I regret what I've said yesterday. I know I made him choose, and It's because of my childishness. I can be matured and I hate it whenever my childishness shows up.
Nakasimangot ang mukha ni Lea, siguro dahil sa binago ko ang isip ko, ayoko na muna bumisita sa Vigan o Pagudpud, masyado akong marami iniisip para ma enjoy man lang at alam kong malulungkot lang siya na makita akong ganito.
"O sige... bisitahin nalang natin ang sinasabi mong mansyon." Sabi ko,
"Pero pupuntahan natin iyon bukas ng gabi... ganoon din!" Napa tango nalang ako. Wala talaga ako sa mood kumilos.
"Pero sige! Dahil madilim bukas baka hindi mo makita ng maayos!" Tumango ako. I feel tired and moody but this is the only way to entertain her...
Ang mansyon na sinasabi niya ay medyo malayo rito na kailangan pang gumamit ng sasakyan o kung maglalakad naman ay medyo matatagalan.
"Ang mansyon nila ang pinaka malaki, maganda at pinaka luma! You'll love it! Gusto ko ngang tanungin sino ang arkitekto nila ngunit masyado yatang pribado. You're going to love it! I swear! Ang kanilang mansyon ang pinaka paborito ko, hayy! Pangarap kong tumira doon..."
As a student who's gonna take Architecture. We love going to different places and houses. Particularly a home. Nagbibigay ito ideya saamin, lumalawak ang aming pananaw.
Tumagal ang lakad namin ng 20 minuto at totoo nga na sobrang laki ng mansyon nila.
Ang gate ay malayo pa sa mismong bahay at hindi tanaw sa gate ang mansyon sa kalakihan, dito pa lang ramdam ko na ang vibe ng mansyon nila. It's ancient.
My sundress is flowy, malamig ang simoy ng hangin at gloomy ang langit. Mukhang uulan? Tinignan ko ang suot kong yellow na sundress, baka pagkamalan akong pulubi rito.
"Papapasukin ba tayo?" Duda ko.
"Hindi ko alam... bukas pa ang party! Madalas ay nakasarado itong gate nila."
Sumimangot ang mukha ko. Niloloko ata ako nito.
"Kung ganon kahit na kilala ka ng pamilya nila hindi ka pwedeng pumasok?" Napakamot siya sa ulo. "Oo naman, at hindi naman ganoon ka close ang pamilya namin sa kanila. Their family is influential but not friendly..."
Sayang!
"E anong ginagawa natin dito?" Sumimangot siya. Sabi na nga ba wala siyang plano, ang alam niya lang ay ang maipakita sakit pero bago makita ang bahay wala na siyang alam.
"Syempre kaya nga kita sinama para ikaw gumawa ng paraan." Napakamot na rin ako sa ulo. Sayang naman ang pinunta rito kung uuwi lang din sa wala. Kagigil itong babaeng ito.
"May iba bang daanan dito? Kung itong gate ang gagamitin natin para makapasok siguradong di tayo makakapasok."
Sa huli ay umupo lang muna kami sa tabi ng halamanan. Mabuti nalang at hindi mainit kundi nasapak ko itong si Leandra. Masyado akong maraming iniisip para mag isip ng plano.
Umalis kami ni Leandra sa kinauupuan nang mayroong liwanag na nakatapat saamin, may papasok na sasakyan! Nabuhayan ang diwa naming dalawa kaya napatayo kami. Humigpit ang hawak niya saakin nang bumaba ang salamin sa sasakyan.
"Who are you?" Siniko ko si leandra, pahiwatig na siya ang magsalita. Kung ako ang magsasalita baka palayasin ako ng tuluyan, hindi naman ako taga rito at mas lalong di ako kabilang sa mayayaman na kagaya nila. "I'm the daughter of Leona and Karlo Ramirez," naputol ang pagsasalita niya nang nagsalita ang matanda,
He's intimidating in his grayish eyes. He's like in his 80s or something, mukha at balikat lamang ang nakikita ko ngunit pansin ko na mayroon siyang malaking pangangatawan. He's not a skinny old man. He's a one of a hell intimidating old man! Yumakap si leandra sa braso ko.
"I'm talking to you..." His stares can compare to a hawk. Masyadong matalas at observant.
Siniko ako ni leandra at saka ko napansin na ako ang tinutukoy niya, "I'm her friend. A tourist." Ngiting pilit ko. Hindi ako makangiti sa kanya dahil baka sabihin niyang feeling close o ano.
"Por qué estás aquí?" Tila bumalik ako sa huwisyo at nasagot ko ang tanong niya na wikang espanyol. "Me gustaria ver tu mansion."
Ngumisi siya. Like he knows me or something.
"Tell the driver to let them come." Mahina niyang sambit na narinig naman namin. Nanlaki ang mata ni leandra at mas lalong kumapit saakin.
