Kinabukasan ay nagising ako nang maramdaman ko na may mga matang nakamasid sakin. Inadjust ko ang aking paningin at umupo sa aking kama.
"Mabuti naman at gising kana" rinig kong sabi ng kung sino.
Nang tignan ko ay nakita kong isang lalaki ang nakaupo sa sofa at nakatitig sakin ngayon. Nakanoot noo ko naman siyang tinignan ngunit ngumiti lang siya sakin.
"Who are you?" tanong ko sakanya at umatras nang kaunti dahil bigla siyang lumapit sa kama ko.
"Nagpapatawa ka ba Aya? Hindi mo ko kilala?" natatawang tanong niya at ginulo ang buhok ko.
"Ano ba?!" naiinis kong sabi sabay tulak sakanya palayo. "Magtatanong ba ako kung kilala kita?"
"What the hell?! So hindi mo nga kilala 'tong gwapong mukha na 'to?" tanong niya sakin. Gwapo? San banda? Ang hangin niya ah!
"Hindi at siyaka hindi ka naman gwapo" sabi ko at tumayo.
"Teka! Hindi mo ba talaga ako naaalala o nakikilala?"
Oo nga pala, di pa nila alam na hindi ako ang 'Alyana' na kilala nila, kaya siguro nagtataka ang isang 'to. Umiling ako sakanya at dali-daling pumunta sa cr at agad na sinirado ang pintuan. Phew! Muntik na!
Pagkatapos kong maligo at magbihis ay biglang bumukas ang pinto at pumasok si ate.
"Ako na diyan" sabi niya sabay kuha ng haidryer sakin.
"Ate, may sinabi ba si Ma'am Amber sayo?" tanong ko sakanya habang pinapatuyo niya ang buhok ko.
"Nope, sabi ni tita huwag na daw nating alamin kung ba't tayo nandito. At siyaka bukas pupunta na tayo kina mama"
"Are you sure?" nakangiti kong tanong.
"Yup, don't worry, nakapagpaalam na kami kay Ms. Amber" sabi ni ate at nagbuntong hininga. "I don't know what's happening little sister, di ko alam kung paano tayo napadpad dito at kung paano ka nila nakilalang Alyana. Heck! Who is Alyana? Why other people calls you Alyana? This is so frustrating!"
Yaya Emelda words starts to replay in my mind.
"Magpanggap kang ikaw si Alyana. Huwag mong sasabihin sa iba na alam ko kung sino ka at ang tunay mong pagkatao."
Sasabihin ko ba kay ate? Kapag patuloy akong magpapanggap na ako si Alyana kahit na alam ko na hindi dapat ay paniguradong gugulo ang lahat. Napakakomplikado naman nito.
"Ate, anong oras tayo aalis bukas?" tanong ko sakanya habang siya ay nakatutok ang mga mata sa kanyang cellphone.
"Not sure, maybe 10? Don't know, I'll ask tita later. Siya nga pala, may nag-aantay sayo sa baba, kanina ka pa hinihintay ni Ms. Amber dun, dalian mo na diyan" sabi ni ate at lumabas na ng kwarto.
Paano na 'to? Di ko alam kung paano yung galaw ng sinasabi nilang Alyana, baka bigla silang maghinala sa biglaang galaw ko. Hayyy! Bahala na!
Bumaba na ako at nadatnan ko silang nagkukwentuhan sa sala. Magkatabi si tita at Ma'am Amber habang ang kambal ay nilalaro ni ate. Di ko nakita si Alexus, baka nasa labas. Baka nga.
"Goodmorning Ma'am Alyana" bati ng isang maid at yumuko sakin.
"Goodmorning din"
"Princess! Come here! Sit here!" rinig kong sabi ni Ma'am Amber at sinenyasan akong umupo sa tabi niya. Nakita kong magiging katabi ko din yung lalaking pumasok sa kwarto ko kanina. Nagdalawang isip pa ako kung uupo ba ako o ano pero di na ako nakaangal nang hilahin ako paupo nung lalaki kanina.
"Aray naman! Dahan-dahan!" reklamo ko sakanya sabay hawak ng pwet ko. Bwesit! Di ba niya alam yung salitang gentleman? Kala niya naman gwapo, psh!
"Ethan!" suway ni Ma'am Amber sakanya. Nakita ko namang yumuko siya at nag angat ng tingin sakin.
"Sorry Aya" sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain.
"Pagpasensyahan mo na yang si Ethan, ganyan talaga yan pag ayaw mong umupo sa tabi niya" nagulat naman ako sa sinabi ni Ma'am Amber tungkol sakanya.
Siraulo talaga 'to, pano kung matanda na pala ako tas bigla niya akong hilahin paupo? For sure bali yung buto sa pwet ko.
"Ayos lang po" sabi ko at nagsimula nang kumain. Tahimik kong tinapos ang aking kinakain nang lagyan ni ethan ang baso ko ng orange juice. Napatingin ako sakanya ngunit seryoso lang siyang nakatingin sa baso habang nilalagyan ito. Problema nito?
"Thanks" di na niya ako sinagot at tumayo na.
"Princess, aalis tayo mamaya" sabi ni Ma'am Amber sabay subo ng steak. "Gusto kitang bilhan ng mga damit, yun naman yung gusto mo diba? For sure maliliit na yung mga damit mo sayo"
"Kung pwede po sana ay wag na po Ma'am, nakakahiya po eh"
"You're too formal princess, I'm your mom not a 'Ma'am' and bakit nagbago ka naman yata? Noon nga ay araw-araw kang nagmmall kasama tong si ethan" sabi niya.
"Sorry po" sabi ko at yumuko. Paano ko siya tatawagin na 'Mom' eh hindi ko naman siya totoong nanay?
"Yaya Emelda! Paki ligpit na itong kinainan namin" rinig kong sabi ni Ma'am Amber sabay tingin sakin.
"Let's go, mamaya na tayo magmall, may ipakilala ako sayo" sabi niya sakin at pinaakyat sa kwarto. "Change your clothes" Tumango lang ako sakanya at tinawag si ate.
"Why?" tanong niya habang ako ay pumipili ng mga damit dito. Nang nakita ko ang isang baby blue dress na above the knee ay kinuha ko ito at nagbihis na.
"Can I call Ma'am Amber na Mom?" sabi ko at siya naman ay lumapit sakin at hinawakan ang kamay ko.
"Hmm, di ko alam, di mo naman siya nanay para tawaging mom diba?
"Ganun nga, pero ang alam niya ay ako ang anak niyang si Alyana, ni hindi ko nga alam kung sino yun at kung anong meron sakanya" Di bale na, aalis na rin naman kami bukas kaya makakaya ko 'to.
I made some research kagabi at nalaman kong sikat na model si Alyana at ang nakakagulat pa ay magkamukhang-magkamuka kami! As in, maski ako nagulat nung nakita ko yung mukha niya. Kaya siguro ako napagkamalang Alyana dahil sa magkamuka kaming dalawa.
"Ate, may kakambal ba ako?" tanong ko sakanya at siya naman ay tumigil sa kanyang ginagawa. Napaiwas siya ng tingin at sinagot ako.
"Saan mo naman nakuha yan? Simula nung ipinanganak ka ay wala kang kakambal" seryoso niyang sabi sabay tayo. "Bumaba kana, baka nandoon na si Ms. Amber sa baba"
I sighed.
Nagsasabi naman siguro ng totoo si ate, wala namang nabanggit si mama at papa na may kakambal nga ako. Pero paano kung meron? Paano kung... No! Hindi naman siguro. Sana nga mali yung iniisip ko ngayon.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
:))