Chereads / Ocean of Lies / Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 6 - Chapter 5

"Malayo pa ba tayo?" tanong ko kay Axel at inip na tinignan siya. Halos thirty minutes na kaming bumabyahe pero di parin kami nakarating sa pupuntahan namin. Kanina ko pa nga siya tinatanong pero ang palaging sagot niya ay malapit na daw kami.

Makalipas ng napakahabang byahe ay nakarating kami sa...

"Hacienda... de La Pinta?" binalingan ko siya ng tingin at di ko mapigilang mamangha sa ganda at lapad ng hacienda. Kanino kaya 'to?

"Welcome to our hacienda" nakangiting sabi niya at inihinto ang kotse malapit sa isang lumang bahay.

"Sainyo 'tong hacienda na 'to?" di makapaniwalang tanong ko.

Well, I'm not expecting na may hacienda pala sila. I thought he is a ordinary person. I guess I am wrong.

"Actually ang lolo ko ang totoong nagmamay-ari nito pero nasa ibang bansa siya ngayon" tumango lang ako sa sinabi niya at agad na inilibot ang paningin.

Habang naglalakad ay sinalubong kami ng isang batang babae. Nagulat siya nang nakita niya kami at diretsong tumakbo papunta kay Axel at agad na binigyan ng yakap. 

"Kuya Axel!" masayang sabi nito habang binubuhat siya ni Axel. I smiled when she give me a glance at may binulong kay Axel.

"Jowa mo po ba yan?" bulong niya na rinig ko naman. Axel just gave her a laugh at agad siyang ibinaba galing sa pagkakabuhat.

"No I'm not!" sabi ko at tinignan si Axel na tumatawa ngayon. Batukan ko kaya 'to?

"Ay sorry po, akala ko po kase..."

"Wala akong jowa Sam" sabi nito sa bata at hinawakan ang kamay. "Nasan nga pala yung papa mo?"

"Nandoon po sa bahay, kinakausap si ate Lina. Tara po!" sabi nito at naunang lumakad.

"Sorry kung bigla kitang dinala dito"

"No, it's fine" sabi ko.

Nakarating kami sa isang magarang bahay at naabutan ang dalawang tao na nag-uusap sa balkonahe. I guess sila yung sinasabi ni Sam na papa niya at ang ate niya na si Lina.

"Oh hijo! Mabuti naman at nandito ka na!" bati ng isang matandang lalaki at lumapit sa amin.

"Opo tito, sorry kung ngayon lang" sabi ni Axel at hinawakan ako sa kamay. Nabigla naman ako sa biglaan niyang ginawa ngunit nginitian niya lang ako.

"Alyana, this is tito Jason at siya naman si Lina, kababata ko" sabi nito at itinuro si Lina.

"Hi, nice to meet you po" sabi ko at yumuko sa kanila.

"Alyana? You mean..."

"Ah opo tito, isa po siyang sikat na model"

"Pero ang balita ay naaksidente ka hija, kailan ka nakabalik?" tanong nito at iginaya kami sa loob ng bahay at pinaupo sa sofa.

"Actually, kahapon lang po.." binalingan ako ng tingin ni Lina at inilapag ang juice sa harapan ko.

"Ah tito, kamusta na nga po pala ang hacienda?" Axel try to change the topic and I am thankful dahil di na nila ako tinanong.

"Last week, may pumunta dito galing cebu. Sabi nila ay gusto ka daw nilang makausap tungkol dun sa shares mo sa kompanya nila."

Nakinig lang ako sa usapan nila ng biglang mag ring ang cellphone ko. I excuse myself to them at agad na sinagot ang tawag.

"Hello?..."

"...."

Naghintay ako ng ilang segundo pero wala paring sumasagot. Tinignan ko ang caller at napagtantong di naka register yung name ng tumatawag.

"Hmm sorry po, mukhang mali kayo ng tinawagan.." papatayin ko na sana ang tawag ng biglang magsalita ang nasa kabilang linya.

"Aya..." Sino kaya 'to? Hmm..

"Kilala niyo po ako?" tanong ko. Ilang segundo ang lumipas ngunit hindi na sumagot ang nasa kabilang linya. Nang tignan ko ay inend call na pala niya.

Weird.

Sino kaya yun? Boses lalaki pero parang matanda na. Paano niya kaya nalaman yung number ko at siyaka anong kailangan niya dahilan upang mapatawag siya?

"Hoy! Masyado kang tulala diyan" rinig kong sabi ni Axel at pumunta sa harap ko. Hindi ko maiwasang magtaka kung bakit nandito ako ngayon sa hacienda nila. To have some visit maybe? Pero bakit isinama niya ako dito?

"Axel, may tumawag kasi..." yumuko ako at nag-isip kung sasabihin ko yung tungkol sa tumawag.

"Tumawag san?" sabi niya at humikab.

"Wala psh!"

"See? Ikaw pa yung magsusungit, meron ka ba ha?" tanong niya at umupo sa isang duyan.

