Chereads / His Unordinary Stalker [MxM] / Chapter 12 - Kabanata 11

Chapter 12 - Kabanata 11

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata nang makaramdam ako ng gutom. Rinig na rinig ko ang pagkalam ng aking tiyan– isang malaking ebidensiya na nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan

Tinignan ko ang lalaking katabi ko. Nakatingin lamang siya sa 'kin habang nakapulupot ang kanyang kaliwang braso sa aking bewang.

"Nagugutom ako..." mahinang bulong ko. Agad niyang tinanggal ang pagkakayakap sa 'kin. Humikab ako at tumayo habang inuunat ang mga braso't binti ko.

"Maghahanap ako ng puwedeng ngatngatin... sama ka?" tanong ko kay Charleston na nakahiga pa rin sa kama ko.

"I'm too lazy to get up, go ahead," sagot niya. Kinuha niya ang dog plushie– yung stuffed toy na napanalunan niya sa claw machine dati at niyakap ito. Tumawa ako, mukha siyang bata habang yakap-yakap niya ang laruan na iyon habang nakapulupot ang katawan niya ng kumot kong may malaking mukha ni spongebob. Iniwan ko na lamang siya roon at pumunta na ako sa kusina namin.

Gustong magpahinga ni Charleston sa bahay niya sa Mindanao ngunit na-miss ko na rin ang sarili kong kuwarto. Umangal pa nga siya, mas malaki raw ang kama sa guest room niya pero hindi pa rin ako pumayag. Napakalayo sa sibilisasyon ang bahay niya, baka hindi na ako makauwi kung sakaling hindi na magamit ni Charleston ang kanyang abilidad na makapag-teleport.

Isa-isa kong binuksan ang mga cabinet sa kusina. Wala akong makitang tinapay man lang o biscuits, puro mga daing lang na isda. Pagkatapos, ay hinalukay ko naman ang ref namin. May nakita akong kaldero na naglalaman ng malamig na kanin at ilang bawang. Kinuha ko ang mga iyon at nilagay sa lamesa.

Kailangan kong durugin at hiwain ng maliliit ang bawang pero hindi ko mahanap ang mga kutsilyo sa kusina. Bigla kong naalala na dinala pala ni Venice ang lahat ng kutsilyo dito sa bahay sa kanilang paaralan, dahil may project daw sila sa TLE. Nanlulumo kong tiningnan ito. Nagugutom na ako– gusto ko ng fried rice!

Bigla akong nakaisip ng paraan. Nakakatawa mang pakinggan pero tinanggal ko ang kuwintas sa leeg ko at pinindot ng tatlong beses ang maliit na diamante sa gitna, katulad ng ginawa ni Charleston dati. Agad namang lumabas ang manipis na kutsilyo– ang slayer, mula dito.

Pinipigilan ko ang sarili kong tumawa nang durugin ko ang mga bawang at hiwain ito gamit ang slayer. Isang piraso ng pilak na ginagamit sa pagbabago ng isang imortal upang maging mortal, ay ginagamit ko para lang sa paghiwa ng bawang.

"Michae–"

Nagulat ako nang bigla akong tinawag ni Charleston. Parang nag-slow-motion ang lahat. Biglang nalaglag ang slayer sa pagkakahawak ko at tumama ang matulis na bahagi nito sa braso ko. May natamaan sigurong ugat kaya mabilis ang pag-agos ng dugo mula rito.

Hindi ko na alam ang susunod na nangyari. Naramdaman ko na lang bigla na tumama ang likod ko sa pader ng kusina.

Mahigpit akong hawak-hawak ni Charleston kaya hindi ako makagalaw. Napakasama nang titig niya sa 'kin, kaya hindi ko napigilang manginig sa takot.

"C-charleston? S-sorry, alam k-kong mali ang paggamit ko ng s-slayer sa–"

"You..." Narinig ko ang malalim niyang paghinga. "You have no idea on how your blood smells like. It's smells really sweet, like sugar."

"Anong sinasabi mo?" sigaw ko. Pinilit kong makawala sa pagkakahawak niya sa 'kin. Ayaw ko ng ganito at ayaw ko ang pakiramdam na hindi ako makagalaw.

Biglang naging pula ang mga asul niyang mga mata, at mas ikinagulat ko pa ang paglitaw ng malalaking pangil sa pagitan ng kanyang mga labi. Mas humigpit pa ang pagkakahawak niya sa 'kin kaya sigurado akong magkakaroon ako ng mga pasa sa aking mga balikat. Tumulo ang ilang mga luha mula sa aking mga mata kasabay ng pag-agos ng dugo mula sa sugat ko.

