Lumilipad ang utak ko habang naglalakad kami sa loob ng tunnel. Ano kaya ang nasa kabilang dulo? Slaughterhouse? Isang malaking factory ng shabu? Naku, baka siya yung matagal ng hinahanap na druglord! Worse, baka siya talaga ang lider ng mga terorista dito sa Pilipinas.
"Earth to Michael, Earth to Michael, are you still there?" wika ni Charleston habang winawagayway niya sa harap ng mukha ko ang kamay niya.
"Hmmm." Tumingin ako sa kanya at napagtanto kong nakalabas na pala kami sa madilim na tunnel na iyon.
"Welcome to my humble abode, Michael Jon Montemayor!" malakas niyang turan habang suot-suot ang kanyang hindi nabuburang ngiti. Hindi ko napigilang mapa-wow nang makita ko ang bagay na tinitignan niya. Isang malaking bahay– mansyon na gawa sa kahoy ang tumambad sa paningin ko. Maliliit lamang ang mga bintana nito at kasing-kulay ng mga puno sa paligid nito ang mga dingding. Halatang ginawa ito upang ma-camouflage at hindi makita ng mga tao. Ang tunnel na dinaanan namin kanina ay nagsilbing lagusan– kung kanina'y nasa tabi kami ng burol, ngayo'y nasa loob na kami ng burol. Napaliligiran kami ng matataas na pader na gawa sa mga bato na ginawa upang magmukhang maliit na burol.
"Ang galing..." mahinang sabi ko habang nakatingin sa paligid. "Tagong-tago talaga ang bahay mo..."
"Well, I had to live somewhere far since I'm not normal; I don't really blend in," pahayag niya habang naglalakad papunta sa malaking bahay. "But, that was before. I stopped hiding here when I met you."
"Pero, nabanggit mo dati na nagkaroon ka ng mga part-time job, 'di ba?" tanong ko habang patuloy na sinusundan siya.
"Yes, but I had those jobs back long ago, when I was still in Europe. Where everybody looked just like me." Nagbumuntong-hininga siya at ipinasok ang mga kamay sa kanyang mga bulsa. "Here, in Asia, everybody looks... Asian. I stand out because my face is different. When I stand out, I'll get remembered easily. When a lot of people knows me, they might discover my secret."
"Kakaunti lang ba kayong mga imortal?" tanong ko muli.
"Nope. We are everywhere. Alam mo yung mga kuwento-kuwentong mga aswang dito sa mga Pilipnas?"
"Oo."
"That's us."
"So, kumakain kayo ng mga tao?"
Napatigil sa paglalakad si Charleston at namutla, na parang nadulas siya at may nasabi siyang sikreto na dapat hindi ipaalam kahit kanino.
"Some of the rogues do. When someone has been alone for many years, they just lose their sanity, I guess. They just go berserk and kill everything in their paths," wika niya nang marating na namin ang pinto ng bahay niya.
"Rogues?"
"Immortals that have been banished– mga pinalayas ng mga pamilya nila. Immortals without a clan or a family."
"Isa ka ba sa mga iyon?"
Nanatili ang kamay ni Charleston sa gintong door knob. Hinahawakan niya iyon nang mahigpit, na parang pinipigilan niya ang sarili niyang matumba.
"It's... a long story," mahina niyang turan.
Tumango na lang ako, alam kong ayaw niyang pag-usapan iyon. Palagi na lang napapalibutan ng kalungkutan ang aura niya, katulad ngayon. Ayaw ko na nararamdaman niya iyon. Kahit monggi siya, kahit napakahangin niya, kahit palagi niya akong iniinis– gusto kong palagi siyang masaya.
Hinila ni Charleston ang bilog na bahagi ng door knob at tinanggal ito. Sa likod no'n ay may isang kulay itim na keypad.
"Lahat ba ng gamit mo, ganito?" tanong ko habang nagta-type siya ng mga numero sa keypad.
"What do you mean?" tanong niya pabalik.
