Kinabukasan, nagising ako nang may matinding sakit ng ulo at panghihina. Wala nga akong ganang kumain, na agad napansin ni Mama. Tinanong niya, kung okay lang ba ako at kung kailangan ko raw ng gamot. Agad naman akong nagsabi na okay lang ako at wala dapat siyang ipag-alala. Nagtataka naman si Venice kung bakit hindi na niya daw nakikita si Cacao. Nagsinungaling na lang ako at sinabi kong pansamantalang na kay Charleston ang asong iyon. Nanaig ang kalandian ng batang iyon at tinanong pa niya kung saan nakatira si Charleston, pero hindi na ako sumagot at pumunta na lang ako sa kuwarto ko.
Nagdesisyon akong matulog ulit, at nang nagising ako'y nakaramdam ako ng panlalamig. Tatlong kumot na ang nakatalukbong sa akin ngunit wala pa rin. Subukan ko mang tumayo ay hindi ko magawa, dahil pakiramdam ko'y naging gelatin na ang aking mga buto. Tinawag ko si Venice, pero naalala kong may pasok pala siya sa eskwelahan at may trabaho naman sina Mama at Papa.
Ilang minuto at oras na rin ang lumipas. Mas lalo lang lumalala ang pakiramdam ko. Mas tumindi pa nga ang pagsakit ng ulo ko at parang pinasok ako sa freezer dahil sa sobrang lamig. Nanginginig na nga ang mga labi't kamay ko at tila may mga sumasayaw na ngang mga maliliit na bituin sa paningin ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko at umungol nang mahina. Ang sama talaga ng pakiramdam ko at gusto kong pumunta ng ospital.
May naramdaman akong basa at malamig na telang dumampi sa aking noo, dahilan upang buksan ko ulit ang aking mga mata. Parang biglang naipit ang baga ko sa aking lalamunan nang makita ko kung sinong naglagay ng telang iyon sa noo ko– Si Charleston. Tatayo na sana ako upang umalis pero marahan niya akong itinulak upang humiga muli.
"Let me just take care of you until your parents come home. Ang taas na ng lagnat mo," wika niya. Piniga niya ang tela sa isang plangganang dala niya at pinagpatuloy ang pagpupunas sa akin.
"Bakit ka nandito? Labas..." Wala na akong lakas upang sumigaw kaya ibinulong ko na lang ang mga iyon.
"Don't worry, aalis din ako pagkatapos nito. I just can't bear to see you sick, and nobody's even taking care of you." Itinigil niya ang pagpupunas at pinaupo niya ako. "Take this."
Binigyan niya ako ng gamot at isang basong tubig. Tinignan ko siya nang masama. "Baka naman may lason iyan."
"Stop being such a pain in the ass. Just take it," naiiritang sabi niya. Tsk, siya pa ang may ganang mairita ngayon?
Padabog kong kinuha ang mga iyon at tuluyan ko ng ininom ang gamot. Ngumiti siya at ginulo ang aking buhok. Ipinagpatuloy ang pagpupunas ng tela sa iba't ibang parte ng aking katawan. Ilang minuto rin kaming ganito; tinititigan ko lang siya nang masama habang naka-focus ang atensyon niya sa pagpapadaan ng tela sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. Pagkatapos no'n ay tumayo na siya upang umalis ng kuwarto.
"Saan ka pupunta?" tanong ko.
"I thought that you wanted me to leave," inosenteng tugon niya. Naramdaman ko na naman ang pamumula ng aking mga pisngi.
"Hindi.. u-um.. a-ano–"
"I'm not going to leave yet, silly. I'm just gonna get some things." Tumawa siya nang mahina. Sinapak ko ang sarili ko sa isip ko. Pinapa-alis mo na siya, pero bakit parang pinapakita mong gusto mo siyang manatili rito?
Parang isang taon ang lumipas nang bumalik na siya, pero sa totoo lang ay wala pang sampung minuto ang nagdaan. May dala siyang isang thermometer at isang mangkok ng lugaw. Inilagay niya ang thermometer sa bibig ko. Thirty-seven degrees celsius. Bumaba na ang lagnat ko.
"Open your mouth," mahinang utos niya. Nag-aalangan pa ako ngunit binuksan ko na rin ang bibig ko. Tahimik lang kaming dalawa habang pinapakain niya ako.
"Gusto kong malaman ang totoo. Lahat-lahat, Charleston. Walang mga lihim, walang mga kasinungalingan," seryoso kong pahayag sa kanya. Tumingin siya sa 'kin, halatang nagulat.
"Where do you want me to start?" pagtatanong niya.
"Simula pa nang bata ako. Gusto kong malaman ang totoong dahilan kung bakit mo ako binabantayan," tugon ko. Umupo sa tabi ko si Charleston at huminga nang malalim.
