Chereads / His Unordinary Stalker [MxM] / Chapter 9 - Kabanata 08

Chapter 9 - Kabanata 08

One message received

From: Savannah,

Hi. nag-enjoy ako kahapon! Salamat, ha?

Ilang minuto na ang nakalipas simula nang matanggap ko ang text niya. Hindi ko alam kung anong ire-reply, kaya ilang minuto lang din akong nakatitig sa cellphone ko.

"Your phone might suddenly vanish into thin air because you've been staring at the screen for a decade," wika ni Charleston na nakahiga sa kama ko habang naka-indian seat naman ako sa tabi niya.

"Nagtext si Savannah. Magrereply pa ba ako?" tanong ko. Napaupo siya nang matuwid at tinignan ang phone ko.

"Mag-reply ka. It'll seem rude if you didn't," mahina niyang sagot. Napabumuntong-hininga ako at nagsimulang mag-type.

To: Savannah,

Walang anuman.

Message not sent !

Masyadong maikli, bulong ko sa sarili ko.

To: Savannah,

Always welcome. Sa susunod ulit?

Message not sent !

"It's like you're inviting her to go on a date again," komento ni Charleston na nakatingin pa rin sa cellphone ko. "Wait, are you really inviting her?"

"Hindi!" sagot ko. "Mangiyak-ngiyak na nga ako sa lunch date na iyon eh."

"Well... would you go on a date with her willingly, someday?" tanong niya.

Tumingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatitig sa 'kin habang nakakunot ang kanyang noo. Kumibit-balikat ako at binalik ang atensyon ko sa cellphone ko.

"Mabait naman talaga si Savannah. Siguro, lalabas ako ng bahay kasama siya 'pag nasanay na ako sa presensiya niya. Halata namang gusto siya ng mga magulang ko para sa 'kin, eh," pahayag ko.

"Ah," maikling tugon ni Charleston.

"Pero sa totoo lang, hindi ko naman talaga siya gusto. Bilang kaibigan, oo. Ewan ko ba... siguro hanggang ngayon, may trust issues pa rin ako," saad ko.

Hindi na siya kumibo, kaya tumingin ako sa tabi ko. Wala na siya roon. Kumibit-balikat ako. Siguro natae lang siya kaya biglang nawala. Hindi ko na lang pinansin iyon at nagsimulang ulit mag-type ng ire-reply kay Savannah.

To: Savannah,

Walang anuman. Buti naman at nag-enjoy ka. Pasensiya na kung awkward ako kahapon, haha.

Message sent

Humiga ako sa kama at pumikit habang hinihintay ang text back ni Savannah. Wala pang isang minuto ay naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko.

One message received

From: Savannah,

busy ka yata, nakakaabala ba ako?

To: Savannah,

Di ah, pano mo naman nasabi??

From: Savannah,

kadalasan kasi, wala pang one min. nakaka-reply ka na.

Tumawa ako. Wala siyang kamalay-malay na hindi ako, kung hindi si Venice ang kausap niya dati.

To: Savannah,

Sorry, haha nakatulog kasi ako kanina...

From: Savannah,

Ok lang. Naaantok ka pa rin ba? You can go back to sleep if you want to

To: Savannah,

Medyo. Usap ulit tayo mamaya?

Dahil nakakita ako ng excuse upang hindi na mag-reply, agad na akong nagpaalam. Hindi naman talaga ako matutulog, magi-sketch lang ako sa kuwarto o kaya maghanap ng client sa internet, katulad ng palagi kong ginagawa dati– nang wala pa akong kaide-ideya na isang shape-shifter ang aso kong si Cacao. Hindi ko na pinansin ang cellphone ko nang mag-vibrate ito muli. Dumapa na lang ako sa kama habang hawak-hawak ang sketch pad ko. Kasalukuyan kong iginuguhit ang black labrador na naging malapit na sa akin.

"Ang cute siguro kapag kinulayan ko ng blue yung mga mata mo rito, kahit itim ang kulay ng mga mata mo tuwing nasa anyo ka ni Cacao," ani ko– pero wala pa rin siya sa tabi ko. Nasaan na ba iyon?

"Charleston?" tawag ko sa kanya. Walang sumasagot. Agad akong kinabahan. Paano kung iniwan niya ako at nag-teleport na sa ibang bansa?

