Pagkatapos ng kadramahan namin sa art studio kanina, dumiretso kami sa kusina upang kumain. Nagbake si Charleston ng mango pie at nag-blend din siya ng apple shake.
"Marunong ka pa lang mag-bake!" bulalas ko habang ngumunguya ng pie. Sumimangot sa akin si Charleston at pinunasan ang gilid ng labi ko.
"Kalat mo kumain," nandidiring wika niya. "My sister loves baking. I used to watch her whenever she bakes some pastries for us."
Ngumiti ako sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Nakaupo ako sa tabi ng lababo katabi ng mga mixing bowl na ginamit niya kanina sa pag-bake. Nakatayo naman siya sa harap ko habang pinapaikot ang isang gunting sa mga kamay niya.
"Hindi ka kakain?" tanong ko at nilagay ang piraso ng pie na hawak-hawak ko malapit sa mga labi niya. Ngumiti lang siya at dahan-dahang inalis ang kamay ko roon.
"Seeing you eat happily already makes me feel full," sabi niya. Kumibit-balikat na lang ako habang umiinom ng apple shake.
"Bahala ka, magugutom ka. Nga pala, bakit ang linis-linis ng bahay mo kahit matagal ka ng nakatira sa amin?"
"I come back here at night to clean, to paint, or to hunt at the woods outside."
"Ah."
"Tapos ka na bang kumain?"
Tumango ako at tumalon paalis mula sa kinauupuan ko habang nginunguya ang mga natirang pagkain sa bibig ko.
"Ang ganda talaga ng bahay mo, Charleston. Kaso, mag-isa ka lang dito..." sabi ko nang nakatayo na ako sa harap niya.
"We could live here together, I don't mind." Tumingin siya sa akin at nagpakita ng isang malapad na ngiti.
"Tayo lang?"
"Walang tayo."
"Ulol."
"Magkakaroon pa lang." Ngumisi siya sa 'kin. I rolled my eyes.
"Umuwi na nga tayo!"
"Uwi lang, walang tayo."
"Charleston!"
***
Tuwing wala kaming magawa sa bahay ko, pumupunta kami sa Mindanao upang bisitahin ang bahay niya. Nang masanay na ako sa teleportation, hindi na ako nasusuka ngunit nakakaramdam pa rin ako ng matinding pagkahilo.
Minsan, tinuturuan niya akong magpinta. Hindi naman ito gaanong mahirap, dahil marunong naman na akong gumuhit. Nahihirapan lang ako sa pag-blend ng iba't ibang kulay upang magmukha itong makatotohanan. Minsan naman, nagbabasa lang kami ng mga libro sa kanyang mini library, ngunit kadalasan ay tahimik lang akong nakahiga habang nakalapat ang ulo ko sa kandungan niya habang nakaupo siya sa isang sofa sa living room– katulad ngayon.
Kanina, pinakita niya sa 'kin ang dahilan kung bakit hindi napupunit ang mga damit niya tuwing nagshe-shape shift siya. Gawa sa isang espesyal na tela ang mga damit na palagi niyang sinusuot, na may kakayahang mag-blend sa balat niya tuwing siya'y nag-aanyong hayop. Hindi ko gaanong maintindihan kung paano nangyayari iyon– masyadong kumplikado. Ilang beses ding ipinaliwanag ni Charleston sa akin pero sumuko na siya nang napansin niyang hindi ko talaga ma-gets.
Parang nag-switch kami ng roles ngayon. Dati, nilalaro-laro ko ang balahibo niya habang siya ay nasa anyong aso niya. Ngunit ngayon, siya naman ang naglalaro ng buhok ko habang nakapatong ang ulo ko sa mga hita niya.
Mas lalo siyang naging clingy sa 'kin simula nang sabihin niya sa 'kin kung bakit siya pinaalis ng pamilya niya. Kapag tutok na tutok ako sa computer ko, minsan bigla na lang niya akong yayakapin mula sa likod, guguluhin ang buhok ko, o mag-aanyong aso siya at uupo siya bigla sa mga hita ko. Kadalasan ay itutulak ko ang mongging iyon palayo ngunit minsan ay hinahayaan ko na lamang siya. Ayokong sayangin ang enerhiya ko sa pagtutulak ng mala-bato niyang katawan palayo.
"Naaantok na 'ko..." mahina kong bulong at ipinikit ang mga mata ko. Tumawa siya nang mahina at marahang tinapik-tapik ang mga pisngi ko.
"Doon ka na matulog sa bahay niyo, I still have to tell you something," sabi niya.
"Ano 'yon?" tanong ko. Tumingin siya sa 'kin at pinisil niya ang ilong ko.
"Get up," utos niya.
"Tinatamad ako," tutol ko. Humikab ako at nilayo ko ang kamay niya sa kawawa kong ilong.
"Eh 'di wag," rinig kong sabi niya. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita ko ang pagngisi niya sa 'kin. Tumayo siya at binuhat ako bigla– bridal-style.
"Hoy!" sigaw ko at kumapit ako sa leeg niya upang hindi ako mahulog. Sumimangot ako sa kanya at sinuntok ang balikat niya, pero hindi niya ako pinapansin.
