para pumarito.
"N-no! Augustus personally gave me the invitation card." Sagot ko. Ngunit mahirap nga yata talaga sa iba na paniwalaan ang sinabi ko at natawa lang.
"You said you're just a family friend, and you're saying Augustus Fuentes personally gave you the card? Delusional! He won't waste a time!"
"He's not even a kind grandfather to his grandsons, You're telling a joke right?" Natawa ang babae at sumagot naman ang isa, "Yeah, you're just a pretty girl but delusional!" Tumalikod ang babaeng gusto ko sanang maging kaibigan. Tumawa siya kasama ang mga kaedaran niya.
I didn't know rich people are hard to befriend. Parang may sarili silang mundo na kung hindi ka kabilang sa social status nila, hindi ka pwedeng maging kaibigan nila o kilalanin man lang.
Sumimsim ako sa mango shake na kinuha ko sa waiter kanina. Bagsak ang balikat ko at walang gana makipag socialize. Si Leandra ay busy sa pagkain kahit na nakatayo, ine-explore niya raw ang mga pagkain. Tinanong ko siya kanina kung lalapitan ba niya ang crush niya pero sinabi niya na hindi naman daw siya mapapansin kaya nagpasya siyang huwag na.
Hinayaan ko nalang ang sarili ko na mawala sa sarili habang tinitignan ang mga tao na nag e-enjoy.
"Hija!"
Nagising ako sa baritonong boses ng isang lalaki, gulat akong napalingon ng mapansin ko na ang matanda ang tumawag saakin.
"Hello, po!" Ngumiti ako sa kanya.
"Maligayang Kaarawan, Sir!" Ang apo niya ang nakahawak sa wheelchair niya na tila ba inaalalayan siya. Gulat rin ang mukha nito at parang di makapaniwala na kilala ako ng matanda.
Bakas ang saya sa mukha ng matanda, hindi ko alam kung masaya ba talaga siya ngayong gabi o masaya siyang makita ako. Natawa ako sa naisip. Bakit naman siya masisiyahan na makita ako?
"You look gorgeous! Akala ko ay hindi mo pinansin ang binigay kong imbitasyon, hindi ko akalain na makakapunta ka, hija, masaya akong makita ka ulit." Mataas ang energy ng matanda na parang tuwang tuwa talaga siya.
Napailing iling siya sa saya at umamba na tatayo. Kaya napalapit ako sakanya at hinawakan siya sa kamay,
"Lo! Hindi mo pa kaya..." mariin ngunit hindi naman pasigaw na sambit ng apo.
"Let go of my hand!" Sabi niya sa apo niya, Malaki ang boses ng matanda na hindi mo iisiping matanda na siya. Parang boses lang ito ng isang sundalo.
Hinawakan ko siya at inalalayan, nakahawak ako sa kaliwa niyang kamay, ang apo niya naman ay inaalalayan rin ang kanang kamay niya pati ang baywang ngunit hindi talaga kaya! kaya umupo nalang siya ulit. Tumawa tawa ang matanda at hindi ininda ang anumang nararamdaman.
Augustus Fuentes hold my hand like a child, it almost gave me chills. It's like he's holding to his daughter or something. Napailing ako sa iniisip.
"Caius! Call your cousins!" Mariin niyang utos sa apo. Parang sinasapian siya ng leon kapag iba ang kausap at mahinhin na leon naman kapag ako. Siguro ay malapit siya sa mga dalagang katulad ko dahil mukhang wala siyang babaeng anak o apo. Iyon nga siguro?
Ang mga apo niya na kaninang busy sa pakikipag usap ay seryoso na lumapit saamin. Hawak hawak pa rin ng matanda ang kamay ko. Iyong sinasabing crush ni Leandra ay nakatitig ng seryoso at may gulat sa mga mata. At kagaya ng lalaking nakausap ko kanina, mayroon din siyang abong mga mata.
Nakahilera ang limang lalaki sa harap ko at gilid ng matanda.