"'Yung necklace na binigay mo sa 'kin ay isa talagang espada... espada ba iyon? Basta ganoon." Napakamot ako sa leeg ko at tumawa siya. "Yung natumbang puno kanina ay isang tunnel, tapos ngayon naman, 'yan doorknob–"
"Slayer," sambit niya habang kinakalikot ang keypad.
"Huh?"
"The thing inside the necklace is called a slayer."
Biglang nag-beep ang keypad at bumukas ang pinto. Hindi ko na inantay pa si Charleston at naglakad na ako papasok. Ang ganda. Puno ng punong-kahoy ang mga dingding at sahig. May mga antigong din furniture na nakakalat sa paligid. Sa living room naman, ay may dalawang malaking sofa at maraming artworks ang nakalagay sa dingding. Sa kabila naman ay may isang mahabang mesa na napapalibutan ng bookshelves– kapag nilapitan mo'y, mapapansin mong punung-puno ito ng halo-halong mga libro. Ang ibang bookshelves ay puno ng mga travel guides, dictionaries, at classics; Romeo and Juliet, Hamlet, at iba pa. Malapit sa bookshelves ay may isang pinto na magdadala sa 'yo sa isang malaking kusina.
"Ang ganda ng bahay mo, Charleston!" bulalas ko nang makabalik na kami sa living room. Umupo ako sa isang sofa at ngumiti. "Pero, bakit ang layo? Sa Luzon tayo nakatira tapos 'tong bahay mo, nasa Mindanao..."
"The last country I visited was Malaysia, and Mindanao was the closest islands," sagot niya habang may isang malawak na ngiti sa kanyang mga labi. "Come with me, I wanna show you something."
Nagsimula siyang maglakad papunta sa hagdanan at inakyat iyon, habang sinusundan ko siya. May tatlong pinto sa second floor ng bahay niya at pinakita niya ang mga laman ng mga kuwarto sa akin. Ang isa ay ang kaniyang sariling kuwarto na may isang mahabang couch na kulay kayumanggi na may mga itim na unan, isang desk at upuan, isang bookshelf, isang malaking wardrobe, at ang kanyang banyo.
"Bakit wala kang kama?" sambit ko habang nasa loob kami ng kuwarto niya. Tumawa siya.
"Immortals don't sleep. We don't even sweat, nor feel tired," sagot niya at hinawakan ang kamay ko. May naramdaman na naman akong kuryente, kasabay ng pakiramdam na may mga paru-parung nagwa-waltz sa tiyan ko. Tumango ako at kinagat ang lower lip ko.
Namumula na naman ang mga traydor kong mga pisngi. "Let me show you my art studio."
Lumabas kami ng kuwarto niya at pumasok sa katabing pinto nito. Malaki ang kanyang art studio at napakaraming canvas na nakakalat rito. May mga sari-saring painting: isang uwak na lumilipad, sari-saring mga landscape, isang asong nakahiga, isang kalsada na puno ng mga tao, at marami pa.
Nakakuha ng atensyon ko ang isang malaking painting sa gitna ng kuwarto. Nakapinta roon ang isang pamilya – isang malaking lalaking na walang ekspresyon ang mukha na may mga matang katulad kay Charleston, isang babaeng may maitim na buhok na nakasimangot, at isang batang lalaki na nakangiti nang malapad, na palagay ko'y si Charleston.
Ngunit, may isang bagay akong nakita– ang dahilan kung bakit nakuha ng painting na ito ang atensyon ko. Isang babae, na may malaking kayumangging mga mata at may itim na buhok na may isang maliit na ngiti sa kanyang mga mapupulang labi. Kamukhang-kamukha ko siya. Hindi siya mukhang dayuhan katulad ni Charleston, ngunit natatangi ang kanyang ganda.
"My sister got the genes of my maternal great-grandfather who was Asian, while I looked like my father," wika ni Charleston habang nakatingin sa painting.
