Pagkarating namin sa airport ay sinalubong kami ng maraming tao. Anong meron? Papasok na sana kami nang may humarang na media at tinapat ang mic niya sakin. I pannicked when other people start to throw questions. Like....
"Miss Alyana! Totoo po bang naaksidente kayo?"
"Ilang bwan po kaming walang balita sainyo matapos ang aksidenteng iyon. Pinagpatuloy niyo parin ba yung pagiging model niyo?"
Marami pang tanong ang ibinato nila sakin at nagpapasalamat ako na may dumating na mga nakablack suit at pinaalis ang mga media. Basing from their looks, I am sure na mga bodyguards sila.
"Are you okay?" tanong ni Alexus sakin. Nakita niya sigurong tulala ako parin ako dahil sa biglaang nangyari.
Anong ibig sabihin nito? Bakit nila ako tinatawag na Alyana at higit sa lahat sino si Alyana?
"I'm so sorry Madam, di na po mauulit. By the way, hinahanap na po kayo ng mommy nyo" sabi ng isa sa naka black suit at may itinurong itim na van.
"Sumunod po kayo sakin" sabi nito at inutusan ang mga kasama niyang kunin ang mga gamit namin.
"No! Wait!" pagpigil ko sakanila bago pa sila makalapit.
"Can someone explain what the fuck is happening here!?" i said out of frustration. Natulala ang mga bodyguards sa sinabi ko at nagtinginan sila na parang nag-uusap.
"Ang sabi ko po ay sinusundo namin kayo dahil hinahanap na po kayo sa mansyon" sabi nung isa. Wtf? Mansyon? Kailan pa kami nagkamansyon dito sa iloilo?
"Teka lang po ah?" singit ni tita at binigay si edna kay ate. "Mukang nagkakamali kayo ng sinusundo, ellaine po ang pangalan ng pamangkin ko at siyaka sino kayo? Wala naman kaming tauhan na sinabing susundo samin dito?" tanong tita na parang naguguluhan.
"Sumunod po kayo samin at siyaka si Madam Amber nalang po ang magpapaliwanang" sabi ng isa pang bodyguard. Napagtanto kong one, two, three, four... sampo?! Sampo ang nakabantay samin ngayon! Inilibot ko ang aking paningin at may nakita akong mga taong nagkukumpuluhan pero malayo sa amin.
"Tara na po" wala na kaming nagawa nang ipinasok na nila sa van ang aming mga gamit.
Matapos ang isang oras na byahe ay nakarating kami sa isang bahay, no i mean mansyon. There's a fountain in front of the mansion and I can say that this is a house of a billionare! Different kinds of cars are parking outside the mansion. Di ko mapigilan ang mamangha sa kagarahan ng mansyong ito.
"Ellaine" tawag ni tita sakin habang papasok kami sa gate. "May alam ka ba tungkol dito?" tanong ni tita at bumuntong hininga.
"No tita, di ko alam na ganito, I mean I am not expecting na susunduin tayo ng mga bodyguards na yun and they even call me alyana! Ni hindi ko nga kilala kung sino yun!" sabi ko sabay tingin kay ate na nakanoot ang noo na parang may iniisip.
"Bakit ka naman nila tatawagin na alyana? Magkaparehas ba kayo ng mukha? Eh ang pangit mo" sabi ni ate sabay tingin sakin ng seryoso.
"Shut up!" i said and glance at Alexus.
Tinignan niya din ako pero walang lumabas na salita sa mga bibig niya. Iniwas ko ang aking paningin at pumikit para makapag-isip-isip. Lord? Can you give me a clue what is really happening right now?
Nang makarating kami sa tapat ng mansyon ay pinagbuksan kami ng pintuan ng sasakyan. Nakita kong may nakapilang mga maids sa pintuan ng mansyon at mga body guards na nakapaligid sa amin ngayon. Iginaya kami ng isa sa mga maids na pumasok.
"Maligayang pagbabalik Ma'am Alyana" sabay-sabay na sabi ng mga maids at yumuko sa amin. Tinignan ko si ate ng naguguluhang tingin pero nakita kong nagkibit balikat siya. Di ko pinansin yung mga maids at nagsimula na kaming pumaso loob. Pagkatapak ko sa loob ay sinalubong ako ng maliit na batang babae at tumatakbong pumunta sa akin.
