Chereads / Ocean of Lies / Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 5 - Chapter 4

Habang nasa byahe ay tinanong ako ni Ma'am Amber kung bakit hindi ko siya nakilala nung unang araw na dumating ako sa mansyon.

"Yun nga po eh, siguro sa nangyaring aksidente kaya di ko po kayo agad nakilala m-mom" sabi ko sakanya habang nag-iisip kung anong magandang dahilan pag nagtanong pa siya tungkol sakin. Tumango lang si Ma'am Amber at itinuon ang atensyon sa daan.

"Siguro nga, gusto mo bang bumisita tayo sa doktor mo?" tanong niya na ikinailing ko.

"No need mom, maayos po ako ngayon" sabi ko at tumingin sa bintana ng sasakyan. Paano kaya kapag nalaman ni Ma'am Amber na hindi ako ang anak niya? For sure malulungkot siya kapag nangyari yun.

"Your tita told me na may pupuntahan kayo bukas sa kilala mo, pumayag ako na sumama ka sakanya pero isang araw lang. I wonder kung paano mo nakilala yung mga kasama mo kahapon eh hindi naman natin sila kamag-anak. Tell me princess, sila ba ang tumulong sayo pagkatapos ng aksidenteng iyon?"

"Parang ganon na nga po" sabi ko at tumahimik na. Nakarating kami sa isang restaurant dito sa iloilo. Malapit lang kami sa SM kaya paniguradong doon kami didiretso pagkatapos nito. Unang pumasok si Ma'am Amber at sumunod ako sakanya.

"Your manager text me na malapit na sila dito"

"Manager po? Sinong manager?" gulat kong tanong habang hinihintay yung order namin. I have a manager, yung mom ng bestfriend ko na si Jia, pero ang imposible naman nun dahil nasa Iloilo kami ngayon.

"Nakalimutan mo na yung manager mo?" Ma'am Amber gave me a serious look.

"How come? Nagka amnesia ka ba pagkatapos ng aksidente?" I sip from my juice and give her a thin smile.

"No of course, I'm just kidding mom, di ko siya nakakalimutan. Namimiss ko na nga siya eh" Ang galing ko talagang umacting. Di ko nga kilala kung sinong tao yung tinutukoy ni Ma'am Amber psh! 

Minutes later ng may tumawag sa phone ko. Nakita kong si Jia yung tumatawag kaya sinagot ko agad. Binalingan ako ng tingin ni Ma'am Amber pero wala siyang sinabi.

"Bestyy! Oh my god! I miss you! Ni hindi ka nag text o tumawag man lang na nakarating na pala kayo diyan!" bungad niya pagkasagot ko ng tawag.

"Oh I forgot! I'm so sorry! May biglaang nangyari kasi dito kaya nakalimutan ko na tawagan ka"

I sighed. Should I tell her?

"No worries bestfriend. By the way hinahanap kana ni mom dito para sa photoshoot mo, matatagalan ka pa ba diyan?"

"Parang ganun na nga, tatawagan ko nalang siya if kailan kami uuwi"

"Sure besty! Mag-ingat ka diyan ah? Mamahalin ka pa ni Alexus" sabi niya at humagikhik.

"Asa ka pa! Hahaha! I need to go, itetext kita mamaya. Bye!" i ended the call and glance at Ma'am Amber.

"Sino yun?"

"Hmm, just a friend mom"

"Friend? Kailan ka pa nagkaroon ng---" naputol ang sinasabi niya ng may biglang sumulpot na lalaki sa harapan ng table namin.

"I'm sorry kung ngayon lang" sabi nito habang hinuhubad ang coat na suot.

"Oh hi! You must be Axel" bati ni Ma'am Amber at kinamayan ang lalaking nasa harap namin ngayon.

"It's nice to meet you tita"

"Oo nga pala, nasan na yung kasama mo?" tanong niya kay Axel. Yohoo! People! I am here! Makapag-usap sila parang wala ako dito ah. Mabuti nga yan, psh!

"My mom told me na di sila makakaabot ngayon, something came urgent na kaya kailangan nilang bumalik sa kompanya" blah blah blah...

Naubos ko na yung juice ko nang may tumawag kay Ma'am Amber.

"Please excuse me, Hello?..Yeah.." sabi nito at lumabas ng resto.

