"You know, it's a good thing that we decided to get these tattoos after I became a mortal. Tattoos might not work on me if I didn't got turned," wika ni Charleston habang nakatingin sa bandage na nakatakip sa kanyang kanang pulsuhan. Tumango lang ako habang hinahawakan ang sarili kong pulsuhan na mayroong bandage na kapareha no'n kay Charleston.
Oo, tama ang nabasa ninyo. Isa nang mortal si Charleston. Ilang buwan makalipas ang nangyari sa playground, nagdesisyon na siyang tuluyan nang maging mortal. Nag-dadalawang isip pa nga ako no'n, paano kung nagkamali ako at tuluyan ko siyang mapatay? Dalawang araw siyang walang malay pagkatapos ko siyang saksakin gamit ang slayer– diretso sa puso niya. Nasapak ko pa nga siya nang siya'y tuluyan nang nagising, dahil sa sobrang pag-aalala ko. Akala ko'y hindi na siya magigising no'n.
Ngumiti ako habang tinitingnan ang bandage sa pulsuhan ko. Pinanganak na walang mark si Charleston, kaya nagdesisyon kaming magpalagay ng sarili naming mga marka. Naka-tattoo sa aming mga kanang pulsuhan ang isang maliit na diyamante, kapareha nang nasa slayer. Wala mang mark si Charleston, sigurado na kami na ako ang mate niya, na ako ang nararapat para sa kanya– dahil nagmamahalan kami.
Nang una, hindi pa gaanong tanggap ni Papa ang relasyon namin, ngunit suportadong-suportado kami nila Venice at Mama. Sinabi pa nga ni Venice na sayang daw si Charleston, pero masaya raw siya para sa amin. Marami pa naman daw na guwapong lalaki sa mundo, at lahat daw ng mga iyon ay magkakandarapa para sa beauty niya. Minsan, ang sarap talagang batukan ang kapatid ko. Kalaunan ay natanggap din naman kami ni Papa, binalaan pa nga niya si Charleston na "'Wag paiyakin ang anak kong si Mike, kung hindi makakakita ka ng isang flying itak na magla-landing diretso sa guwapo mong mukha." Pinipigilan ko pa nga ang sarili kong matawa habang pinapangaralan ni Papa si Charleston.
Tinulungan din ako ni Charleston na mai-overcome ang aking takot sa dilim. Pinaramdam niya sa 'kin na safe lang ako, na hinding-hindi na ako babalikan nang baliw na lalaki dahil nasa tabi ko lang siya palagi, at napakalaki ng pasasalamat ko sa kanya dahil doon.
Naramdaman kong hinawakan ni Charleston ang kamay ko habang naglalakad kami pauwi. Lumabas kami upang magpalagay ng mga tattoo, at binalak naming umuwi agad para matulog.
Pero nang binuksan ko ang pintuan ng bahay, alam kong hindi ako makakadiretso sa aking kuwarto upang makatulog. Nakapatay ang ilaw sa sala, may mga kandilang nakasindi sa center table. Sa sahig ay may mga nakakalat na talulot ng mga pulang rosas, at mayroong tarpaulin sa dingding na nagsasabing "Michael Jon Montemayor, will you marry me?"
Labis ang aking saya at pagkagulat nang biglang lumuhod sa harapan ko si Charleston at naglabas ng isang pilak na singsing.
"Sacrificing my immortality and my abilities to be with you for a lifetime was the greatest choice I've ever made," pahayag niya. Naramdaman ko namang tumulo na ang mga luha ko dahil sa saya. "I love you, I love you so much and you know that. I'm still willing to give you everything, still willing to treat you like a prince forever– if you let me to."
Hinawakan niya ang aking kamay at nagsalita muli. "You already have a non-removable tattoo that will constantly remind you of me all the time, so I guess you really should marry me."
Tumawa ako at tumango. Ngumiti siya sa 'kin.
"Will you marry me?" pagtatanong niya.
Walang bahid ng ano mang pag-aalinlangan ang sagot ko. "Oo, Charleston."
Isinuot niya ang singsing sa aking daliri at tumayo siya upang halikan ako. Ngumiti ako at narinig ko ang malalakas na hiyawan ng pamilya ko– na sa tingin ko'y kanina pang nanonood sa amin.
He was my unordinary stalker, but now... he's my extraordinary fiancé.
WAKAS