Tumayo ako at lumabas ng kuwarto habang tinatawag ang pangalan niya. Bumaba ako ng hagdanan at natigilan ako sa paghakbang pababa nang makita ko si Charleston na nakatayo sa may pintuan habang nakatingin sa labas.

"Anong ginagawa mo d'yan?" tanong ko.

Parang walang buhay na tumingin sa 'kin si Charleston. Walang ekspresyon ang kanyang mukha, pero puno ng kalungkutan at isang emosyon na hindi ko mawari sa asul niyang mga mata.

"Nothing, nagpapahangin lang, I guess," mahina niyang tugon at binalik na niya ang atensyon niya sa labas. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko pa ba siya ulit, o hindi. Mukhang masama ang timpla ni Charleston ngayon.

"Why..." rinig kong bulong ni Charleston. "Why am I always not enough?"

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang sambit ko. Hindi na siya sumagot– parang isa lamang siyang istatwa roon na hindi gumagalaw. Ilang minuto rin kaming nanatili sa ganoong posisyon, hanggang sa maging awkward na ang atmosphere sa sala.

"Lalabas lang ako saglit," sabi ni Charleston. Halatang iniiwas niya ang tingin niya sa 'kin. "I'll be back, I promise."

"Sige..." tugon ko. Wala pang isang segundo ang lumipas nang maiwan akong mag-isa sa living room.

Ilang oras na ang lumipas simula nang mawala si Charleston. Tahimik lang akong nakaupo sa kuwarto at nagbuklat-buklat ng mga luma kong sketchpad habang inaantay siyang bumalik. Nasanay na akong mag-isa, ngunit parang kakaiba ang atmosphere ng kuwarto ko dahil wala si Cacao dito– wala si Charleston.

Bakit bigla na lang siyang naging ganoon? Hindi ko maalis sa isipan ko yung itsura niya kanina. Kadalasan, mapaglaro at masaya ang mga mata niya, halos hindi mo na mahahalata ang kalungkutan na naroon sa kanya. Ngunit kanina, napakawalang-buhay ng mga asul niyang mga mata.

Naalala ko tuloy ang nangyari dati, nang tinanong ni Mama si Charleston tungkol sa pamilya niya– kung gaano kalungkot ang mga mata niya noon.

Baka naman nagkakaroon lang ng menstruation ang mga lalaking imortal, kaya nagiging moody. Tumawa ako nang mahina sa sarili ko nang maisip iyon.

"Nawala lang ako, nabaliw ka na agad." Mabilis akong umupo nang marinig ko ang boses ni Charleston.

"Saan ka galing?" tanong ko.

Ngumiti lang siya sa 'kin at umupo sa tabi ko. "Nowhere. I just needed time to think."

"Mag-isip tungkol saan?"

"Nothing."

"Okay ka lang ba?"

"Yesterday, you asked me not to leave you, right?" Bigla kong naramdaman na may humawak sa kamay kong nakapatong sa hita ko. Napatingin ako kay Charleston na nakatitig lang sa 'kin. Parang bumabaon na nga sa kaluluwa ko sa titig niya sa 'kin.

"O-oo..." nauutal na tugon ko.

Parang may kuryenteng dumadaloy mula sa mga malamig niyang daliri papunta sa sarili kong kamay, kaya natameme ako.

"I won't leave you, Michael," bulong niya.

"Sinabi mo na sa 'kin iyan kahapon..." bulong ko pabalik.

Pakiramdam ko ay trinaydor na naman ako ng mga pisngi ko dahil alam kong namumula naman mga ito.

Michael, naglaladlad ka na ba? Lalaki ka, lalaki ka! Parang may isang boses sa loob ng utak ko na sumisigaw ng mga salitang iyan.

"I won't leave you, so you shouldn't leave me in return." Lumapit pa siya sa 'kin kaya naramdaman ko ang paggalaw ng labi niya sa tenga ko. Napalunok na lang ako at tumango habang iniiwasan na tumingin sa kanya pabalik, pero napatingin lang din ako ulit sa kanya nang bigla siyang tumawa.

"Anong nakakatawa?" sigaw ko dahil sa gulat. Kanina may pabulong-bulong pa siyang nalalaman, tapos ngayon bigla na lang siyang tatawa?

"You're so tense – it's so hilarious so I just had to laugh," natatawang paliwanag niya. Tinitigan ko siya nang masama pero hindi pa rin nabubura sa mga labi niya ang nakakaloko niyang ngiti.

