Chereads / In Case You Forget Me / Chapter 13 - I Love...

Chapter 13 - I Love...

*Ryan's POV*

I wanted to talk to Charm about what happened. Pero hindi ko alam kung karapatan ko bang malaman yung sagot sa mga tanong ko.

I looked at Ivy. She seemed different.

She didn't say anything nung pauwi kami galing sa ospital when Nathan woke up. Alam kong nagulat siya sa nangyari. Kahit naman ako, hindi ko rin inasahang makakalimot siya.

We were eating inside the cafeteria.

"Charm, kamusta na si Theia?" Erica asked. "Hindi parin ba siya papasok?"

"You both skipped classes last Monday and until now hindi parin siya nagpapakita." Sabi naman ni Ken. "But you're here at hindi rin naman pala-absent si Theia. Unless.. may sakit siya?"

"She's okay." Sagot ni Charm. "She just need to rest for three days."

"Three days?" Gavin asked.

"Bakit ang tagal??" Erica looked anxious. "Is it serious?"

Binaba ni Charm yung kutsara at tinidor na hawak niya and that made us look at her.

Seryoso nga ba talaga?

"She fainted yesterday."

"Ha?" Hindi ko inasahang yun yung sasabihin niya. "What happened? Bakit siya nahimatay?"

She fainted? That's impossible.

Ngayon lang siya nahimatay ulit at wala nang dahilan para mangyari yun.

Magaling na si Theia.

"Pagod at puyat daw yung dahilan sabi ni Dra. Suarez."

Dra. Suarez? Si Tita Ella yun..

"Isn't that alarming?" Ken asked. "Hindi naman normal na mahimatay ka ng basta basta."

"Don't worry. We made sure nacheck up siya." Sagot ni Charm. "Kailangan niya lang talaga magpahinga."

"Siguro dahil sa nangyayari kaya siya nahimatay.." Erica said. "Sana magising na si Nathan."

Hindi pa nila alam na hindi na yun yung problema ngayon.

"Oo nga pala." Napatingin sa'kin si Ken. "Diba pumunta kayo sa ospital ni Ivy the same day na nagskip ng classes sila Theia?"

Vin nodded. "Kamusta? Hindi parin ba siya nagigising?"

"He's awake." Sagot ko

Pero yun lang yung kaya kong sabihin sa kanila.

"Talaga?" Erica smiled at us. "That's great news! Matagal na siyang hinihintay ni Theia. Buti nalang nagising na siya diba, Charm?"

Ngumiti lang si Charm pabalik sa kanya at tumingin sa'kin. Maybe she wants me to say something.

Pero ano? Na may amnesia na si Nathan? How could I say that? I don't have the courage to tell them what happened that day.

"So, kailan tayo pwedeng dumalaw?" Tanong ni Vin. "I really want to see Nathan. I want to see him awake. Malamang na-miss niya tayong lahat."

"Na-miss ka dyan. Paano niya tayo mamimiss?" Sabi ni Ken sa kanya. "I'm sure he doesn't even remember na naaksidente siya."

*clink*

I couldn't move.

Alam niya ba? But how? I'm sure wala pang nagsasabi sa kanila.

We just stared at him.

"What??" Napatingin din siya sa'min. "Bakit ganyan kayo makatingin?"

"What are you talking about?" Charm asked. "Anong sinasabi mong hindi niya na maalalang naaksidente siya?"

"Diba kapag naaksidente ka, you don't usually remember how long you were unconscious right? Maybe the same thing happened to him." Sabi niya. "Kaya paano niya tayo mamimiss kung hindi niya naman maalala na tulog siya for more than two weeks?"

Akala ko naman alam niya.

Agad uminom si Charm ng juice.

Nakita ko namang tumungo si Ivy at pag-upo niya, may hawak siyang kutsara. Sa kanya pala yung narinig kong nahulog kanina.

"Bakit?" He looked at us. "May mali ba sa sinabi ko?"