"Calamity, I'd like you to meet my grandsons." Lihim akong kinabahan sa sinabi niya. Para saan?
Ramdam ko ang mga matang nakatingin saamin at hindi lang nakatingin! Nakatitig sila na para bang inaabangan ang bawat galaw namin.
But like what I said, it seems like attention has always on my side that I managed to handle my shyness.
He looks dashing! He's the most matured looking with his overall black outfit, his cool side part hairstyle combined with a beard tells me how businessman looking he is. Kagaya sa mga palabas, nag shake hands kami para sa pormalidad at nakita ko kung gaano siya ka seryoso sa ganitong bagay at kagaya ng iba, gulat ang rumehistro sa kanyang mukha.
He has this dark gray eyes that's alluring, him, being the oldest is evident from the way he move. He's formal and robotic, like every move he make is calculated.
"Lazarus Fuentes, the oldest. Nice to meet you, Calamity. My lolo has been talking about you yesterday, It's my pleasure to meet you." Kinausap niya ako na parang nasa isa kaming importanteng meeting. Tumango ako at tinanggap ang kamay niya. Hindi kagaya ng ibang apo, siya iyong may pinaka carefree na dating kahit matured at pormal. Siguro dahil siya ang pinakamatanda? Mukha rin siyang approachable kumpara sa iba. I like his features, it suits him very well, parang nasa 28 ang edad niya.
Ang isa naman ang lumapit saakin, siya iyong katulong ng matanda. Siya ang sa tingin kong hindi mabait. Mukha siyang nakakatakot at parang labag sa loob niyang kilalanin ako, kung hindi lang ako mapanghusga, iisipin ko talaga na may masama siyang gagawin, kahit na maayos ang pakikitungo niya saakin.
Seryoso rin siya at walang kahit anong ekspresyon sa mukha kahit na halata ang kasungitan.
"Caius Fuentes," Misteryoso ang kanyang buong pagkatao na talagang dumapo ang paningin ko sa kanya. He's like Zadkiel but more silent.
"Caius! Fix your attitude!" Malinaw na sabi ng kanilang lolo. Tumango si Caius at lumingon ulit saakin. "Great seeing you..." nakipag kamay siya saakin. he's definitely the scary one. Lazarus is the eldest and matured looking but Caius is the tallest, matured din ang kanyang pangangatawan. Malaki pero hindi sobra. Tama lang sakanya. Kung huhulaan ko ang edad niya, parang nasa 26 or more. Sa tangkad niya ay wala pa akomg dibdib niya, kahit 5'6 naman ang height ko. Siguro'y nasa 6'2 ang height niya.
His eyes are also dark grey eyes, unlike mine na mas halatang abo, ang kanya ay parang silver ash. He's looking at me intently, madilim siyang tignan bukod sa suot niyang all black rin. Mukha siyang basketball player na masungit na naging businessman pagka graduate.
The man witn a manbun as his hairstyle approached me. Medyo nabighani ako sa itsura niya, mukha kasi siyang Artista. He looks Spanish with a little bit of Asian. His eyes were sparkling and his eyes are chinky. Like a hot kpop superstar. Malaki rin ang pangangatawan niya ngunit kagaya sa iba, hindi sobra at tama lang sa kanya. All of them has the vibe of an athleticism.
"Justus Fuentes, Pleasure to meet you, Calamity, did you enjoy the party?" Sinalubong ako ng malalim niyang dimple. Normal at pormal ang pag papakilala. Mukhang may gusto pa siyang sabihin saakin ngunit tumikom ang bibig niya. Tumango ako sa kanya at ngumiti.
Lumingon ako sa lalaking nakausap ko kanina sa gazebo. Sa kanya magaan ang loob ko kaya ako mismo ang lumapit sakanya. Bahagya siyang di mapakali at napalingon siya sa matanda bago saakin.
