"Di kase namin namalayan yung oras kaya di na ako nakapunta diyan sa inyo para magpaalam" sabi ko kay Jia sa skype.
"Edi sana dito kayo unang pumunta before kayo nagmall!" naiinis niyang sabi. Napatawa naman ako sa reaksyon niya.
"Nagmamadali kase si ate kaya yun, di bale na, uuwian kita ng pasalubong"
"Sure bestfriend, tawagan mo ko pagkarating niyo dun ah?"
"Oo naman, update nalang kita okay? Kailangan ko nang umalis" pagpapaalam ko sakanya at siyaka pinatay ang tawag.
Muli kong tinignan kung may nakalimutan ba akong dalhin o ano. Nung napagtanto kong kumpleto na ay lumabas na ako ng aking kwarto at siyaka hinila ang aking maleta.
Nung pababa na ako ng aming hagdan ay biglang may kumuha ng aking maleta. Inis ko namang binalingan kung sinong--
"Let me help you" sabi ni Alexus at nauna nang bumaba.
Muntik ko nang makalimutan na susunod pala ang mokong nato. Sinundan ko siya ng tingin pababa at nakita kong pati yung maleta ni ate ay kinuha din niya at siyaka lumabas ng bahay.
I am wearing a oversized white t-shirt, a denim short and a black converse shoes. I know that it's too simple pero I like wearing this kind of outfit compare to my ate na nakasummer dress ngayon at nakaheels. Biglang lumapit si ate at saka niya ako inakbayan.
"Di ko alam na ang gentleman ni Alexus, ang sweet ng boyfriend mo" sabi ni ate at iginaya ako palabas ng bahay. Seriously? Saang lupalop ni ate nakuha na boyfriend ko si Alexus?
"Pinagsasabi mo? Siya? Magiging boyfriend ko? Asa ka pa" sabi ko at nauna nang pumasok sa van nina tita. Nasa loob na sila at mukang kami nalang ni ate yung hininihintay.
"Ella, wala kana bang nakalimutan?" ella yung tinatawag ni tita sakin, ewan ko nga kung bakit ella eh ellaine yung pangalan ko.
"Wala na po tita" sabi ko sakanya at siyaka umupo sa likod, sa tabi ng bintana.
"Kung sa ganon bumyahe na tayo papuntang airport" huling sabi ni tita at nagsimula nang umalis.
Mahigit 1 hour yung byahe papuntang airport kaya napagpasyahan kong umidlip muna. Nagising ako nung naramdaman kong may tumabi sakin. Umupo si Alexus sa tabi ko at walang pasintabi na ipinikit ang kanyang mga mata habang nakaearphones. Hindi ko siya pinansin at tumingin sa labas.
"Mukang matatagalan pa tayo, traffic ngayon kaya umidlip ka muna" rinig kong sabi niya. Teka, ako ba yung sinasabihan niya? Taka ko siyang tiningnan at hinablot ang isa niyang earphone.
"Ako ba yung sinasabihan mo?" tanong ko sakanya habang siya ay nakanoot ang noo.
"May iba pa ba akong katabi bukod sayo?"
"Aba malay ko, nagtatanong nga eh"
"Stupid" sabi niya at nilagay ang isang earphone sa tainga ko.
"Now sleep, may 30 minutes pa bago tayo makarating sa airport" sabi niya at ipinikit muli ang kanyang mga mata.
If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?
I don't quite know
How to say
How I feel
Those three words
Are said too much
They're not enough
Nagising ako nang may tumapik sa balikat ko.
"Di ka parin ba magigising?!" dinig kong sabi ni ate na ngayon ay hinihila ako patayo.
"Dahan-dahan naman ate! Mauuntog ako!" inis kong sabi sakanya. Sino ba namang hindi maiinis kung bigla ka niyang hilahin patayo? Sarap niya talagang bigwasin! Tsk!
"Umayos ka diyan, kanina ka pa hinahantay sa loob. Kung di lang ako sinabihan ni tita ay di na sana kita sinundo!" sabi niya sabay labas ng sasakyan. Kasalanan ko bang napasarap yung tulog ko?
Sumunod ako sakanya at pumasok na sa loob ng airport.
"Oh andito na pala sila" rinig kong sabi ni tita at napatingin sa amin ni ate. Nakita kong buhat ni Alexus si Edmon habang si Edna ay nasa kay tita.