"But, I was serious earlier, Michael. Since we are going to be stuck with each other for the rest of our lives, gusto kong mas makilala mo pa ako," dagdag pa niya. "I want you to know how awesome I am."

"Yabang," naiinis na tugon ko. "Pero, anong ibig sabihin mo?"

"I want to take you somewhere." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "We're going to jump. Are you ready?"

"Ha? Hoy–"

Bumara na lang sa lalamunan ko ang mga salitang sasabihin ko nang biglang naging distorted ang paligid. Tila pumasok ako sa isang kaleidoscope– sari-saring kulay ang bumabalot sa 'kin kasabay ng pagkahilo ko nang biglang may humampas na malakas na hangin sa katawan ko. Nang tumigil ang lahat ng ito, nanginginig akong tumayo at sumuka sa puno na katabi ko. Teka, puno?

"Sorry, mortals aren't used to jumping. Light-headedness and vomiting are normal... some of them are faint," wika ni Charleston na nasa tabi ko lang. Binitawan niya ang aking kamay at hinagod ang likod ko para alalayan ako sa paglabas ng kinain kong tortang talong at kanin kaninang umaga.

Nanghihina akong umupo sa lupa nang matapos kong ilabas ang lahat ng laman ng aking sikmura. Nagusot ang mukha ko dahil sa mapait na lasa ng suka na natira sa bibig ko.

"Are you alright?" tanong ni Charleston at inalalayan niya akong tumayo.

"A-anong g-ginawa m-mo s-sa a-akin?" putol-putol na sambit ko dahil umiikot pa rin ang paningin ko.

"We jumped... teleported," sagot niya habang nakatingin sa 'kin at halatang nag-aalala. Tumango ako, pumikit, at hinayaang mawala ang pagkahilo ko habang humihinga nang malalim.

"Nasaan tayo?" sambit ko pagkatapos ng ilang segundo.

Ngumiti siya sa akin nang malapad at tumingin siya sa paligid. Gumaya na rin ako at nagmasid-masid. Isang gubat– nasa isang gubat kami ni Charleston, sa tabi ng isang maliit na burol. Napapaligiran kami ng mga matatabang katawan ng matataas na puno, mga sari-saring halaman at bulaklak. Sa likod ni Charleston ay may isang malaking puno na natumba, nakahiga–na tilang taong walang buhay ang dambuhalang katawan nito.

"Somewhere in Mindanao," tipid na sagot niya at nagsimulang maglakad papunta sa natumbang puno. Isang misteryosong ngiti ang nakapinta sa mga labi niya kaya napakunot ako ng noo.

"M-mindanao! Tapos gubat pa! Charleston, halatang hindi ka mahilig sa mga gubat sa probinsya!" bulalas ko nang binilisan ko ang paglalakad ko upang mahabol siya.

Naalala ko yung araw kung kailang una ko siyang nakita – sa isang gubat sa Cagayan Valley at hindi ko mapigilang makaramdam ng nostalgia habang sinusundan ko siya rito sa isang gubat sa Mindanao– kung saan napakalayo ko sa bahay at hindi ako makakauwi agad kung sakaling may ginawa siyang hindi kaaya-aya.

Biglang bumalik sa alaala ko ang mukha ng lalaking nag-kidnap at nagpahirap sa 'kin. Itinulak ko na lamang iyon sa pinakamalalim na parte ng utak ko. Mahirap na mai-overcome ang isang bagay na kinatatakutan mo ngunit makakaya mo iyon kapag may mga tao– imortal man o mortal na tutulong sa iyo, na hindi ka iiwan habang kailangan mo sila. Sila ang mga taong– at minsan aso, na humatak sa akin pataas tuwing nasa pinaka-ibabang parte ako ng buhay ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang dulo ng katawan ng puno, kung nasaan ang mga ugat nito. Tinanggal niya ang mga tuyong dahon na dumikit dito at mga stray vines na nakadikit doon. Nang tuluyan na niyang matanggal ang mga iyon, napasinghap na lamang ako.

Isang pinto na gawa sa kahoy. Kung may pinto, eh 'di may–

"It's a tunnel disguised as an enormous log. What's inside? Where does it lead to?" Ngumisi siya sa 'kin.

"It's a secret. We'll never know until we get there."