"G-good to see you again, I'm Atticus. Pwede mo 'kong tawaging Aki, Cali." Magaan ang loob ko sa kanya sa hindi mapaliwanag na dahilan, pero magaan din naman ang loob ko sa iba, no, sa totoo lang magaan ang loob ko sa kanilang lahat. Parang matagal ko na silang kilala. Pero imposible.
"Sure, Aki. You can call me Cali, too." Ngiti ko.
Nagkatinginan kami ng ilang segundo, like we're both observing each other. Hindi ako nagpatalo at tinitigan ko rin siya. Sa kanilang lahat, sakanyang mata ako may ka parehas. Iyong mukhang walang buhay tignan. Light gray eyes, as they say. He looks like the youngest for me, seryoso pero mukha siyang mabait.
His messy hair says a lot about him, dark brown rin ang kanyang buhok kagaya ng akin.
Hindi matanggal sa isipan ko ang ngiti kahit na alam kong mukhang laman ako ng news mamaya. Lahat ng imbitado ay nakatingin saamin kahit na ang mga waiter. Maraming bulungan ako na naririnig na naghahalo halo na sila sa pandinig ko, angat pa rin ang musika sa kabila ng mga bulungan at wala ni isa ang sumabat man lang saamin.
Lumingon ako sa gilid niya na si Flavius.
"Kilala na kita, you're Flavius right?" Nagtataka siya saakin na um-oo rin kalaunan.
Mukhang sa kanilang mag pipinsan, si Aki at Flavius ang magka sundo, napansin ko iyon dahil sila madalas ang nagtitinginan at bulungan. Mukhang magkalapit rin ang edad nila kaya higit na magaan ang loob ko sa kanilang dalawa.
"You're the girl earlier..." I smirked. Yes, at ikaw iyong masungit diba. Hindi ko na sinabi at nilihim nalang.
Sa totoo lang, mukha silang magkapatid ni Aki. O siguro magkapatid sila? Magkamukha sila. Parehas na dark brown ang kulay ng buhok. Parehas ang kanilang height, except lang sa suot at postura.
Aki looks messy like his hair, but looks like a heartthrob. Siya iyong mukhang sutil na apo na hindi sumusunod sa utos. While, Flavius is more on serious type, pero heartbreaker ang kanyang itsura. His hair is in a clean cut.
Natatawa ako sa sariling pag iisip.
Magtatanong pa sana siya saakin ngunit nagsalita ang matanda.
My expression went from amused to grim. Tinignan ko sila isa isa,
"It's my pleasure to meet you all, I'm Calamity Isyss Rivera." Nagkatinginan ang mga apo at parang napanganga sa sinabi ko kahit na sinabi ko lang naman ang pangalan ko.
I saw Augustus Fuentes flaunt a regretful manner. Teary eyes and trembling.
Lazarus looked at me intently.
Caius hold his grandpa's hand forcefully. Like he wanna know something.
Justus grips his fist.
Habang si Aki naman ay lalapitan na sana ako kung hindi lang siya pinigilan ni Flavius.
"Your eyes are exactly just like us, Calamity... You're like our reflection..." ngumiti ako sa sinabi ng panganay na apo.
"Oh! I'm Spanish descendant too, I guess... Just like you." I smiled innocently.
Augustus Fuentes is shaking. His hand is shaking, he held my hand roughly like he don't wanna let go of it. Marahan kong tinanggal ang kamay niya saakin.
"I'm sorry, Sir, but my friend might looking for me and her family right now. Thank you for your time and for having me here. I'm happy meeting you all and I hope to see you all again."
Tumalikod na ako. I find them weird and I wanna leave. They're suffocating. All of them. Like they know something I didn't know about. Their stares are suffocating me.
Nagtataka man ako sa reaksyon nilang lahat, binalewala ko ang mga matang nakatingin at nanghuhusga, Never mind the eyes judging me.
Umalis ako at hinanap si Leandra.
Asan na kaya siya? Patakbo kong hinanap si Leandra. Leaving the Fuenteses.