Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

Ocean of Lies

Sweety_Ann
--
chs / week
--
NOT RATINGS
13.6k
Views
Synopsis
Ellaine, a seventeen year old girl making the whole crowd look at her everytime she walks on a runway accidentally met Alexus--- her so called boyfriend. What would happen if the tables starts to turned? Will she continue to live like a normal teenage girl or she will continue to believe everything that happened eventhough all of it was a lie? This is a story of Zenaya Ellaine Hudson. A girl who is willing to sacrifice everything under the ocean of lies.
VIEW MORE

Chapter 1 - Prologue

Ocean of Lies

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

PROLOGUE

Nandito ako ngayon sa aking kwarto at nag-iimpake ng aking mga gamit.

"Ellaine?! Dalian mo na diyan at kailangan pa nating bumyahe" dinig kong sabi ni ate sa kabilang kwarto

"Patapos na!" sigaw ko sakanya.

It's already summer season here in the Philippines at napagdesisyunan namin ni ate na sasama kina tita na magbakasyon sa Iloilo kasama ang kambal niyang sina Edna at Edmon. Susunduin kami dito nina tita kaya nag-iimpake na kami. Meron pa naman kaming dalawang oras para maghanda sa pag-alis.

"Yahh! Di ka pa ba tapos diyan?!" sigaw ni ate pagkasagot ko ng aking cellphone

"Ate! Pwede bang wag kang sumigaw! May patawag-tawag ka pang nalalaman eh magkatabi lang naman tayo ng kwarto!!" bulyaw ko sakanya.       

"Na-ah! Hurry up little sister, bye!" inis kong tinapon ang aking cellphone sa kama at itinuloy ang pag-iimpake.

Pinipilit niya kase akong sumama sakanya sa mall eh ayaw ko nga. For sure ako naman yung mamimili ng kanyang mga susuotin dahil maganda daw ang aking fashion sense.

"Are you done?" tanong nya sakin sabay kuha ng bag ko. Hihiramin nya daw dahil nasira yung zipper ng bag niya. Napaka iresponsableng ate tsk tsk!

"Eto na! Tapos na!"

"Yun, ang bagal mo talaga kahit kailan" sabi niya at nauna nang lumabas ng bahay.

May gana pa siyang pagsalitaan ako ng ganyan. See? Sinong kapatid ang gaganahan na samahan siya kung ginaganyan ka. Ang bully niya talaga sakin pero mahal na mahal ko yan. Kung gusto niyo sainyo nalang.

Lumabas na ako ng bahay at siyaka inilock. Pinagbuksan ako ni manong Berto ng pintuan ng sasakyan ni ate at saka niya sinarado pagkapasok ko.

"Ate pupuntahan muna natin si Jia ah? Magpapaalam lang" sabi ko sakanya habang nasa byahe.

"Sure sis, wala ka nang pupuntahan bukod kay Jia?"                                                    

Jia is my bestfriend. Di ko sinabi na bibisita kami sa Iloilo kaya pupuntahan ko siya ngayon. Napakahirap nga niyang iwan dahil kesyo malulungkot daw siya, mamimiss niya daw ako at higit sa lahat wala na daw siyang mabebwesit. Ang drama niya talaga kahit kailan.

"Si Jia lang ate" sabi ko sakanya.

Nakarating na kami sa mall and guess what? Wala nang mapaparkingan.

"Yan kase! Sinabing dun ka nalang sa Iloilo mamili ng mga damit"

"Pake mo?" inis niyang sabi sabay irap. Hayy! Tingnan natin kung may mahanap ka. Tsk!

Makalipas ang sampung minuto ay may nahanap nga siya.

Nang makapark na siya ay nauna na akong bumaba.

"Hoy hintayin mo ko!" sigaw niya sakin pagkababa.

"Dalian mo!"

Nauna kaming pumasok sa National Bookstore dahil may bibilhin daw siyang libro. Akala ko ba damit ang ipinunta namin dito?

"Samahan mo na ako! Promise madali lang 'to" hindi na ako nakaangal nang hinila niya ako papasok.

"Bumili kana rin ng sayo, ako nang bahalang magbayad" sabi niya at iniwan akong mag-isa. Libre pala ah!

Habang tumitingin ako ng librong magandang basahin ay may nakabangga sakin.

"Sorry miss, di ko sinasadya" sabi nung lalaking nakabangga sakin at nagsimulang pulutin ang mga librong nalaglag.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" inis kong sabi sakanya.

"I said sorry--shit!" diko alam kung bakit siya nataranta nang bigla niya akong hinawakan sa braso at siyaka hinila palapit sakanya.

"Asan na ba yun?" rinig kong sabi ng babae at luminga-linga na parang may hinahanap.

"Just stay still" bulong niya at mas hinigpitan ang pagkakayakap sakin.

Yeah right, yinakap niya ako at diko alam kung bakit di ko siya tinulak. Hinayaan ko siyang yakapin ako pero di ako gumanti ng yakap. Ano siya? Siniswerte?

Maya-maya ay kumalas na siya sa yakap at bumuntong hininga.

"Sorry ulit, may humahabol kase sakin" ani niya. Di ko alam pero natulala ako sa angking kagwapuhan niya. Thick eyebrows, emerald eyes, pointed nose and pinkish lips, anghel ba itong lalaking kaharap ko?

"Hey! Staring is rude" napabalik ako sa reyalidad nang pinitik niya ang noo ko. What the?!

"Aray naman! Kung makapitik ka kala mo! Sigurado ka bang ikaw ang tinatignan ko ha?! Di ka naman gwapo tsk" sabi ko sakanya habang hinahaplos ang noo ko. Ang sakit niyang pumitik bwesit!