Bumukas ang naglalakihan nilang gate na may naka engrave pa ng apelyido nila. FUENTES. Kaya ko napansin na luma na ang mansyon nila ay dahil sa ginto nitong muwebles. Hence, the place is overall ancient!
Nakaka kaba pala talaga pag mayaman ang kausap.
"What the fuck... did we just talked to the former president?" Ngumiwi ako sa sinabi niya. Former President? Tama ba pagkakarinig ko?
"Former President?" Tumango siya. "He's the former president! Augustus Fuentes! The most influential man I've known! And did you just spoke spanish to him? You know how to speak spanish!?" Tila nahuli ang reaksyon niya at ngayon lang nag sink in sa kanya.
"What the fuck? Former President?" Ulit ko. Hindi ko alam!
"Yes! And what the fuck too! Tara na!" Hinila niya ako nang may lumapit saamin na mukhang Senyora. Matanda na rin at mukhang mayaman na kasambahay? Hindi ako sigurado sa pinagsasabi ko ang alam ko lang ay masyado akong mahirap para makaranas nang ganito.
Pinapasok kami ng Senyora sa mukhang main door ng kanilang bahay at pinto pa lang ay engrande na. I'm not saying that Leandra's not rich pero nag mukhang middle class ang pamilya nila nang makapasok ako sa gate pa lang.
There's an angel fountain at the center of their Mansion. Tama nga ang hula ko na makaluma ang estilo nang mansyon. It's a vintage style. It's not that outdated but the overall look of the whole place is pure Ancient. Sa lawak nang hardin ay halos malula ako. "Dito kaya gaganapin ang party?" Umiling siya.
"Doon sa likuran ng mansyon sa tingin ko... isang beses pa lang ako nakakapunta rito, at doon ginanap ang party noon." Napapanganga kami parehas.
This Mansion is flawless.
Kung hindi ko lang pansin na parang may kulang sa Mansyon. Parang may kulang.
Napailing nalang ako sa naisip ko. Maybe because of how capacious this whole place is. It's too much for me. Too expensive, too big and it seems lonely.
"Parang walang tao?" I asked her kahit na mukhang wala rin siyang alam. "Akala mo lang iyon! Sa laki nitong mansyon, malamang di sila nagkikitaan." Humagikgik kaming dalawa.
"Pero seryoso, ayon sa pagkakarinig ko... lima raw ang anak ng dating pangulo?" Bulong niya saakin. Inalis ko ang mukha niya na malapit saakin. Halata masyadong may pinag uusapan kami.
Hindi namin malibot ang buong mansyon dahil nahihiya naman kaming maglibot nalang bigla. Siguro bukas?
The old man Augustus Fuentes came with the 4 bodyguards around him. Nakakatakot ang mga ito at parang handang pumatay. "Leave us." Sambit niya sa mga bodyguards. Umalis ang mga ito at naiwan kaming tatlo, si leandra na naka yakap sa braso ko, ang matanda na nakaupo sa wheelchair. At ako na kalmado.
"Do you want anything? A food, perhaps?" Napatitig ako sa matanda, tama talaga hula ko na malaki ang pangangatawan niya. Bukod sa dating pangulo, dati rin kaya siyang sundalo? He got that big scar on his forehead down to his eyes.
"Perhaps you want to examine my body instead, young lady?" Bago pa ako sikuin ni lea ay lumayo na ako konti sa kanya. "I'm just curious if you're a former soldier too." Tinuro ko ang forehead ko para malaman niya na ang scar ang tinutukoy ko.
"I am..." hmm... that's explains why. Inaasahan ko na iyon pero nakakagulat parin talaga, dati nang presidente, dati pang sundalo! Heroic.
"How's your mother Leona and Karlo?" He asked to leandra. Tila kinabahan si Leandra kaya ako nalang ang sumagot, "Nasa business pa po si tito karlo, si tita leona naman ay nasa mansion." I calmly said.
I guess he's not that scary. Just authoritative. Like Zadkiel. At isa pa, an old man like him won't scare me, I got someone way scarier than anybody else.
Well yes, Zadkiel can't harm me. These human can, but this Old man should be respected. Hindi dapat kinatatakutan.
"I suspect you're a friend of her?"
"Opo, we're both thinking of taking Architecture in Manila, I'm here to have a vacation, Sinabi niya na itong Mansion ang pinakamatagal nang itinayo. I'm into modern vintage style kind of house, Sir."
He smiled a little bit.
"Ililibot ko kayo rito at ipaghahanda ko kayo ng pagkain," Pinalapit niya ang isang kasambahay at pagtapos ay sabay sabay na kumilos ang mga ito. Halos malula kami sa dami nila! Kami lang naman ang bisita pero parang may fiesta sa rami ng kasambahay na nag aasikaso. Marami naman palang tao rito ngunit puro trabahador nga lang at parang wala ako nakikitang anak ng matanda o apo man lang.