"I lied. Hindi kita nakita pagkatapos kang ma-kidnap. I found you during you were tortured," pahayag niya. "I was hunting in the woods, looking for any helpless animal so I could drink their blood after I kill them. I was about to teleport back to my home in Mindanao, but I suddenly caught a whiff of blood– human blood. I was so enticed by the scent so I immediately went to that direction. I saw a shabby little bungalow, and I broke in. I was so intoxicated– I punched the man that kidnapped into you. When I approached you... you were in that state wherein you were about to lose consciousness. I was about to plunge my fangs into your neck when I heard you whimper, and then I saw your face. All I could think about was Margaux. I looked around and realized the situation you were in, so I brought you to the hospital and called the police."
Hindi na ako makapagsalita habang tina-try kong magsink-in sa utak ko ang kanyang kuwento. "Nagsisinungaling ka na nama–" Panimula ko ngunit agad niyang tinakpan ang bibig ko.
"I'm telling you the truth, my little hazelnut," ani niya habang nakatingin nang diretso sa mga mata ko.
Pakiramdam ko ay mahihimatay na ako. Ang mga huli niyang mga binanggit na salita ay parang isang spark na nag-ignite ng isang patay na apoy sa utak ko.
"Ang hina mo na, wala ka nang silbi." Hinawakan ng lalaki ang panga ko at malakas itong sinampal. Mas lumakas ang paghikbi ko. Wala na akong lakas upang sumigaw pa at humingi ng tulong.
"Ano ito?" tanong niya. Naglabas siya ng isang lagaring makalawang.
"L-lagari.." mahinang sagot ko.
Hindi ko na alam ang susunod na nangyari, ang alam ko lang ay may isang nararamdaman akong hindi kong ma-describe na sakit. Ilang nakakakilabot na sigaw ang kumawala mula sa aking mga labi habang nilalagari niya ang balat ng aking braso.
Bago umabot sa buto ko ang lagari, biglang tumigil ang sakit. Binuksan ko ang mga mata ko at nakakita ako ng isang pares ng pulang mga mata na nakatingin sa akin.
"I am going to save you, my little hazelnut. Hang on, Margaux," sabi niya. Unti-unti kong ipinikit ang aking mga mata, at tuluyan na akong nawalan ng malay.
"Ikaw? Ikaw ang nagligtas sa akin no'n?" 'Di makapaniwalang bulalas ko. Tumango si Charleston at umiwas ng tingin.
"I couldn't stop thinking about you after that. Nagdesisyon akong sundan ka kahit saan ka pumunta. I wanted to look after the kid who looked just like the only person who truly loved me. But as time passed, I didn't see you as Margaux anymore; I saw you as Michael. I thought I was just protecting you because you reminded me of my sister, but it wasn't only that. It wasn't the only reason." Naramdaman kong bumilis ang pagpintig ng puso ko nang tumingin siya nang diretso sa akin. "I already fell in love wih you, Michael."
Hindi ako makahinga sa kuwartong 'to, gusto kong lumabas. Kung kanina'y parang gelatin ang mga tuhod ko, ngayon ay parang bigla silang lumakas. Tumayo ako at tumakbo palabas ng bahay habang hinahayaan kong dalhin ako ng aking mga paa sa direksyong gusto nitong puntahan. Pagkalipas ng ilang segundo ay nakarating ako sa playground. Hindi ko alam kung bakit ako dinala ng mga paa ko rito, wala akong ideya.
Mahal ako ni Charleston. Iyon pala ang dahilan kung bakit palagi siyang nag-aalala para sa 'kin, kung bakit niya ako palaging binabantayan.
Pero ang tanong, mahal ko rin ba siya? Parehas kaming lalaki. Isa siyang bampira, at ako nama'y isang mortal. Mali– sobrang mali.
Ngunit, naalala ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko at ang pamumula ng aking mga pisngi. Siya lamang ang nakakagawa sa akin ng mga bagay na iyon. Iba ang nararamdaman ko tuwing kasama ko siya, at kahit nagalit ako sa kanya ay labis din akong nangulila sa presensiya niya.
"Michael, you have to rest. Just go back home, 'wag mo na lang–"
Hindi na ako nagdalawang-isip pa nang marinig ko ang boses ni Charleston mula sa likod ko. Agad akong naglakad nang mabilis papunta sa kanya at niyakap siya nang mahigpit. Sandali ko siyang binitawan upang hawakan ang magkabila niyang pisngi at hinalikan ko siya sa kaniyang mga labi.
Bakla na kung bakla. Mali na kung mali. Wala na akong pakialam. Sigurado na ako, mahal ko rin siya. Mahal ko si Charleston.