Pinikit ko ang mga mata ko nang naramdaman ko na naman ang pamilyar na hilo na nangyayari sa 'kin tuwing nagte-teleport kami. Naghintay muna akong lumipas ang ilang mga segundo upang humupa ang aking pagkahilo, bago ko buksan muli ang mga mata ko.
Tumingin ako sa paligid. Dinala niya ako sa kuwarto niya.
"Ba't tayo nandito?" pagtatanong ko. Binaba niya ako at inalalayan niya muna akong tumayo nang tuwid bago siya magsalita.
"I forgot to show you something," sambit niya habang suot-suot niya ang pamilyar niyang ngiti.
Hindi na ako sumagot pa at pinanood ko na lamang siya habang naglalakad siya papunta sa isang malaking painting ng palubog na araw. Binuhat niya ito paalis ng dingding at tumambad sa mga mata ko ang isang malaking pinto na gawa sa metal. Sa gitna ng pintuan na iyon ay may isang itim na keypad, na parang yung nasa front door lang. Mabilis siyang nag-type ng mga letra roon at inantay iyong mag-beep. Binuksan niya ang pintuan at tumayo sa gilid no'n.
"After you," nakangiti niyang turan. Tumango ako at pumasok sa kuwartong iyon. Napakadilim at wala akong makita, kahit ang mga sarili kong kamay.
Naramdaman ko ang presensiya ni Charleston sa likod ko at may narinig akong tunog ng pagilaw ng isang posporo. Sinindihan ni Charleston ang ilang lampara na nakakabit sa dingding at tuluyan kong nakita kung ano talaga ang nasa loob ng malaking kuwarto na kinatatayuan ko ngayon.
Maraming mga case na gawa sa salamin na nakadikit sa dingding, sa mga maliliit na lamesa sa gitna ng kuwarto, o nakakabit lamang sa sahig. Mga malalaking piraso ng mga diyamante, mga rubies, mga emeralds at iba't iba pang precious stones na hindi ko marecognize. Mas tumambad ang kanilang kagandahan at ang kanilang pagkislap dahil sa mahinang ilaw ng lampara sa tabi nila. Sa pinakalikod ng kuwarto ay may tatlong mga malalaking vault na gawa sa pilak at ginto. Hindi ako makapagsalita, literal na nalaglag ang panga ko habang pinagmamasdan ko ang mga kayamanang iyon.
"I was lying when I told you I was penniless," wika ni Charleston at inakbayan niya ako. "When my sister sensed that I was unmarked, she immediately hid my share of my family's wealth. Para hindi na ito makuha ng mga magulang ko."
"Teka, sa dami ng mga nakalagay dito, ito lang yung parte ng mana mo?" 'Di makapaniwalang tanong ko.
Kung ganito karami ang mana niya, paano pa kaya ang kabuuang kayamanan ng pamilya niya? Napakaraming mga mamahaling bato rito sa kuwartong, sa tingin ko'y kakayanin kong magpakain ng limandaang nagugutom na pamilya sa loob ng limang taon gamit lang ang perang makukuha ko kung binenta ko ang lahat ng laman ng kuwartong ito.
"Yeah." Ngumiti siya at pinisil ang balikat ko bago niya tinanggal ang kanyang pagkakaakbay sa 'kin. Naglakad siya papunta sa isang vault at binuksan ito. Maraming mga gold bars ang nakalagay sa loob at pinipigilan ko ang sarili kong mahimatay sa dami ng mga ito.
"The other two vaults contain the same amount of gold," wika niya. Dahan-dahan kong pinadaan ang mga daliri ko sa mga ginto sa loob. Natatakot akong hawakan ang mga ito dahil baka bigla itong maglaho o masira kapag ginalaw ko ang mga ito.
"Bakit mo pinapakita ang lahat ng mga 'to sa 'kin?" tanong ko. Isinara niya muna ang vault bago siya humarap sa 'kin. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi ko at tumitig siya sa mga mata ko nang seryoso.
"I'm just a lowly rogue without a definite purpose in this world, ngunit kaya kong ibigay ang lahat sa 'yo," sabi niya habang nakatitig pa rin sa mga mata ko.
Tila tumagos na hanggang sa kaluluwa ko ang titig niya. "I could give you the world and I could make you happy. I will treat you like a prince, Michael. Lahat ng laman ng bahay na ito ay iyo na, basta ako ang piliin mo."
Hindi na ako makapagsalita habang nakikinig ako sa kanya. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Gusto niyang piliin ko siya? Piliin– saan?
"C-charleston, h-hindi kita maintindihan..." nauutal kong turan. Inilapit niya ang mukha niya sa 'kin.
"Michael, are you numb? I–"
Napatigil siya sa pagsasalita nang biglang may narinig kaming isang salamin na nabasag. Dali-dali siyang lumabas sa kuwarto at agad akong sumunod.
Basag ang salamin ng bedroom niya. Nang binuksan niya ito ay may namataan kaming ibon sa lupa. Sa tingin ko ay tumama ito sa bintana ng kuwarto ni Charleston habang lumilipad at nalaglag ito sa lupa, papunta sa kamatayan nito. Kitang-kita ko pa ang duguan nitong katawan mula dito sa second floor ng bahay ni Charleston.
Narinig kong napabumuntong-hininga si Charleston bago niya isara ang pinto ng kuwartong puno ng mamahaling bato.
"Seems like the fates aren't on my side today," bulong niya sa kanya sarili.