Di ko siya pinansin at umupo sa damuhan. Bumuntong hininga ako at ipinikit ang mga mata. I need some fresh air...

Gusto ko nang bumalik sa amin, hindi naman talaga ako dapat nandito diba? Dapat ngayon kasama ko na yung pamilya ko. Nakarating nga kami sa Iloilo pero sa maling bahay naman napadpad. I badly want to hug mom and dad, I miss them so much.

"Stop crying will you?" sabi ni Axel at naramdaman kong pinahidan niya ang aking luha.

Doon ko lang namalayan na basa na pala ang aking pisnge. Umiyak ba ako?

"Di naman ako umiiyak eh, napuwing lang"

"Paano ka mapupuwing eh nakapikit ka?" seryosong sabi nito at hinaplos ang pisnge ko. "Tell me, may problema ba?"

Napatitig ako sa mukha niya at nakita ang pag-alala nito. Imbis na sabihin sakanya ay isinandal ko ang aking ulo sa kanyang balikat.

"Walang problema Axel, pagod lang siguro 'to" sabi ko at naramdaman na inakbayan niya ako. Narinig kong humagikhik siya kaya inis ko siyang tinignan.

"Ano ba?!"

"Di ko alam na chansing ka pala hahaha" dahil sa sinabi niya ay binatukan ko siya.

"Depungal kang yawa ka! Lumayo ka sakin! Nandidilim ang paningin ko sayo!" pagtataboy ko sakanya ngunit tinawanan niya lang ako.

"Sus, ang sabihin mo.. teka may gusto ka sakin no?" tanong niya na ikinatawa ko.

"Ako? May gusto sayo? Gwapo ka nga pero walang wala ka sa mga asawa ko!"

"Asawa? May asawa ka na?" di makapaniwalang tanong niya.

Seryoso? Tinatanong pa ba yan? Malamang madami akong asawa! Sa kdrama palang at pagwawattpad psh!

"Oo bakit? Angal ka?"

"Asawa my foot. Umuwi na tayo, I mean iuuwi na kita" sabi nito at padabog na naglakad palayo. Problema nun?

Sinundan ko siya sa paglalakad at narinig na may binubulong.

"Asawa? Psh! Di hamak na mas gwapo ako dun! Teka, ba't ba ako naiinis? Eh ano ngayon kung may asawa siya?"

Kinalabit ko siya at agad niya naman akong tinignan ng masama.

"Ano ba?!" inis niyang sigaw sakin.

"Anong ano ba? Sinong kinakausap mo diyan? May pabulong-bulong ka pa" sabi ko kahit na narinig ko yung binulong niya.

"Wala naman akong binulong ah!" sabi niya at tinawag si Lina.

"Oh? Kailangan mo?" tanong ni Lina sakanya.

Tinitigan ko si Lina at napagtantong sobrang ganda niya. Maiksi lang yung buhok niya pero bagay na bagay sakanya. She has a long eyelashes and a pinkish lips. We have the same height too. Pwedeng-pwede siya maging model.

"Tigilan mo ko sa pagsusungit mo ah! Papadalhan kita ng allowance next week, kunin mo nalang dun sa bahay"

"Ilan yung ipapadala mo?"

"10k"

"Cool, thanks Axel" sabi ni Lina at sinuntok si Axel sa balikat. Natawa naman ako sa reaksyon ni Axel, for sure masakit yun.

"Aww Lina! Hindi na kita bibigyan ng allowance!" sabi ni Axel at lumapit na kami kay Tito Jason.

"Uuwi na ba kayo?" tanong nito sakin habang umiiling-iling na tinignan si Axel at Lina na naghahabulan sa loob ng bahay.

"Humanda ka talaga pag nahuli kita!" sigaw ni Axel kay Lina habang hinahabol ito. Tinawanan lang siya ni Lina at mas binilisan pa ang takbo.

"Opo, uuwi na kami.."

"Axel! Lina! Tama na yan!" suway nito sa dalawa at agad naman silang tumigil sa pagtakbo.

Pawisan si Axel nang lumabas kami ng bahay. Sino bang nagsabi na maghabulan sila? Psh! Childish amp.

"Sorry dun, wala ka nang pupuntahan?" tanong niya habang pinupunasan ang pawis niya.

He look so hot right now. Di ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sakanya ng biglang may bumaba sa isang itim na sasakyan at lumapit sa amin.

"Oh? Axel kamusta?" Shit! Don't tell me... Dahan-dahan akong humarap sa lalaking nagsalita.

"Ayos lang naman pre!" sabi ni Axel sakanya.

"Di ko alam na may kasama ka pala pre. Girlfriend mo?" dahil sa sinabi nito ay mas yumuko ako para di niya makita ang mukha ko.

"Girlfriend? Di ko siya girlfriend dude. By the way this is Alyana, Alyana meet Alexus my bestfriend" sabi ni Axel dahilan upang iangat ko ang aking paningin kay Alexus.

I'm doomed.

Bakit nandito si Alexus? Shit!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------:))