"Wala." Sabay naming sagot ni Charm.

"Ang weird niyong dalawa ha." Sabi ni Erica. "Pati rin ikaw, Ivy."

"Anong weird?" Sabi ko. "Si Kenneth kasi kung ano anong sinasabi wala namang sense."

"May sense kaya." Sabi niya. "Tama naman ako diba?"

"I agree with you, mine." Sagot ni Vin. "May mali talaga sa tatlong to."

"Hindi kaya.."

Pabalik balik yung tingin ni Erica sa'ming tatlo when the bell rang. I automatically stood up.

"Saan ka pupunta, Ry?" Tanong niya. "We're not yet done talking."

"Mamaya na yan. May after school activities pa tayo."

"So when are we going to visit him?"

I don't know if it's a good idea to visit right now.

I looked at Charm. Sana may maisip siyang excuse para hindi muna sila tumuloy sa ospital.

"Wag muna ngayon."

"Why not?"

"He still needs to rest." Sagot ko. "We'll visit him kapag pwede na."

Erica nodded. "Baka gusto rin ni Theia na makasama muna siya."

"Tara na, Bro." Tumayo na sila ni Vin. "Sasabay ka ba sa'min pumunta sa gym o mauuna na kami?"

"Una na kayo. Susunod nalang ako." Sagot ko habang naglalakad kami palabas ng cafeteria.

"Charm, sabay na ko sa kanila ha." Sabi ni Erica. "May meeting pa kasi kami."

"Sige, ingat kayo."

"Mahal." Napatingin ako kay Ivy.

Minsan niya lang kasi ako tawagin ng ganun at sa minsan na yun, lagi akong kinakabahan.

"I'll just go to the cr."

I nodded and watched her walk away.

"Ry, una na ko." Sabi ni Charm. "Kailangan kong umuwi ng maaga sa bahay."

"Wait. We need to talk, Charm."

***

"Sigurado ka bang ayaw mong ihatid kita?"

Hindi rin kami sabay pumasok kanina. I went to her house pero umalis na daw siya sabi ng ate niya.

"Mahal, wag na." Sagot niya. "May practice ka diba? Baka malate ka pa."

"Okay lang namang ma-late kahit saglit lang."

"Mahal, don't worry." Sabi niya sa'kin. "I'll be fine on my own at isa pa, tinawagan ko na naman si Kuya Ben. Nagpasundo na ko sa kanya."

"Are you sure about this?"

Hindi kasi ako sanay na iwanan siyang mag isa.

She smiled. "Oo naman. Tatawagan kita agad pag uwi ko sa bahay."

A black car stopped right in front of us.

"Diretso uwi ka na, mahal. Make sure to call me."

She nodded at hinalikan ako sa pisngi.

"Bye, mahal."

"I love.." Bago ko pa matapos yung sasabihin ko, nakasakay na siya.

I just waved my hand hanggang sa makaalis na sila. I continued staring at the place where the car disappeared.

I'm sure narinig niya yung pinag usapan namin ni Charm kanina. Hindi man lahat, sigurado akong narinig niya yung ginawa ni Nathan kay Theia.

She was there.

Nakita ko siya and the thought made me frightened.

I'm still here, standing. Nakatayo lang ako sa lugar kung saan niya ako iniwan.

Simula nung naging kami, for the first time, I felt scared.

***

Kakatapos lang ng klase at lahat sila nagsialisan na para mag-lunch.

"Ano bro? Kakain ka ba?" Tanong sa'kin ni Ken

"Susunod nalang ako sa inyo."

Hindi pa kasi ako tapos na mag-ayos ng gamit ko.

"Punta ka na agad ha!" Sabi ni Vin. "Baka maubusan ka ng lunch, bro!"

"Una na kami, Ry." Sabi ni Erica kasabay si Charm.