"Kahit kailan talaga napakahinhin mo ella" nakangiting sabi ni tita habang nilalaro ni Edna yung buhok niya.
"Sorry tita" sabi ko at lumapit kay Edna para pisilin yung pisnge niya. Nakakagigil talaga 'tong batang 'to.
Maya-maya ay pumasok na kami sa eroplano at ako naman ay umupo malapit sa bintana. Tigdalawahan yung upuan, si Alexus yung katabi ko habang si ate naman ay katabi ni tita.
"What?" tanong ko kay Alexus habang siya ay titig na titig sakin. Nagagandahan siguro 'to sakin, well di na bago yun.
"May lahi ka bang americana?" takang tanong niya.
"Meron, bakit mo natanong?"
"Sana all hahaha" bigla siyang natawa at inayos yung inuupuan niya.
"Di ba halata sa kinis ng kutis ko at sa muka ko?" tanong ko sakanya at humarap naman siya sakin.
"Halata syempre, gusto ko lang makasigurado" sabi niya sabay subo sakin ng isang pirasong bubble gum.
Di ko na siya pinansin at nginuya nalang yung sinubo niyang bubble gum.
"Ilang oras bago tayo makarating sa Iloilo?" tanong ko kay Alexus habang tinitext ko si Jia.
From Jia:
Sino si Alexus best? Gwapo ba? Pakilala mo naman ako oh!
"5 hours yung byahe" sabi niya sabay tingin sa phone ko.
"Chismoso! Wag mo ngang basahin!" sabi ko sabay lagay ng phone sa bag ko.
"Tsk"
Nakatulog ako mga dalawang oras siguro, pagkagising ko ay nakita kong tulog din si Alexus, dahan-dahan kong kinuha yung phone ko at palihim siyang kinuhanan ng litrato. Di niya naman siguro malalaman 'to dahil tulog siya.
Nagpapasend kase si Jia ng picture niya, ewan ko dun kung anong trip. Humagikhik ako habang sinisend kay Jia yung litrato, ang cute niya pag tulog, yun yung sabi ni Jia sa picture ni Alexus. Agree, kahit tulog napakagwapo niya parin. Ngayon ko lang napagtanto na nakasuot siya ng sweater na brown at pants na pinarisan ng converse niyang sapatos. Wait what? Nakaconverse din ako ngayon! Parang couple lang-- No! Coincidence lang siguro na nagkapareha kami ng suot na sapatos, pero natigil ako sa pag-iisip nang nakita kong nakamulat na ang kanyang mga mata at agad akong binigyan ng pitik sa noo.
"Aray! Ano ba!" inis kong saway sakanya at tinampal ang kanyang kamay.
"Kanina ka pa ngumingiti diyan, sino yung katext mo?" nabigla ako sa tanong niya at tinitigan akong mabuti.
"Bestfriend ko bakit?"
"Babae o lalaki?" tanong niyang muli at unti-unting lumapit sakin.
"Babae malamang!" sagot ko habang pinipigilan siyang makalapit sakin. Magtatanong pa sana siya nung biglang may biglang nagsalita.
"Excuse me ma'am sir? The food is here" sabi ng isang flight attendant at siyaka umiwas ng tingin. Tinulak ko si Alexus nang napagtantong sobrang awkward ng posisyon namin.
Matapos makuha ni Alexus yung pagkain namin ay tumingin siya sakin na nakangiti.
"Iniisip niya sigurong naglalive porn tayo dito sa eroplano, Hahaha!" saka siya humagalpak ng tawa. Binatukan ko siya at piningot ang kanyang tainga.
"Ikaw kase! Lapit ka nang lapit!" inis kong sabi habang patuloy siyang hinahampas pero ang gago tinawanan lang ako.
"Aray!--Teka tama na!-- Hahaha" tumigil ako sa paghahampas sakanya nang napagod
ako.
"Che! Napakamanyak mo!" inis kong sabi sakanya at tinalikuran siya. Bahala nga siya! Nakakainis! Nabubwesit ako!
"Sorry babe" sabi niya sabay sundot sa tagiliran ko.
"Babe mo muka mo! Wag ka ngang lumapit!"
"Hahaha cute mo" natatawang sabi niya at sinimulan nang lantakan yung pagkaing nasa harapan niya. Di ko siya pinansin at kumain na lang din.
Bakit ba kase sinama 'to ni tita!
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
:))