"Talaga lang ah? Sino yung tinitignan mo kung ganon?" tanong niya at dahan-dahang lumapit sakin. Napaatras naman ako sa ginawa niya.

"A-ah ano! Yung mga d-damit, oo tama yung mga damit yung tinitignan ko" sabi ko habang umiiwas sa titig niya. Shet! Nakaka distract yung kagwapuhan niya.

"Are you sure?"

"Oo nga sabi!" sabi ko sabay tulak sakanya.

"Natulala ka nga sa kagwapuhan ko eh" damn! Kanina pa ako nagpipigil na halikan to! Este sasapakin ko talaga 'to.

"Kapal mo din nu? Che! Diyan kana nga!" aalis na sana ako nang biglang sumulpot si ate sa likod niya.

"Sis! Omg nandito ka lang pala! Alam mo bang--" naputol ang sinasabi niya nang nakita ang lalaking nasa harapan ko.

"Hi! I'm Pia" biglaang pagpapakilala ni ate. Gaya din ng nangyari sakin kanina ay napatulala din siya sa lalaking kaharap namin ngayon.

"Ate! Ayan kana naman" inis kong saway sakanya. Basta talaga gwapo lumalabas ang pagkawalang hiya niya.

"Shh little sister, chance mo na 'to" bulong niya sakin at siyaka ibinaling ang atensyon sa lalaki.

"I'm Alexus, nice to meet you Pia" Shit! Even his name sounds so georgeous.

"Nice to meet you din, magkakilala kayo ng kapatid ko?" tanong niya kay Alexus at binigyan ako ng makahulugang tingin.

"No, Tinulungan niya lang ako kanina, aalis na rin ako ngayon" sabi niya kay ate at siyaka niya ako tinignan.

"Thank you kanina" sabi niya habang nakangiti.

"Pwedeng akin ka nalang?" tanong ko sakanya. Huli nang marealize ko ang aking sinabi.

"No i mean, pwede bang sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo?" shit! nakakahiya yun wahh! Narinig kong humagikhik si ate sa tabi ko.

"Okay chill, di na yun mauulit yung kanina, sorry ulit" sabi niya.

Matitiis ko ba ang isang 'to? Kung pwede ko 'tong iuwi sa bahay kanina ko pa ginawa.

"Ayos lang, wala yun" ani ko sabay hila kay ate.

"Mauna na kami" huli kong sinabi at siyaka nagmamadaling umalis. What now?

"Teka! Anong pangalan mo?" rinig kong pahabol na sigaw ni Alexus sa likod. Di na ako humarap pero si ate yung sumagot sa tanong niya.

"Ellaine! Zenaya Ellaine Hudson yung pangalan niya! Search mo sa facebook ah? Single 'tong kapatid ko!" sabi ni ate kay Alexus at siyaka humagalpak sa tawa.

"Nice, thanks Pia!"

"Omg! Magkakabf kana sis hahaha!" tawa pa din siya ng tawa hanggang sa makarating kami sa bibilhan ng damit.

"Tumigil kana nga ate! Nakakahiya kaya yun!"

"Hindi yun sis! Ang swerte mo dahil nakabingwit kana agad ng fafi. Sana all hahaha" hindi ko na pinansin ang mga panunukso ni ate. Natapos kaming bumili bandang hapon na.

"Shit! Baka naiwanan na tayo ni tita!" natatarantang sabi niya sabay takbo sa sasakyan. Oh damn! Hindi pwede! Tumakbo din ako papasok sa aming sasakyan at agad na pinaandar ni ate.

"Kasalanan 'to ng lalaki kanina eh! Ba't kase ang gwapo niya?" sabi niya habang nasa byahe.

See? Kahit na nagmamadali kami ngayon ay yun parin yung iniisip niya. Napakagaling niya talagang ate.

Nakarating kami sa bahay pagkalipas ng sampung minuto. Mabilis ang pagpapatakbo ni ate and good to know na hindi traffic kanina.

"Ba't hindi man lang nagtext o di kaya tumawag si tita satin?" tanong ni ate habang pababa kami sa sasakyan.

Yun nga yung pinagtataka ko eh, May ginagawa lang siguro o di kaya busy sa pagbabantay sa dalawang kambal. Yun nga siguro.

Bago kami pumasok sa bahay ay may napansin kaming sasakyan na nakaparada sa tapat ng bahay namin.

"May bisita ba tayo ngayon ate?" takang tanong ko sakanya pero di niya ako sinagot. Pagkapasok namin ay tumambad sa amin ang kambal na busy sa kakalaro ng train na sasakyan habang si tita naman ay may kausap.

"Tita! Akala namin nauna na kayo sa Iloilo!" agad na sabi ni ate kay tita sabay yakap.

"Nakalimutan kong itext kayo, may hinihintay kase ako, anak ng kaibigan ko" pagkasabi nun ni tita ay may biglang pumasok na lalaki. Teka, ba't parang familiar yung suot niya? Parang nakita ko na yan kanina kay-- oh shit! Don't tell me...

"Alexus! Andito ka na rin sa wakas!" bati ni tita sakanya pagkapasok sa pintuan ng bahay. Naramdaman kong pinisil ni ate yung tagiliran ko pero di ko maalis yung mata ko sa lalaking nakangiti habang yakap ni tita. Ibig sabihin sasama si Alexus sa amin papuntang Iloilo? No freakin' way! Shit! This is not happening! Bakit siya?

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

:))