Napatingin naman ako kay Axel na ngayon ay nakatitig sakin. I just gave him a what-do-you-want-look but he just smile.

"What?" I asked.

"What's your name?" tanong niya at umupo sa harapan ko. Ang gwapo din niya, pag nakita 'to ni ate for sure papatulan niya 'to.

"Ellaine"

"I'm Axel" sabi niya sabay lahad ng kanyang kamay. Tiningnan ko lang ito at umiwas ng tingin.

"No one asked" sabi ko at kinalikot ang phone ko. Itetext ko nalang si Jia kaysa sa makausap ang isang to. He looks like a playboy. A hot playboy to be exact.

"Okay" sabi niya at mas tinitigan pa ako. Di ko siya pinansin at pinagpatuloy ang pagtetext kay Jia.

"Di mo ba ako tatanungin kung bakit ako nandito?" tanong niya.

"Nope pero sige, bakit nga ba?" tanong ko at nagpanggap na parang interesado sa kanyang sasabihin.

He chuckles as he placed a white folder infront of me. It looks like a invitation... Or not.

"I already talked to tita amber and she said na ang desisyon mo ang susundin ko" I opened the envelope at binasa ang nakasulat.

You are invited in the charity event at the Grand Hotel here in Iloilo. You are expected to wear something elegant and kindly bring your partner. This is a charity for...

Di ko na tinapos ang pagbabasa ng pabagsak kong binalik ang invitation sakanya.

"What the hell?! So sinasabi mong pupunta ako diyan?" tanong ko sakanya.

"Yun nga at ikaw yung date ko kaya huwag mong isipin na wag dumalo" sabi niya at tumayo.

"Let's go"

"Wait! San mo ko dadalhin?" sabi ko at binawi ang kamay sa pagkakahawak niya.

"Nakapagpaalam na ako kay tita kanina kaya walang problema ang pagsama mo sakin"

"So? Ayaw kong sumama sayo" sabi ko at lumakad palayo sakanya. Nagulat ako ng pwersahan niya akong binuhat na parang sako at nagsimulang lumakad.

"Let me go you freak!" I said at hinampas yung likod niya.

"Wag kang malikot at baka malaglag ka" sabi niya at naramdaman kong binuksan niya ang isang itim na kotse at pinasok ako sa likod.

"Ouch... My knee..." sabi ko pagkaupo at yumuko para haplusin ang aking tuhod.

"Hey are you okay?" tanong niya at lumapit para tignan ang aking tuhod.

"You freakin ugly creature! I hate you!" binatukan ko siya at tinadyakan nang hahawakan niya sana ang tuhod ko. Malamang nag-iinarte lang ako na masakit yung tuhod ko, siya namang mukang engot! Psh!

"Aray!" daing niya at pinigilan ang kamay kong hahampas sana ulit sakanya. "Enough!"

Nang tignan ko ang mukha niya ay napakapangit parin. Napakapangit na hindi ko na matanggal ang titig ko sakanya. Namumula ang tainga niya at...

"Hahaha! You-- hahaha!" I burst out laughing to his expression. He just stared at me like I am a kind of crazy monkey that laughing at him! No-- Not a monkey of course! A crazy georgeous girl, yeah that's it.

"What's funny?" tanong niya.

"Wala pfft!" natigil ang aking tawa ng lumapit siya sa akin at hinawakan ang pisnge ko.

"Isang pang tawa hahalikan kita" seryoso niyang sabi at unti-unting inilapit ang mukha niya sakin. Nang sobrang liit nalang ng distansya namin ay pinitik niya ako sa noo at lumipat sa unahan para magdrive.

"Silly girl" rinig kong bulong niya at inistart na ang sasakyan.

"Anong sabi mo?!"

"Ha?" tanong niya.

"Ang sabi ko anong--"

"Halaman" he said and chuckled so sexy. Kung di lang sana gwapo 'to, kanina ko pa siya binato ng sapatos ko.

"San nga kase tayo pupunta?" nakakainis na 'tong pangit na 'to.

"Makikita mo" inip ko siyang binigyan ng tingin at ipinikit ang mga mata. Tatadyakan ko talaga 'to! Ate!! Huhuhu. Help!!!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

:))