Napabumuntong-hininga siya at binitawan ang kamay ko. "Margaux... my older sister, was the only person in my family who truly cared for me. She was cried when I got kicked out from my family and when I was labelled as a rogue. Ayaw niya akong umalis. She even wanted to come with me, even though my parents locked her up in her room and sealed her teleportation powers away using magic."
Margaux. Bakit pakiramdam ko'y narinig ko na ang pangalang iyon, ngunit hindi ko maalala kung kailan?
"Bakit ka ba pinaalis?" mahina kong tanong habang pinapadaan ko ang mga daliri ko sa mukha ng batang Charleston na nasa painting.
"I am unmarked," tugon ni Charleston. Lumamig ang aura niya, at sigurado akong nakita kong naging pula ang mga mata niya bago ito naging asul muli pagkalipas ng ilang segundo.
"U-unmarked?" tanong ko ulit. Wala akong ideya kung ano ang sinasabi niya ngayon. Tumingin siya sa 'kin at itinuro ang kanang pulsuhan niya. "Anong meron diyan?"
"Can you see anything on my wrist?"
"Wala."
"Exactly. Every immortal is born with a mark who tells them who their mate is. The mark shows up on an immortal's twenty-third birthday, kung kailan tumitigil na kami sa pagtanda."
Tumingin ako sa kanya. Seryoso siyang nakatingin sa kanang pulsuhan, na parang pinipilit niya itong magkaroon ng isang marka.
"Immortals value the purity of blood, kaya kami nagkaroon ng mga marka. Immortals devote their lives into finding another immortal who has exactly the same mark as them." Tumigil siya sa pagsasalita at huminga nang malalim. "The unmarked are immortals without that mark... they cannot marry another immortal, since they don't have a mate. Without a mate, they cannot reproduce."
"At kapag wala kang marka, at nalaman ng pamilya mo–"
"You'll be an embarassment to the family, since you won't be able to continue their legacy. You'll be exiled," bulong niya. "I am an embarassment. I am nothing. I am worthless– A worthless rogue without a family."
"Tumahimik ka nga," inis kong sagot.
Mukha siyang isang maliit na tuta na pinagalitan ng kanyang amo habang nakatingin siya sa 'kin. "Anong sinabi mo? Wala kang pamilya? Wala kang kuwenta?"
"You heard me clearly, Michael–"
"Shut up!" sigaw ko. "Kung wala ka, 'di sana matagal na 'kong nabaliw dahil sa nangyari sa 'kin dati. May kuwenta ka. Masayang-masaya akong dumating ka sa buhay ko, Cacao, Charleston – kung ano man ang pangalan mo. Tuwing umiiyak ako, tuwing natatakot ako, hindi ka umaalis sa tabi ko. Kahit aso ka lang noon, kahit noong hindi mo pa ako kinakausap dahil hindi ka nagsasalita, pinaramdam mo sa 'kin na hindi ako mag-isa."
"Michael..."
"At ano 'yang sinasabi mong wala kang pamilya? Sino ba kami? Kami nila Venice, Mama, Papa, at ako? Mga patatas lang ba kami na naglalakad?" Kinuyom ko ang mga kamao ko. "Kami ang pamilya mo, Charleston! Hindi mo ba naisip 'yun? Nakakainis ka, alam mo ba 'yo–"
Napatigil ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Pakiramdam ko'y natutunaw na ako sa mga bisig niya kaya't, ipinikit ko ang aking mga mata. Sa sobrang lapit niya sa 'kin ay naamoy ko pa ang dog shampoo na ginamit ni Venice nang isang araw para paliguan siya.
"Stop, don't say anything," mahinang niyang bulong. "Just... hug me. Stay. Please."
Tumango ako at niyakap ko siya pabalik. Naramdaman ko ang marahang paglapat ng kanyang mga labi sa noo ko, at hindi ko napigilan ang aking ngiti na lumapad kasabay nang muling pamumula ng mga pisngi ko.