"Ate! Huhuhu! I miss you ate!" sabi niya at niyakap ako ng napakahigpit. Base sa itsyura niya ay tansya kong nasa 6 or 7 years old na siya.
"Hi?" patanong kong sabi sakanya na ikinabigla niya.
"Ate! Ikaw nga!" sabi niya ng nakangiti at hinila ako papuntang dining area. Buti nalang talaga at hindi ako nasubsob sa bigla nyang pagkahila sakin kundi babatukan ko talaga 'to.
"Oh my god! Princess!" sabi ng isang napakagandang babae pero halata sa itsyura ang katandaan nito, pumunta siya sakin at yumakap ng napakahigpit.
"Alam mo bang sobra kaming nag-alala dito ha?" sabi niya habang tinitignan ang buong katawan ko na parang may sinusuri kung may sugat ba ako o ano.
"Who are you?" tanong ko sakanya. Bigla siyang napaatras sa tanong ko.
"What do you mean Princess? Hindi mo ba ako kilala?" tanong niya na siyang ikinailing ko.
Nakanoot noo kong inilibot ang aking paningin sa loob ng mansyon at nakita sila tita, ate at alexus na nakaupo sa sofa at nakatingin sa amin.
"I am your mother" ani niya. Nabalik ang atensyon ko sakanya nang sinabi niya iyon.
"Ikaw po? Mommy ko? Paano?" naguguluhan kong tanong. Nagbuntong hininga siya bago hinawakan ang aking kamay.
"Ano ba talagang nangyari sayo? Alam mo bang missing ka ng 3 buwan sa lugar na ito? Ni anino mo wala kaming nakita simula nung nalaman naming naaksidente ka papuntang manila" pagpapatuloy niya na dahilan upang mapaupo ako sa sahig. Manila? Aksidente?
"Wala po akong alam sa sinasabi niyo" sabi ko at yumuko. Ano ba talaga ang nangyayari dito? Panaginip ba ito? Tinampal ko naman aking aking pisnge para icheck kung totoo nga pero nakaramdam ako ng sakit, ibig sabihin totoo.
"Don't worry Princess, alam kong na trauma ka dahil sa nangyari pero tutulungan kitang makarecover okay? Magpahinga kana muna doon sa kwarto mo, alam kong pagod ka" sabi niya at tinawag ang isa sa mga maids at inutusan na dalhin ako sa kwarto ko.
"Sige po madam, masusunod po" sabi niya at nauna nang lumakad. Sinabihan niya akong sumunod sakanya kaya nagsimula na akong umakyat sa napakahabang hagdan nila.
"Hmm pwede po bang magtanong?" tanong ko habang lumalakad paakyat.
"Bakit po ako nandito?"
"Iha, hindi ko rin alam yung nangyayari pero ang alam ko lang ay hindi ikaw si Alyana" sabi nito na siyang ikinagulat ko. Alam niya?
"Nung una kong kita sainyo ay akala ko na ikaw siya, magkamukhang-magkamukha kayo pero nagbago yun nung tumalikod ka. May birthmark si Alyana sa braso samantalang ikaw wala, kaya dun ko nakompirma ang lahat" huminto kami sa isang kwarto at hinarap ko siya.
"Pwede niyo po ba akong matulungan?" tanong ko sakanya na siyang ikinangiti niya.
"Alam kong sasabihin mo yan pero sige, papayag ako ngunit sa isang kondisyon" seryoso niya akong tinignan sa mga mata bago muling nagsalita.
"Ano po yun?" kinakabahang tanong ko dahil sa seryoso niyang titig.
"Huwag mong sasabihin sa iba na alam ko kung sino ka at kung ano ang tunay mong pagkatao" sabi niya na siyang ikinatango ko. Di ako sigurado pero alam ko na makakabuti kung susundin ko siya. Nagpaalam na akong papasok sa kwarto ngunit bago ko mahawakan ang door knob ay tinawag niya ulit ako.
"Iha, may hihilingin sana ako" sabi niya at hinawakan ang dalawa kong kamay.
"Magpanggap kang ikaw si Alyana" huling sabi nito at umalis. Ano daw?! Ako? Magiging Alyana? Seryoso?
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
:))