Pagkatapos ko magligpit, napatingin ako kay Ivy. Nakaupo parin siya at nakayuko sa upuan niya.

She doesn't look okay.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Ivy?"

I walked towards her but she took me by surprise nung bigla siyang tumayo at niyakap ako.

Umiiyak nanaman siya.

Kaibigan ko siya and I like her. I didn't confessed my feelings dahil sila ni Nathan at alam kong mahal nila ang isa't isa. Bukod dun, he was also a friend.

I never asked her the reason kung bakit siya umiiyak, kasi alam kong siya mismo yung magsasabi sa'kin kapag kaya niya na.

"We broke up." Sabi niya. "I told him that I don't feel the same way anymore.."

Pag umiiyak siya, si Nathan ang palaging dahilan.

"Shh.."

"Nawawalan na siya ng oras sa'kin." Sabi niya. "Naiintindihan ko naman yung sitwasyon ng kapatid niya pero f*ck ayoko nang maghintay."

"Naiintindihan mo ba ako, Ry?" Sabi niya. "Gusto ko lang ring mahalin ako ng tao. I don't want to beg for something I deserve."

I pulled her out of my arms and kissed her. I poured all the love I felt for her and she responded. She held my face and pulled away from the kiss.

"Do you love me, Ryan?"

Tears kept falling from her eyes.

I wanted to wipe those tears away.

I wanted to be someone who will never make her cry.

"Yes." I said. It's now or never. "I love you, Ivy."

"I'm yours then."

Ang bilis lang ng pangyayaring yun. Naging kami ng biglaan. Nagulat rin silang lahat nung nalamang kami na. Nathan even congratulated us.

After that, hindi ko na ulit nakitang umiyak si Ivy dahil sa kanya.

Tulad rin ba nung naging tayo, mabilis lang rin ba tayong maghihiwalay?

******

*Charm's POV*

"Ma'am Charm?"

Napatingin ako sa kay Kuya Sid. Nasa labas na siya ng kotse at napagbuksan niya narin ako ng pinto.

"Nasaan po tayo?"

"Nasa bahay na po."

"Ay, haha. Thank you, Kuya."

Kinuha ko agad yung bag ko at tumakbo papasok sa bahay. Nakaready na yung maleta nila Mommy at Daddy sa sala.

I kissed them both on their cheeks.

"Ilang days po kayo dun?"

"Mga 2 or 3 weeks rin, baby." Sagot ni Mommy.

"Ikaw na muna bahala kay Cy ha."

"Hindi pa ba po siya umuuwi?"

"Hindi pa. May kailangan daw siyang tapusin na project." Sagot ni Daddy. "Mag-iingat kayonh dalawa dito."

"Mag-iingat rin po kayo." Sabi ko. "Wag po kayong pupunta sa site ng hindi nakasuot ng protective gear okay? It's dangerous."

Natawa naman silang dalawa.

"Hala, seryoso kasi, Mommy at Daddy. Wag po kayong makulit dun ha."

"Ikaw, talaga." Sabi ni Daddy. "Opo, mag iingat kami. Kayo rin ni Cyril okay?"

"Yes, Daddy. I love you both."

"We love you too, baby."

"Ma'am, okay na po."

"Thank you, Sid." Humarap sa'kin si Mommy. "Ingat kayo, baby. Tawagan niyo kami anytime, okay?"

I nodded at niyakap ko sila parehas.

"Bye."

I took my phone and dialed Tita Cam's number.

*Calling Tita Cam*

"Hi, Charmaine."

Consistent talaga si Tita sa pagtawag sa'kin ng Charmaine. Siya lang gumagawa niyan.

"Hi, Tita." I smiled. "Can I ask you a favor?"

"Of course, Charmaine. Kahit ano, you just have to say it." Lalong napalaki yung ngiti ko.

This is what I love about Theia's family.

Kung tratuhin nila ako, the same way my parent's treat Theia. Parang tunay na anak.

"Pwede po bang..."

******