Hinalikan niya ako pabalik at ipinikit ko ang aking mga mata.
"M-michael?"
Naitulak ko palayo si Charleston kaya napaupo siya sa lupa. Tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Savannah. Nalaglag ang bag niya sa lupa kasabay ng pagkalaglag ng panga niya. Literal siyang nakanganga habang nakamasid sa amin.
Tumayo si Charleston at inakbayan ako habang nagpapakita ng isang pilyong ngiti kay Savannah. "Hey," bati niya.
***
"Hindi ko alam, na hindi ka pala..." Kinagat ni Savannah ang labi niya, halatang naghahanap siya ng salitang hindi makaka-offend sa 'kin.
"Hindi ko nga rin alam, ngayon ko lang na-realize." Tumawa ako nang mahina, upang maibsan ang awkwardness na bumabalot sa amin dahil ang sarili kong sexual orientation ang pinag-uusapan.
"I'm happy for you. For the both of you. Grabe, ang cute niyong dalawa!" nakangiting sabi ni Savannah, at agad na nawala ang ngiti sa sarili kong mga labi.
"Savannah, tungkol nga pala sa atin..." panimula ko. Naramdaman kong nag-stiffen ang katawan ni Charleston na nakaupo sa tabi ko. Kasalukuyan kasi kaming nakaupong tatlo sa bench sa playground, at ako ang nasa gitna.
"It's okay, alam kong friendly dates lang iyon. I have to be honest, nagkaroon ako ng maliit na crush sa 'yo dati..." Namula ang kanyang mga pisngi ngunit itinago niya iyon sa pamamagitan ng pagngiti. "Pero ngayon, napagtanto kong mahal ko pa rin talaga ang ex ko."
"Teka, akala ko ba hindi ka pa nagkakaroon ng boyfriend?" tanong ko. Naalala ko si Lily, ang nanay niya– na sinasabing hindi pa siya nagkakanobyo.
"Nagkaroon na ako, hindi alam ni Mama." Nilagay niya ang kaniyang index finger sa kanyang mga labi. Napangiti ako at tumango.
"Kailangan ko na pa lang umalis, baka hinahanap na 'ko ni Mama. I guess I'll see you next time?" Tumayo siya at ngumiti sa direksyon ni Charleston. "It was nice meeting you, Charleston. Alagaan mo si Michael, ha?"
Ngumiti si Charleston pabalik. "Of course, I will." Hinawakan niya ang kamay ko at marahang pinisil iyon.
***
"Okay, baby, back to bed," wika ni Charleston pagkauwi namin sa bahay.
"Baby?" bulalas ko dahil sa itinawag niya sa 'kin. Ngumisi lang siya sa 'kin.
"Yes, baby?"
"Kadiri ka..."
"Says the one who kissed me."
"Tumahimik ka."
Tumalon ako agad sa kama ko at humiga pagkarating namin sa kuwarto ko. Nilagay ulit ni Charleston ang tela sa noo ko at humiga sa tabi ko.
"I want skinship," bulong niya at yumakap siya sa akin. Itinulak ko siya palayo.
"Are you still mad at me?" tanong niya habang naka-puppy eyes.
"Hindi ko alam. Lumayo ka nga, mahahawa ka sa 'kin," saway ko. Tumawa lang siya at pumatong sa akin habang ang kanyang mga kamay ay nakapuwesto sa magkabilang side ng ulo ko para hindi niya ako tuluyang madaganan.
"I'm still an immortal... I won't get sick," nakangising sabi niya.
"Teka, bampira ka, 'di ba?" tanong ko. Tumango siya. "Bakit hindi ka nasusunog sa araw?"
"I'm a pure-blood vampire. Pure-bloods are born with special abilities, and we never get scorched by the sun or get stung by silver blades. Ang mga taong naging bampira and fringes lang ang mga nasusunog," sagot niya at ngumisi siya sa 'kin. "I'm hotter than the sun, that's why. Could I kiss you now?"
Inikot ko ang aking mga mata at hinayaan ko na lang na angkinin niya ang aking mga labi.
"Michael, anak–" Bumukas ang pinto at biglang pumasok sa kuwarto ang mga magulang ko kasama si Venice. Sa sobrang pagkagulat ay nalaglag si Charleston mula sa kama.
"M-Ma, P-Pa..."
"Talo ka! Akin ang pusta mo," sabay na sigaw nila Venice at Mama kay Papa.
"H-huh?" Tumingin ako sa kanila at hindi kumukurap.
"Matagal na naming nahahalata, Mike. Ayaw lang maniwala ng papa mo," natatawang sabi ni Mama.
"Tanggap ka namin."
"Why does people always interrupt us when we kiss," rinig kong bulong ni Charleston.