Nakatingin lang siya sa sugat ko, puno ng pananabik ang kanyang mga pulang mata habang pinapadaan niya ang kanyang mga daliri rito. Pinaghalong takot, lungkot at galit ang nararamdaman ko. Sinungaling siya– sinungaling si Charleston. Hindi lamang siya isang imortal.

Ngayon, habang tinitignan ko siya... sigurado na ako– Sigurado akong isa siyang bampira.

"Lumayo ka sa 'kin, pare-parehas lang kayo!" sigaw ko. Sinuntok-suntok ko siya ngunit nakatayo lamang siya sa harap ko. "Charleston, sa dami ng mga tao sa mundo... bakit, bakit ikaw pa?"

Bakit ngayong nahulog na ang loob ko sa 'yo, saka mo ako sasaktan?

Hindi na siya sumagot pa at nakaramdam na lang ako ng isang matinding hapdi mula sa aking leeg. Sumigaw ako nang napakalakas at sinubukan ko muling itulak siya palayo.

"Charleston!" Sa pagsigaw kong iyon, parang bigla siyang nahimasmasan. Nawala ang hapdi sa leeg ko kasabay ng pagbalik ng kanyang mga mata sa tunay nitong mga kulay. Nanghihina akong napaupo sa lupa at tuluyan na akong humikbi. Hindi ko na napansin ang sakit ng mga sugat ko, mas nanaig ang sakit na nagmumula sa kaloob-looban ko.

Isa na naman akong batang napaniwala gamit ng mga mabulaklak na mga salita ngunit sasaktan din pagkatapos. Isang batang nakakulong sa isang madilim na kuwarto habang pinapahirapan. Isang batang mabilis magtiwala.

"Michael, I'm sorry, hindi ko alam– hindi ko nakontrol..." Kitang-kita ko ang pagbuka ng kanyang bibig pero wala akong naririnig. Ayaw ko ng makinig.

"Ilang mga kasinungalingan pa ang sasabihin mo sa akin, Charleston?" tanong ko. Nakatingin lamang ako sa sahig, at naramdaman kong hinawakan niya ang aking kamay ngunit agad ko itong itinulak palayo.

"Michael, I'm sorry, I didn't mean to hurt you... hindi ko sinasadya, it was my instincts–"

"Hindi mo sinasadyang mapakita sa akin kung ano ka talaga?" sigaw ko. "Bakit hindi mo sinabing isa ka talagang bampira, Charleston? Pinaniwala mo ako na pinalayas ka, na isa kang–"

"I wasn't lying, I just left out the fact that I was a goddamned vampire! Hindi ko lang sinabi dahil ayaw kong matakot ka, ayaw kong iwanan mo ako–"

"Wala na akong pakialam. Umalis ka na sa paningin ko, ayaw na kitang makita!" bulyaw ko.

Niyakap ko ang aking mga tuhod at itinago ko ang aking mukha habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mga mata ko. Hindi natinag si Charleston at mas lalo pa siyang lumapit habang sinisipat niya ang mga sugat ko.

"You've been wounded, come, let me fix you up and forget this happened–"

"Kalimutan? Kalimutan 'tong nangyari?! Hindi mo ba na-gets kung anong ginagawa mo sa 'kin, Charleston? Sinaktan mo ako! Wala akong pakialam sa mga sugat na 'to, wala akong pakialam kung maubusan ako ang dugo, at wala rin akong pakialam kung araw-araw mong inumin ang dugo ko, basta't sinabi mo sa 'kin ang totoo! Akala ko mapapagkatiwalaan kita.. akala ko– akala ko iba ka..." Tumigil ako sa pagsasalita upang hawakan ang naninikip kong dibdib. "Ano, Charleston? Kailan mo sasabihin sa 'kin na kaya mo lang ako binabantayan para... para makuha ang dugo ko? Para mapatay mo ako?"

"Michael, I would never do that..."

"Hindi ako naniniwala!" sigaw ko muli. "Parehas lang kayo no'ng baliw na lalaking kumidnap sa 'kin. Parehas niyo lang akong papaniwalain sa isang kasinungalingan, para magamit ninyo ako, p-para itali, upang pahirapan–"

"I never lied, Michael!" sigaw pabalik ni Charleston. "Hinihintay ko lamang ang tamang panahon para sabihin ko 'to Ayaw kong layuan mo ako, ayaw kong–"

"'Wag kang mag-alala, hindi kita lalayuan," mahina kong tugon.