"Dito nalang ako..." bulong saakin ni leandra. Hinatak ko siya ng mahina para sumama ngunit pinagpipilitan niyang huwag na.
"Sige na... ikaw nalang, saka nalibot ko naman na ito, mapapagod pa ako." Mahinang sabi niya. Tumango nalang ako. Traydor na ito talagang iiwan ako. Isang karangalan na nga na ilibot ka ng presidente!
Lumapit ako sa matanda na nagsimula nang igalaw ang wheelchair niya.
Nakakahiya naman lumapit sakanya at baka palayasin niya ako pag nalaman niya na di ako anak ng kung sino mang mayaman.
"Hija... hindi mo pa sinasabi ang pangalan mo."
"Calamity po, you may call me Cali instead, Sir." Mabait kong sabi. Dahil baka konting mali lang ipabaril na ako. Siya pa naman iyong tao na di ka pwede magkamali. Mukhang mabait na mukhang strikto.
"What a unique name you have... Does your parents live around here or in Manila too?" Kinabahan ako sa sinabi niya at umiling nalang. Ito na yata yung scene na palalayasin niya ako.
"I'm an orphan, Sir," he stopped moving his wheelchair, like he was shocked or something.
"Saan ka nakatira kung ganoon? Walang kahit sinong kamag anak?" Nakakahiya man pero sinagot ko nalang.
Nilibot niya ako sa buong Mansion, wala ni isa ang natira at talagang pinakita niya saakin ang lahat kasama ang dahilan kung bakit iyon ang napiling disenyo at bakit doon mismo nakatayo. He's detailed while explaining me the details of his house. He's good at this, maybe because he's a businessman? Naaaliw rin ako sa mga kine-kwento niya saakin at nakakagaan siya sa loob. It must've been fun to have a Lolo like him.
Hindi ko na namalayan na nakwento ko na ang buhay ko sa kanya. Minus of my dark past, of course.
"I have 5 sons and 5 grandsons."
Isa isa niyang kinwento ang mga anak niya.
Romolus is his first son, a mayor in Bicol, Titus is his second son, a senator, Septimus is a governor here in Ilocos and he mentioned Alvis Fuentes, a business tycoon na naka based sa Spain.
He said he has a 5 sons but he didn't mentioned the last one so I suspected that he's dead or something. I didn't even have the guts to ask since it seems like it's confidential and I don't want to know everything.
Pagkatapos lumibot ay pinakain niya kami ni Leandra. Engrande ang handaan at parang nasobrahan na sa tingin ko ay lilitsunin na kami. Nagkatinginan pa kami ni Lea sa nakahandang pagkain. Nasa gilid ang mga kasambahay kaya nakakailang kumain sa dami nila.
Binigay mismo saakin ng matanda ang Invitation at sinabi niya na pumunta kami.
He was hospitable enough for me to feel at home already. Even though the ambiance of this Mansion is a mystery to me along with his last son. Pina hatid niya kami sa driver nila kaya nakauwi kami nang maaga. Di ko akalain na umabot kami ng 2 hours doon?
There's something about me na gustong malamang ang buong istorya, his stories has a plot holes na ang daming tanong saakin kagaya nang nangyari sa bunso niyang anak? Bakit siya lang mag isa sa mansyon? He didn't explained what's with his sons, just their names and work.
I asked tita Leona about their last son but she just shrugged off. She said that their family is full of secrets and talking about the last Fuentes is a taboo.
"Listen to me carefully hija, Augustus Fuentes is nothing to be trusted. Their whole clan is known for using people. Huwag ka masyadong lumapit, even though you're not affiliated with business, Still, they can use you." Tumango nalang ako. Sila ang nakaka kilala ng lubos kaya sa kanila ako maniniwala.
Maybe Augustus Fuentes can't be trusted.
Hindi mawala sa isip ko ang mga kwento na nabanggit ng matanda. Mukha naman siyang nagsasabi ng totoo. At wala naman siyang mapapala saakin kaya sigurado naman ako na wala siyang intensyon na masama.
Kinwento kasi ni leandra ang nangyari at sinabi ni tita leona na masyado raw mabait ang matanda saakin kung ganoon at hindi makatotohanan.
Hindi kaya masyado lang o.a sila tita leona kung ganon? At saka hindi naman ako dito nakatira kaya sigurado ako na bukas ang huling beses na makikita ko ang matanda.
Medyo nalungkot ako roon.
Siguro malapit talaga ako sa matatanda dahil lumaki akong walang nag-aalaga saakin.
Trust your instincts, it will lead you to the truth.
Napaisip ako sa sinabi ni Zad.
Trust my instincts?