Tumingin sa akin si Charleston, halatang umaasang mapapatawad ko siya. Tiningnan ko ang mga asul niyang mga mata at kinuyom muli ang aking mga kamao. Pinulot ko ang slayer na nalaglag sa sahig at itinutok iyon sa kanyang direksyon. "Ikaw dapat ang lumayo sa 'kin."

Tinignan niya ako nang matagal at may nakita akong maliit na bagay na kumikislap sa gilid ng kanyang mga mata– ang mga luha niya. Tumalikod siya sa 'kin at tuluyan na siyang naglaho.

***

Dalawang oras na ang lumipas simula nang umalis si Charleston sa bahay, at dalawang oras na rin akong walang-buhay na nakaupo sa kama habang nakatitig sa kisame ng kuwarto ko. Hindi ako makapag-isip nang maayos, at hindi na rin ako sigurado kung ano ba talaga ang nararamdaman ko ngayon. Lungkot? Galit? Pagkabalisa? Wala akong ideya. Blanko. Wala akong maramdaman, maging ang utak ko'y blanko rin.

"Cacao..." bulong ko.

Sa mga oras na ganito, ang itim na asong iyon ang tanging nagpapasaya sa 'kin, ngunit wala na siya. Wala na si Charleston, wala na siyang puwang sa buhay ko.

Hindi ako makapaniwala na nagtago siya sa 'kin ng lihim. Nabibilang lamang sa mga daliri ko ang mga taong tunay na pinagkatiwalaan ko at kabilang si Charleston sa mga iyon, ngunit nasira niya at hindi ko alam kung maibabalik ko pa ba ito.

Humiga ako at pumikit. Isang malalim na buntong-hininga ang kumawala mula sa aking mga labi. Ayaw ko nang umiyak. Hindi ko na mabilang ang mga beses na umiyak ako noon, noong bata pa lamang ako– at si Cacao o si Charleston, lamang ang nakakapagpatahan sa akin noon.

Ngayong siya na ang dahilan kung bakit nagbabantang mahulog ang lecheng mga likidong iyon mula sa aking mga mata, desidido na akong kalimutan ang lahat, at kabilang na si Charleston doon.

Mahirap kalimutan ang naranasan kong iyon. Mahirap kalimutan ang pagto-torture sa akin noong bata pa lamang ako, ngunit kakayanin ko. Tila namulat ang mga mata ko dahil sa nangyaring paglilihim at pagsisinungaling sa akin ni Charleston. Hindi na ako papayag na maging mahina ulit, maging isang walang kuwentang bata na walang kalaban-laban.

Ayaw mo akong mawala sa paningin mo, Charleston? Gusto mo bang iyo lang ako? Iyon ba ang dahilan kung bakit dinala mo ako sa bahay mo nang nakikipag-usap ako kay Savannah? Nag-seselos ka ba? Hah, panigurado, ayaw mo lang akong makuha ng iba dahil gusto mo akong makitang naghihirap habang inuubos mo ang lahat ng dugo ko sa katawan.

Pero, paano naman kung totoo ang sinasabi ni Charleston, na inilihim niya lang ang katotohanang isa siyang bampira dahil ayaw ka niyang mawala? Na hindi niya naman sinasadya ang lahat? Sinabi niya sa 'yo kanina na sasabihin niya naman ang totoo sa tamang panahon. Kung bumalik siya, mapapatawad mo ba siya? bulong ng konsensiya ko sa 'kin. Kinagat ko ang labi ko habang nag-iisip. Kinonsidera ko ito ngunit itinulak ko palayo ang ideyang mapapatawad ko si Charleston makalipas ng ilang segundo.

Napaka-pathetic naman kung magtitiwala ako ulit kay Charleston, at mas pathetic pakinggan ang ginagawa ko ngayon. Nagmumukmok ako sa kuwarto... dahil lang sa kanya? Dahil lang sa bampirang iyon?

Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa may computer desk sa tabi ng kama ko. Binuksan ko ang contacts at dinial ang isang numero.

Pagkatapos ng ilang ring ay sumagot na ang taong tinatawagan ko.

"Hello, Savannah? Puwede ka ba bukas?"